Napangiti si Loraine habang papunta sa harapan ng buong klasi. Excited na syang basahin sa harapan ng lahat ang ginawa nyang salaysay tungkol sa kanyang pinakamatalik na kaibigan. Filipino time nila ngayon, at dahil tungkol sa magkakaibigan ang kwentong pinag-uusapan nila, kaya ang assignment sa kanila ng guro nila, ay isang salaysay tungkol sa kanilang matalik na kaibigan. At isang- isa ipinabasa nito sa harap ng buong klasi ang kanilang assignment. Karamihan sa mga kaklasi nyang mga babae ay excited rin, alam kasi ng mga ito kung sino ang kanyang bestfriend.
“Ang Pinakamatalik kong Kaibigan”. Panimula nya. Nagsimula na sya sa pagbasa, habang nagbalik tanaw sa ilang sa mga alaala nila ni Zac.
“…laging matatamis na mga salita ang nariring ko mula sa kanyang labi..”
Kasalukuyan silang nasa kwadra ni Zac, mahilig kasi ito sa mga kabayo at mula pa ng nung bata ito ay magaling na itong sumakay ng kabayo. Nakasiksik sya sa balikat nito, matatakutin kasi sya sa mga kabayo.
“Ngayon araw na ‘to ay tuturuan na kitang sumakay ng kabayo, para hindi kana makikisakay sa akin.” Kaswal na sabi nito.
“Zac naman—makikisakay nalang ako sayo forever.” Mas lalo pa syang kumapit sa bisig nito. “Alam mo naman natatakot ako sa mga kabayo.”
Binalikwas nito ang mga kamay nya na nakakapit sa bisig nito. “Bumitaw ka nga sa akin.” Tila may inis ang boses nito na wala syang pakialam dahil again, sanay na sya, mas lalo pa syang kumapit dito. “Ang duwag mo talaga."
Dahil sa kahaba- haba ng sapilitan kaya kahit takot na takot ay sumunod nalang sya sa gusto ni Zac, pero hindi talaga sya makasampa sa kabayo, lalo pa at mukhang galit sa kanya ang kabayong sinasabi nito na mabait.
“Bakit ba ang hirap mong turuan?” reklamo sa kanya ni Zac, iritang- irita na kasi ito sa kanya, pero wala parin syang pakialam dahil sanay na sya.
“Talagang natatakot ako sa kabayong ito, eh!” reklamo nya.
Nagsalubong na naman ang mga kilay nito. Maya’t- maya lang, nakita nya si Clouie na tinuruan ng ama na sumampa sa kabayo, at walang kahirap- hirap na nagawa nito ang makasampa. Si Clouie ay nakakabatang kapatid ni Zac, halos kasing edad lang nya ito.
“Sa tingin mo Zac—bakit kaya kay dali lang ni Clouie ang makasampa sa kabayo?”
“Kasi matangkad sya.” talagang kaswal lang na sabi nito.
Inis nya itong tinignan pero wala talagang ekspresyong ang guapong mukha nito.
“Anong ibig mong sabihin-- matangkad sya at ako ay----“
“I don’t need to say it Loraine—alam mo na yon.”
Talagang ipinamukha nito ang pagiging pandak nya. Inis nya itong tinalikuran. Hindi talaga nya mapigilan ang mapikon dito paminsan- minsan, pero wala naman itong pakialam kung napipikon na sya.
“Ewan ko sayo—aalis na ako.” inis na sabi nya dito, at dahil wala sa tamang pag-iisip, kaya hindi nya napansin ang malaking bato kaya sa malas ay---
“Aray! Ang sakit.” Reklamo nya. Natapilok kasi sya. Hindi na ito bago sa kanya, lagi talaga syang natatapilok lalo na kung naiinis sya kay Zac.
Agad naman lumapit sa kanya si Zac.
“Duwag na nga, lampa pa.” kaswal lang na sabi nito, saka sinurvey nito ang kanyang paa. Wala naman syang galos pero mukhang hindi pa nya kayang maglakad. Tumalikod ito, and bend his knee a little. “Sumampa kana.” Ani nito. Tinulungan sya nito na para makasampa sa likod nito. Hindi na ito bago. Lagi na syang naka- piggy back dito mula pa noon.
“Ang bango- bango talaga ng bestfriend ko.” inamoy- amoy pa nya ang leeg nito. Nakasampa na sya sa likod nito.
“Loraine!” saway nito sa kanya. Napangiti sya. Nagsimula na itong maglakad.
“Ayaw ko talaga sa kabayo Zac—dahil para sa akin, ikaw ang kabayo ko Zac.” Pagbibiro nya dito na may halong totoo.
“Ano?” may pagka-irita ang boses nito.
Napatawa sya ng mahina.
“Nagbibiro lang—I love you Zac." hindi na ito kabigla- bigla. Mula pa nung bata sya, sa pagkaalala nya, mula ng nagkaroon sya ng muwang, siguro 3 years old sya. Lagi na syang nag- I love you kay Zac. Nung bata pa kasi sya, talagang nagsasabi sya ng I love you sa mga taong gusto nya. Nakalakihan lang nya na sambitin ito kay Zac. Maliban kasi sa momshie at papsie nya, si Zac ang hindi nang- iwan sa kanya at gustong- gusto nya ito kahit napakasuplado pa nito.
“… talagang hindi nya nakakalimutan ang mga mahahalagang araw sa aking buhay…”
“Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?” napabalikwas ito ng bangon ng palundag syang tumabi dito. Excited kasi sya. Nakita nya na wala itong suot na pang-itaas. Hindi sya naiilang, kasi sanay na sya na makita itong walang damit sa itaas na bahagi ng katawan nito. Lagi nga nya itong nakita na naka- swimming trunks lang.
“Wow, ang macho talaga ng bestfriend ko.” hinagod pa nya ito ng tingin. Well, nasanay na ito sa kanya. “Pwede pahimas ng malapad mong dibdib.” Biro nya dito. May pagkapilya talaga sya, dahil siguro lumaki sya na kasama puro mga bakla, kaya nga walang preno ang bibig nya kung minsan.
“Loraine—“ saway nito sa kanya. Saka ito kumuha ng T-shirt mula sa cabinet nito, saka isinuot iyon. At umupo ito sa sofa na naroon. Umalis sya mula sa kama nito. Saka sya tumabi dito.
“Zac—alam mo ba kung anong araw ngayon?” panimula nya sa pagpapaalala nya dito. Talagang sobrang inilapit nya ang sarili dito, nakahawak pa ang kamay nya sa bisig nito at idinikit ang ulo nya sa balikat nito. Buti nalang, hindi ito nagreklamo.
“Sabado.” Maikling sagot nito.
“Alam mo bang Valentines day ngayon?” nakangiti nyang sabi dito.
“And so?” nakataas pa ng bahagya ang isang kilay nito.
“Hindi mo naalala kung anong meron sa Valentines day?”excited na tanong nya.
Hindi mo na ito sumagot at tila nag-isip pa.
“Mga taong baduy na nagbibigay ng mga bulaklak sa mga girlfriend nila at sa mga nililigawan nila, tapos magkakahiwalay din naman.” Kaswal na sagot nito.
“Ito naman—wala ka nang naalala sa Valentines day?”itinago nya ang tampo.
“Bakit meron paba?”
Bahagyang lumayo ito sa kanya, saka ito humiga sa sofa at ginawang unan ng ulo nito ang kandungan nya. Lagi naman nitong ginawang unan ang kandungan nya. Kaya sanay na sya.
“Masahiin mo nga ang ulo ko. Sumasakit-- kasi ginising mo ako kahit antok na antok pa ako.” kaswal na pag-uutos nito sa kanya.
Inis nya itong tinignan, pero sinunud naman nya ang inutos nito.
“Kainis ka talaga Zac—hindi mo na naman naalala na birthday ko ngayon.” pagtatampo na sabi nya dito.
“Oo nga pala. Birthday mo nga pala.” Kaswal na sabi nito, hindi man lamang nahabag sa pagtatampo nya. “Happy Birthday bestfriend!” wala man lamang ka-sweet- sweet na sabi nito.
“If I know wala ka naman regalo sa akin at hindi mo na naman ako bibigyan ng bulaklak.” Kahit nasanay na sya, hindi talaga nya mapigilan ang magtampo.
“Diba, may secret admirer ka naman na laging nagbibigay ng regalo at bulaklak sayo tuwing birthday mo. So, hindi mo na kailangan ang mga ibibigay ko.” mahabang sabi nito. Totoo naman yon, mula nung 10 years old sya, may sekreto nang nagpapadala sa kanya ng mga ganun-ganun, kaya tinawag nalang nya itong secret admirer. Pero, iba parin pag galing kay Zac.
Inis na talaga sya dito.
“Ewan ko sayo—“ pabigla syang tumayo. Nahulog tuloy ito ng bahagya mula sa sofa. Inis nya itong nilayasan.
“Loraine!—“ tawag pa nito sa kanya. Nilingon nya ito, saka tinaasan ng kilay. Nag- aaway talaga sila pag birthday nya dahil lagi nitong nakakalimutan ang birthday nya, samantalang sya, ilang araw bago ang birthday nito, hindi na sya mapakali sa kakaisip kung ano ang ireregalo dito. Kainis, hindi pa ito mag- so- sorry sa kanya. Sya pa ang laging nakikipag- bati dito kahit ito naman ang may kasalanan sa kanya.
-
-
Daily update na ito. 2 to 3 chapters everyday..thanks sa mga readers until now.