LMB 2.2

1899 Words
“…maliban sa mama at kapatid nya, mas inuna nya ako kaysa sinong babae na nakilala nya.” Inis na inis si Loraine, kanina pa nya hinahanap si Zac, kasama nya ito. Kasalukuyan silang pumunta sa GMALL center, ito ay isang malaking mall na nasa San Bartolome. Hindi talaga nya nakita ito. Saan kaya ito nagpunta? Kinuha nya ang cellphone nya mula sa bag nya. Saka tinawagan ito. Pero naka-ilang dial pa sya nito, saka sinagot nito ang tawag nya. “Bakit ba?” tila ito pa ang galit “Saan kana?” itinago ang inis sa boses. “Pauwi na.” matipid na sagot nito. “Anong pauwi na? Iniwan mo ako dito?” laking mata na tanong nya dito. “Oo nga pala--- nandyan ka nga pala sa mall. Nakalimutan ko kasi.” kaswal lang na sambit nito. “Kahahatid ko lang kasi kay Bea sa bahay nila.” dagdag pa nito. Nainis sya ng sobra. Si Bea ay ang recent girlfriend nito. Hindi nila ito kasama kanina, pero bigla nalang itong dumating, mukhang pinapunta ito ni Zac, at halos ang mga ito na magkasama. Nakalimutan na sya nito pero okay lang, nasanay na sya. “Zac naman oh!—talagang kinalimutan mo na ako.” may halong pagtatampo ang boses nya. “Babalikan nalang kita dyan.” “Wag nalang.” Itinago nya ang tampo. “Kaya ko na.” “Okay." Inis nyang tinapos ang tawag. Akala pa naman nya pipilitin sya nito. “….at pag may sakit ako. Talagang kung todo syang mag-alala sa akin.” “Yan kasi, sinabi ng hindi magpapaulan--.” Reklamo nito sya kanya at talagang sya ang sinisisi nito sa nangyari sa kanya.”--ang tigas kasi ng ulo mo. Kasalanan mo yan kung bakit ka nagkasakit.” Maya’t- maya lang, naring nila na may kumatok sa pinto ng kwarto nya. Agad naman itong tumayo mula sa kinauupuan nito. “Bro, anong ginagawa mo dito?” pagtatakang tanong ni Zac sa kanyang bisita. “Sinong bisita ko?” tanong nya dito. “Bago mong bestfriend—“ nakalingon na sagot nito. Nakasimangot ako at nagsalubong na naman ang makakapal na kilay. Bahagya nyang inaangat ang ulo para masilip ang dumating na bisita. “Brat!” hindi makapaniwalang sambit nya. Hindi nya ito close noon, pero biglang- bigla nalang itong nakikipag-close sa kanya nang nakita nito ang matalik nyang kaibigan babae na si Elisse. Pinsan ni Zac si Brat. “Nandito kaba para palakasin ang loob ko, hindi tulad ng ibang tao dyan. Akala ko nag-alala talaga sa akin. Yon lang pala, pinuntahan lang ako dito para awayin.”paririnig nya kay Zac, mas napasimangot si Zac sa kanyang sinabi. “Kasalanan naman nya at ng girlfriend nya kung bakit ako nagkaganito.” “Actually—may kasama ako.” ani ni Brat. Saka ito bumaling sa kasama nito na nasa likuran nito. “Elisse!” masayang sambit nya. Masaya talaga sya dahil nakita nya ito. Bakit kaya magkasama ito at si Brat? Akala ba nya galit ito kay Brat. Bumango pa sya sa kama para salubungin sana ito, pero sa malas nahulog sya mula sa kama. “Aray!” reklamo nya. Agad naman syang nilapitan ni Zac. “Yan kasi, matigas na nga ang ulo, ang lampa- lampa pa.”galit na naman na sabi nito, saka sya pinangko nito at inilagay muli sa kanyang kama. Sanay na sanay na talaga sya dito. “Salamat talaga Zac, ramdam na ramdam ko talaga ang pagkaalala mo sa akin.” Totoong sabi nya kay Zac na nagpatawa kina Elisse at Brat. “Buti naman nandito ka Elisse—“ baling nya sa kaibigan. “Halos mabibingi na kasi ako sa boses ni Zac. Kanina pa ako pinagalitan, tapos kasalanan naman nila ng girlfriend nya kung bakit ako nababasa sa ulan.” Mahabang sabi nya na kay Zac nakatingin. Nagsalubong na naman ang mga kilay ni Zac. Halos nagningning pa ang mga mata ni Elise habang nakatingin kay Zac. Crush na crush kasi nito ang kanyang bestfriend. “At bakit kasalanan namin ni Freda ang nangyari sayo?” “Kasi, kinuha mo ang payong ko at pinagamit mo sa Freda na yon. Diba, Elisse, kasalanan nya?” puna nya dito. Tahimik lang si Brat na nakatingin kay Elise. Nakaupo si Brat sa side chair, habang si Elisse naman ay nakaupo sa gilid nya, si Zac naman ay nasa silya na nasa gilid ng kama nya nakaupo. Hindi makasagot si Elisse. Siguro, napatulala na naman ‘to sa kaguapuhan ng bestfriend nya. Well, isa lang naman sya taga-suporta ng Elisse at Zac love story. “At talagang idinamay mo pa si Elisse.” Buo na sabi ni Zac saka bumaling kay Elisse. “Sa tingin mo Elisse, sino kaya sa amin ang may kasalanan? Sinabi ko sa kanya na hihintayin nya ako sa loob ng gym, dahil babalikan ko sya. Pero, pag balik ko doon, wala na sya kasi hinintay nya pala ako sa parking lot at nagpapaulan talaga.” Mahabang sabi ni Zac. Hindi parin nakasagot si Elisse. Inirapan nya si Zac. “Hi Brat! Nandito kaba para bisitahin ako?” puna nya sa tahimik na si Brat. “Oo sana.” Maikling tugon ni Brat. “Ganun naman pala---“ saka lihim nyang kinidhatan si Elisse, may nais kasi syang ipakahulugan na mukhang hindi nagets nito, kaya pasimpleng inilapit nito ang tainga sa bibig nya. “It’s your chance para magpa-cute kay Zac—“ bulong nya dito. Napansin nya ang lihim na pangiti nito. “Ah--- Zac and Elisse, pwede iwan nyo na kami ni Brat—“ aniya na tila ikinaasim ng mukha ni Zac, talagang strict ito sa kanya pagdating sa pakikipaglapit sa mga lalaki. “—may pag-uusapan lang kami ni Brat—“ “Anong pag-uusapan ninyo?” kunot- noo na tanong ni Zac. “Tungkol sa future namin ni Bret.” Nakangiting sabi nya. Si Bret ay ang nakakabatang kapatid ni Brat na crush na crush nya, dahil hawig ito kay Zac. Napansin nya na padabog na lumabas si Zac, maang na napasunod si Elisse dito. “Goodluck!” pahabol na sabi nya kay Elisse. Napatingin si Elisse kay Brat, ngumiti lang si Brat. “….at lagi nya akong tinulungan sa mga assignment at sa pag-aaral ko.” Kasalukuyan silang nasa tree house na nasa loob ng Villa Del Fuengo. Pag-aari ito dati ng daddy nito, pero ngayon si Zac na ang laging gumagamit nito. “Zac, tulungan mo na ako sa assignment ko.” medyo mahina sya sa Trigonometry. Nakahiga lang ito sa isang maliit na kama na nandoon, habang naglalaro ng mobile legend sa cellphone nito. “Kanina kapa dyan. Hindi ka parin tapos?” sabi nito na hindi man lamang nag-abalang sumulyap sa kanya. “Hindi ko kasi makuha- kuha.” Sagot nya. “Tulungan mo naman ako.” “Busy ako.” matipid na sagot nito, at sa paglalaro parin ang pokus. “Zac naman---“may halong pagmamakdol nya. “Hindi ba yang dini-discuss ng guro nyo?” nasa laro parin ang pokus. “Diniscus naman—kaya lang talagang ang hirap pala nito.” Matalino naman sya kahit papaano. Kaya lang may kahinaan din sya. Hindi tulad ni Zac na parang kayang- kaya ang lahat. “Pag tutulungan kita para narin hindi ikaw ang sumagot dyan.” Inis syang napatingin dito. Talagang ang hirap nitong paki-usapan. “Ikaw ha—basta girlfriend mo, agad-agad mong tinutulungan. Tapos ako----“ “Dahil girlfriend ko lang sila—at ikaw bestfriend ko.” sa laro parin ang pokus nito. “Dahil mahalaga sila at ako hindi.” Hinaluan na nya ng drama ang pagmamakaawa dito. “Kaya nga hindi kita tinutulungan dahil mas mahalaga ka sa kanila.” Kaswal na sabi nito, na nasa paglalaro parin ang pokus. Talagang ganito ito lagi. “Ewan ko sayo—wala talaga akong halaga sayo.” mas pinalungkot pa nya ang boses. Padabog itong napatayo, saka itinuon sa kanya ang pokus. “Fine.” Tila may inis pa sa boses nito. Lihim syang napangiti. Tutulungan naman sya nito sa bandang huli, pero kailangan muna nya itong dramahan ng todo- todo. “I love you Zac!” sabi nya dito nang nakalapit na ito sa kanya. Kaswal lang sya tinignan nito “…at yon mga pangarap namin ay parang mag-asawa. Magkasama at magkadugtong.” “Zac, ano ang gusto mong kunin na kurso pag nasa college kana?” seryosong tanong nya dito. Nasa may batis sila, katatapos lang maligo nito. Dito sila mahilig maligo na dalawa. “Civil Engineering.” Matipid na sagot nito. Malayo ang paningin nito. “H-Ha? Wala kabang plano na e-manage ang MCI balang araw?” pagtatakang tanong nya. “Si Zaith na ang bahala sa MCI.” seryosong sambit nito. “Gusto kong patunayan ang sarili ko sa ibang career and since magkapartner naman sina daddy at Tito Drew sa architectural firm nito, siguro yon ang position ni daddy na gusto kong sundan.” Mahabang sabi nito. Saka bumaling sa kanya. “Ikaw, ano ang gusto mo?” balik-tanong nito sa kanya. “Gusto kong maging katulad ni papsie Mike. Gusto kong maging architect. Gusto kong magdesign ng mga houses, buildings at ibang structure.” Totoong sabi nya dito. “Well- that’s good. Lahat ng idini-design mo, bibigyan ko ng katotohanan.” Napatingin sya dito. Nagtatanong ang mga mata nya sa kung ano ang ibig sabihin nito. “Sabihin nalang sa madaling salita, na ang mga arkitekto ay ang mga nangangarap na sana yon mga design na naisip nila ay mabigyan ng buhay, tapos kaming mga civil engineer ang nag-ko-convert ng mga design nila para maging totoo. “ mahabang paliwanag nito na napakunot- noo parin sa kanya. “Hindi mo parin naintindihan?” napatango sya. “Parang ganito lang---- Ang arkitekto ay nangangarap at lumilikha ng mga disenyo ng isang gusali habang inilalagay naman ng isang civil engineer ang mga istruktura nito na kompleto at buo. Nagdedesign ang mga arkitekto habang ang mga civil engineer naman ang mag-iisip kung paano tatagal sa mahabang panahon yon mga design nila, kung paano mabigyan ng buhay.” “You mean to say that we architect are the designer at para kayong mga civil engineering ay ang mga creator.” Paglilinaw nya sa nainitindihan dito. “You could say that—the work of the architect cannot be done without the civil engineers and likewise to engineers. They both need with each other.” Saka naman tumingin ito sa malayo. “At ikaw ang architect ko at ako ang civil engineer mo, magkasama tayong dalawa sa lahat ng mga buildings, houses at kung ano’t- ano structure na itatayo natin.” Na- excite sya sa sinabi nito. Mas lalo tuloy lumaki ang hangarin nya na maging architect dahil gusto nyang kasama lagi si Zac. Kinalakihan na kasi nya na kasa- kasama ito, at kung wala ito, pakiramdam nya hindi kumpleto ang kanyang buhay. “Tapos balang araw Loraine, maghahanap tayo ng isang lugar kung saan doon natin makikita ang gawa natin dalawa. Ikaw ang nagdesign at ako ang nagko-construct.” Napangiti sya. “So I am the designer and you are the creator.” Masayang sabi nya. “Pwede rin.” Kaswal lang na sabi nito. “I love you Zac!” sabi nya dito, saka yumakap sa kaibigan. And again, walang reaksyon mula dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD