LMB 3

1449 Words
"Ang ganda ng salaysay mo kanina—“ ani ni Bret nang lumapit ito sa kanya, mula ng Grade 8 ay magkaklasi na sila nito. Pareho na silang nasa Grade 10 ngayon. Pinsan ito ni Zac, at tulad ni Zac, napakamatalino rin nito. “Sigurado ka bang si Zac ang dini-discribe mo?” nakatawang dagdag nito. “Wag ka nang maingay.” Nakatawa rin sila. Mula nang nalaman nito na crush nya ito, nasa Grade 7 pa sila noon. Kalaunan, nagkagusto din naman ito sa kanya. Pero, hinayaan lang nila ang sarili na crush ang isa’t- isa hanggang ngayon. Last summer vacation, sinubukan nito na ligawan sya pero sinabi nya dito na masyado pa silang bata, kahit ang totoo naman nyang rason, ay kahihiwalay lang ni Zac sa girlfriend nito, at baka kailangan sya nito. Pero wala naman talagang pakialam si Zac sa mga ex nito. “By the way—sa Sabado na natin simulan gawin ang plano natin para sa science fair.” Nakangiting sabi nito sa kanya na tumabi pa talaga sa kanya. Partner sila nito. “Nakausap mo na ba si Babe?” hindi pala sila partner, tatlo pala sila. Ang tinutukoy nya ay ang isa sa mga kaklasi nila na ubod ng ganda, ito ang muse nila, pero tamad mag-aral. Napasimangot yata ito sa kanyang sinabi. Hindi naman hate nito ang sinabi nyang Babe, sadyang hindi lang nito pinapansin ang babae. Kahit pa sabihin, magkakilala naman talaga ang mga ito mula pa ng preschool. “Bakit ba naging ka- group natin ang Monique na yon, na wala lang ginawa kundi ang magpaganda.” Well, ito nga pala ang rason nito kaya ayaw nito sa babae. Babe Monique ang pangalan ng babae na pinag- uusapan namin. Halos lahat ng kakilala nito ay Babe ang tawag, habang ito naman ay Monique ang itinatawag nito, dahil hindi feel nito na tawagin Babe ang babae. Sadyang natural na maganda naman si Monique. Ang kambal ni Bret na si Ella at si Monique ang tinagurian campus crush ng school nila. Parehong golden tan ang balat ng mga dalawang babae, parehong matangkad at may modelong pangangatawan, parehong fashionista at higit sa lahat magbestfriend ang mga ito mula pa nung preschool. "Okay naman kasama si Babe, Bret. Masarap kasama at mabait. Ikaw talaga, bakit kaya hindi mo subukan kilalanin si Babe? Kilala mo na sya mula pa nung 5 ka pero hanggang ngayon, inis ka parin dun." hindi ko mapigilan sambit. "Ayaw ko sa mga babaeng puro paganda lang ang nasa isip. I hate my twin sister kaya panigurado hindi ko din magugustuhan ang Monique na yon, dahil magkatulad silang dalawa ni Ella. " salubong ang kilay na sambit nito. Nabanaag na naman ang natural na pagkasuplado nito. Pag ganito si Bret, mas lalo kong maalala si Zac sa kanya. Malaki talaga ang pagkahawig nilang dalawa. Magkapatid sina Bret at Brat, pareho silang may kakambal na dalawa na babae. Kakambal ni Brat si Bianca, habang kakambal naman ni Bret si Ella. Malaki ang hawig nina Bret at Ella kay Zac dahil kamukha silang dalawa ng mommy Yumi nila na kakambal naman sa ama ni Zac, na si Zachary Sr. or Aki. Napailing nalang akong nakatingin kay Bret. Hindi talaga feel nito si Monique. ------- “Sino ba ang kasama mo kanina kumain ng lunch?” tanong agad sa kanya ni Zac nang nakasakay na sya sa kotse nito. Mula pa noon, talagang magkasabay na silang kumakain ng school lunch, kahit pa ng mga panahon meron itong girlfriend, magkasama parin sila. “Si Bret.” Matipid na sagot nya. “Si Bret? Akala ko ba binasted mo na ang pinsan ko?” mukhang may galit ang boses nito. Well, lagi naman itong galit pag kinakausap sya. “Pinag-uusapan namin ang tungkol sa school fair—kasama namin si Babe.” Totoong sabi nya. Hindi ito nagsasalita, hinawakan nito ang steering wheel saka pinaandar ang kotse. Maya’t maya lang may napansin ito. “Magseatbelt ka nga!” tila utos na sabi nito. Lagi talaga syang pinaseatbelt nito. “Kainis naman, nakakapagod kaya ang magseatbelt.” Reklamo nya pero sinunod parin ito. “By the way, sasama kaba sa akin sa Sabado?” maya’t- maya tanong nito. “Bakit? Saan ba tayo?” kunot- noo na tanong nya. “Pupuntahan ko yon napili na apartment nina Mommy at Daddy sa Manila, kung saan ako titira ‘pag doon na ako mag-aaral. Tulad ng sabi ko sa kanila, yong may dalawang kwarto, dahil susunod ka naman sa akin doon, after 2 years.” Mahabang paliwanag nito na nasa pagmamaneho ang pokus. 2 months nalang ang hihintayin at gra-gradwet na ito sa senior high school. Sa Mapua University, isang private school sa Manila, ang plano nitong mag-aral ng BSCE (Bachelor of Science in Civil Engineering). “Ikaw nalang—“ Kunot- noo itong napatingin sa kanya. “At bakit?” may inis ang boses nito. “Ayaw mo bang makita ang apartment natin?” “Magkikita kasi kami ni Bret.” Totoong sabi nya dito. “At bakit kayo magkikita?” bahagya pang tumaas ang isang kilay nito. May pagka-suplado talaga ito. “Sisimulan na namin gawin yon project namin para sa science fair.” Mukhang na bad trip ito. “Nasabi mo na ba sa momshie at papsie mo ang plano natin?” maya’t- maya open nito sa plano nila. Ang plano kasi nila, kahit ito naman talaga ang nagdesisyon. Pag- gra-gradwet na din sya sa senior high, susunod sya dito sa Manila at doon din sya mag-aaral sa Mapua University ng BS Arch (Bachelor of Science in Architecture), at doon din sya titira sa isang apartment na kasama ito. “Hindi pa.” totoong sabi nya. Meron pa syang 2 years para sabihin sa mga ito ang plano nila ni Zac. “Ano? Dapat sinabi mo na sa kanila agad.” May halong reklamo na sabi nito. “Masyado ka naman advance Zac, ang tagal ko pang grumadwet.” “Kahit na.” napalingon ito ng bahagya sa kanya. “Dapat ngayon palang, alam na nila na ito ang plano natin.” Saka itinuon muli nito ang pokus sa pagmamaneho. Wala naman syang problema sa tinaguriang mga magulang, alam naman nya na pagbibigyan sya ng mga ito. Kayang- kaya naman ng daddy nya ang mga gastusin. Well, kahit na hindi sya susuportahan ng daddy Felix nya, kaya naman ng momshie at papsie nya ang mga gastusin. “I will tell them—one of these days.” Mas pinili nalang nyang isagot dito, dahil alam nyang kukulitin talaga sya nito. “Siguraduhin mo lang—“ may paniniguro ang boses nito. Noon din ng grumadwet sya ng elementarya, ito din ang nagsabi sa kanya na doon sa EIS mag-aral ng high school na sinunod naman nya. Kadadating lang nila sa bungad ng malaking bahay nila ng momshie at papsie nya. Bumubusina ito. Tinatantiya kung may tao. Ngunit wala talagang nag-open ng gate. Ganito talaga ito, hindi sya pinalalabas ng kotse kung hindi pa nabuksan ang malaking gate nila. Ibinaba nya ang bintana ng kotse sa bahagi nya, saka bahagyang inilabas ang ulo, palinga- linga sya. Wala bang tao sa bahay nila? Nasaan ang dalawa nilang katulong? Napalingon sya bigla kay Zac, at nanlaki bigla ang mga malalaki nyang mga mata sa susunod na nangyari. Hindi nya kasi alam na nakatunghay pala sa kanya si Zac, kaya paglingon nya dito, hindi tuloy sinasadyang nalapat ang labi nya sa labi nito. Ilang seconds sila hindi nakakilos pareho. Maya’t- maya lang bahagyang inilayo nya ang labi mula dito. Napakunot- noo ito na napatitig sa kanya. Mukhang hindi talaga nagustuhan nito ang nangyari. “Ano bang ginagawa mo?” putol nya sa katahimikan nila. At para maibsan din ang tensyon na nadarama. “Tatanggalin ko lang ang seatbelt mo.” kaswal na sabi nito. Walang ekspresyong ang mukha nito. Hindi talaga ito attracted sa beauty nya. Okay lang naman sa kanya. Kahit ito pa ang pinakaguapong lalaki para sa kanya, at picture perfect ito sa lalaking pinapangarap nya, hindi parin sya magkakagusto dito na higit pa sa isang matalik na kaibigan. Sayang nga lang, hindi na ito ang crush ni Elisse. Kasi nabihag na sa pinsan nito na si Brat ang puso ni Elisse. “Ako na.” sabi nya. Inilayo nito ang katawan. Maya’t- maya lang may nagbukas na ng gate. Pero bago pa sya tuluyan lumabas mula sa kotse nito, may sinabi syang nagpalaki sa mga mata nito. “I love you Zac!” lihim syang nasiyahan. For the first time kasi, nakakita sya ng reaksyon mula dito. Pero, bakit ba nanlalaki ang mga mata nito? Lagi naman syang ng “I love you” dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD