LMB 4

1535 Words
Mabilis ang mga araw, hindi sya makapaniwala na ilang buwan nalang ay gra-gradwet na sya sa senior high. Magkatabi silang naupo ni Bret sa bench dito school park nila. Magkaklasi parin sila nito at magkaibigan. Miminsan mapapatitig sya dito, magkahawig kasi ang mga ito at si Zac, kaya crush na crush nga nya ito noon, well kahit naman hanggang ngayon. Pero, iba na ang kanyang ultimate crush. Meron na kasing lalaki na nagpapahabol ng mga daga sa kanyang puso, oras na titigan sya nito. Ang kanyang Mr. Dreamboy, na nangangalang Jack Aldawin. Bago lang itong estudyante ng school nila. Pareho nya itong nasa Grade 12, pero hindi nya kaklasi. “Diba architecture din ang kukunin mo sa college?” tanong sa kanya ni Bret. Sabay bigay nito sa kanya ng burger na kabibili lang nito. Tinanggap naman nya ito agad, saka kinagat. “Oo. Ikaw?” panguya- panguya pa sya. “Same pala tayo.” Nakangiting sabi nito. Kaya lang naman sila close na close nito ay dahil pareho ang mga interes nilang dalawa. At saka dahil may pagkamatalino din sya kaya gustong- gusto nito na kasama sya. Mahilig kasi ito sa mga babaeng matalino. “Saan mo pala planong mag-aral?” “Sa Mapua University.” Nakangiting sabi nya. “Doon kasi nag-aral si Zac.” “Sayang naman, akala ko pareho din tayo.” Tila may panghihinayang ang boses nito. “Sa UST kasi ako. Try mo kayang e-consider sa UST. Alam mo ba na top 3 sila sa survey, pagdating sa BS Arch, ang Mapua, nasa top 5 naman." “Ganun?” Tumango ito. Maya’t- maya lang, nahinto muna sila sandali sa pag- uusap ng dumaan sina Clouie at Alissa. Bumati ito sa kanila ni Bret, pero nagpaalam din naman agad. Itutuloy na sana nila ni Bret ang pagku- kwentuhan ng biglang napasimangot ito. Napatingin sya sa kung saan ito nakatingin, kina Ella at sa bestfriend pala nito na si Babe Monique ito nakatingin. Mukhang bising- bisi ang dalawa sa pagbuklat- buklat sa isang fashion magazine. “Bret, may crush kaba kay Babe?” panunukso nyang tanong dito. “Never.” halata ang irritasyong sa boses nito. “Alam mo naman na ikaw ang ideal girl ko. “sa kanya nakatingin. Napangiti nalang sya sa sinabi nito. Talagang open ito lagi sa nadarama na pagkagusto sa kanya. ------- Napangiti sya ng paglabas nya sa gate ng EIS, hindi ang momshie nya ang naghihintay sa kanya kundi si--- “Zac!” nakangiti syang lumapit sa kaibigan na nakasandal sa kotse nito. Kasalukuyan na itong nasa 2nd year college at sa Manila na ito nag-aaral, pero every weekends naman ito umuuwi sa San Bartolome, at pag umuwi ito, silang dalawa ang laging magkasama. Walang emosyon na nakatingin lang ito sa kanya habang papalapit sya. “Bakit ka nandito?” tanong nya agad dito. “Sinusundo ka.” Matipid na sagot nito. “Pero, diba, Friday ngayon. Wala kabang pasok?” pagtatakang tanong nya. Hindi ito sumagot, bagkus pumasok na ito sa loob ng kotse nito. Grabeh, talaga itong bestfriend nya, hindi talaga ito gentleman pagdating sa kanya. Nang nakapasok na sya sa loob ng kotse nito. Agad ba na naman nagtatakbuhan ang mga daga sa loob ng kanyang puso nang----“ “Zac!” sambit nya sa pangalan ng kaibigan. Napalingon ito sa kanya. “Bakit?” kunot- noong tanong nito. “Maganda paba ako?” tila nabigla ito sa tanong nya. Saka tumitig sa kanya ng ilang seconds. “Okay lang.” nakakainis talaga itong makasagot. “Ikaw naman—magsabi ka nga ng totoo.” “Bakit ba?”tila pa naiirita na ito. “Kasi yon Mr. Dreamboy ko, padaan dito.” kinikilig nyang sambit. “Mr. Dreamboy?” napataas ang isang kilay nito. “Yon ultimate crush ko.” kinalma nya ang nagwawalang puso. “Kaya sabihin mo, maganda paba ako? Hindi ba haggard ang pagmumukha ko ngayon?” sunod- sunod na tanong nya. Napatitig na naman ito sa kanyang mukha. “Kailangan ko bang sabihin ang totoo?” napatango sya sa tanong nito. “Ang pangit mo ngayon.” diretsong sagot nito. “Kainis ka talaga!” “Akala ko ba yon totoo ang sasabihin ko. ‘Sige na nga!” saka nya pasimpleng itakip sa mukha ang folder na dala-dala, at pasimpleng sinundan ng tingin ang kanyang crush. “Ano bang nangyari sayo?” kunot- noo na tanong nito. “Nagtatago. Ano paba?” “Bakit kaba nagtatago?” “Sabi mo ang pangit ko ngayon—hindi nya ako dapat makita na pangit.” “Then, ‘wag kang lumapit—pangit ka naman lagi.” Inayos nya ang sarili saka inis na tumingin dito. Pero, wala talagang ekspresyong ang mukha nito. Mukhang seryoso talaga sa sinabi sa kanya. Pasimple syang tumingin muli sa crush nya at nainis sya ng lumapit dito ang asungot na bestfriend nitong babae. “Sino ba dyan ang crush mo?” maya’t- maya tanong sa kanya ni Zac. “Yang mestisong lalaki na nilapitan ng hindi naman kagandahan pero maputi na babae.” Pagsisinunggaling nya, dahil maganda naman talaga ang babae. Pasimple tumingin si Zac sa tinutukoy nya. “Kamukha ko ba yan?” reklamo nito. “Dapat ba kamukha mo, Zac?” “Diba crush mo si Bret dahil medyo kamukha ko. Bakit yang hindi ko kamukha?” “Hindi ba ako pwedeng magka-crush sa hindi mo kamukha? Ito naman—hindi nga ako nagreklamo na yong mga naging girlfriend mo puro chinita tapos ako---“ ayaw na nyang ituloy sabihin ang katotohanan na meron syang big black round eyes. Wala parin emosyon ang mukha nito. “Don’t worry magkasing tunog naman ang pangalan ninyo—Jack kasi ang pangalan nya.” Nagkiskisan ang mga ngipin nito. “Bakit ba ang dami mong crush?” tanong nito saka ito humawak sa steering wheel at pinaandar ang kotse. “Anong madami? Dalawa lang kaya ang naging crush ko.” totoong sabi nya. “Ikaw nga—kahit halos buwan- buwan, iba’t- iba ang naging girlfriend, hindi nga ako nagreklamo.” “Bakit ba ang pagkakaroon ko ng girlfriend ang inirereklamo mo?” “Wag ka rin magreklamo sa mga crush ko.” Sinimangutan sya nito. Sandaling namayani ang katahimikan sa kanila. “By the way---“ putol nya sa katahimikan. “Alam mo ba na pareho kaming kukunin ni Bret na course sa college.”masayang panimula nya sa plano nyang e- kwento dito. “Hindi na yon nakapagtataka—may architectural firm sila.” “Diba, magkapartner naman sina ninong Drew at ninong Aki?” Tumango ito. “I will be the one to take over dad position-- someday.” Napangiti sya. Sa HardRock Architectural Firm din kasi sya plano magtrabaho. Doon din kasi nagtrabaho ang papsie Mike nya as the Department Head. Well, my share naman ang papsie nya sa kompanya. “Kaya lang sa UST sya planong mag-aral. Magpapasama nga sya sa akin next week na pumunta doon.” Napalingon ito sa kanya ng sandali lang, dahil nasa pagmamaneho ang pokus nito. “Bakit? Balak mo ba na doon na mag-aral?” “Sabi kasi ni Bret, bakit hindi ko e-consider? Maganda daw ang mga facilities at top 3 pa daw ito sa survey as-----“ “Malayo ang apartment natin sa UST.” Putol nito sa iba pa nyang sasabihin. “Pwede naman akong kumuha ng sarili kong apartment if ever magustuhan ko sa UST.” Hindi nakatakas sa kanyang ang pag- igting ng panga nito. Parang hindi nagugustuhan nito ang kanyang sinabi. “Bahala ka.” halata ang pagkabanas nito. Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Bakit ba habang tumatagal? Mas lalo itong naging pikon? Maya’t- maya lang may nakita sya sa ibabaw ng stereo ng kotse nito. “Wow! Nasa sayo pala itong cd tape ko.” saka kinuha nya iyon at isinalang sa stereo. “What are you doing?” kunot- noo na tanong nito. “Makikinig ng music at kakanta” nakangiting sabi nya dito. “Don’t tell me, ang song na naman yon ang ulit- ulitin mong pakinggan at kantahin.” Punto nito sa plano nya. Talagang favorite nya ang song na tinutukoy ni Zac. Noon paman, ang song na yon ang lagi nyang kinakanta sa loob ng kotse ni Zac, at ito naman walang magawa kundi ang magreklamo pero hindi nya ito pinakinggan. Sumabay pa sya sa kanya. Sometimes the snow comes down in June Sometimes the sun goes ‘round the moon I see the passion in your eyes Sometimes it’s all a big surprise ‘cause there was a time when all I did was wish You’d tell me this was love It’s not the way I hope or how I planned But somehow it’s enough “I hope hindi ka aabot sa sampung beses na ulit- ulitin yan.” reklamo na naman ni Zac. Pero wala dito ang pokus nya kundi nasa kinakanta. At umaabot talaga ng sampung beses ang pag- ulit- ulit nya sa kanta hanggang sa tuluyan na syang naihatid nito sa bahay. “I love you Zac!” sabi pa nya dito bago sya tuluyan lumabas mula sa kotse nito. Again, walang reaksyon mula dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD