Inis na tinahak ni Nicolle ang opisina ni Aaron. Kailangan nya itong makausap. Kung ano't ano nalang ang ginawa nito sa buhay nya. Bubuksan na sana nya ang pinto ng opisina nito nang may narinig sya.
Naeskandalo yata ang isip nya sa narinig. Talagang bastos ang Aaron na ‘to. Kahit sa opisina nito, working place, nagawa pa nitong makipag-s*x sa isang babae.
Inis na inis syang humakbang paalis. Kahit kailan talaga, hindi na magbabago si Aaron. May pa-impotent- impotent pa itong nalalaman.
-------
“Malapit na akong malabasan, Baby! Idiin mo pa. Ang sarap naman dyan! Lalabas na talaga.” Ani ni Aaron.
Kasalukuyang syan nagpamasahe kasi medyo masakit ang likod nya. Nagbukas kasi ng business ang kambal nyang si Adrian na isang gym, at dahil pareho silang mahilig ng kambal nya na mag-gym, hindi nya alam kung ano ang nakain nilang dalawa ng kakambal nya at naisipan nilang subukan lahat ng aparato doon. Kaya ngayon, masakit na masakit ang likod nya.
Ang sarap ng pakiramdam nya nang sa wakas lumabas narin ang maraming pawis nya. Kahit pa sabihin, sobrang lamig naman ng aircon.
Ang sarap talaga ng pagkadiin sa pagmamasahe ni Aling Baby sa likod nya. Parang nawala ang lahat ng sakit sa katawan nya.
Hindi sya mahilig magpamasahe sa iba. Sanay na sya kay Aling Baby magpamasahe kasi magaling talaga ito. Yon iba kasi, nakikiliti lang sya. May kiliti pa naman syang nakatago.
“Salamat Aling Baby!” saka sya umalis mula sa pagkakadapa nya sa sofa na nasa loob ng opisina nya.
“Sabihin mo lang sa akin sir Aaron kung masakit pa. Pero, sigurado naman ako na nawawala na ang sakit sa katawan mo.” nakangiti pa ang matanda.
---------
“Oh, baby! Idiin mo pa. Wag sa malapit dyan, may kiliti ako. Dito nalang kasi, mas masarap. I am coming! Malapit na akong malabasan, baby! Idiin mo pa. Ang sarap naman dyan! Lalabas na talaga.”
Palakad- lakad sya habang kinopya ang malanding boses ni Aaron.
Nakasunod naman ang tingin ng malaking tiyan na si Alexa sa kanya. Nakaupo ito sa isang sofa. Nasa loob sila ng study room ng bahay nito at ng asawa nito.
“Grabe! Yan talaga ang narinig mo?”laking matang sambit nito.
“Oo. Talagang ang landi ng Aaron na yon. Talagang sa loob pa ng opisina ginagawa ang bagay na yon.”
Hindi talaga nya mapigilan ang inis sa boses. Umupo sya sa sofa na paharap kay Alexa.
“Are you sure na nakikipag s*x sya?” mahina lang ang boses nito.
“Of course naman. Ano pa nga ba?” saka sya napatitig kay Alexa. “Hindi ba yan ang sinasambit ni Adrian pag gumagawa kayo ng------you know.” Mahina lang din ang boses nya.
“Yuck! Ano ba yang pinagsasabi mo?”hindi napigilan bulalas nito. “Tahimik lang si Adrian pag gumagawa kami ng—--you know.” Tila bulong lang na pagkakasabi nito.
“Hindi lang pala sila sa hitsura magkaiba, pati na sa ugali. Kasi si Adrian, ay loyal na loyal sayo. Habang si Aaron naman, hindi lang playboy, bastos pa.” mas lalo syang nainis ng rumihistro sa balintataw nya ang nakakainis na guapong pagmumukha ni Aaron. “May pa- impotent- im---“
“Wait! Anong impotent ang pinagsasabi mo?”
“Sabi nya sa akin, mula nang pinagnanasaan nya ako ay nagiging impotent na raw sya sa ibang babae."
Napanganga ito sa sinabi nya. Maya’t- maya lang, dumating ang asawa nito. Agad itong tumabi kay Alexa.
“Kumusta kana Nicolle? Kumusta na kayo ng kakambal ko?”
Nakangiting tanong ni Adrian sa kanya.
“Wala kaming ni Aaron.” Diretso nyang sagot.
“Walang kayo? Akala ko ba-----“
Natigil ito sa ibang sabihin nang bahagya itong nasiko ng asawa. Hindi nakatakas sa paningin nya ang makahulugang tingin na iniukol ni Alexa dito.
“Babe—walang sila.” Ani ni Alexa kay Adrian.
“Sabi ko na nga, walang sila.” Segunda naman ni Adrian.
Palipat- lipat ang tingin nya sa dalawa. Mukhang may sekreto ang mga ito.
---------
Nang dumating si Adrian, hindi naman din sya masyadong nagtagal. Nasa parking area sya ng bahay nina Adrian at Alexa. Papasok na sya sa loob ng kotse nya nang huminto ang isang pamilyar na kotse katabi sa kotse nya.
At mula dun lumabas ang isang lalaki na ayaw nyang makita.
“Hi, sweetheart! Sana sinabi mo sa akin na bibisitahin mo pala si Alexa para sabay nalang tayo.”
Ang lapad pa ng ngiti nito.
At dahil hindi maialis sa isip nya ang nasaksihan nya kanina na ginawa nito sa opisina nito, kaya inirapan nya ito.
Padabog syang pumasok sa loob ng kotse nya at pinaharurut iyon.
---------
Kunot- noo na nasundan ni Aaron ng tingin ang papalayong kotse ni Nicolle. Bakit parang galit na galit yon sa kanya? Oo nga pala. Lagi pala yon galit sa kanya.
Napag-alaman nya na nasa loob pala ng study room sina Alexa at Adrian. Nang tuluyan na syang nakarating sa labas ng study room. Walang ano- ano na binuksan nya ang pinto. Agad naman napaghiwalay ang naghahalikan na sina Alexa at Adrian, saka napatingin sa may pinto.
“Bro—anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya ni Adrian.
Mukhang bad trip ang mukha nito.
Palipat- lipat ang tingin nya sa dalawa.
“Ginagawa nyo parin ba yan kahit malaki na ang tiyan ni Alexa?”
Hindi nya mapigilan itanong.
“Aaron—6 months palang ang dinadala ko.”
“Kahit 9 months Bro ay pwede, yan ang sabi ng--------Aray!”
Kinurit ni Alexa ang tagiliran nga asawa.
“That answers the question!”
Ngumiti sya sa mga ito. May na-imagine kasi sya. Silang dalawa ni Nicolle. They are making love while buntis ang babae. Napailing nya ang ulo. Kung saan- saan naman lumilipad ang utak nya.
“Ano naman ang kailangan mo sa akin?” tanong sa kanya ni Alexa nang sila nalang dalawa.
Buti nalang pinagbigyan sya ng kakambal na makausap ang asawa nito.
“Wala bang sinabi si Nicolle sayo tungkol sa akin?”
Magkaharap silang naupo nito sa sofa ng study room.
“Like what?” kunot- noo ito.
“Like nang—“umaksyon pa sya ng tila nag-isip. “---may gusto parin sya sa akin. Na nag- galit- galitan lang sya pero ang totoo, crush na crush nya parin ako.”
“Nope.”
“Really?”
Hindi sya naniwala dito. Tumango ito. Saka bahagyang napaisip.
“Oo nga pala. May sinabi nga pala sya tungkol sayo.”
Ani nito na nagpaliwanag sa mga mata nya.
“Really? Ano naman yon?” may halong excitement ang boses nya.
“Kailangan ko bang sabihin sayo. Baka hindi mo kayanin.”
May paniniguro ang boses nito.
“Oo.”
“Na hindi kalang daw playboy. Bastos karin. At nung isang araw, sinabi nya sa akin. Na walang hiya ka raw at manluluko.”
Umuusok na yata ang ilong nya sa narinig. Masyado naman itong honest.
“Really? Sinabi nya yan? Talagang ang kaibigan mo na yon! Ginagalit nya talaga ako.”
May inis na sa boses nya.
“Magseryoso kana kasi, para hindi mo na ako laging ginugulo dito. Baka magmana pa sa ugali mo itong isang anak ko.”
Twins pala ang pinagbubuntis nito. Babae at lalaki.
“FYI Alexa—mas mabait naman ako sa kakambal ko na hindi hamak. At alam na alam mo naman na basaggulero si Adrian nung kabataan nya, diba?!”
Tinaasan lang sya ng kilay nito.