PP 14

1017 Words
"Good morning my baby!” nakangiting bati sa kanya ng daddy nya. May dala pa itong bouquet of white roses. Nasa loob sya ng opisina nya. Ang ganda ng mood nya ng iniluwa ang daddy nya sa pinto ng opisina nya. Ilang araw na nya itong hindi nakikita kaya miss na miss na nya ito. Paano naman kasi kung kailan tumanda, saka naman kumikiringking ang daddy nya. Sa pagkakaalam nya may nililigawan ito na labing limang taon na mas bata dito. Well, 56 pa naman ang edad ng daddy nya. At halata parin naman ang kaguapuhan nito. “For whom that flowers?” May panunukso ang titig nya dito. “Of course, it’s for you.” Sabay abot nito sa kanya ng dala nitong bulaklak nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya. “Salamat dad!” nakangiti syang tinanggap iyon. Umupo ito sa upuan na nasa harapan ng mesa nya. Inilapag nya ang bulaklak sa ibabaw ng kanyang mesa. Ang sarap ng umaga nya. Sana walang sisira nito ngayon araw na ‘to. Tatlong araw nang wala si Aaron dahil may business matter itong dinaluhan. Kaya nagkaroon sya ng peace of mind sa loob ng tatlong araw. Sandali lang ang pag-uusap nila ng ama, may importanteng pag-uusapan daw ang mga ito at ng ninong Aldrine nya. Agad itong nagpaalam sa kanya. Pero, babalikan daw sya muli nito. Bising- bisi sya sa paggawa ng report tungkol sa marketing nila for the whole month nang may bumukas sa pinto ng opisina nya. Nakangiti sya na napaangat ng mukha dito, sa pag-aakalang ang daddy nya ang pumasok. Pero, biglang napalis ang ngiti nya nang iba ang iniluwa ng pinto. Nandito na naman itong laging sumisira ng araw nya. “Good morning, swee--------“ natigil ito sa pagsasalita nang napako ang paningin nito sa bulaklak na nasa ibabaw ng kanyang mesa. “Kanino galing yang bulaklak na yan?” May halo pa na galit ang boses nito. Ang kapal talaga ng mukha nito. “Sa flower shop, malamang.” Sarkastik na sagot nya dito. Rumihistro ang inis sa mukha nito. Lumapit ito sa mesa nya at akmang kukunin nito ang bulaklak. “Don’t touch that one!” pigil nya dito. “Bakit?” kunot- noo na tanong nito. “Mahalaga sa akin ang lalaking nagbigay yan!” Totoong sabi nya dito. Pero, hindi ito nagpasaway sa kanya. Talagang kinuha nito ang bulaklak. “Ang pangit ng bulaklak na ‘to.” Napangiwi pa ito. "Mas mahalaga naman siguro ako sa lalaking nagbigay nito. Maliban sa daddy mo, ako lang naman ang isa pang lalaki na mahalaga sayo." Umuusok na syang nakatingin dito. Lagi nalang syang pinakikialaman nito. “I said don’t touch that one! Mahalaga sa akin ang bulaklak na yan!” naniningkit ang mga mata nya na nakatingin dito. --------- Inis na inis na sya. Pagod na nga sya. Pero dahil namiss nya ng sobra si Nicolle kaya pumasok sya ngayon sa trabaho. Kahit wala pa syang pahinga. Pero, sumalubong pa naman sa paningin nya ang isang bulaklak na galing na naman sa manliligaw nito. Akala pa naman nya, naitsa-pwera na nya lahat ng manliligaw nito. At ang mas lalong ikinainis nya ay talagang ipinaglaban pa ng dalaga ang bulaklak. Pero, hindi sya magpapasaway dito. Galit na yata sya. “Saan mo dadalhin yan bulaklak?" Tila umaapoy na ang mga mata ni Nicolle na nakatingin sa kanya. Sinalubong nya ang nag-aapoy na titig nito. Galit na talaga sya. “Ilalagay ko ito kung saan nararapat.” Hindi sya nagpadaig sa dalaga. Lumapit sya sa basurahan. “Stop that, Aaron! Alam mo bang galing yan kay-----“ “You can’t stop me Nicolle. I can give you kahit ilang bouquet ng white roses ang gusto mo basta ayaw ko nito.” putol nya sa ibang sasabihin nito. Ayaw na nyang marinig ang pangit na pangalan ng bagong manliligaw nito. Akmang itatapon na nya ang bulaklak sa basurahan ng may bumukas ng pinto. Sabay silang napatingin ni Nicolle sa pinto. “I’m back my baby!” masayang bulalas ng daddy ni Nicolle. Saka napabaling ito sa kanya. “Aaron, anong gagawin mo sa bulaklak na ibinigay ko sa anak ko?” kunot- noo itong napatanong sa kanya. Napatla sya. Galing ito sa daddy ni Nicolle? Kailagan makaisip sya kung paano lumusot. “Ilalagay ko po ito sa flower vase, dad!” Naluko na. Sa sobrang excitement nya na mangyayari din naman balang araw, natawag nya tuloy ito ng dad. “Flower vase ba yan?” ani nito. “At bakit tinatawag mo akong dad?” “Ha!”—umakting sya na nabigla. “Hindi pala ito flower vase. Akala ko flower vase ito.” Bumaling sya sa galit na galit na dalaga. “Sweetheart, hindi mo naman sinabi na basurahan pala ito. “ Saka sya bumaling sa daddy nila ni—I mean sa daddy lang pala ni Nicolle. “Nagpa-praktis lang po ako dad. Malapit na kasi kaming ikasal ni Nicolle.” Panunukso nya sa malditang dalaga na malapit naman sa totoo. Talagang malapit na silang ikasal. Alam naman nyang may gusto parin sa kanya si Nicolle, nagpakipot lang ito sa kanya. Impossible naman na nakalimutan nito ang feelings nito sa kanya. First love never die kaya. “Never!” galit na bulyaw nito sa kanya. “Nanliligaw kaba sa anak ko, Aaron?” “Hindi ko na po kailangan manligaw dad, boyfriend na po nya ako!” Pangiti- ngiti sya. Ang sarap talagang inisin ni Nicolle. Mas lalo kasi itong gumaganda. “Walang hiya ka, Aaron!” galit na galit ito na nakatingin sa kanya. Mukhang kahit ano man sandali, kaya syang patayin ng mga titig nito. Kaya, bago pa mangyari iyon, kailangan na nyang mag-evaporate sandali sa harapan nito. Pero, babalik din sya mamaya. “Punta muna ako sandali sa office ko, dad!” Paalam nya sa daddy nito na malapit narin maging daddy nya. “Goodbye sweetheart! Don’t worry, babalik din ako mamaya!” nag flying kiss pa sya dito. Kailangan lang nya ng kaunting hangin, kasi mukhang malapit na syang bumulagta sa mga titig ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD