Buong araw nga nasira ang araw nya dahil kay Aaron. Kung ano’t- ano tuloy ang ginawa nyang paliwanag sa nag-usisa nyang ama.
Kailangan nyang makaganti kay Aaron. Dapat mainis din ito ng sobra, yon sobra sa pagkainis. Palakad- lakad sya sa loob ng condo unit nya. Kasalukuyan syang nag-iisip kung paano makaganti sa binata. Alam nyang maya’t- maya lang, guguluhin na naman sya nito.
Ano kaya kung sakyan nya ang drama nito ngayon gabi lang? Tapos pag masyado na itong ginaganahan, saka nya ito--- .Napangiti sya sa iniisip.
Kailangan nya ng lakas ng loob. Ngayon gabi lang ‘to.
Maya’t- maya lang may kumatok sa pinto nya. Pinilit nyang ngumiti, alam naman kasi nya kung sino na naman ito.
“Good evening, sweetheart!” nakangiting bati sa kanya ni Aaron.
“Good evening!”
Nilambingan nya ang boses. Napanganga ito. Hindi ito makapaniwala na hindi nya ito sinusungitan.
“Kumain kana ba?” may lambing talaga sa boses nya.
“H-Hindi!” saka ito ngumiti. “Don’t tell me, yayain mo ako ng date.”
Lihim syang nainis kasi may panunukso ang titig nito sa kanya. Kinalma nya ang galit na sarili.
“Dito kana kumain.” Pinalakad- lakad pa nya ang isang hintuturo sa matipunong braso nito. “I will cook for you.”
Tila naman naninigas ito sa ginawa nya.
“Ipagluluto mo ako?”
Hindi makapaniwalang sambit nito. Rumihistro ang pagka-alala sa mukha nito. Alam naman nya kung bakit. Sa totoo lang, nag-aral sya ng kunti sa pagiging chef. Kaya may kunting alam na sya sa pagluluto. At masarap na kahit papaano ang luto nya.
Pero, may dapat talaga itong ipag-alala dahil may plano kasi sya.
Inilapit nya ang katawan sa katawan nito. Plano talaga nya na akit-akitin ito. Ngayon sa malapad na naman na dibdib nito pinalakad- lakad nya ang kanyang hintuturo.
Wala na naman kasi itong suot na T-shirt at aaminin nya, kanina pa talaga nya planong haplusin ang malapad na dibdib nito.
Pinupungay- pungay nya ang mga mata na nakatingin dito.
“Ayaw mo bang kumain ng luto ko?” pinalungkot nya ang mukha.
Mas lalo itong nanigas, at sunod- sunod ang paglanghap nito ng hangin. Alam nyang apektadong- apektado ito sa ginawa nya.
“Sweetheart, alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa aking ngayon.”
“Ikaw naman!” mas nilambingan nya ang boses. “Akala ko ba, boyfriend kita. Bawal bang maging malambing sa boyfriend ko.”
Nagliwanag yata ang mga mata nito sa sinabi nya.
“You mean to say, that I am your boyfriend now?”
Wala sa loob na napatango sya. Lumapad ang ngiti nito saka pabiglang hinapit ang batok nya at sandaling kinintilan ng halik ang kanyang labi.
Nakukuryente yata ang buong kalamnan nya sa sandaling paglapat ng labi nito sa labi nya. Kaya naging dreamy eyes sya na nakatingin dito. Kinalma nya ang sarili at ibinalik nya sa kanyang isip ang masamang plano nya.
“Thank you, sweetheart! I promise you won’t regret this!”
-------
Ang lapad ng ngiti nya. Sadyang nilagyan nya ng maraming hot chilli ang ipapakain nya kay Aaron. Tignan lang nya kung sino ang masusunog ang dila sa sobrang anghang ng iniluto nya.
“The dinner is ready!” nakangiting sabi nya kay Aaron.
Agad naman itong pumanhik sa dining. Magkaharap silang naupo nito.
“Try this one! This is my specialty. I cook this only for you.”
Para na yata syang nilalamgam sa lambing ng boses nya.
“Really sweetheart! I bet, ang sarap nito.
Lihim syang napangiti. Sa totoo lang, sinadya nyang hindi sarapan ang niluto nya ngayon.
Saka ito tumusok sa ulam na niluto nya gamit ang tinidor. Saka ito tumikim.
“Masarap?” nakangiti nyang tanong dito.
“O-Oo. A-Ang sarap!” tila maluluha na ito. Siguro, dahil sa sobrang anghang.
“Kumain kapa.” Ang tamis ng ngiti nya dito.
--------
Kailangan nyang tiisin ang anghang ng kinain nya at ang weird na lasa sa mga iniluto ni Nicolle. Kung natiis nga nya noon, ngayon pa kaya. Baka magalit ito sa kanya at hihiwalayang sya nito agad.
Ang saya pa naman nya ngayon, dahil tinanggap na nito ang katotohanan na boyfriend sya nito.
Si Nicolle ang nagluto nito. Pinaghirapan nya ito para sa akin. Dapat sarap na sarap ako nito. Ginawa ito ni Nicolle gamit ang mga kamay nya at baka habang binibili nya ang mga ingredients nito, naiyakap nya ito sandali sa may dibdib nya.” sa isip nya, saka lihim syang napasulyap sa punong dibdib ng dalaga. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam.
------
Lihim lang ang inis ni Nicolle. Bastos talaga kahit kailan si Aaron. Akala siguro nito, hindi nya napansin ang pagsulyap nito sa may dibdib na bahagi nya. Medyo kitang- kita pa naman ang cleavage nya sa suot na spaghetti strap.
“Kumain kapa!”
Hilaw syang ngumiti.
“Of course. Ang sarap naman nito, sweetheart!”
Ani nito na sa may dibdib na bahagi parin nya nakatingin. Gusto na yata nya itong tadyakan.
Sa wakas, natapos narin sila sa pagkain. Ang hindi alam ni Aaron, sinarapan nya ang kinain nya. Ito lang ang nagtitiis sa hindi masarap na luto nya.
----------
“Dahil kinain mo ang niluto ko. May regalo ka mula sa akin.” Malambing na pagkakasabi nya kay Aaron.
Kasalukuyan silang nasa sala nito. Nakaupo ito sa sofa. Habang nakaupo naman sya sa kandungan nito. Hindi nya alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob sa ginawa nya ngayon.
Ang nasa isip nya, ay ang maakit ito ng sobra. Kahit pa sabihin na sya na yata ang naaakit dito. Kailangan nyang panindigan ang plano nyang makaganti dito. Iniyakap nya ang braso sa leeg nito. Habang iniyakap naman nito ang braso sa baywang nya.
“What is it, sweetheart?”
Malambing na tanong nito.
Kainis, parang nagagayuma sya sa malangkit na titig nito. Itinuon nya ang sarili sa galit nya dito. Para, maisagawa nya ang plano nya.
Buti nalang nakipag-cooperate sa kanya ang isip nya.
“What do you think is it?”
Nag-aakit ang mga mata nya dito. Inilapit nya ang mukha dito. Pero, tumigil din sya ng isang dangkal nalang ang pagitan ng mga labi nila.
Pero sa malas, ito ang kusang humapit sa batok nya at sumiil ng halik sa labi nya.
Nanlaki ang mga mata nya. Agad nyang naramdaman ang pagdaloy ng libo- libong bultahe ng kuryente sa loob ng kanyang katawan.
He kiss her possessively. Kaya agad din syang nakipagpalitan ng halik dito. Hindi nya alam kung bakit hindi nya magawang ilayo ang labi sa labi nito. Naalala pa nya noon. Pangarap nyang halikan nito.
Kinalma nya ang sarili. Dapat hindi sya ang maakit nito. Dapat ito ang maakit sa kanya.
Bago pa sya tuluyang mawala sa tamang pag-iisip. Using with all of her force, agad nyang inilayo ang labi sa labi nito, na nagawa naman nya.
Kunot- noo itong napatingin sa kanya. Tila nagtatanong ang mga mata nito. Lumanghap muna sya ng maraming hangin bago tuluyan isinagawa ang plano nya. Kailangan magawa na nya, bago pa magiba ang depensa nya.
“Don’t be too excited. Ikaw naman!” saka nya inilapit ang bibig sa tainga nito. “Baka higit pa sa halik ang ibibigay ko sayo ngayon.” tila bulong na pagkakasabi nya.
He gasp. Tila nahihirapan na ito. Lihim syang napangiti. Mukhang may nabuhay sa loob ng katawan nito. Naramdaman nya ito kasi inupuan nya ito. Mukhang malaki at matigas ito.
Nakangiti na naman syang nakatingin sa mga mata nito.
“Sweetheart, alam mo ba kung anong maging consequences sa ginagawa mong pag-aakit sa akin ngayon?” napabugtong hininga ito. Tila hindi na ito makapagpigil. She saw a desire from his flirt eyes. “Alam mo bang, hindi ako gentleman, lalo na’t patay na patay ako sayo.”
Hinaplos ng isang kamay nya ang dibdib nito. Wala parin kasi itong suot na T-shirt. Ramdam na ramdam na nya ang pag-iinit nito.
“Bakit mo naman pipigilin kung pwede naman kitang pagbigyan.”
“Really?”
Sumungaw ang natural na pagka-flirt ng mga mata nito.
Napanganga sya sandali. Sya yata ang naaakit nito. Naikalma tuloy nya ang sarili ng wala sa oras.
“Yes!” nilambingan nya ang boses. It’s about time na siguro para kailangan na nyang isagawa ang huling bahagi ng plano nya. “Pero, kailangan ko munang pumunta sa restroom.Pupunta lang ako sandali. Pagbalik ko, sigurado ako na mag-eenjoy ka ng sobra.”
Saka sya umalis mula sa kandungan nito. At tinahak nya ang daan papunta sa restroom. Napansin nya ang pagsunod nito ng tingin sa kanya.
------
“Hey there buddy, maghintay kalang dyan!” saway nya sa alaga nyang ahas.
Nagsimula na kasi itong nagwala. Hindi nya lubos akalain na sa isang gabi lang, matutupad na lahat ng pangarap nya para sa kanila ni Nicolle.
Ano naman ngayon kung may mangyari sa kanila? Handa naman nya itong pakasalan kahit bukas pa.
Sobrang excited na sya. Ano kaya ang nakain ng dalaga at bigla itong nagbago ng pakikitungo sa kanya. Kani- kanina lang, halos isumpa na sya nito. Pero, hindi naman nya lubos akalain na bigla nalang itong naging malambing sa kanya. Baka narealize nito bigla na hanggang ngayon mahal na mahal parin sya nito.
Ang lapad ng ngiti nya nang nakita nya ito na bumalik na. Nakangiti sya habang umupo ito sa tabi nya. Tayong- tayo pa naman ang nanunumpa nyang alaga.
"Sweetheart, pwede naba natin simulan ang gagawin natin ngayon.”
Malambing na sabi nya dito, saka sya yumakap sa baywang nito. Ngunit binalikwas nito bigla ang braso nya na nakayakap dito. Nabigla sya sa ginawa nito.
--------
Nababasa nya ang pagtataka sa mga mata ni Aaron.
“I’m sorry, wala na kasi ako sa mood ngayon. Bigla kasi akong dinatnan ng buwanang dalaw ko."
Pagsisinunggaling nya.
Ang plano talaga nya ay patayuin lang ng sobra ang alaga nito. Saka nya ito tatanggihan. At least, nakaganti sya.
“Ha! What!” hindi makapaniwalang sambit nito.
“Maybe, next time. Kung magkaroon uli ako ng lakas ng loob!” wala sa gana ang boses nya.
Lihim syang napangiti. Basang- basa kasi nya ang sobrang frustration sa mga mata nito.