PP 16

1158 Words
Dahil sa matagal na nyang gustong pumunta sa beach kaya pinagbigyan nya ang hiling ng baklang kaibigan nya na si Roidan. Kadadating lang nito nung isang araw, galing ito sa state. Dinala nya ito sa Hidden Pearl Resort. Isa itong 5 star resort na nasa bungad ng San Bartolome. Pag-aari din ito ng angkan ni Aaron. “Wow, ang ganda dito friend!” nakangiting sabi sa kanya ang baklang kaibigan. Nakatrunks ito. Hindi naman nakatago ang kabaklaan nito kaya lang lalaki parin itong pumorma.Sayang nga lang, guapo pa naman ito at medyo balbon pa. “Sinabi mo pa.” nakangiti nyang tugon nito. Naka- two- piece lang sya. Buti nalang, nung umalis sya kanina sa condo unit, hindi sya nakita ni Aaron. Kaya hindi nalaman nito na hindi sya papasok sa trabaho ngayon. Naka- leave talaga sya ng dalawang araw sa trabaho para ma-enjoy masyado ni Roidan ang pagpunta nila dito sa beach resort. Babalik narin ito sa state sa susunod na linggo. Salamat naman at meron syang dalawang araw pa, para mapag-isipan kung paano bawiin kay Aaron ang sinabi nya dito kagabi na boyfriend na nya ito. She didn’t mean that words. “Ang daming guapo dito, ha!” hindi mapigilan bulalas ni Roidan habang nakatingin sa tatlong lalaki na dumaan sa bungad nila. Nakatrunks ang mga ito. Lihim syang nainis. Kasi hinagod pa naman sya ng tingin ng tatlo. “Oo naman. But please, hide your kabaklaan here. Baka masuntok kapa dito.” May halong pananakot nya dito. Naisip nya na mas mabuting panindigan nito ang p*********i nito ngayon para hindi sya tsangtsingan ng mga nakakainis na lalaki sa resort. -------- Halos paliparin na nya ang kotse papunta sa HPR. Wala syang kaalam- alam na naka-leave pala si Nicolle. At tama nga sya, sa HPR ito pumunta. Buti nalang nakakuha sya ng impormasyon mula sa pinsan nyang si Abby. Si Abby ay ang vice- president ng resort. Ang mommy nito ay ang CEO ng resort. At may kasama itong lalaki na nangangalang Roidan. Isang gabi pa nga ang relasyon nila, pinagtaksilan na sya nito agad. Kaya galit na galit sya ngayon. Talagang ginagalit sya ng sobra ni Nicolle. -------- Kasalukuyan syang nakaupo sa beach mat. Hindi na nya kasama si Roidan dahil mas pinili nito na maligo sa dagat. Wala kasi sya sa mood para maligo ngayon. Pero nakasuot parin sya ng two- piece. “I hope masyado kang nag-enjoy!” napapitlag sya ng may nagsasalita sa likuran nya. Sa tingin nya namutla sya ngayon dahil pamilyar sa kanya ang boses ng nagsasalita. Agad syang napalingon, at mas lalo syang namutla ng napatanto na tama ang hinala nya. “W- What are you doing here?” kinakabahan nyang tanong. Mukha kasi itong galit na galit. Wala itong suot sa itaas na bahagi ng katawan nito at naka-summer short lang ito sa ibaba na bahagi. Imbes na sumagot ito. Umupo ito sa tabi nya, saka sya hinagod ng tingin nito. “Isang gabi lang pala ang dalaw mo.” makahulugang na pagkakasabi nito. Nakabasa sya ng panganib sa mga titig nito. “Mukhang niloloko mo lang yata ako.” Kinalma nya ang sarili. Hindi sya dapat magpatalo dito. Mukhang galit ito. At hindi nya napaghandaan ang matalim na titig nito. Knowing him for so long, ngayon lang nya nakita itong galit. Madalas itong maluko at nakangiti. May pagka-joker pa nga ito. At ito ang madalas nagsimula ng tawanan. Iba pala ito pag-galit. At nakaramdam yata sya ng bahagyang takot. “H-Ha! Hindi natuloy yon regla. Akala ko lang meron.” Pagpapalusot nya. Bahagyang tumaas ang isang bahagi ng labi nito. “Really?”namilyo itong napangiti kahit may galit parin sa mukha nito. Inilapit nito ang bibig sa tainga nya. “Bakit hindi natin tapusin yon gagawin sana natin kagabi.” Kinilabutan sya sa ginawa nito, lalo pa’t nag-aakit ang boses nito. Bago pa tuluyan nagiba ang depensa nya. Dapat na nya itong takasan. “I am going!” ani nya saka sya tumayo. “Kailangan ko na maligo.” Tumayo din ito. “Bakit kaya hindi nalang tayo sabay na maligo?” Napanganga sya kasi nag-aakit ang mga titig nito sa kanya. Babawiin na sana nyang ang paningin mula dito. Pero, parang nakadikit ang mga mata nya dito nang hinubad nito ang summer short nitong suot sa harapan nya mismo. Tumambad sa paningin nya ang nakahubad—I mean naka- swimming trunks pala na si Aaron. Hindi nya mapigilan ang sarili na hagurin ito ng tingin. Ang katawan na yata nito ang pinakamaganda sa paningin nya. Hindi nya mapigilan na mapalunok nang napatingin sya sa maumbok na bahagi ng katawan nito, yon mas gitna ng mga hita nito. Nag- init ang kanyang pisngi nang pag- angat nya ng mukha kay Aaron, nakita nya ang pilyong ngiti na nakaplaster sa labi nito. “Tayo na, sweetheart!” yaya nito sa kanya. Saka sya nabalik sa realidad. “H-Ha!” napalanghap sya ng hangin, sabay pakalma sa sarili nya. “I-I change my mind. Gusto ko na palang matulog. Inaantok ako.” Hindi nya alam kung bakit ito pa ang lumabas sa labi nya. Kailangan na talaga nya itong takasan. Dahil, kunting- kunti nalang at tuluyan na syang madala sa pag-aakit nito. “That’s good!” hinapit nito ang baywang nya, saka inilapit nito sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito. Sunod- sunod ang paglunok nya ng inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Buti nalang huminto din ito ng ilang dangkal nalang ang pagitan ng mga yon. “Bakit hindi nalang tayo matulog na magkatabi.” Tila bulong na pagkakasabi nito sa kanya. “Let me go! Ayaw kong matulog na katabi ka.” Lakas loob na pagkakasabi nya dito. Hindi sya dapat magpadala dito. Tila umaapoy ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Hindi parin inilayo nito ang mukha sa mukha nya. “Oops! I’m sorry—“ sabay silang napatingin ni Aaron sa nagsasalita na yon. At si Roidan ang nakita nya. “ Nakadistorbo ba ako?” Seryoso pang tumalikod ang bakla. Wala sa loob na naitulak nya si Aaron, buti nalang nabitawan sya nito. “Roidan wait!” sinundan nya ang kaibigan. Mas mabuti pa na kasama ito kaysa guguluhin sya ni Aaron. -------- “Sino yon?” may panunukso ang titig ni Roidan sa kanya. “Boyfriend mo ba yon?” “Of course not.” tanggi nya na totoo naman. “Bakit parang naghahalikan kayo?” hindi parin tumitigil ang panunuksong tingin nito. “Were not kissing. Napuwing lang ako.” palusot nya. Kaysa sumagot ito. Inakbayan lang sya nito. “Pero infairness ha! Ang guapo ng lalaki na yon. Hindi mo ba talaga yon boyfriend? Kay kung hindi, aking nalang yon!” Laking mata na hinarap nya ito. “Excuse me!” Napatawa ito sa naging reaction nya. “Si manang, hindi daw boyfriend pero nagseselos.” Tinaasan nya ito ng kilay. Tawang- tawa lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD