"Kumusta ang bakasyon mo sa isla ng kuya Adrian mo?” tanong sa kanya ni Zabrina. Malayang pinagmamasdan nila ang natutulog na one month old na baby boys nito.
“It’s almost a disaster!” Disaster pala.
“Wow, I’m curious! Magkwento ka naman sa akin.” Tila bulong na pagkakasabi nito. “But, doon tayo sa study room magkukwentuhan, wag dito, baka magising ang mga prinsipe ko.”
--------
“Really?” hindi makapaniwalang sambit nito. “Talagang magkasama kayo doon ng dalawang linggo? Then, anong nangyari?
Matamang syang tumitig dito.
“Grabeh! Parang excited ka ha!”
Hiya itong napangiti.
“Hindi naman masyado!” may panunukso ang mga titig nito sa kanya.
“Wala naman mayadong nangyari. Hindi ko naman sya pinapansin.”
Pilit nyang iniwaglit ang mga nangyayari sa huling dalawang araw.
“Ganun? Hindi pala tumalab sa inyo ang magic ng islang yon. Hindi ba kayo nagkabati?” tila dismayado ito.
“Mas malaki ang kasalanan na nagawa nya sa akin, kaysa kasalanan nagawa ng pinsan ko sayo. Kailanman, hindi ko sya mapapatawad.” Pinatigas nya ang boses. “At saka, minahal ka ng pinsan ko kahit noon pa, tapos ako, pinaasa-asa at ginantihan lang naman ni Elijah. Kaya walang magic na tatalab sa aming dalawa.”
“Kung sa bagay!” may halong pagsuko ang boses nito. “Talaga bang walang nangyari for that 2 weeks?” pangungulit na naman nito uli.
Matamang syang tinititigan nito na tila ba hinuhuli nito ang katotohanan mula sa kanya. Parang sina-pscho sya nito.
“Of fine.” May pagsuko ang boses nya. “May nangyari nga sa amin. We-- you know-- have sex.” diretsong sabi nya.
Sandali itong napanganga sa sinabi nya.
“You and Elijah, what?”
“We have s*x. Ganun? Paulit- ulit?”
“Elijah and You?” tila hindi makapaniwalang sambit nito.
“Oo nga! For the last two days.”
Napatawa itong malakas.
“Akala ko ba walang magic na tatalab sa inyong dalawa?” may panunukso dito.
“Wala nga!” napangiti sya. “It’s not magic my friend! It just lust!”
Yon lang ang naisip nyang dahilan kung bakit paulit- ulit nyang naibigay ang sarili kay Elijah sa huling dalawang araw doon sa Isla. Ayaw nyang tanggapin ang dahilan na iginiit ng puso’t- isip nya.
“Lust?”
“Yup, lust!” buo ang boses nya.
--------
“Oh my God! Ano na naman kailangan mo?” tanong nya agad kay Elijah nang ito ang napaangatan ng mukha nya.
Kasalukuyan syang nasa isang restaurant, kumakain sya ng lunch. Walang sabi- sabi at umupo ito sa isang upuan na nasa harapan nya, tapos tinawag nito ang waiter. Umurder ito nang lumapit ang waiter. Inis na inis syang nakatingin dito.
“Hindi mo ba talaga ako titigilan?”pinagalit nya ang boses.
Kahit saan sya magpunta ay lagi itong nakasunod sa kanya at ginugulo sya.
“Nope.”
May paniniguro sa mga titig nito sa kanya.
“How dare you? Ano ba talaga ang kailangan mo?”
Naniningkit na ang mga mata nya na nakatingin dito.
“Alam mo kung ano ang kailangan ko.”
“Hindi paba pumasok sa isip mo na ayaw ko ngang magpakasal sayo.” Pinatigas nya ang boses. “C’mon, wag kanang maguilty, kusa kong ibinigay sayo ang aking sarili. Diba, hindi naman bago sayo yan! Hindi lang naman ako ang nag-iisang babae na ibinigay ang sarili sayo ng kusa, marami naman kami. Hindi mo naman siguro kami niyaya ng kasal lahat.” Kinaswal nya ang boses.
“s**t!” marahang mura nito. Natigil ito sandali nang dumating ang waiter, dinala ang order nito. “Ikaw palang ang babaeng niyaya ko ng kasal. At sana naalala mo ang sinabi ko sayo ng paulit- ulit doon sa isla.”
Kinaswal nya ang ekspresyong ng mukha. Ayaw nyang magpakita ng kahit anong emosyon dito. Muntikan na nyang naipakanulo ang damdamin nya dito doon sa isla. Hindi na sya dapat muling magpakatanga dito.
“Ah, yon sinabi mo na mahal mo ako?” sa mga mata nito sya tumingin. “Sad to say, hindi na ako uto- uto. Masarap sanang pakinggan yon, kaya lang naging bangungot, dahil sayo.” Palatak nyang pagkakasabi.
“Aaliyah, just give me time para magpaliwanag sayo. Please, marami akong gustong sabihin sayo.”
At plano pa pala nito na dagdagan ang kasalanan nito sa kanya. At muli syang lukuhin.
“11 years and a half. Don’t you think your explaination is a little bit late? At saka, ayaw ko nang marinig ang mga paliwanag mo. Hindi na importante. I don’t love you anymore Elijah, isa yan sa mga dahilan kaya ayaw kitang pakasalan.” Binuo nya ang boses.
Nabitawan nito ang kubyertos. Lumungkot ang ekspresyon sa mukha nito. Ang galing talaga nito sa aktingan.
“Aaliyah—“hinawakan nito ang kamay nya na nakapatung sa ibabaw ng mesa. Binawi nya ang mga kamay.
“Wag mo na akong e-stalk, Elijah. If you wont stop stalking at me, mapipilitan akong mag-file ng restraining order laban sayo.”mariin na pagkakasabi nya dito.
Pinatigas nya ang ekspresyong ng mukha.
“So paano, alis na ako!” tumayo sya. “By the way, ikaw nalang ang magbayad ng kinain ko, tutal ginulo mo naman ako.” Saka nya ito tinalikuran.
Hindi nya pinansin kahit anong emosyon na nakikita nya sa mga mata nito.