LTB 19

1221 Words
Kasalukuyan syang nakaupo sa malaking sofa ng kanilang malaking bahay nang dumating ang kuya Adrian nya, kasama nito ang asawa nito at ang mga anak ng mga ito na kambal na babae at lalaki. Pupunta ngayon araw na ‘to sa bahay ng mga magulang nila ang pamilya ng mga kapatid, may family dinner sila ngayon. Nagbatian muna sila ni Alexa, saka pumunta ang mga ito at ang kambal sa hardin ng bahay. Nandun kasi ang mga magulang nya. Close na close ang kambal sa mga magulang nila. Naiwan ang kuya Adrian nya na umupo sa tabi nya. May dala itong boquet of flowers. “Wow, para sa akin ba yan? Hindi ba nyang para sa asawa mo?” nilambingan nya ang boses. “Nope. Nagsawa na si Alexa sa mga bulaklak na ibinigay ko sa kanya. At saka hindi naman ito galing sa akin.” Nakangiti ito. Napakunot- noo sya. “Kung hindi yang galing sayo, then kanino? “Kay Elijah!” sagot nito na ikinainis nya. Inis na inis pa naman sya sa isipin na hindi parin sya tinitigilan nito. Hindi lang ito nakasunod sa kanya, lagi pa itong nagpapadala ng bulaklak sa kanya. At ngayon nag level- up na ito, sadyang ang kuya Adrian pa nya ang pinadala nito sa bulaklak. Hibang na ang lalaking yon! “Magtapat ka nga sa akin, dalawang linggo kayong nandun sa isla, nagkamabutihan ba kayo doon?” may panunukso ang mga titig nito sa kanya. Lihim syang napalanghap ng hangin. Tinanggap nya ang bulaklak at inilagay yon sa center table. If you only know, kuya! Pero, wala akong plano na sabihin sayo ang ginawa ng ex-enemy mo. Baka mabugbog mo pa si Elijah. “No. Siguro nagpasalamat lang sya sa akin. Tinulungan ko kasi sya sa pagsu-survey ng isla.” Nilaparan nya ang ngiti. “Ganun ba?” parang dismayado pa ito. “Sayang naman, akala ko pa naman na nagkamabutihan kayo. He’s a good man at mapagkatiwalalan.” Pinigilan nya ang pagtaas ng kilay sa sinabi nito. Mapagkakatiwalaan? Hindi ka pala marunong kumilatis ng tao, kuya Adrian. Parang gusto ko tuloy paniwalain ang sarili ko na hindi talaga kayo magkaaway noon, na magkaibigan talaga kayo! Ang sarap sanang sabihin. “Ano kaba kuya? Masyado mo naman akong minamadali na magkaboyfriend. I’m just 26.” “2 months from now, you will be turning 27. At ni minsan, hindi ka man lang nagkaroon ng boyfriend. Parang gusto ko nang paniwalaan na isa ka ngang man- hater.” Napatitig sya sa kapatid. Hindi ako man- hater, isang lalaki lang naman ang kinamumuhian ko at 'yon ay si Elijah lang naman. -------- “May gusto kabang sabihin Aaliyah?” tanong ng mommy Clouie nya sa kanya. Kanina pa kasi palipat- palipat ang tingin nya sa mga magulang at sa dalawang kuya, hindi din nya halos nagalaw ang pagkain nya. Kasama nya na kumakain ang mga magulang, ang dalawang kapatid at ang asawa ng mga ito. Habang ang anak naman ng mga ito ay nandun sa mga yaya. Mahigit na sa isang buwan mula nang may nangyari sa kanila ni Elijah sa isla, at may pinuproblema sya ngayon. Kung ganun kadali lang sana sabihin sa mga taong kaharap ang problema nya, baka kanina pa nya sinabi sa mga ito ang bumabagabag sa kanya ngayon. Isa pa, wala talaga syang ganang kumain. Ilang araw na syang ganito. “H-Ha? Wala po.” “Bakit parang hindi ka kumakain dyan?” ani ng daddy nya. Napatingin din sa kanya ang iba. Guys, may gusto talaga akong sabihin sa inyo. Hindi ko naman iniisip na problema ito, pero hindi ko lang alam kung paano sabihin. I'm pregnant! Tama nga si Zabrina, may magic nga ang isla na yon. Doon nabuo ang twins nila ni Hayden. Ah kuya Adrian, diba nagbakasyon din kayo doon ni Alexa ilang buwan pagkatapos ng kasal nyo, at doon din nabuo ang twins nyo? Buntis ako at mukhang twins din. Mukhang Twins Island ang dapat ipangalan ng islang yon. Ang sarap sabihin, tapos na sana ang problema nya ngayon. Pero, ang hirap naman sambitin. “Busog talaga ako! Ang sarap ng kain ko kanina.” “Oo nga. Biglang- bigla mo nalang naging favorite ang hilaw na mangga.” Ani ng daddy nya. “Narealize ko lang, masarap pala!” pinilit nya sumubo. “Katulad pala kayo ni Nicolle---“ nakangiting sabi ng kuya Aaron nya. “Bigla nalang nakahiligan ang mangga, yon pala---“ buong pagmamahal na napatingin ito sa asawa. “I would like to announce to all, that Nicolle is 6 weeks old pregnant to our second baby.” Nakangiting sabi ng kuya Aaron nya, dahilan para mabilaukan sya bigla. Mabilis naman syang inabutan ng tubig ng kuya Adrian nya. Ito kasi ang malapit sa kanya. “Aaliyah, dahan- dahan!” ani ng mommy nya. “Sorry!” hinging paumanhin nya sa lahat, kinalma nya ang sarili, saka sya bumaling sa kuya Aaron nya at kay Nicolle. “Wow, congrats kuya and Nicolle.” Mukhang magkaedad lang ang mga anak natin. sa isip nya. “Salamat!” ani ni Nicolle. Ang tamis ng ngiti nito. Halata ang kasiyahan sa mga mata. Mukhang masyado naman nagmadali ang dalawa. Mahigit palang sa isang taon ang anak na babae ng mga ito. Pero, masaya sya para sa mga ito. Kinu- congratulate naman ng ibang kasama ang mag-asawa. Halata ang kasiyahan ng kuya Aaron nya at ni Nicolle. “By the way Adrian—“ ani ng daddy nila. “Balita namin, plano mong iparenovate ang isla mo.” “Oo dad! Ang plano namin ni Elijah—“napasinghap sya ng narinig ang pangalan ng lalaki. “—gawin naming fitness center ang ibang bahagi ng isla. Siguro magpagawa din kami ng vacation house na tulad sa Pearl Island.”nakangiting sabi ng kuya nya. “—hanggang ngayon, pinag-iisipan parin namin kung ano pa ang pwede namin gawin sa isla.” “That’s good Adrian!” ani ng kuya Aaron nya. “Pero siguro mag-isip kana ng pwedeng ipangalan sa Isla.” Nakangiti ito. “Twins Island!” wala sa plano na agad na sambit nya. Napatingin na naman sa kanya ang halos lahat. Nahihiya tuloy sya. “I mean—doon nabuo ang twins ninyo ni Alexa kuya, pati na ang twins nina Zabrina at Hayden.” Pati na ang twins namin ni Elijah. Napatawa ang halos lahat sa sinabi nya. Namilyo pang napatingin ang kuya Adrian nya sa mahal na asawa. Ang langkit ng tingin nito. Mahal na mahal talaga nito ang asawa. Nginitian lang ito ni Alexa. “If that so—pag-iisipan ko!” “Kung e-renovate na pala ang isla, magbabakasyon muna kami ng daddy mo doon kahit dalawang linggo lang. What do you think?” ani ng mommy nila at nakangiting napatingin sa asawa. “Ok. Matagal narin tayong hindi nak---“ “Wag!” bigla nalang nyang nasambit. Napatingin na naman sa kanya ang halos lahat. “Bakit Aaliyah?” tanong ng daddy nya. “Dahil, ayaw ko pong masundan!” tila paslit na pagkakasabi nya. Nagkatinginan ang mga magulang nya sa isa’t- isa. Saka nagtawanan ang mga kasama nya. Oh my God! Ano ba itong nangyari sa kanya. Bakit parang masyado naman yata syang dis- oriented ngayon? Ganito ba ang buntis, hindi makapag-isip ng tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD