LTB 20

1332 Words
"Kailan mo planong sabihin sa kanila?” tanong ni Zabrina sa kanya. Ito lang ang nakakaalam sa sitwasyon nya ngayon. Pareho silang may tulak na cart nito. Nasa isang grocery store sila. “Hindi ko alam. Paano ko nga ba sabihin sa kanila na buntis ako at walang ama?" Kumuha sya ng oatmil, makakabuti daw ito sa buntis. “Meron ama ang ipinagbubuntis mo, friend! Diba, plano ka pa ngang pakasalan. At sinabi pa nga ni Elijah na mahal ka nya. Bakit hindi mo nalang tanggapin ang alok nya?” Ang ganda ng advice nito! Parang gusto na tuloy nya itong iwan. “Sinabi ko naman sayo na sinunggaling ang Elijah na yon. At ayaw kong—“ Hindi na nya natapos ang ibang sasabihin nang bigla syang nakaramdam ng pagkahilo. “Aaliyah, what happened?” nag- alalang tanong ni Zabrina. Napahawak sya masyado sa cart. “Nagiging blurred yata ang paningin ko.” “Oh my God! Wag kang magbiro sa akin. Ang liit ko pa naman, kumpara sayo.” Hindi na nya pinansin ang ibang sasabihin nito. Unti- unti na kasing nawala ang paningin nya. Ang huling naalala nya ay ang pagbagsak nya sa matitipunong bisig ng isang lalaki. ------- “May nakain ba syang nakakasama sa kanya?” pag-aalalang tanong ni Elijah kay Zabrina. Nakahiga si Aaliyah sa higaan ng clinic na pinadalhan nila nito. Nakaupo sya sa upuan na nasa gilid ng hinigaan ni Aaliyah, habang nakatayo lang si Zabrina. Kanina pa ito palalakad tapos hihinto na naman. “Wala naman!” ani nito. “Hindi nga sya masyadong kumakain sa mga nakakalipas na araw. Wala syang gana!” “Bakit?” kunot- noo sya. Hinawakan nya ang kamay ng dalaga. Ok na ito, pero hindi parin ito nagigising. “Ano bang sakit nya?” Namutla nakatingin sa kanya si Zabrina. Nag-alala din sya, baka ito na naman ang hihimatayin. “Ano kasi—“hindi alam nito ang ibang sasabihin. “Aaliyah, I’m sorry!” nakatingin ito kay Aaliyah. Ano bang nangyari dito? Muli itong humarap sa kanya. “Bahala na kung magalit sa akin si Aaliyah! Tutal, sooner or later, malalaman mo rin ang sitwasyon nya.” Ani nito, sinalubong nya ang mga titig nito. “She’s pregnant! At mukhang kambal ang dinadala nya. At syempre ikaw ang ama!” Sandaling napaawang ang labi nya sa sinabi nito. Samu’t saring emosyon ang nadarama nya. Pero, alam nyang may isang emosyon ang namayani sa lahat. Kaya alam nyang sobrang pagningning ng mga mata nya ngayon. Hindi nya maitatago ang kasiyahan. Kasiyahan na pansin- pansin ni Zabrina. “Kung mahal mo talaga sya. Don’t give up on her!” ani nito. Of course. He won’t give up, Aaliyah. Kahit pa hindi ito buntis, hindi parin nya ito isusuko. Lalo na ngayon at magkakaanak na sila. At dalawa na agad. Matagal na nyang pangarap na magkaroon na anak. At si Aaliyah lang ang tanging babae na pinangarap nyang maging ina sa mga anak nya. Ito lang ang tanging babae na minahal nya ng sobra. --------- "Ano na naman ang ginagawa mo dito?” inis na inis na tanong nya kay Elijah. Ang binata na naman ang napagbuksan nya ng pinto ng condo nya. Mula nang nalaman nito ang pagbubuntis nya, dumuble ang pagsunod- sunod nito sa kanya. Minsan, naitanong nya, wala ba itong ibang pinagkaabalahan sa buhay? “I brought you some avocados, makakabuti daw ito sa mga buntis.” Ani nito sa masiglang tinig. Tinaasan nya ito ng kilay. Saka nya kinuha ang dinala nito. “Makakaalis kana!” pagpapalayas nya dito. Pinigilan ng isang kamay nito ang akmang pagsara nya ng pinto. “Ano ba?” asik nya dito. “Mag-usap tayo, Aaliyah! Marami akong gustong sabihin sayo.” “Ayaw ko ngang magpakasal sayo. Bakit ba ang kulit mo?” Nabuhay agad- agad ang matinding galit nya dito. “Please, makinig ka naman kasi sa akin.” May halong pakikiusap ang boses nito. Pero, hindi na nya ito napansin, nagsimula na naman kasing sumama ang pakiramdam nya. Grabeh! Kanina pa nya ito laging ginagawa, pero hanggang ngayon, wala parin lumalabas sa sikmura nya. Kasalukuyan syang nagduduwal hanggang hinahagod naman ni Elijah ang likod nya. Sa totoo lang, nakaramdam sya ng kaginhawaan sa ginawa nito. “Talaga bang ganito lagi?” tanong nito sa kanya, pagkatapos nyang ayusin ang sarili nya. Kahit basang- basa nya ang pagkaalala sa mga mata nito, hindi parin nya muling pagkatiwalaan. Mahirap talagang ibalik ang dating tiwala sa isang taong lubos nyang pinagkatiwalaan, pero sinira lang nito ang lahat. Buong puso nyang tinanggap ang buong pagkatao nito. Pinagkatiwalaan nya ito ng lubos. Pero, masama pala ang plano nito sa kanya. At ngayon, okay na ang lahat sa pagitan nito at sa kuya nya, iniisip din nito na maging okay din sa kanila ang lahat. Hell! No! Hindi nya ito mapapatawad. “Aaliyah, ilang linggo nalang mahahalata na ang pagbubuntis mo. Kailangan na natin mag-usap ngayon.” Magkaharap silang nakaupo nito sa sofa. “Don’t worry about that! Nag-isip na ako ng plano kung paano ko sabihin sa parents ang kalagayan ko.” May naisip na nga sya na plano, ang kailangan lang nya ay isang lalaki na babayaran nya. “Really my princess? Sasabihin mo na sa kanila ang tungkol sa atin?” masayang bulalas nito. “Nope. Kailangan ko lang ng ibang lalaki na magpapanggap na ama sa dinadala ko.” Napalis ang ngiti sa labi nito. At rumihistro bigla ang galit sa mukha nito. “Plano mong ibang lalaki ang magpakaama sa mga anak ko? Iniinsulto mo ba ang p*********i ko, Aaliyah! Nandito ako at handa kitang pakasalan kahit ngayon pa. Bakit ba ayaw mong tanggapin ang alok ko?” may galit sa boses nito na wala syang pakialam. Kung galit ito, mas galit sya dito. “Hindi mo ba talaga nakuha, Elijah! Ayaw ko sayo dahil kinamumuhian kita. Ano ako tanga, para piliin makasama ang isang tao na kinamumuhian ko.” Tinumbasan nya ang galit nito. Sandali itong napanganga sa sinabi nya. “I’m sorry sa nagawa ko noon! Habang buhay, kaya ko naman bumawi sayo. Pero maniwala ka Aaliyah, mahal kita. Mahal na mahal kita.”my pagsusumamo sa mga titig nito. Napangiwi sya sa sinabi nito. “Wag na tayong magbiruan Elijah! Talagang ganyan ka naman sa akin noon. Mahal daw ako pero ginamit mo lang naman ako, diba! Alam mo bang, ilang gabi akong umiiyak ha! Walang hiya ka talaga. Tapos babalik ka na parang wala lang ang lahat. Napakamanhid mo at parang wala lang sayo lahat. Sana hindi ka nalang nagpakita sa akin. At sana, hindi ka na muling magpapakita sa akin.” Binuo nya ang galit na boses. Wala sa plano nya ang manumbat dito, pero hindi na nya napigilan ang pagsidhi ng sobrang galit nya dito. Hinawakan nito ang kamay nya. “Aaliyah please, makinig ka naman kasi sa mga paliwanag ko. Hindi ko inte---“ “Umalis ka na, Elijah! Get out! Get out of my life!” bulyaw nya dito. Binawi nya ang kamay mula dito. “Aaliyah, please!” Hindi nya pinansin ang pagsusumamo sa mga titig nito. “Please, Elijah!” hinaluan nya ng pakikiusap ang boses. Ayaw na talaga nya itong makita, dahil mas lalo lang magdurugo ang puso nya. “Sumasakit ang ulo ko sayo. Ayaw na ayaw na kitang makita.” Wala na itong nagawa kundi ang lumong tumayo. “Aalis ako ngayon pero hindi ibig sabihin na isusuko ko kayo ng mga anak ko.” May kabuuhan ang boses nito. Maang sya na nasundan ito ng tingin habang papaalis. Nang tuluyan na itong nakaalis, agad na nagbagsakan ang mga luha na kanina pa nya pinipigilan. Parang basag na piraso ang puso nya sa ginawa nito noon. Mula nung, nagka-phobia na sya na magkagusto muli sa ibang lalaki, dahil takot syang masaktan at maluko muli. At ngayon, nasasaktan na naman sya muli dahil sa lalaki. At sa malas, ito din ang lalaking nanakit sa kanya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD