LTB 21

1696 Words
“Pareng Elijah, bakit ka nakipagkita sa amin?” tanong agad ni Aaron sa kanya nang dumating sya sa usapan nila kung saan sila magkita. Kasama nito ang kakambal nito na si Adrian. Umupo sya sa upuan, paharap sa mga ito. “Yon tulong na sinasabi nyo, kailangan ko na ngayon!” diretsong pagkakasabi nya sa mga ito. “Bakit? Ganun ba talaga kahirap suyuin ang kapatid namin?” ani ni Adrian. Hinaluan nito ng biro ang boses. “I don’t have much time. Buntis si Aa---“ “Binuntis mo ang kapatid namin?” sabay na tanong ng dalawa. Napaayos bigla sa pag- upo ang mga ito. “Ano sa tingin nyo ang pwedeng mangyari sa amin doon sa isla? Alam kong sinasadya nyo na papuntahin ako doon, dahil alam nyong pupunta si Aaliyah doon. Hindi nyo man lang sinabi sa akin na makakasama ko sya doon.” Pagpapaalala nya sa scheme ng dalawa. “Diba, ang sabi namin na suyuin mo. Iparamdam mo na mahal mo sya, pero walang hiya ka pare, eniskuran mo agad. Hindi pa nga kayo nagkakaayos.” Ani ni Adrian. Hindi naman ito galit. “Wala sa plano ko ang nangyari sa amin. I kissed her and she kissed me back. Sa tingin nyo, ano ang pwedeng mangyari kung lumalim ang halikan namin? Gayun, gustong- gusto ko syang angkinin. Alam ko naman naintindihan nyo ang ibig kong sabihin, dahil pinagdaanan nyo rin yan.” Mahal na mahal din ng mga ito ang asawa ng mga ito. Kaya alam nyang naintindihan sya ng mga ito. When the man is inlove, they can’t hide it. Sabi nga nila, mas magaling magtago ang mga babae ng nararamdaman. But Aaliyah is so transparent, alam nyang mahal parin sya nito, galit na galit lang ito sa kanya. At ilang beses nyang napatunayan na mahal sya nito. She’s not that kind of woman na ilang beses ibibigay ang sarili sa isang lalaki kung wala itong naramdaman, considering na sya lang ang tanging lalaki sa buhay nito. He felt it in her kisses and her touch. And how their bodies become one. God! How he miss her? Gusto nyang maramdaman muli ang init ng katawan nito. Ang nakakabaliw na pakiramdam habang inaangkin nya ito. Sobrang mahal nya si Aaliyah at kailangan- kailangan nya ito sa buhay nya. Lalo na ngayon, magiging ama na sya sa mga anak nila. Napatigil ang dalawa at napatitig sa kanya. “Ano ang gusto mong gawin namin?” tanong ni Adrian. “I have to eat my pride sa harapan nyo. Kailangan ko na ang tulong nyo ngayon. Aaliyah didn’t listen to me. Siguro makikinig sya sa inyo kung sisimulan nyo ang pagpapaliwanag ko.” ---------- “Wow, bakit nyo naisipan na puntahan ako ngayon sa condo? At ipagluto ng dinner?” nakangiting tanong ni Aaliyah sa mga kuya nya na sina Adrian at Aaron. Magkaharap silang naupo nito sa hapag- kainan. Ang sarap talagang magluto ng mga kuya nya. Well, silang tatlo ay sadyang marunong magluto. Ito ay dahil, lumalaki silang tinuruan ng mommy nila sa pagluluto. At sadyang nasa angkan nila ang natural na galing sa pagluluto. Mabuti nalang, hindi umandar ang craving nya ngayon, at least, hindi mahalata ng mga ito ang pagbubuntis nya. Hindi pa sya handa ngayon para sabihin sa mga ito ang kalagayan nya. “Well, gusto lang namin bumawi sayo.” Ani ni Aaron. Napakunot- noo sya. “Bumabawi kayo? Para saan?”ngumiti sya. “Kung ang ibig nyo sabihin ang kawalan nyo na ng time sa akin, I understand naman. May sarili na kayong pamilya. At masaya ako dahil nakakasama nyo na ang babaeng mahal na mahal ninyo.” “We want you to be happy also. We do things para maging masaya kana.” Ani ng kuya Adrian nya. “Ang gusto namin ng kuya Aaron mo ay may mag-aalaga narin sayo. Mom and Dad are not getting younger.” “I can handle myself perfectly kuya. I don’t need somebody!” Pero ngayon kailangan ko muna ang suporta nyong lahat, dahil sa kalagayan ko ngayon. -------- “Ano ba talaga ang sasabihin nyo sa akin?” agad nyang tanong sa mga kapatid nang kaharap na nyang naupo ang mga ito sa sofa. “First of all, gusto lang namin humingi ng tawad sayo, dahil may nagawa kaming kasalanan sayo.” Ani ng kuya Adrian nya. “Kasalanan? Anong nagawa nyong kasalanan?” kunot- noo sya. “We scheme you!” ani ni Adrian. Maang syang napatingin sa mga ito. “Gumawa kami ng paraan ni Adrian, ng mga plano na sa tingin mo maging daan para sumaya ka ng tuluyan. Ang una ay ang pag-advice ko sayo na mag-aral ng taekwondo. May plano kami ni Adrian nung, plano namin ipaglapit kayo ni Elijah. Walang alam si Elijah, kami lang ang nagplano.” Napanganga sya sa sinabi nito. “At sa isla, we scheme you also, pinapunta ko doon si Elijah nang nalaman ko na pupunta ka doon. Wala din syang alam na pupunta ka doon. Iyang ang second attempt namin na ipaglapit kayo.” Ani naman ni Adrian. Kinalma nya ang sarili. Hindi nya alam kung dapat ba syang magalit sa mga kapatid. “Bakit? Bakit nyo ginawa ito?” sinubukan nyang maging mahinahon ang boses. “At kuya Adrian, alam mo ang tungkol sa amin ni Elijah?” “Oo.” Saka tumikhim ang kuya nya. “ Ang hiling namin sayo ngayon ay makinig ka muna sa sasabihin namin, bago ka magpasya kung itataksil mo ba kami o pasalamatan kami.Please, listen first!" Puno ng pagsusumamo ang titig ng mga kapatid nya. -------- It’s past 8:00 pm, kasalukuyan pa rin nyang tinahak ang daan papunta sa town house ni Elijah. Hindi na sya makapaghintay ng bukas. Kailangan na nyang makausap ang binata. Malinaw pa sa alaala nya ang pinagtapat ng mga kuya nya. “Kakasimula palang nyong magkalapit, sinabihan ko na sya na unti- unting kang layuan. Ang paniwala ko kasi noon na puppy love lang ang nadarama mo, hindi kasi ako naniwala na seryoso ang nadarama mo sa kanya. Kaya nga hindi ko sineryoso noon si Nicolle nung sinabi nya sa akin na mahal nya ako, kasi puppy love ang paniwala ko sa batang pagkagusto. Kaya galit na galit ako nung patuloy parin syang nakipaglapit sayo. Pero, nanindigan na hindi ka nya kayang iwasan, pinigilan nya pero gustong- gusto ka talaga nya. At gusto ka nyang pasiyahin. Basang- basa ko ang kasiyahan sa mga mata nya at that time. That’s why I felt guilty dahil nakita ko rin na ang saya mo pag kasama mo sya. At pinilit ko syang layuan ka.”ani ng kuya Aaron nya. “Isang araw, pinuntahan nya ako, lakas- loob nyang inamin sa akin ang tungkol sa inyo. Sinabi nya sa akin na mahal na mahal ka nya at gusto na nyang makipag-ayos sa akin. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya at that time, parang nakikita ko sa mga mata nya ang nasa mga mata ko dahil sa pagtanggi ni Alexa sa akin. Kahit nahalata ko ang pagmamahal nya sayo, pero naningdigan parin ako na layuan ka nya. Muntikan ko na nga syang binugbug, hindi dahil sa ayaw ko sa kanya, hindi naman talaga ako nagkimkim ng sama ng loob. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit muntikan na kaming nagpatayan noon, sinaktan ko ang kaibigan nya at ipinakulong pa sya ni grandpa Aki. Bata kapa Aaliyah, ayaw kong mapasubo ka. Kilala ko si Elijah, mapusok sya at ang kapusukan nya ay katulad ko. At that time, wala pang direksyon ang buhay nya. Ano ang maging kinabukasan mo sa kanya? Pero, naninindigan sya na mahal na mahal ka nya at magbabago sya para sayo. At dahil matigas ang ulo nya kaya kailangan na namin ng tulong ni grandpa Aki. Hindi namin alam kung ano ang susunod na nangyayari, sa kanya mo nalang itanong.”ani ng kuya Adrian nya. “Isang araw nakita ka namin na nakatingin sa picture ni Elijah. Naintindihan na namin ang nadarama mo. Nakikita namin sina Alexa at Nicolle sayo. Sa mahabang panahon, ako parin ang mahal ni Nicole sa kabila ng p*******t ko sa kanya. Ganun din si Adrian, kahit pa akala ni Alexa na hindi sila pwede ni Adrian, ito parin mahal ang mahal nya. Kaya narealize namin ni Adrian na mahal mo parin si Elijah sa kabila ng lahat, kaya kahit kailan, walang ibang lalaki ang pinapasok mo sa buhay mo.”ani ni Aaron. “Doon namin napagpasyahan na hanapin si Elijah, medyo nahihirapan kami sa paghahanap sa kanya, dahil sa binago na pala ang apelyido nya. Hanggang isang araw, isa sa mga estudyante ko sa mga taekwondo ang nakakita ng picture mo sa opisina. Sabi nya sa akin pamilyar daw sa kanya ang mukha mo, at saka nya naalala na nakita nya ito sa bahay ng isa nyang kakilala na trainor din. Elijah Montenegro ang pangalan, and the rest is history. Kahit hindi sabihin ni Elijah, basang- basa namin sa mga mata nya ang pagmamahal nya sayo, yon ang rason kung bakit may malaki kang frame sa bahay nya, at picture nyong dalawa ang nasa pitaka nya.At saka hindi susundan- sundan ng isang lalaki ang babae, kung hindi ito mahalaga sa kanya. We offered him a help pero tinanggihan nya. Gusto nyang sya mismo ang makahuli kung mahal mo paba sya. Kaya wala talaga syang alam sa mga scheme namin.” Ani naman ni Adrian. Samu’t- saring emosyon ang nadarama nya sa mga rebelasyong ng kuya nya. Isa lang ang alam nya, kailangan nya ang buong katotohanan mula kay Elijah. Bakit nagawa syang saktan nito? Bakit kailangan sabihin nito na ginamit lang sya nito? Mahal pa nga nya si Elijah. Mahal na mahal parin nya ito. Ito ang isang katotohanan na pilit nyang ibinura sa puso’t isip nya. Ito ang dahilan kung bakit nanghihina parin sya sa mga halik nito, kaya ilang beses nyang naibigay ang sarili dito. Si Elijah parin. Walang makakapalit nito sa puso nya. Tulad ng lagi nyang sinasabi noon. Edad lang ang bata sa kanya noon, pero sigurado ang puso nya na si Elijah lang talaga ang gusto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD