LTB 22

1569 Words
"Aaliyah?!” hindi makapaniwalang sambit ni Elijah nang sya ang napagbuksan ng pinto nito. “Anong ginagawa mo dito?” Rumihistro ang kasiyahan sa mga mata nito. Gusto sana nyang halikan ito agad, pero pinigilan nya ang sarili. Kailangan muna nilang makapag-usap nito. “I need to talk with you. Hindi mo ba ako papasukin?” nilakasan nya ang loob. “Of course, pasok ka.” Nilakihan nito ang pagbukas sa pinto. Nang nakapasok nga sya sa sala. Nakita nga nya ang isang malaking portrait nya pero napakunot- noo sya. Ang picture kasi nya ay kuha sa isang party 2 years ago. Bakit may picture ito sa kanya sa party na yon? Nagtatanong ang mga mata nya na nakatingin dito. “2 years ago, kababalik ko lang dito, lihim kitang sinusundan. Kaya lang, kalaunan, tumigil din ako. Kahit saan ka kasi magpunta, may kasama kong lalaki, akala ko boyfriend mo. Sa tingin ko kasi masaya kana dahil nakahanap kana ng ibang lalaki na mamahalin, kaya hindi na ako umasa. Nakuntento na akong mahalin ka ng lihim. Nabalitaan ko kasi na ikakasal kana kaya tumigil na ako sa pagsunod- sunod sayo.” Mahabang pagkakasabi nito. At kilala nya kung sino ang lalaking tinutukoy nito. “Walang kami ng lalaking yan. Anak sya ng kaibigan ni mommy. Sinubukan kong makipaglapit sa kanya dahil pinilit ako nina mommy at daddy na subukan makipaglapit sa kahit sinong lalaki. I was fond of him but it wasn’t love. At hindi kami ikakasal. Dalawa nalang kami ni Stefie noon na single sa amin magpipinsan na babae, at pareho kaming hindi pa nagkakaboyfriend, tinutukso nila kami kung sinong mauna sa aming dalawa. Sinasakyan ko lang ang pasarin nila na ako ang mauna. Well, yon ang akala nila na hindi pa ako nagkaboyfriend dahil boyfriend naman talaga kita noon kahit hindi mo ako niligawan.” Napangiti sya. Tumitig ito sa kanya. Sinalubong nya ang mag titig nito. “Bakit Elijah? Bakit kailangan mo akong saktan noon?” hindi na nya napigilan magtanong. “Dahil ba tinakot ka ng grandpa Aki ko?” Lumanghap muna ito ng hangin bago magsalita. “Hindi naman ako tinakot ng lolo Aki mo, pinakiusapan nya ako na layuan ka muna. Kasabay ng pangako na balang araw kung pwede pa, sya mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit tayo muli. Ang lolo mo ang nagpakulong sa akin Aaliyah, at aaminin ko, bahagya akong nakaramdam ng pagkabahala kahit hindi naman nya ako tinakot. Nababasa ko kasi sa mga mata nya ang katatagan sa mga pinagsasabi nya. “ simula nito. “Pero, hindi yan ang pinakadahilan. At that time, may nagpakilala sa akin na isang tao. Sabi nya sa akin, kilala daw nya ang tunay na pinagmulan ko. Hindi ko daw totoong ama ang namulatan kong ama. Iba daw ang ama ko, isang half- Italian. Gusto nya akong sumama sa Italy, pero ayaw ko dahil hindi ko kayang iwan ka at hindi din naman ako sigurado kung nagsasabi ba ng totoo yon lalaki. Alam ito ng lolo Aki mo, at sinabi nya sa akin na pinaimbestigahan daw nya kung nagsasabi ng totoo ang dumating at totoo daw. Doon na ako nagkaroon ng kuryusidad sa pinagmulan ko.” “At nakuha mo ba ang kasagutan na hinahanap mo Elijah?” mahinahon na tanong nya dito. Tumango ito. “Isang Italian Soldier ang ama ko na naging boyfriend ng mama ko nung na-assign dito ang ama ko. Mahal na mahal nya ang mama ko, kaya iniwan nya dito ang isang kwentas na nagsisimbolo sa pagmamahal nya.” Napatingin ito sa kwentas na suot nya. “Kaya pala, nasabi sa akin ng mommy ko dati na galing ang kwentas na yan sa taong mahal na mahal sya. Hindi ko sya maintindihan dati, ang inakala ko lang na mahal sya ay ang kinilala kong daddy kasi obsess na obsess ito sa kanya.” “Hindi nya alam na nabuntis nya si mama, nung bumalik sya sa Italy. Natapos na kasi ang misyon nya dito, pero plano nyang balikan ang mama ko. Yon na ang pagkakataon na hinintay ng akala kong ama. My mom is so depressed, okay lang naman sa kinikilala kong ama na buntis ang mama ko. Hindi kasi sya magkakaanak at kailangan nya ng taga pagmana. Which sa akin nga nakapangalan lahat ng ari- arian nya.” “The rest is the history, nalaman ng daddy ko na may anak pala sya. Gusto nya akong makasama, ako lang kasi ang nag-iisa nyang anak. I have to give way, kailangan kasi na ako pumunta doon, hindi na kasi sya makalakad at hindi na halos makakilos, nadisgrasya ang totoo kong ama at napuruhan ang spinal nya.” “Nagsimula ako doon Aaliyah. Naranasan kong mahalin ng isang ama, at mamuhay na kasama ang isang pamilya. Mahal na mahal ako ng mga kamag-anak namin doon. Nag-aral ako muli at binago ko ang sarili ko. Hoping that someday kung pwede pa tayo, pwede mo na akong ipagmalaki. Bumalik ako dito nung namatay ang papa ko.“ Mahabang paliwanag nito. Nakaramdam naman sya ng kasiyahan sa isipin naging masaya na pala ito. Pero, may katanungan parin namayani sa kanya. “Then, why you didn’t tell me the truth and you have to lie to me?” “I have to. Marami ang pwedeng mangyari sa mahabang panahon na magkahiwalay tayo. Kailangan mong magalit sa akin, for you to live na hindi ako inaalala. Na hindi ka masyadong nag-alala sa akin, kung babalik pa ba ako o hindi na, at kung kailan ako babalik. Bata kapa at marami pang pwedeng mangyari sayo, marami kapang makilala na mas hihigit sa akin.” “I want you to enjoy your life. I don’t want you living, waiting for me to coming back, kahit pa plano kong balikan ka balang araw. Ang plano ko pagbalik ko dito, nakita kitang masaya, kung wala na akong pag-asa, wala akong magagawa, at least masaya ka, kasama ang lalaking pinili ng puso mo. Kaya nga nung nakita kita kasama ang isang lalaki at masaya kayo, umiwas na ako. " “Ayaw kong isipin na pagbalik ko dito, tayo parin dahil hinintay mo ako. Para kasi sa akin kung tayong dalawa ang para sa isa’t- isa, tayo parin sa bandang huli.” Napatulo ang luha nya sa sinabi nito. “Yes, I enjoyed my life, but I am not that happy like any other girls in my age. My mind and heart is occupied by you. Yes, I hate you, because I thought that you just using me despite of all the love that I have for you. But I always love you, Elijah. It was just the bitterness that stopping me in believing in you. I’m sorry for not giving you a chance to explain everything.” Tuluyan na itong lumapit sa kanya at pinunasan nito ang ilang butil ng luha nya, gamit ang hintuturo nito. “It’s ok and I’m sorry for all the pain that I have caused you, my princess. I’m willing to make up with you all my life. I love you, Aaliyah. I always love you.” Ani nito na sa mga mata nya nakatingin habang ikinulong ng mga palad nito ang mukha nya. Pero, wala parin tigil ang pagtulo ng luha nya. Ito ay dahil sa sobrang kasiyahan na nadarama nya ngayon. “Do you really love me?” paniniguro nya, baka iba lang ang rinig nya. “I am absolutely, definitely, positively, unquestionably, beyond any doubt, in love with you, Aaliyah!”madamdamin pagkakasabi nito. “Wala akong ibang minahal na babae kundi ikaw lang. Actually, walang ibang naging babae sa buhay ko doon sa Italy, my heart and mind is all into you!” ngumiti ito. Basang- basa nya sa mga mata nito ang katotohanan sa mga pinagsasabi nito. “Really?” namilya syang napangiti. “Yes!” at sandaling kinintalan ng halik nito ang labi nya. “Then, are you going to marry me now?” tanong nya dito. “I’m been asking that to you many times, kahit pa noon nasa Isla tayo. Ikaw lang ang tumatanggi.” Namilyo ito. Binalikwas nito ang mga kamay mula sa pisngi nya. “Kaya nga ako na ang nagtatanong sayo ngayon. Baka kasi nagsasawa kana sa katatanong.” “Kahit kailan, hindi ako magsawa na magtanong sayo. But ngayon, hindi na ako magtanong kasi dapat mo na talaga akong pakasalan. Marry me, Aaliyah!”may halong pag-uutos ang malambing nitong boses. “Ok.” At ikinawit nya ang braso sa leeg nito. “Kung hindi kalang guapo at macho, hindi kita pakakasalan.” Biro nya dito. “Ganun? Mabuti naman pala at pinagpala ako sa alindog.” Kumidhat pa ito sa kanya. Iniyakap din nito ang braso sa baywang nya. “I love you, Aaliyah!” puno ng katotohanan ang boses nito. “I love you too, Elijah!” Tuluyang nang tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila. At agad din syang nakipagpalitan ng halik dito. They kissed with each other possessively and passionately. Puno ng pananabik ang halik nila sa isa’t- isa, kaya agad din lumalim at uminit. Pabigla syang pinangko nito nang naghiwalay ang mga labi nila. “You are mine, Aaliyah. Then and Now.” Ani nito as he caressing and adoring her naked body. “I’m always yours, Elijah! Until forever.” He was taken her in the island. At handa nyang ibigay ang sarili dito habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD