LTB 16

1700 Words
Dahil nakaramdam sya ng uhaw kaya lumabas sya mula sa kwarto nya. Halos kalahating gabi na. Pagkatapos nyang maglagay ng tubig sa baso, agad nyang ibinalik ang pitsel ng tubig sa refrigerator. Katatapos lang nyang uminom nang naramdaman nya na parang may tao sa likuran nya. Muntikan na syang napasigaw, ang lapit naman kasi ni Elijah sa kanya. Nagkatitigan sila nito. Hindi nakatakas sa kanya ang paghagod ng tingin nito sa kanya. Sa ilalim kasi ng maikli at manipis na suot nyang nightie ay tanging bikini lang ang suot nya. Sya din ay napahagod ng tingin dito. Tanging boxer short lang kasi ang suot nito. Kinalama nya ang nag-iinit na pakiramdam. “Diba, sabi ko sayo, wag kang lumapit masyado sa akin. Gusto mo ba akong atakihin sa nerbiyos?” pinagalit nya ang boses. Kailangan maibsan ang nerbiyos na nadarama nya ngayon. “I’m sorry!” hinging paumanhin nito. Titig na titig ito sa kanya. At may kakaiba sa mga titig nito. “But, gusto ko lang malaman mo that you are in my side.” Nakangiting sabi nito. “H-Ha!” ipinalinga- linga nya ang mga mata. Nasa pwesto nga sya nito. “At may usapan tayo, diba! Sana hindi mo nakalimutan.” Mas humakbang ito palapit sa kanya. Parang nahihipotismo sya sa mga titig nito. Hindi sya makagalaw. Sunod- sunod ang paglunok nya nang unting- unti inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Hindi sya makakilos, tila nananabik pa sya. Hanggang sa tuluyan tinawid ng labi nito ang pagitan ng mga labi nila.May isang damdamin na nabuhay sa puso nya dulot ng paglalapat muli ng mga labi nila. Para syang sabik na sabik dito. Literal na naman syang dinadala sa langit. Ang sarap parin ng mga labi ni Elijah. Sandali lang syang napatulala dahil agad din syang nakipagpalitan ng halik dito. Kaya mas naging mapusok at mapang-angkin ang mga labi nito. Na tinumbasan din nya na kasing intensidad. Naramdaman nya ang paghapit nito sa baywang nya, para mas mapalapit sa katawan nito. Hindi din nya napigilan ang sarili, naikapit nya ang kamay sa balikat nito. Mas tumindi ang halikan nila. Halos habol nila pareho ang hininga nang nagkahiwalay ang mga labi nila. Para syang umahon mula sa hibang na panaginip. Saka lang sya nakabalik sa katinuan. “Aaliyah!” sambit nito sa pangalan nya. Tinampal nya ang papahaplos na kamay nito sa pisngi nya. “That kiss means nothing! Sumuway ako sa usapan natin. At nagawa mo na ang penalty mo. ”pinatigas nya ang boses. Saka sya kumawala mula dito. At tuluyan nilayasan ito. Hindi nya napigilan ang pagbagsakan ng kanyang mga luha ng tuluyan na syang nakapasok sa kanyang kwarto. Ang tanga- tanga mo, Aaliyah! ------ Papunta sya sa dalampasigan, plano nyang maligo sa dagat ngayon, dalawang araw nalang at aalis na sya sa islang ito. Kaya hindi nya palalampasin na hindi sya makaligo sa maasul- asul na tubig dagat. Mahilig pa naman sya sa dagat. Kung ganda lang ang pag- uusapan, hindi naman malayo ang kagandahan ng isla sa Pearl Island. Ang Pearl Island ay pag-aari ng tito Zac nya, kapatid ito ng mommy nya. Isang asul na manipis na cover- up ang ipinatakip nya sa suot nyang white two piece swimsuit. Malapit na sya sa tabing dagat nang nakita nya si Elijah, na tila nagte- taekwondo na naman ito. Wala na naman itong suot sa itaas na bahagi ng katawan at loose jeans sa ibaba. Para itong greek god na tila may kasagupa sa buhanginan, nakapaa pa ito. Umiling sya. Hindi sya dapat magpaapekto dito. Hindi nya dapat pagtuunan pa ito ng pansin. “Hi!” nakangiting bati nito sa kanya, nang nakita sya. Tumigil ito sa ginagawa. Hindi nya ito pinansin. “Diba, gusto mong matutu ng taekwondo? Pwede kitang turuan ng mga basic.” He smile in a very friendly way. Talagang napakamanhid ito. Obvious naman na ayaw nyang makipag-usap dito. “Mukha bang magte-taekwondo ang suot ko ngayon?” sarkastik nyang pagkakasabi. “Hindi naman!” hinagod pa sya ng tingin nito. Parang namula ang buong katawan nya sa ginawa nitong paghagod sa kanya. “Parang maliligo ka sa dagat.” “Bastos talaga!” tila bulong lang na pagkakasabi nya. Paliwat’ kanan na naman pinakrus- krus nito ang braso. “Ang ibig kong sabihin lang naman, pwede ka naman pumunta sa gym ng kuya mo, ako mismo ang magiging trainor mo.” “Thanks but no thanks. Ayaw ko nang matutu ng taekwondo lalo na kung ikaw ang trainor.” “At bakit ayaw mo akong maging trainor? Nagiging black belter nga ako sa taekwondo sa loob lamang ng ilang buwan. Ibig sabihin lang dun maga---“ “Hindi na yan nakapagtataka, mahilig ka sa away, eh!” hinaluan nya ng pangingisulto ang boses. “At saka, ayaw kong maging trainor ka, baka sa kalagitnaan ng training natin, hindi ko na mapigilan ang aking sarili at mabugbog pa kita.” Padabog na pagkakasabi nya dito. Saka tinalikuran ito. Mas mabuti pang maligo na sya sa dagat. -------- Hindi muna sya naligo, naupo muna sya sa isang beach mat, marahang syang naglalagay ng sunblock sa legs nya. Kainis, hindi nya masyadong maabot ang likod nya, hindi nya ito malalagyan ng sunblock. Kailangan pa naman nyang maglagay ng sunblock. Mainit ang panahon at sadyang madaling maging tan ang balat nya. Hindi sya natural na tan kaya para sa kanya, ang pangit nya tignan pag tan sya. Napalingon sya sa kung nasaan si Elijah kanina, mukhang wala na syang choice. Pero, wala na ang lalaki. Pinalinga- linga nya ang mga mata. “Saan na ang hinayupak na yon?" Maya’t- maya lang, ibinalik nya ang paningin sa dagat pero muntikan na syang napasigaw. Si Elijah nakatayo sa harapan nya at naka- swimming trunks lang ito. Kinalma nya ang sarili. Pinilit nyang wag mahagod ng tingin ang almost perfect na katawan nito. Pinilit nyang iwaglit sa isip ang nakakadistract na ibabang bahagi ng katawan nito. Oh my God! Naeskandalo ang utak nya. “May hinahanap ka?” nakangiting tanong nito. “Bakit ba ang hilig mong manggulat ha?” asik nya dito. “Hindi naman kita ginugulat. Ikaw lang itong magugulatin.” Napalanghap sya ng hangin. Pinilit nyang maging mahinahon. “Hinahanap nga kita! May ipapagawa ako sayo.” Lakas- loob na pagkakasabi nya dito. “Really? What is it?” Parang nagningning ang mga mata nito. Pero wala syang pakialam. “Lagyan mo ng sunblock ang likod ko.” Sabay nyang inabot dito ang sunblock. Napaawang sandali ang labi ito sa sinabi nya. “Are you sure?” Paniniguro nito. “Mukha ba akong nagbibiro?” “Hindi naman.” Matamang itong napatitig sa kanya. “Kaya lang, baka masuntok mo ako kung---“ “Don’t think of anything. I don’t have any choice. My skin will easily be tanned. At ayaw kong ma-tan ang balat ko.” “Ok.” Inabot nito ang sunblock. “But, kahit anong balat mo, you still beautiful.” Pumunta ito sa likod nya. “Pwede ba, wag ka nang humirit. Hindi na ako uto- uto ngayon.” Ani nya sabay hubad sa cover- up nya. Lumuhod ito sa likuran nya, saka ito naglagay ng sunblock sa kamay nito. Bahagya syang napapitlag nang tuluyang nalapat ang palad nito sa likod nya sa itaas na bahagi. Nag-init ang pakiramdam nya, kasing init yata ng palad nito. Marahang pinahid nito ang likod nya. Sunod- sunod ang paglunok nya. Parang natigil yata ang oras. Naramdaman na naman nya ang paglagay ng sublock nito sa palad nito. At ngayon naman ang ibabang bahagi na naman ng likod nya ang pinahid ng sunblock nito. Tila sa nakuryente nang humantong ang kamay nya sa kanyang baywang. “T-Tapos ka na ba?” kinaswal nya ang boses. Hindi ipinahalata dito ang sunod- sunod na lihim nyang pag- inhale at exhale. “Ah. Oo.” Binalikwas nito ang kamay. Buti naman! Pasalamat ng isip nya. Inayos muna nya ang sarili. Saka sya tumayo. Napatingin sya kay Elijah. Hindi parin ito nakarecover mula sa dating posisyon. “Bakit pawis na pawis ka dyan? Hindi naman mahirap yon pinaggagawa ko sayo.” Hindi nya napigilan tanong. Huli na para bawiin. Napaangat ito ng mukha sa kanya. “Hindi nga! Naintindihan mo naman siguro na lalaki ako at------“ hinagod sya ng tingin nito. “---ang ganda mo Aaliyah.” She saw a certain desire from his eyes nang naibalik nito ang paningin sa mukha nya. Nag-init na naman ang pakiramdam nya. Ipiniling nya ang ulo. Pinagnanasaan nga nya si Elijah nung 15 years old sya. Ngayon pa kaya that she is already a mature woman with needs. Sa edad nya ngayon, natural na sa hormones nya ang makaramdam ng attraction sa isang lalaki. At aaminin nya, she has this desire for Elijah, kahit pa sa katotohanan na galit na galit sya dito. “Well, lagi mo naman akong pinag-iisipan ng masama, kaya hindi na ako nabigla sa sinabi mo.” Ouch! Bitterness strike. Ayaw nyang manumbat dito, dahil baka isipin pa nito na apektado parin sya hanggang ngayon sa ginawa nito sa kanya noon. Pero hindi talaga nya mapigilan ang laging paringgan ito. Napasimangot ito sa sinabi nya. Napagpasyahan nya na tuluyan na itong layasan. Mas mabuting maligo na sa dagat para malamigan ang sobrang init nyang pakiramdam ngayon. ------ Kanina pa sya palangoy- langoy. Bahagya syang nakaramdam na ng bagot. Hindi pala enjoy ang maligo sa dagat pag walang kasama. Kanina pa pasimpleng hinahanap ng mga mata nya si Elijah, pero hindi na nya ito nakita. Mabuti naman at umalis na ito. Kung bakit paman kasi, sa lahat ng tao dito mundo, si Elijah pa ang nakakasama nya sa islang ito. Pwede naman si Brad Pitt o si Tom Cruise. Pwede din yon mga bagay sa edad nya, si Penn Badley o di naman kaya si Chace Crawford. Papayag din sya kong si Sean O' Pry. Napagpasyahan nya na pumunta muna sa mas malalim na bahagi, bago tuluyang aahon. Pero, hindi nya napaghandaan ang susunod na mangyayari, nakaramdam pa naman sya ng pagpulikat. Medyo marami na ang tubig na nainom nya. Hindi na nya alam ang susunod na nangyayari dahil tuluyan na syang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD