LTB 15

966 Words
"Pwede ba, doon ka sa kabilang gilid!” hinaluan nya ang inis na boses. Pareho silang nakaupo nito sa sofa. Nanonood ito ng TV, habang sya naman ay nakaharap sa kanyang laptop na nakapatung sa kandungan nya. Naka-cross sitting sya sa ibabaw ng sofa. Habang pa-alas- kwatro naman itong nakaupo. Nakasiksik sya sa pinakagilid na bahagi, habang ito naman ay ang lapit lang nito sa gitna. “Hindi naman ako sumuway sa usapan natin. Hindi naman ako lumampas sa pwesto mo.” Nasa pinanood nito ang pokus. Medyo horror pa naman ang pinanood nito. Buti nalang, hindi sya gaanong matakutin. Dapat, aalis na sya at pumasok na sa kwarto nya pero, hindi nya maitayo ang sarili. Para syang naipako sya sa kanyang kinaupuan. “I heard that you are a writer. Ano ang mga isinusulat mo?” sandali itong napasulyap sa kanya. “Tungkol sa mga witch craft at sa mga kulam.” Pagsisinunggaling nya. Napatingin ito sa kanya. “Really?” paniniguro nito. “Akala ko tungkol sa mga romance at—“ “Alam mo pala! Nagtanong kapa.” Pasarkastik nyang sagot. Pasimple lang syang patingin- tingin dito, kaya nakita nya ang pagkibit- balikat nito. At ibinalik nito ang pokus sa pinanood. “M-May gusto kabang itanong sa akin?” Mula sa screen ng laptop, nabawi nito ang paningin nya dahil sa tanong nito. “At ano ang itatanong ko sayo?”pabalang nyang tanong. Pero, marami talaga syang gustong itanong dito. “Kahapon kasi, alam kong nakita mo ang portfolio ko. At napakunot- noo ka ng nabasa ang pangalan ko. Baka naman naging interesado ka.” Tama nga ito! Naging interesado sya. Pero, wala sa plano nya na magtanong dito. Wala syang pakialam. “You right, I’m curious, but ayaw kong makipagkwentuhan sayo.” Saka nya ibinalik ang pokus sa ginagawa. “I changed my name from Elijah Ferrer to Elijah Montenegro. Sinunud ko na ang apelyedo ng tunay kong ama.” Sagot nito sa piping tanong nya. Tunay na ama nito? Marami tuloy syang gustong itanong dito. Pero, hanggang maaari, ayaw nyang mag-usisa dito. Wala na syang pakialam dito. Hindi na sya interesado dito. “Kung gusto mo pang magtanong, handa naman kitang sagutin. Pwede naman tayong magkwen---“ “Elijah, ang usapan natin, hindi tayo mag-kukwentuhan ng kung ano’t- ano.” Napatingin sya dito. Nagkatama ang mga paningin nila. Lakas loob nyang sinalubong ang mga titig nito. Wala sa plano nya ang magpakita ng kahinaan dito. “Bakit ayaw mong makipagkwentuhan sa akin? Masarap ang may kak----“ “Maybe, because I hate you!” padabog na pagkakasabi nya na napaawang sa labi nito. Saka sya tumayo. Mas mabuti nang layasan ito. Hindi naman sya nakapag-concentrate sa ginagawa nya. Ginugulo naman sya nito. -------- Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Elijah habang nasundan ng tingin ang papalayong dalaga. Napabugtong- hininga sya. Mukhang kailanman, hindi na sya mapapatawad nito. ------ how can i forget the longings of my heart it’s you i think of night and day i know i couldn’t touch you i know i couldn’t hold you though i wish i really could just care for you you are the reason the seasons of my life you’re everything i wish and live for give me an answer show me the way you’re breaking me, leaving me in pain you’re the burning flame in my heart and in my mind in the silence of the night i can hear you my thoughts are all about you alive and true to me but now i really have you only in my dreams you are the reason the seasons of my life you’re everything i wish and live for give me an answer show me the way you’re breaking me, leaving me in pain loving you changes everything it’s given me the strength and it’s all because of you… you’re the burning flame in my heart and in my mind in the silence of the night i can hear you i know i couldn’t touch you i know i couldn’t hold you though i wish i really could just care for you you are the reason the seasons of my life you’re everything i wish and live for give me an answer show me the way you’re breaking me, leaving me in pain you’re breaking me… leaving me in pain… Mula sa ‘di kalayuan, rinig na rinig ni Aaliyah ang kumakanta na si Elijah, habang naggigitara. Mukhang isa parin ito sa libangan ng binata. Naalala pa nya, lagi syang kinakantahan nito noon. Kaya mas lalong nahulog ang loob nya dito. Gusto nyang humakbang palapit dito. Habang malaya nyang pinagmamasdan ang guapong pagmumukha nito habang kumakanta. Ito ang madalas nyang ginagawa noon. Pagkatapos nitong kumanta. Hihiga ito sa picnic mat na dala nila, at tapos hihiga din sya, habang nakaunan sa malapad na dibdib nito o sa braso nito. Magku-kwentuhan sila tungkol sa pangarap sa isa’t- isa. Yon ang langit para sa kanya. Marami silang gustong gawin sa buhay na magkasama. Pero, puro palipad hangin lang pala lahat ng mga sinasabi nito. Niloloko at pinaibig- ibig lang nito ang batang puso nya. Ginawa nitong bangungot para sa kanya ang una nyang pag-ibig, kaya, kailanman, takot na syang magmahal muli. Natatakot syang masaktan muli. Hindi nya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Hindi kasi nya napigilan na madarama muli ang sakit na akala nya, napalis na sa mahabang panahon lumipas. Sa mga araw na kasama nya si Elijah, unti- unting nabuhay ang sakit na yon. Pero, wala syang magagawa, kailangan nyang manatili ng dalawang linggo sa isla. May speedboat ang kuya nya dito, pero hindi nya alam kung paano paandarin yon. Imbes na lumapit dito, mas pinili nya ang humakbang palayo. Isang linggo nalang ang titiisin nya, makakaalis narin sya sa islang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD