"Teka, ano bang ginagawa mo?” tanong ni Elijah sa kanya. Nilagyan nya kasi ng pagitan ang lahat na bahagi ng bahay.
Ang sofa, nilagyan nya ng tape sa gitnang bahagi. Pati kusina at ang ibang gamit at bahagi ng bahay.
“You are always at the left side and I am on the right. Wag kang lumampas sa pwesto ko.”seryosong pagkakasabi nya dito.
“Ano? At paano kung lumampas ako?” kunot- noo na tanong nito.
Tinaasan nya muna ito ng kilay, bago sya sumagot.
“Ililibing na kita ng tuluyan sa lupa.” Padabog na pagkakasabi nya.
“Nakakatakot naman yan!”
Hindi naman natatakot ang mukha nito. May asumement nga sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
“Hindi kita tinatakot, talagang gagawin ko yan!” tinapang nya ang boses. Hindi sya patatalo dito.
“Ok. Paano naman kung ikaw ang lalampas?”
Napatigil sya.
“Hindi yan mangyayari. Dahil ayaw kong lumampas sa property mo.”
Saka nya ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Paano nga?” pangungulit nito.
“Bahala ka!” sagot nya na hindi man lamang nag-abalang sumulyap dito.
“Really? Ok.” May sigla sa boses nito. “I will kiss you pag lalampas ka.”
Oh my God! Biglang nag- init ang magkabilang pisngi nya dahil sa sinabi nito. Naalala kasi nya kung paano sya hinalikan nito noon.
“In your dreams, dahil hindi ako lalampas sa pwesto mo.” Pinagalit nya ang boses.
“Sinabi mo eh! Can’t wait! Excited na tuloy ako.”
Tumingin sya dito, saka nya ito inirapan.
-------
Malayang pinagmamasdan ni Elijah ang pinakamagandang tanawin na nakita nya. Nakapaa itong naglalakad sa puti- puting dalampasigan, habang malayang isinasayaw ang mahaba na medyo kulot sa dulo na buhok nito. Pati na ang suot na palda nito.
She is so beautiful before at mas lalo itong gumanda ngayon. Napaka-inosente parin ng mukha nito, na hindi yata nya pagsasawaan tignan. At aaminin nya, napakaganda din ng katawan nito.
Alam nyang galit na galit ito sa kanya. Hindi naman nya ito masisisi, sinaktan nya ito noon. Kung alam lang nito ang totoo. Hindi nga din nya alam kung meron pa ba syang pagkakataon para ipaliwanag dito ang lahat.
Mahabang panahon na ang lumilipas. Siguro, wala na itong nadarama sa kanya. Galit nalang siguro ang nadarama nito sa kanya. Napabugtong- hininga sya.
“Aaliyah!” tanging nasambit nya. Na tila bulong lang sa hangin.
------
Napatago si Aaliyah sa malaking katawan ng puno nang nakita nya si Elijah sa ‘di kalayuan.
Kahit hindi sya sure, pero mukhang nagte-taekwondo ito. Ang hot nito tignan, lalo pa’t topless na naman ito, at naka loose jeans sa ibabang bahagi. Medyo may pagka- tan ang makinis na balat nito. Dumagdag sa nakakahalinang alindog nito ang pawis sa mukha at katawan.
Kainis, kahit pawisan ito, pero mukhang napakabango parin nito from head to toe. Parang ang sarap naman haplusin ng six- packs abs nito.
Kinalma nya ang sarili. Hindi sya dapat magpadala sa karisma nito. At teka, bakit patago- tago sya? Ilang beses na syang nakakita ng naka swimming trunks lang na lalaki. Topless lang naman ito.
Lakas loob syang lumabas mula sa pinagtataguan. At humakbang sya palapit dito. Hindi naman ito ang pupuntahan nya. Plano nyang umupo sa upuan naroon. Dalang- dala nya ang laptop nya. Plano nyang subukan magsulat ngayon.
Napatigil ito sa ginagawa nang napansin sya nito. Inilapag nya ang laptop sa mesa, at ini-on ito.
“Good morning!” masiglang bati nito sa kanya.
“What’s good in the morning?” padabog na pagkakasabi nya dito. Hindi sya nag-abalang sumulyap dito. Humila sya ng upuan saka sya umupo.
“The fact that we’re still alive, it’s enough reason to say that the morning is good.” Saka pakaliwa’t kanan pinakrus- krus nito ang braso.
“Really?” may sarkass ang boses nya. “The fact that knowing na hindi pala masamang panaginip ang nangyari sa akin ngayon dito sa isla, is enough reason for me to say that I don’t have a good morning ever since I came here, thinking na may kasama akong asungot dito.”
Hindi parin sya sumulyap dito. Hindi na ito nagsalita. Mabuti nalang at tumahimik na ito, dahil naiirita sya sa boses nito.
Nakahinga sya ng maluwag nang napagpasyahan na nito ang umalis. Sa wakas, maka-concentrate narin sya sa ginagawa nya.
“s**t!” hindi nya mapigilan mura maya’t- maya lang. Kahit pangalan ng pwede nyang gawin character ay walang pumapasok sa utak nya. Halos 30 minutes na syang nakatingin sa screen ng laptop, at ang dahilan ay sa hindi sya makapagdecide ng pwede nyang ipangalan sa mga bida ng kwento.
Wala sa loob na napa-type sya sa keyboard. Pero, mabilis din ang ginawa nyang pagtusok- tusok sa backspace ng laptop. Pangalan kasi ni Elijah ang nae- type nya. Pangalan lang kasi nito ang lamang ng isip nya.
At isa lang ang dahilan na naisip nya. Baka ginayuma sya nito. Hindi malabong mangyari yon, may tinimpla itong orange juice at sa malas, nakikiinom sya, baka may inihalo itong gayuma sa tinimpla nito. Nagawa nga syang saktan nito, gayumahin pa kaya. Hindi nya tatanggapin ang isang rason na pumasok sa isip nya. Never!
------
“Talaga bang hindi ka nagluluto at puro can foods lang ang kinakain mo?” hindi nya mapigilan tanong sa lalaki nang kumakain na sila nito ng hapunan.
Tulad ng napag-usapan, nasa kanan bahagi sya ng mesa at ito ay nasa kaliwa. Pati narin sa lahat ng bahagi at bagay sa kusina.
At dahil hindi sila close kaya magkaiba din ang mga kinakain nila. Sya madalas magluto ng pagkain at sadyang magaling pa naman syang magluto. Habang ito, madalas lang can foods ang kinakain.
“Hindi ako marunong magluto Aaliyah, sa labas akong kumakain. At sanay na ako sa mga can foods, ito ang mga kinakain ko kung nagmamadali ako.” Mahabang paliwanag nito.
Kainis, parang naguilty sya. Ang sarap ng pagkain nya, tapos ito. Oh my God! Nakakaawa naman ito. Baka magkasakit pa ito.
Tumikhim sya.
“Bukas, yon mga kinakain ko ay yon narin ang mga kakainin mo.” Kaswal lang na pagkakasabi nya dito.
Napatigil ito sa pagkain at napatitig sa kanya.
“You mean to say, ipagluluto mo narin ako? Akala ko ba----“
“Don’t think anything. Tayong dalawa lang sa ang nasa islang ito, baka ako pa ang masisisi kung magkasakit ka.” Taas kilay na pagkakasabi nya dito.
“Ok. Salamat!” saka ito namilyong napangiti. At mas lalo syang nainis. Patay na patay pa naman sya sa ganitong ngiti nito noon.
“Anong iniingiti- ngiti mo dyan?” hinaluan nya ng inis ang boses.
“Sinabi mo kasi tayong dalawa, akala ko hindi tayo magkasama, mag-isa kalang at mag-isa lang ako.” Nakangiti parin ito.
Napakalma sya sa sarili. Kinakain naba nya ang mga sinasabi nya? May amusement na naman sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
“Ah---“hindi sya makahagilap ng pwedeng ilusot. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?”
Gosh! Ano ba itong lumalabas sa labi nya.
“Bakit? You never failed to amuse me.”
Kumukulo bigla ang dugo nya sa sinabi nito. Mukhang pinaglalaruan lang sya nito. Well, what’s new? Talagang laruan ang tingin nito sa kanya.
“Talagang katawa- tawa ako sa paningin mo lagi. Walang hiya ka talaga kahit kailan!” may galit sa boses nya.
“Hey! Hindi yan ang ibig kong sabihin. What I mean---you’re beautiful!” tila bulong lang ang huling binitawan na salita nito. At sa malas rinig na rinig nya. Kaya pakiramdam tuloy nya para na syang namumula ngayon.
“You’re blushing!” panunukso na naman ang nababasa nya mula sa mga mata nito.
Lihim syang napalanghap ng hangin. Kinalma na naman nya ang sarili. Ang lakas ng loob nito para sabihan namumula sya. Hindi naman sila close nito.
“I’m not blushing, Elijah!” padabog na tanggi nya sa sinabi nito. “Galit na galit ako kaya ako namumula. Mas mabuti pa, wag na tayong mag-usap.”
Saka nya binawi ang paningin mula dito. Pero, hindi nakatakas sa paningin nya ang pagkibit- balikat nito.
-----
“Ladies first, ok?!” may halong inis ang boses nya. Halos magkadikit na ang mga braso nila habang nakaharap sa lababo. Pareho kasi nilang napagpasyahan na hugasan ang pinagkainan ng isa’t- isa.
“Hindi naman ako lumampas sa pwesto mo.” Ani nito.
Kainis, ang sarap tadyakan nito! Ayaw pa naman nyang maidikit kahit dulo ng daliri nito sa kanya. Kaya, sa bandang huli, sya na ang nagpasya na mag- give way sa kanilang dalawa. Napaka-ungentleman talaga nito!
Well, manluluko nga ito eh! Kaya malamang hindi din ito gentleman.