LTB 13

1532 Words
"Kuya, hindi na ako makababalik dyan? Kasalukuyan na akong nakasakay ng bangka ngayon papunta sa isla mo.” Ani nya sa kuya Adrian nya. Kausap nya ito sa cellphone. “I know. Ok lang naman sa akin na walang signal at internet doon. Basta meron kuryente…….Generator lang ang gamit?... It’s ok. I can handle perfectly!.... Ano? May makakasama ako doon?” Nanglaki ang mga mata nya sa sinabi ng kabilang linya. “Walang problema basta hindi ako guguluhin ng kaibigan mo na yan! Ok lang…..naintindihan ko. Trabaho naman pala ang ipinunta nya sa isla. Walang problema, parehong trabaho naman pala ang dahilan namin sa pagpunta sa Isla.” Hindi naman siguro sya disturbuhin ng kaibigan nito. “By the way kuya, ano nga pala ang pangalan ng kaibigan mo?---Kuya? Kuya? Hello kuya?” Walang sumagot sa kabilang linya. Napatingin sya sa cellphone nya. Zero bar ang signal nito. Mukhang nasa lugar na sya na hindi na maabot ng signal. Maya’t- maya lang, tanaw na tanaw na nya ang isla ng kuya nya. Walang pang specific na pangalan ang isla. Basta Adrian Island ang tawag nila dito. Hindi basta’t- basta makapunta sa Isla. Kailangan ng pahintulot ng kuya nya. Nakakuha naman sya ng pass mula sa kuya nya nung isang araw, kaya lang, hindi nya nasabi dito kung kailan sya pupunta sa Isla. Meron tuloy syang makakasama, mas mabuti na yon para hindi sya masyadong mabagot. Kaibigan naman ito ng kuya nya, hindi naman siguro ito masamang tao. “Balikan mo ako dito manong after 2 weeks.” Sabi nya sa bangkero, bago sya tuluyan bumaba mula sa bangka. “Ok ineng—“ ani nito. Ineng talaga? Pero hindi nalang nya pinansin. “Asawa mo ba yon guapong lalaki na inihatid ko dito kanina? Naks naman! Magha- honeymoon ba kayo dito?” Wow! Iba 'to si Manong, hindi pala ito masyadong tsismoso. Nauna na pala sa kanya ang kasama nya. Naisip nyang pilyahan ang matanda. Para maeskandalo ang isip nito paminsan- minsan. “Hindi ko po yon asawa manong, boyfriend ko pa yon. Lagi napo kaming nagha- honeymoon, nagbabakasyon lang kami dito, pero baka may honeymoon din mangyayari sa amin. Napakaromantic pa naman ng isla at kami lang dalawa.” Nakangiti nyang sabi nito. Napasign of cross ito sa sinabi nya. “Lord! Ano ang nangyari sa mga kabataan ngayon. Bakit inuuna ang honeymoon kaysa kasal?” napatingin ito sa ulap. “Sige ineng, babalikan nalang kita dito pagkatapos ng dalawang lingo.” Huling sinabi nito bago muling pinatakbo ang bangka. Pakaway- kaway pa sya. Saka sya napatingin sa mga dala nya. Medyo, madami ang mga dala nya, kasi nagdala pa sya ng grocery, kahit sabi ng kuya nya, na regular naman naglagay ng stock sa bahay nito ng Isla. May caretaker din naman kasi dito. Pero, hindi pumunta ang caretaker dito kung may tao. Ano kaya kung iiwan nalang nya ang ibang dala? At magpatulong nalang sya mamaya sa kaibigan ng kuya nya. After all, magkasama naman sila nito sa Isla. Pakisamahan naman siguro sya nito mabuti. Plano naman nyang pakisamahan ng mabuti ang kaibigan ng kuya nya. Mabait kaya sya! Sa bandang huli, napagpasyahan nya na gawin ang naiisip. Kitang- kita naman ang bungalow house sa dalampasigan, hindi naman gaanong malayo. Tinahak na nya ang daan papunta sa bahay. Nakita nya ang isang lalaki na nakaupo sa isang steel chair, nakatalikod ito. Mukhang pamilyar sa kanya ang porma nito. Kainis, pati dito sa Isla ang porma parin si Elijah ang nasa isip nya. Ang sabi ng kuya nya, isang architect ang kaibigan nito at land developer, isa lang naman taekwondo trainor si Elijah. At saka tamad mag-aral si Elijah para maging architect. Well, BS Arch nga pala ang course nito noon. Kainis, bakit ba pumapasok na naman sa isip nya ang impakto na yon? Ipiniling nya ang ulo. Paano kaya nya babatiin ang lalaki? Mukha naman hindi sya napansin nito. Sa bandang huli, wala sa loob at napatikhim sya. Kaya napalingon ito. At—nagkatinginan sila ng lalaki. Biglang nabuhay ang inis nya. “Ikaw? What are you doing here?”nagtaas baba ang kanyang dibdib sa sobrang galit. Tumayo ito, mula sa pagkakaupo. Pinigilan nya ang sarili na ihagod ito ng tingin. Topless kasi ito at mala greek god ang kakisigan nito. Kinalma nya ang sarili. Hindi sya dapat madistract sa alindog nito. Nakaharap ito sa kanya. “Aaliyah? Bakit ka nandito?” may pagtataka din sa mukha nito. “I already asked that question. Bakit ka nandito?” tinigasan nya ang boses. “Sinusurvey ko ang Isla, para sa renovation na pinaplano ng kuya mo. Land Developer ang family business ko. Business partner kami ni Adrian.” Mahabang paliwanag nito. “Ikaw?” “So, ikaw ang kaibigan nya na makakasama ko dito?” imbes sagutin ito, mas pinili nyang magtanong dito sa bagay na may ideya na sya. “Siguro. Tayong dalawa lang naman ang nandito.” Ngumiti ito. Inis na inis syang nakatingin dito. Parang gusto na tuloy nyang languyin ang dagat, makaalis lang sya sa islang ito. Biglang- bigla, pinangarap nya tuloy na maging si dyesebel kung di naman kaya, si Ariel sa little mermaid. “Hindi kita sinusundan dito. Nauna nga ako sayo dito. So, hindi mo ako dapat awayin kung bakit ako nandito.”inunahan na nito ang galit nya. “Sabihin mo nga sa akin, ilang ba kayong kampon ng kadiliman na nag-aanyong Elijah, at kahit saan ako magpunta, nakikita ko ang pagmumukha ninyo? Plano nyo bang sakupin ang buong mundo?” Hindi na nya napigilan sambitin. Naiirita na sya. Ang malas talaga nya! Napatawa ito sa tanong nya. “Baka naman sadyang inilalapit lang tayo ng tadhana.” Nakangiti parin ito. Pati mga mata nito ay nakangiti. Kaya ang inis na nadarama nya ay napalitan ng galit. “Hindi ako naniniwala sa destiny. Pero, naniniwala ako sa malas. Yon kasi ang nangyayari sa akin mula ng nakita kita muli, lagi nalang akong minamalas. At nag level- up na ngayon ang kamalasan ko.” Padabog na pagkakasabi nya dito. “Malay mo swertihin karin habang kasama ako dito sa Isla.” Ngitngit na ang sarili nya. Tila binabaliwala nito ang galit nya. Hambog pala ito! Ang dami palang pangit na ugali nito. Bakit ba hindi nya narealize ang mga pangit na ugali nito 11 years ago? Hindi sana sya napaglaruan nito. Dapat magpakatatag sya. Hindi sya dapat magpaapekto sa kaaway. Tama, sya na ang kaaway na Zalmeda nito. “That would never happen. Hindi kailan man swertuhin ang isang tao pag kasama nya ang kaaway nya.” She paused. “By the way, bakit nga pala naging kaibigan mo ang kuya ko, diba magkaaway kayo?” “Long story, gusto mo kwentuhan kita?” Na-curious sya but hell, No! “Long story naman pala! Wag nalang, ayaw kong makipagkwentuhan sayo.”padabog na sabi nya dito. At padabog nya itong tinalikuran. -------- “Tulungan na kita!” ani nito. Nakasunod ito sa kanya nang binalikan nya ang ibang dala. “Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sayo, hayaan mo ako” padabog na pagkakasabi nya dito. Tinampal nya ang kamay nito sa akmang pagbuhat nito sa isang bag. “Hindi naman ganyan ang iniisip ko. Tayo lang naman ang magtutulungan dito. Tayo lang naman dalawa ang nandito.” Kainis, kailangan ba talagang ulit- ulitin nito na sila lang dalawa ang nasa isla? Kanina pa ito! “You’re wrong at there, Elijah! Wala akong kasama dito sa Isla, at wala ka rin kasama. Hindi tayo close at hindi tayo dapat mag-usap. Kaya wag kang lumapit- lapit sa akin.” Pinamaywangan nya ito. “Keep your distance away from me for at least 6 feet. “ Saka nya ito tinalikuran. Ang bigat pa naman ng bag na dala-dala nya ngayon. Kung close lang nya ito, baka kanina pa sya humingi ng tulong dito. Hindi nya ipinahalata dito na nabibigatan sya sa dala. “6 feet? Ang layo naman. Para naman nakalibing na ako sa lupa dyan!” Nakasunod ito sa kanya. At mukhang ilang inches lang ang layo nito sa kanya. “Bakit hindi kapa ba nakalibing sa lupa? Para kasi sa akin, isa ka ng multo!” sarkastik na pagkakasabi nya dito na hindi man lamang ikinainsulto nito, mahina kasi itong napatawa. “Ang guapo ko naman multo pang nagkataon.” Ang sarap talagang tadyakan nito! Binabaliwala nito ang galit nya. Wala man lamang nababakas na pagsisisi mula dito dahil sa ginawa nito sa kanya noon. Well, ano pa ang aasahan nya sa isang katulad nito na walang konsensya. At nagawang idamay ng isang katulad nito ang isang inosenteng katulad nya dahil lang sa galit nito sa mga kuya nya. Kaya pala, biglang- bigla syang nilalandi nito noon, may balak pala itong masama sa kanya. At dahil sa ubod ito ng guapo kaya patay na patay sya dito agad. Ginagamitan sya ng karisma nito. “Don’t talk to me, Elijah! Katahimikan ang ipinunta ko dito, hindi sakit ng ulo.” At puso. Sa isip lang ang huling katagan. Binilisan nya ang paghakbang. At dahil sa pagkabuhay ng sobrang galit nya dito kaya bigla tuloy gumaan ang bag na dala- dala nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD