(Present time)
“Aldrine Zalmeda, where are you?” tanong nya agad ng nakapasok sya sa shop nito, kahit alam na nya kung nasaan na naman ito.
Alam nyang nasa ilalim na naman ito ng isang kotse, habang bahagyang itinaas ang kotse ng isang car lifter. Malamang may ginagawa na naman ito sa ilalim.
“I’m here!” bahagya pang ikinaway ang kamay nito. “Malapit na akong matapos dito. Give me 5 minutes.”
“Ok.” Tulad ng lagi nyang ginagawa, dinalhan na naman nya ito ngayon ng pagkain. Masyado pa naman syang excited ngayon, may ibabalita kasi sya dito.
Maya’t- maya lang lumabas na ito. Napatawa sya ng nakita ang hitsura nito. Ang dami kasing dumi ngayon sa mukha nito at sa katawan nito. Wala pa naman itong suot sa itaas na bahagi ng katawan nito.
Lihim syang napalunok habang nakatingin sa 6 packs abs nito sa katawan. Lihim syang napailing sabay baling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.
Lagi naman nyang nakikita na nakahubad ito sa itaas na bahagi na katawan nito, pero bakit affected yata sya ngayon?
Dahil ba sa katotohanan na boyfriend na nya ito ngayon, at hindi na bestfriend?
Para maibsan ang ilang, mas tumawa pa sya ng todo.
“Sige, pagtawanan mo ako.” may halong pagtatampo ang boses nito.
Kaysa sagutin ito, pasimple syang kumuha ng face towel saka sya lumapit dito. Tulad ng lagi nyang ginagawa, pinunasan na naman nya ang dumi nito sa mukha at sa katawan nito. Napangiti ito sa ginawa nya.
“Yan ang guapo mo na uli.” Nakangiting sabi nya dito, pagkatapos nya sa ginagawa. Hindi ito nagsasalita, kaya napaangat sya ng mukha dito at sumalubong sa paningin nya ang nakatitig sa kanya na si Aldrine. Nagkatama ang mga paningin nila at ilang seconds yatang na-freeze ang oras para sa kanilang dalawa.
“Clouie---“mahinang sambit nito sa pangalan nya. Napalunok sya ng napako ang paningin nito sa labi nya. Mukhang gusto syang halikan nito.
Kung hahalikan nga sya nito ngayon, ito ang magiging 1st kiss nilang dalawa sa isa’t- isa. At ang kanyang 1st kiss ever since. Mahigit na sa isang buwan mula ng pinasok nila ang unwritten contract nila bilang magkasintahan.
Mukhang nagdadalawang- isip ito kung hahalikan ba sya.
“You can kiss me Aldrine, if you want to.”
Oh God! Bakit ko ba nasabi? Ok. Gusto ko rin naman masubukan na mahalikan. Wala naman mawawala. Boyfriend ko na naman sya.
Napangiti ito sa sinabi nya. Saka pabiglang hinapit nito ang batok nya at siniil ng halik ang labi nya. Nanlaki ang mga mata nya. Parang may tulayang ng libo- libong bultahe ng kuryente sa loob ng katawan nya.
Ganito ba kasarap mahalikan? O ganito ba kasarap humalik si Aldrine? Hindi nya alam kung ano sa dalawa, isa lang ang alam nya, literal syang dinadala sa langit ng halik nito. Kaya kalaunan, hindi nya napigilan ang sarili, kusa nalang sumunod ang labi nya sa galaw ng labi nito. Kaya mas lalong naging mapangahas ang halik nito. Iniyakap pa nito ang braso nito sa baywang nya, habang hindi naman nya napigilan na ipinilupot ang braso nya sa leeg nito. Mas lumalim pa tuloy ang halikan nila.
They kiss with each other as if tomorrow will never comes. Na parang ito na ang huling pagkakataon na mahalikan nila ang isa’t- isa. Kung hindi lang kailangan na nila pareho ng hangin, baka mas matagal pa ang halikan nilang dalawa.
Sandali pa sila nagkatinginan nito pagkatapos ng halikan nila. Nakakailang man ang nangyari, pero hindi inaamin nya, nasasarapan sya dun.
“May ibabalita ako sayo.” maya’t- maya sabi nya dito, para mabawasan ang ilang na nadarama. Agad nyang binalikwas ang kamay mula dito. Binitawan din naman sya nito.
“Ano 'yon?” mukhang sinubukan din nitong ibalik sa normal ang sitwasyong. Mukhang nailang din ito.
“Alissa is back!” masayang sabi nya dito.
Kitang- kita nya ang pagkarehistro ng kasiyahan sa mukha nito sa sinabi nya, kaibigan din kasi nito si Alissa.
“Really? When?” nakangiting sunod- sunod na tanong nito.
“Kanina lang kami nagkita, kaya lang hindi din nagtagal kasi biglang dumating si Kyle, at umalis agad si Alissa.” Nakangiting sabi nya dito. “But, I know magkikita din kami uli, sya kasi ang wedding planner nina kuya Zac at Loraine.”
“I’m happy for you, Clouie.”
Nakatitig ito sa kanya. Iniwas nya ang paningin mula dito.
“Kumain ka muna.” Akmang tatalikuran na nya ito, nang pabiglang kinabig nito ang baywang nya and isinandal sya nito sa dingding.
Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito. Bago pa sya makapag-react sa ginawa nito. Pabigla na naman syang siniil ng halik nito sa labi.
Halik na nagdadala na naman sa kanya sa ibang dimension. Soon, she found herself responding his kisses with the same intensity as he do.