Agad silang kumatok sa pinto ng kwarto ng daddy nya. Hindi nagpaiwan sa kanya si Aldrine, sumama ito sa kanya dahil nag-alala din ito sa daddy nya. Oo nga pala, close pala ang mga ito. Kaya sa bandang huli, naiwan nila sina Clyde at Suzette sa restaurant.
Si Kuya Zac nya ang nagbukas ng pinto. Sumalubong sa paningin nya ang nakangiting mukha ng daddy nya. Saka naman bumalik na umupo sa tabi ni Loraine ang kuya nya. Magbestfriend ang mga ito noon pero ngayon magkasintahan na ang mga ito. Nakaupo din ang mommy nya sa isang upuan na nasa gilid ng kama ng daddy nya.
“My princess.” Nakangiting bulalas ng daddy nya.
Tulong luha syang lumapit dito. Napansin nya nakabenda ang ulo nito.
“What happened dad? I’m so worried.”
Nakasunod sa kanya si Aldrine, umupo ito sa tabi ng kuya nya.
“I’m fine. Malayo ito sa bituka.” Nakatawang sabi nito. “Pareho kayo ng mommy mo, kung maka-react, parang malala na ako.”
“Iwan ko sayo. I love you, that’s why nag- alala ako ng sobra.” Ani ng mommy nya na sinimangutan ang daddy nya.
Hanggang ngayon dini-declare parin ng mga ito ang pagmamahal sa isa’t- isa.
“I know honey and I love you too.” Nakangiting sabi ng daddy nya na buong pagmamahal na tumingin sa mommy nya.
Hay, sana makatagpo din sya ng pag- ibig na tulad ng pag- ibig ng meron ang mga magulang nya. At sana kay Clyde nya matagpuan 'yon.
“By the way ang ganda mo ngayon my princess at ang guapo ni Aldrine."puna nito sa kanila ni Aldrine, pormal kasi ang suot nilang dalawa. “Nagde-date ba kayo?”
“May double date kami ngayon tito.” Si Aldrine ang sumagot.
“I see. Akala ko pareho na kayo nina Loraine at Zac, may pa-never- never pa noon pag tinutukso-tukso ng halos lahat, pero ngayon, kinakain pareho ang never.” Nakatawang sabi ng daddy nya.“Nasira ko ba ang double date nyo ni Aldrine my princess?”
“It’s ok dad. Ikaw naman ang pinakamahalaga sa akin.” lambing nya dito.
Sa paglipas ng mga araw, nagiging busy sya sa pagbabantay ng daddy nya sa hospital. Mahal na mahal kasi nya ito at spoil na spoil sya dito. Si Aldrine naman ay kung wala ito sa shop nito ay lagi nya itong kasama sa hospital. Halos araw- araw nya itong kasama sa hospital. Mahigit lang sa isang linggo na nasa hospital ang daddy nya, hindi naman ito malala.
Napabayaan nila pareho ni Aldrine ang plano nila na hindi mapalapit uli sina Suzette at Clyde. Kasi nung gabi pala na iniwan nila ang mga ito sa restaurant, nagka-usap pala ng masinsinan ang dalawa, at nagkaayos. Hanggang sa nagkamabutihan uli ang mga ito.
At pagsapit lang ng dalawang buwan mula ng nakita nila muli sina Clyde at Suzette, naiwan na naman sila uli na broken- hearted ni Aldrine.
That’s why for the next days , weeks and months, nagtutulungan na naman sila ni Aldrine para maka- move on. Pero, nakapagtataka at hindi na nya masyadong dinamdam ang nangyari ng tulad noon.
After 3 months na nagkabalikan sina Clyde at Suzette, nagpakasal ang dalawa at invited pa nga sila ni Aldrine.