MBCG 12

1079 Words
"He ask for a date.” Masayang kwento nya kay Aldrine, papauwi na sila nito. Nasa loob na sila ng kotse, busy ito sa pagmamaneho. Sandali itong nakangiti na napatingin sa kanya, saka ipinukos uli ang sarili sa pagmamaneho. “Akala mo ikaw lang ang may date. Hindi din ako magpapahuli sayo.” masayang sabi nito sa kanya. Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. “Really? Naks naman! Hindi ka na nga torpe at Mr. Introvert.”nakatawang sabi nya dito. Napatawa ito sa tinuran nya. “I wanted to get serious with my life." ani nito. “So, you mean to say na seryoso kana ngayon kay Suzette.” “We’re taking things slowly, pero seryoso ako sa panliligaw ko sa kanya ngayon.” seryoso ang mukha nito. Mukhang inlove na nga ito. Masaya talaga sya para sa kaibigan. “Pero, hindi muna ako mag-aasawa, mauna ka muna.” Nakatawang sabi nito maya’t- maya lang. “Bakit naman?” “Baka umiyak kapa sa kasal ko dahil may forever na ako at ikaw wala parin.” Nakatawang sabi nito. "Ganun?” nakatawang tanong nya. “Alam mo, bakit kaya hindi nalang tayo mag double wedding.” Hindi nya alam kung bakit pa sila humantong sa usapan kasal- kasalan. “Pwede rin.” Maikli ngunit nakangiting sabi nito. "Para kahit sa kasal, magkasabay tayo." Matamis nilang nginitian ang isa't isa. Sa paglipas ng mga araw, parehong busy sina Aldrine at Clouie sa pakikipagdate. Si Aldrine at si Suzette, si Clouie at si Clyde naman. Sobrang sweet ni Clyde sa kanya kahit hindi pa sya niligawan nito. Pero, umaasa sya na hahantong din sila sa ligawan, lalo pa’t lagi itong nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya. They taking things too slowly. Habang si Aldrine naman ay busy din sa pakikipagdate kay Suzette, mukhang inlove na nga ang bestfriend nya. Nanligaw na daw ito at kasalukuyan hinihintay pa ang matamis na Oo ni Suzette. ----- ----- “Ang guapo mo ngayon, ha!” hindi nya napigilan bulalas. Nakasuot na naman kasi ito ng pormal na damit, habang sya ay nakabestida na simple lang naman. Tulad noon, may double date na naman sila. Magkasama sila ni Aldrine na pumunta sa isang restaurant na pamilyar sa kanya. Ito din kasi ang restaurant kung saan nagkaroon sila ng double date noon nina Clyde at Suzette. “Salamat.” Nakangiting sabi nito. “Ikaw din, napakaganda mo ngayon. May sayad na si Clyde kung hindi kapa nya liligawan.” “At baliw na din Suzette kung hindi kapa nya sasagutin ngayon.” Napatawa silang dalawa sa pinagsasabi ng isa’t- isa. Saka sila bumaba mula sa kotse at tinahak na ang daan papasok sa restaurant. Magkatabi na naupo sina Suzette at Aldrine, habang katabi naman nya si Clyde. Magkaharap sila ni Aldrine, habang magkaharap sina Clyde at Suzette. Katatapos lang nila na umorder ng makakakain nila. “Kumusta na kayo?” nakangiting tanong ni Clyde kay Aldrine. “We’re in the process of getting to know with each other.” Si Suzette ang sumagot at nakangiting bumaling kay Aldrine, sinuklian naman ni Aldrine ang ngiti nito. “Kayo ni Clouie, kumusta na kayo?” “Likewise here.” sya na ang sumagot, napatingin si Clyde sa kanya, ngumiti ito sa kanya na sinuklian naman nya. “Balita ko may sarili kanang carshop ngayon, bro.” Ani ni Clyde kay Aldrine. “Oo. Hindi naman masyadong kalakihan pa, pero kumikita narin.” Sagot ni Aldrine. “At nag- buy and sell narin sya ng mga sasakyan.” May pagmamalaki na dagdag nya. Ngumiti si Aldrine sa kanya. “Well, that’s good! “ Si Suzette naman. “How about you Clouie--- I heard ikaw na ngayon ang nag-manage sa malaking hacienda ninyo." “Ah oo.” “Madali lang naman para sayo ang matupad ang pangarap mo. You’re a Del Fuengo after all.” Tila may pait ang boses ni Suzette. Mula pa naman noon, hindi na talaga maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Para bang may distansya sa kanilang dalawa. Madalas pa nga itong prangka sa kanya. “That’s not true.” Ani ni Aldrine. “Mahirap din ang pinagdaanan ni Clouie para matupad ang mga pangarap nya. Nag-aral sya ng mabuti at naging honor student. Kumuha din sya ng master nya at nag-training. Pati nga ang kuya Zac nya, pumunta pa sa ibang bansa para mag-aral uli, at hanggang ngayon, nandun parin ang kakambal nya na si Zaith sa state para mag-aral din uli.” Mahabang pagtatanggol ni Aldrine sa kanya. Napangiti sya sa kaibigan, na sinuklian naman nito. “Hindi nga naman madali ang maging Del Fuengo, you have to be excel.” Segunda naman ni Clyde sa sinabi ni Aldrine saka hinawakan nito ang isang kamay nya na nakapatung sa mesa. “I’m so proud of you, Clouie.” Nakangiting sabi sa kanya ni Clyde, sinuklian din nya ang ngiti ito. Hindi nakatakas sa kanya ang pagtaas ng kilay ni Suzette, mukhang napahiya ang gaga. Napansin nya na pasimpleng hinawakan din ni Suzette ang kamay ni Aldrine. Sana naman magkasundo na silang dalawa ni Suzette, bago pa ito maging asawa ni Aldrine. Natigil sila sa pag-uusap ng dumating na ang inorder nila. Tahimik lang silang apat na kumakain. Hanggang sa natapos na silang kumain. Maya’t- maya, pumailalim na naman ang isang tugtugin. Nakakatawa kasi tulad noon, anniversary na naman pala ng restaurant. May iilang nang mga couple ang nagsasayawan. Nagkatinginan sila ni Aldrine, naalala pa nya, silang dalawa ni Aldrine ang nagsasayaw sa bandang huli nung. 'Yon ang 1st dance nilang dalawa, tinuturuan nya ito nung kung paano sumayaw. “Can I have this dance?” nakangiting sabi sa kanya ni Clyde sabay lahad ng kamay nito. Sasagot na sana sya nang biglang tumunog ang cellphone nya.Nakalimutan pala nya itong e-silent. “Excuse me! Sasagutin ko lang ito sandali.” paalam nya agad sa tatlo, ang mommy nya kasi ang tumawag. Pagkatapos ng pag- uusap nila ng mommy nya, tila hindi sya mapakali na lumapit uli kina Clyde at Aldrine. “I have to go!” agad nyang sabi ng matapos nyang sa tatlong kasama. “Bakit?” nag-alalang tanong ni Aldrine sa kanya. Napaangat sya ng mukha dito. Gusto sana nya itong isama, pero ayaw nyang sirain ang date nito. “Pupunta ako sa hospital, wag ka ng sumama, kaya ko na.” “Sino ang nasa hospital?” pangungulit nito sa kanya. “Si daddy, nadisgrasya daw si daddy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD