MBCG 11

1028 Words
Napakaguapo tignan ni Aldrine sa suot nitong aqua blue long sleeve polo na nakabukas pa ang unang dalawang butones nito. Aninag ang malapad na balbon dibdib nito. Habang si Clouie naman ay naka strapless aqua blue body fit long long gown na may slit hanggang sa legs nya. Alam nyang bagay na bagay ito sa kanya, kasi mala-porselana naman ang balat nya at matangkad din sya. Nakahawak si Clouie sa braso ni Aldrine habang papasok sila sa malawak bulwagan papasok sa dinarausan ng isang party. "Mukhang may gusto ka lang makita kaya mo ako kinukulit na dadalo ngayon.” punto ni Aldrine sa totoo. His eyes is teasing on her. Ang tinutukoy nito ay ang dinaluhan nilang reunion ng batch nila sa EIS campus ministry. “Bakit ayaw mo ba syang makita?” Alam naman nya na naintindihan nito kung sino ang tinutukoy nya. Makahulugan na ngiti ang pinakawalan nito. Sino nga ba ang pinag-uusapan nilang dalawa? Sina Clyde at Suzette lang naman. Napag-alaman kasi nya na naghiwalay na pala ang dalawa. Naalala pa nya nung, sobrang nasaktan silang dalawa ni Aldrine dahil masyado silang pinaasa ng dalawa. Sabay silang nagdadalamhati ni Aldrine at nagmove on. Hindi naman nya masasabi kung mahal pa ba nya si Clyde kaya gusto nya itong makita. Siguro, dahil gusto lang nyang malaman kung ano ang nangyari dito pagkatapos ng maraming taon. After ng heartbreak nya dito, hindi na nya naisip na pumasok sa isang relasyon na higit pa sa pagkakaibigan. Saka hindi na din naman tumibok ang puso nya uli. Ganun din naman si Aldrine, puro fling lang ang mga babae nito. Wala na itong naging serious relationship pagkatapos nitong mabigo kay Suzette. Madaming pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanila ni Aldrine. Sa paglipas ng mga taon, kilalang- kilala parin nya ang mukha ng mga magiging close nya noon sa campus ministry. Sayang nga lang, wala si Alissa. Mula nang naitakas nila ito ni Aldrine noon, wala na syang naging balita sa matalik na kaibigan. Agad din kasi itong umalis sa poder nina Loraine at Kuya Zac nya. At hindi na ito nakikipag- communicate sa kanya. Kasama nya si Aldrine at ilan sa kakilala sa isang mesa. Kasalukuyan nilang tinutukso ang mag Ex- lovers na sina Cathy at Loyloy. Nagkahiyaan pa ang dalawa pero kalaunan, nagkakwentuhan narin ang mga ito tungkol sa past ng mga ito. At pareho narin pinagtatawanan ng mga ito ang nakaraan. Soon to be married na si Cathy kaya wala nang pag- asa na magkabalikan sila uli ni Loyloy. Si Loyloy naman, may girlfriend narin sya na kasama nya ngayon, at nakipagtawanan din sa amin. Ganun talaga ang buhay, hindi lahat ng tao na naging bahagi ng past natin, ay maging bahagi din ng present at future natin. We have to be thankful that once they become a part of our life to teach us different lesson in life. To make us happy or sad. Nagpaalam sandali si Aldrine para kumuha ng maiinom. At dahil medyo nababagot na sya sa kahihintay kay Aldrine, kaya napagpasyahan nya na sundan nalang ito. Napangiti sya nang may nakita na nya si Aldrine, pero napatigil sya sa akmang paglapit nya dito nang nakita na nya na masaya itong nakipag- usap sa isang babae. Tumitig sya sa babae. Siniguro nya na kilala nya ito. At hindi sya nagkamali. Si Suzette nga ang kausap ni Aldrine. Ayaw nyang distorbuhin ang kaibigan, kaya napagpasyahan nya na hayaan ito, humakbang sya pabalik sa mesa nang may nabangga sya. Maagap naman sinalo ng braso ng nakabangga sa kanya ang kanyang maliit na baywang. Naiyakap nya ang kanyang braso sa leeg nito, saka sila nagkatinginan ng lalaking nakabangga nya. Nagkatitigan sila ng lalaki at para yatang tumigil sa pag- ikot ang mundo nang nakilala nya ang guapong pagmumukha ng lalaking nakabanggaan nya. "C- Clouie?" paniniguro nito. "C- Clyde?" Ang bilis ng t***k ng puso nya at para na syang mabibingi. **** **** “You’re so beautiful Clouie!” buong paghanga na sambit ni Clyde na sa mga mata nya nakatingin. Pagkatapos nang maikling kwentuhan nilang dalawa, niyaya sya nito na sumayaw. Nakakapit sya sa magkabilang balikat nito, habang nakahawak naman ang kamay nito sa magkabilang baywang nya. Napag-alaman nya na nasa Manila na pala ito nagta-trabaho, bilang isang marketing assistant ng isang malaking kompanya. Single parin ito. Sa unang beses palang na pagkatama ng kanilang mga mata kanina, nakaramdam sya agad ng nostalgia. Narealize kasi nya na hanggang ngayon, crush na crush parin nya ito na para lang syang bumalik sa high school days. “Ikaw din, ang guapo muna ngayon.” nakangiting sabi nya dito. Mas lalong lumapad ang ngiti nya nang nahagip ng mga mata nya sina Aldrine at Suzette na pumagitna narin sa nagsasayawan. Mukhang napana uli ni kopido ang puso ni Aldrine para kay Suzette. Saka nya ibinaling uli ang paningin kay Clyde. "Salamat.” Nakangiting sabi nito. “If you don’t mind, hindi ko kasi naitanong sayo kanina. May boyfriend kana ba?” Nakangiti yata ang puso nya sa tanong nito. “Wala.” Matipid nyang sagot. “Why?” rumihistro ang pagtataka sa mukha nito. “Mga bulag ba ang mga lalaking nakakapaligid sayo?” saka ito ngumiti. “Maybe hindi ko pa nakita ang lalaking para sa akin.” Baka ngayon ko pa nakita uli. Pilyang dagdag ng isip nya. “I see.” patango- tango pa ito. “How about Aldrine, hindi ba sya nanligaw sayo?” Tanong nito na napatawa sa kanya ng mahina. “He’s my bestfriend Clyde.” Totoong sabi nya dito. “Really? Paniniguro nito. “Akala ko magiging kayo kasi lagi mo naman syang kasama.” “My whole family trusted him very much--- isa pa, noon, he act as my bodyguard. Muntikan na kasing may nangyari sa akin noon and he sacrificed his self for me.” May halong pagmamalaki nya sa kaibigan. “You must be very important to him.” “Sinabi mo pa.” nakangiting sabi nya. "At napakahalaga din nya sa akin." Sa totoo lang, hindi na nga nya alam kung paano mabuhay na wala si Aldrine. Aldrine will always be a part of her past, present and future.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD