(Months before the present)
-
“Aldrine Zalmeda, where are you?” agad na sabi ni Clouie nang nakapasok na sya sa car shop ni Aldrine. Natupad na ang pangarap nito na magkaroon ng sariling car shop.
Nag buy and sell din ito ng mga kotse. Hindi pa gaanong kalakihan ang negosyo nito pero may maipagmamalaki na ito. At proud na proud sya sa naging achievement ng kaibigan sa buhay.
Kahit alam na nya kung nasaan ito, nagtatanong parin sya. Alam kasi nya na nasa ilalim na naman ito sa isang kotse na nasa bungad lang ng opisina nito. May ginagawa na naman ito sa ilalim. Bahagya pang nakataas ang kotse gamit ang car lifter.
Hindi ito sumagot. Malamang busy ito sa ginagawa nito. Napa-squat sitting sya na at sinilip nya ito.
“Ang busy mo yata ngayon.” agad nyang sabi dito nang nakita nya na busy ito sa ginagawa nito. Napalingon ito sa bungad nya.
“Clouie, kanina kapa?” nagulat man pero nakangiti ito.
“Not really.” Ngumiti sya, saka sya sumimangot. “Hindi mo na ako napansin. Mukhang itsa- pwera na ako dahil sa mga kotse mo.” hinaluan nya ng tampo ang boses. Hindi naman talaga sya nagtatampo dito, akting lang nya ito.
Napatawa ito sa ginawa nya. Sanay na kasi ito sa kanya. Ito kasi ang paraan nya para mapahinto ito sandali sa ginagawa nito.
“Fine. Lalabas na ako dito.”
Napangiti sya. Saka sya tumayo at lumapit sa mesa na naroon. Dinalhan nya kasi ito ng makakain nito. Alam kasi nya na masyado itong busy sa ginagawa nito at nakaligtaan na naman nito ang kumain . Masyado itong hands-on sa negosyo nito, kahit meron naman itong tatlong tauhan. Sya lang yata ang makapagpatigil dito sa ginagawa nito.
“What brought you here?” tanong agad nito sa kanya nang tuluyan na itong nakalabas.
Madungis at pawisan ang guapo nitong pagmumukha. Kaya tulad ng lagi nyang ginagawa, kumuha na naman sya ng face towel na nandun. Lumapit sya dito, saka nya pinunasan ang mukha nito.
“Nagtatanong kapa. Lagi naman akong nagpupunta dito.” nakasimangot na sabi nya, habang busy sya sa pagpupunas ng mukha nito. Nasanay na ito sa kanya. “Ayaw mo na yata akong makita.”
Napatawa ito ng mahina.
“Sabihin mo nga sa akin, nandito kalang ba para pakainin ako.” napatingin ito sa dala nyang mga pagkain. “O may iba kapang kailangan?”
Napunto nito ang totoo. May kailangan nga sya dito. Pero mamaya na nya sasabihin dito pagkatapos nitong kumain.
Napangiti sya ng tuluyan na nyang natanggal ang dumi sa mukha nito. Tumambad na naman kasi sa kanya ang guapo nitong mukha. Ang ganda talaga ng deep eyes nito lalo na pag nakangiti ito.
Marami na ang nagbago kay Aldrine sa paglipas ng mga taon. Ang dating bad boy look nito ay naging neat look. Hindi narin ito masyadong mahiyain, at nakikihalubilo na ito sa mga tao lagi. Well, sa nature ng negosyo nito. Marami talaga itong makakahalubilo at makakasalamuha.
“'Yan, guapo kana uli.” Nakatawang sabi nya.
“Nandito kaba, para pagmasdan ang kaguapuhan ko.” he teased.
Naging mabiro narin ito. At binibiro na sya nito paminsan- minsan.
“Pwede naman, diba!” at sinasakyang nya ang mga biro nito.
Napangisi ito, pero hindi naman bastos tignan. Saka sya humakbang palayo dito at pumunta sa mesa na nandoon. Naramdaman nya ang pagsunod nito sa kanya.
“Kumain ka muna. If I know, hindi ka na naman kumain ng agahan at baka pati tanghalianc .” Inayos nya ang dala sa mesa.
“Wow! “ hindi mapigilan bulalas nito ng nakita ang mga dala nya. “—mga paborito ko talaga ang dinala mo.”
“Of course! At ako ang kusang nagluto 'yan.” may halong pagmamalaki ang boses nya. Totoo naman 'yon. Magaling kaya syang magluto. Isa ito sa mga bagay na namana nya mula sa grandma Ysabelle nya.
“May kailangan ka nga sa akin.”
Napangiti sya.
“Kumain ka muna, saka ko sabihin ang pakay ko sayo.”
Umupo naman ito sa isang upuan na naroon. Maya’t- maya lang nagsimula na itong kumain. Umupo din sya sa isang upuan na nasa harap nito.
Nakatingin sya dito, habang pinupungay- pungay nya ang mga mata nya. Napatingin ito sa kanya, at nahuli nito ang ginawa nya. Well, sinadya naman nya na mahuli sya nito.
“Clouie Denise Del Fuengo, wag ka ngang magpacute sa akin.” Lumagok muna ito ng tubig sandali. “Anong kailangan mo sa akin?”
“May pupuntahan kasi tayo." panimula nya sa pakay.
“Saan?” napakunot- noo ito.
Kaysa sumagot sya. Humakbang sya palapit sa bag nya, saka may kinuha sya doon na isang invitation card. Saka sya lumapit uli kay Aldrine.
“Ito!” sabay abot nya kay Aldrine. Tinanggap naman nito iyon saka binasa.
-
-
-
To the readers!
This story is consist only of 28 episodes. Tatapusin ko ang story nina Clouie at Aldrine sa loob ng isang linggo. Para hindi kayo mabitin, pwedeng balikan nyo nalang ang story ito this coming Sunday.
Sunday (Sept. 03, 2022)- My Bestfriend Contract Girlfriend will be completed! Thanks!