"Aldrine, I need your help!” sabi agad ng 18 years old na si Clouie nang nasa loob na sila ng kotse ni Aldrine. Kasalukyan itong nasa San Bartolome, school vacation kasi ngayon.
Tinahak ng kotse nito ang daan palabas sa isang hospital.
“Bakit?” may pagkaalala ang boses nito.
“Humingi kasi ng tulong sa akin si Alissa, gusto nyang itakas ko sya.” paliwanag nya dito.
Nasa hospital ang matalik nyang kaibigan na si Alissa. Ikinasal kasi ito sa pinsan nyang si Kyle kasi hindi sinasadya na mabuntis ito ng pinsan nya. Pero, nalaman din nito na fake pala ang naging kasal nito sa pinsan nya. Kaya nawala pareho ang dinadala nito. Ngayon, hiningi ni Alissa sa kanya na itakas nya ito, ilayo sa mga taong nanakit dito.
Mahal nya si Alissa. Naintindihan nya ito. Wala na kasi itong naisip na mauwian. Ang natitirang pamilya nito ay pinagtataksilan ito. Ang inakala naman nito na bagong pamilya sa piling ng asawa, ay niloloko lang ito. Lihim tuloy syang nagalit sa pinsan nya na si Kyle at pati narin sa tito Karl at tila Shay nya. Bakit nagawa ng mga ito na lukuhin at paasahin si Alissa?
“Paano mo sya itatakas?”
“Nag-iisip pa ako. Kaya lang, kailangan ko munang pumunta sa mansyon ng tito at tita ko. May ipinapakuha kasi sa akin si Alissa.” Nagsusumamo ang titig nya kay Aldrine. “Tutulungan mo naman ako diba?”
“Alam mo naman hindi kita matanggihan, diba!” ngumiti ito. “Handa kong gawin lahat para sayo.”
Napayakap sya dito. Hindi na ito nabigla. Agad kasi syang mapayakap dito pag may ginawa itong bagay para sa kanya. Mula nang naging kaibigan nya ito, ito na ang maaasahan nya sa halos lahat ng bagay. Dahil dito, hindi nya naramdaman kahit kailan na mag-isa sya.
“Salamat Aldrine, maaasahan talaga kita kailan kailan.”
Imbes na pauwi sa Villa Del Fuengo ang daan na tinahak nila, ang daan papunta sa mansyon ng tito Karl at tita Shay nya ang daan na tinahak nila. Kailangan kasi nyang magawa agad ang hiniling ni Alissa sa kanya, dahil gusto nang makalayo ng kanyang kaibigan.
“Clouie, bakit ka nandito?” tanong agad sa kanya ng tita Shay nya pagkapasok nya sa loob ng mansyon. Medyo namumula ang mga mata nito na mukhang galing sa pag- iyak. Kung ano man ang iniiyak nito, wala syang pakialam.
Pinilit nyang ngumiti dito, itinago nya ang malaking tampo nya dito, pati na sa asawa nito, at ang galit nya sa pinsan nya na si Kyle.
“Kukuha lang po sana ako ng ibang damit ni Alissa, tita. Hindi kasi sya komportable sa damit na ipinadala sa kanya.” pagsisinunggaling nya.
“Ganun ba?” bumalatay ang lungkot at pagkaalala sa mukha nito. “How is she, anyway?” hindi kasi hinarap ni Alissa ang mga ito. Kaya sa kanya lang nakikibalita ang tito at tita nya, pati na ang pinsan nyang si Kyle.
“She’s ok.” Maikling sagot nya.
“Mabuti naman. Sige, tatawagin ko lang ang katulong, magpapa---“
“Ako nalang ho tita.” Putol nya sa ibang sasabihin nito. “Ako lang kasi ang nakakaalam sa mga gusto ni Alissa. “
Hindi naman ito nagdadalawang isip. Well, bakit naman ito magdadalawang isip? Pamangkin sya nito.
Sinamahan nalang sya ng katulong papunta sa kwarto nina Alissa at Kyle. Nang nakapasok na sya sa loob ng kwarto, agad nabuhay ang sakit sa kanyang puso nang napatingin sya sa ilang gamit ng mga baby sana nina Kyle at Alissa, karamihan pa sa mga iyon ay magkasama sila ni Alissa at Aldrine na bumili. Napatulo ang luha nya. Kawawa naman ang kaibigan nya. At mas masakit para kanya, mismong kapamilya pa nya ang nanakit sa matalik nyang kaibigan. Pinunasan nya ang kanyang mga luha at ibinalik nya ang kanyang pokus sa kung ano ang ginagawa nya dito.
Tulad nga ng napag-usapan nila ni Alissa, nakuha nya ng bank book nito, kinuha din nya ang ilang sa mga mahahalagang papeles nito at para mas makatotohanan, kumuha din sya ng ilang mga damit nito. Madali lang naman nyang naisakatuparan ang unang plano. Maliban sa detail si Alissa sa pagbibigay ng instruction kung saan inilagay nito ang ipinapakuha sa kanya. Wala din naghinala sa kanya na kahit kung sinuman ang nasa mansyon.
Agad din silang bumalik ni Aldrine sa hospital pagkatapos.
“Clouie, salamat!” tulong luha sa sambit ni Alissa. Kasalukuyan na nilang inihanda ang akmang pagtakas nito.
“Mamaya ka na magpasalamat sa akin kung tuluyan na tayong nakalayo dito.”
Mabuti nalang malakas- lakas na ito at hindi na mukhang pasyente ang hitsura nito ngayon.
Marahan muna nyang binuksan ang pinto ng kwarto, ipinalinga- linga nya ang kanyang mga mata, siniguro nya na walang mga doctor o nurses sa paligid. Nang nasiguro na nya, pasimple silang lumabas ni Alissa sa kwarto. Inilock pa nila iyon, para walang makapasok na kung sino agad- agad.
Ang malaking problema nalang nila ay ang nurse station na madadaanan pa nila. Dahil gabi na, kaya iilang nalang sa mga nurses ang nandun, ang iba naman ay mukhang inaantok na.
Lihim syang napangiti nang nakita si Aldrine na nasa nurse station, nakikipagkwentuhan ito sa mga nurses doon, nagpapa-cute pa ito. At ang mga nurses naman ay mukhang kilig na kilig naman kay Aldrine. Well, aminin nya, irresistible si Aldrine, ang lakas ng dating ng s*x appeal nito.
Nang nakita sila ni Aldrine, pasimple itong sumenyas sa kanila na dumaan na. Kaswal lang silang dumaan ni Alissa, hindi nga sila napansin ng mga nurses.
“Ginawa nyo ba ang sinabi ko?” tanong agad ni Aldrine sa kanila ng nakapasok na ito sa kotse nito. Napatango sya.
Ang tinutukoy nito ay ang iiwan nila na bukas ang tubig sa banyo, para iisipin ng kung sinong papasok sa private room nito, na naliligo lang ito. At iiwan nakalock ang pinto ng banyo at kwarto. Alam naman nya ang magiging consequences sa ginawa nila ni Aldrine pero nakahanda naman syang harapin iyon, maitakas lang nya ang kaibigan.
Investor ang daddy nya sa hospital, alam naman nya na hindi sya pababayaan nito kung saka- sakali mahuli sila ni Aldrine sa ginawa nila. Mamaya na nya isipin ang galit ng daddy nya.
“Sana naman wala pang nakareport sa guard na may nawawalang pasyente, para makadaan tayo agad.” ani ni Aldrine. Nasa parking lot pa kasi sila ng hospital. Agad itong nagmaneho.
Hindi nga naging mahirap para sa kanila ang ginagawa, naitakas nga nila ng tuluyan ni Aldrine si Alissa sa hospital.
Nang naitakas nya si Alissa, wala syang naisip na pwedeng hingan ng tulong para maitago muna ito pangsamantala. Agad nyang tinawagan ang kuya Zac nya. Sana naman tutulungan sya nito.
****
****
“Aldrine, salamat!” nakangiti nyang sabi dito.
Nasa San Bartolome na sila, kasalukuyan silang nakaupo sa hood sa kotse habang nakaharap sa tahimik na tubig sa dagat.
Nasa poder na ng kuya nya at ni Loraine si Alissa. Hindi din kasi sya matiis ng kuya nya, lalo na kung makikisali pa si Loraine. Mahal na mahal kaya ng kuya Zac nya ang bestfriend nito, at alam na alam nya 'yon.
“Basta para sayo Clouie, kaya kong gawin lahat.” Nakangiting sabi nito na nakaharap sa dagat.
“You’re always my bestfriend Aldrine.” Nakangiti din na sabi nya dito. Napatitig sya dito. Bahagya itong napalingon sa kanya. Nagkatama tuloy ang mga paningin nila.
“You right! I’m always your bestfriend.” nakangiting sabi nito sa kanya. “I’m always here for you. Kahit ano pa ang maging kapalit nung--- hindi kita pababayaan Clouie.” Madamdamin na sabi nito sa kanya.
Hindi sya makapagsalita. Nakatitig sya dito. Marami syang dapat ipasalamat sa buhay nya.
She is born as a princess, halos kinaiinggitan ng karamihan. Pero alam nyang isa sa malaking ipagpasalamat nya sa panginoon, ay dumating si Aldrine sa buhay nya. Hindi man ito ang nakatadhana para maging prince charming nya, pero ito ang kanya knight in a shinning armor. Ang ibinigay ng panginoon para maging tagapagligtas nya sa lupa.