MBCG 8

1162 Words
Isa sa mga dahilan kaya ayaw payagan si Clouie sa kanyang daddy na sumama kung hindi kasama si Aldrine ay ang planong mag- overnight ang kanilang grupo. Gabi na at may kanyang- kanya ng trip ang bawat isa. "Tama na 'yan!” saway sa kanya ni Aldrine. Kasalukuyan syang nakisali sa pag- iinuman ng ilang sa mga kasamahan nila, habang si Aldrine naman ay nasa tabi nya. Hiniling nya dito na wag itong iinom ng alak, at hayaan lang sya nito. Para kung malasing sya, may magbabantay sa kanya. Hindi pa naman sya sanay uminom ng alak. Sobrang sakit ang nadarama nya ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng mabigo sa pag-ibig. Kanina, bago pa nila nasimulan ni Aldrine ang plano nila, inamin na nila ni Clyde at Suzette sa harapan ng lahat ang relasyon ng mga ito. Halos hindi sya makapaniwala sa narinig. Parang pinagsakluban sya ng langit at lupa. Since Grade 7, si Clyde na ang lalaking pinangarap nya. Sobrang sakit pala, kasi masyado syang umaaasa na may gusto din ito sa kanya. Hindi sya nagpasaway kay Aldrine at tinunga nya uli ang isang baso ng alak, na ibinigay sa kanya ni Loyloy, isa sa mga kasama nila na weirdo. Saka nya ibinalik uli kay Loyloy ang baso. “Huwag mo ng pigilan si Clouie kung gusto nyang uminom, Aldrine.” Ani naman ni Cathy, isa sa mga kasama nila na girlfriend ni Loyloy. “Oo nga. Kung gusto mo, uminom kana rin. Kung ayaw mong uminom, iwan mo nalang si Clouie, ako na ang bahala sa kanya.” ani naman ni Benjo, na mukhang lasing narin. “Wag nyo nang abutan ng alak si Clouie---“ tila may galit ang boses ni Aldrine. “Kung bibigyan nyo pa sya ng alak—hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyo.” May halong pagbabanta ang boses nito. “Aba! Aba!“ ani naman ni Celso. “Binabantaan mo ba kami pare?” tila may galit din sa boses nito. “A—Aldrine, hayaan mo muna ako. Please!” may halong pagmamakaawa ang boses nya. “H- Hindi mo naman ako pababayaan diba?” Nagpabugtong- hininga si Aldrine at tumahimik nalang ito. Patuloy parin sya sa pagtanggap ng mga inabot na alak sa kanya. Puno ng pagkaalala ang mukha ni Aldrine habang nakatingin sa kanya. Maya’t- maya lang…. “A-Aldrine!” lasing- lasing na sambit nya sa pangalan nito. “Bakit?” nag-alalang tanong nito at hinawakan ang magkabilang braso nya. “Ang sama ng sikmura ko----“ gusto na yata nyang masuka. “Gusto mo bang sumuka?” Napatango sya. “Halika, doon tayo sa tabi.” Tinulungan sya nito para makatayo, saka sya inakay nito na pumunta sa isang tabi. “Ok kana ba?” nag-alalang tanong ni Aldrine sa kanya, pagkatapos nyang sumuka. Kasalukuyan parin hinagod- hagod nito ang likod nya. Marahang syang tumango. Tumigil ito sa paghagod sa likod nya. Saka ito humarap sa kanya. “Kaya mo na bang maglakad?” “S—Susubukan ko.” Tinulungan sya nito para makatayo. Pero bago paman sya tuluyan makatayo, nahilo sya bigla at akmang matumba na. Buti nalang, maagap syang nahawakan ni Aldrine. “Clouie, hindi mo pa kaya. Ako na ang bahala sayo.” nag-alala ang boses nito. Bago paman sya nakapag-react, pabigla syang pinangko nito. At huling nyang naalala bago pa sya lamunin ng antok at ng kalasingan, ay ipinasok sya nito sa tent nya. Medyo masakit pa ang ulo ni Clouie ng nagising sya kinabukasan. Agad syang lumabas mula sa tent, pero napagpasyahan din nya na pumasok uli. Ang naglalambingan kasi na sina Clyde at Suzette ang sumalubong sa paningin nya. “Good morning!” bati sa kanya ni Aldrine, nakasilip ang mukha nito mula sa labas. Nawala ang ngiti nito ng nakita nito ang mga luha nya. Agad itong pumasok sa loob ng tent. “Are you crying?”nag-alala na tanong nito. “Hindi. Napuwing lang ako.” pasimple nyang kinusot ang kanyang mga mata. “C’mon Clouie, alam kong umiiyak ka.” “Aldrine, are you not in pain right now?” pagtatakang tanong nya. Hindi nya kasi ito nakita na nagdadalamhati dahil tulad nya nasawi din ito sa pag-ibig. Tumitig ito sa kanya. “If you only know how much pain I have right now.” Seryosong sabi nito. Nabanaag nya ang lungkot sa mga mata nito. Nahabag naman sya sa sitwasyon ng kaibigan. Dahil sa kada- drama nya, nakalimutan nya itong damayan. Samantala ito, kagabi pa sya inaalagaan nito. “I’m sorry, Aldrine!” tulong luha na napayakap sya dito. “Puro sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko naisip na tulad ko, broken- hearted ka rin.” Sinuklian nito ang yakap nya. “Ok lang ako Clouie, ang mahalaga ay ikaw. Ikaw ang pinakamahalaga sa lahat.” ----- ----- Mabilis ang paglipas ng mga araw. At pareho nilang tinulungan ni Aldrine ang isa’t- isa para makapag-move on, mula sa sabay nilang pagkasawi sa pag-ibig. Ene- enjoy nila ang isa’t- isa na magkasama. Nasubukan nya ang iba’t- ibang adventure dahil kay Aldrine. Madalas din silang mag- joyride sakay ng motorcycle nito. At habang ginagawa nila ang mga bagay na magkasama at parehong ene-enjoy ang sarili sa isa’t- isa , unting- unti nilang nakalimutan ang sakit na dulot ng pagkasawi nila sa pag- ibig. Hanggang ang mga lumilipas na mga araw ay naging buwan, hanggang ang mga lumilipas na buwan ay naging taon. Nang grumadwet na si Aldrine sa senior high at saktong nasa tamang gulang na ito. Agad nitong nakuha ang mana na naiwan ng daddy nito. Sakto para mamuhay ito ng marangya hanggang sa makapagtapos ito sa pag-aaral at makapagtrabaho. Umalis narin ito sa bahay nila at nagrenta ito ng isang condo unit sa Manila. Sa Manila na kasi ito nag-aaral sa kolehiyo, BTAT (Bachelor of Technology in Automotive Technology) ang kursong kinuha nito, dahil plano nitong mag-open ng sariling car shop nito balang araw. Pero, every weekends ay umuuwi ito sa San Bartolome, sa Villa para makasama sya. Hanggang sya na naman ang nakapagtapos sa senior high, pero mas pinili nyang hindi na sa Manila mag-aral. Sa University of San Rosario- South Campus sya nag-aaral. Ito ay malapit lamang sa San Bartolome. Malaki din ang school na ito. BSA (Bachelor of Science in Agriculture) ang kursong kinuha nya. Bata palang sya, pangarap na nya ang mamahala ng hacienda nila. Ang grandma Ysabelle at grandpa Daniel nya ang kusang nagte-train sa kanya simula palang nung bata pa sya. Kahit halos anim na oras ang byahe mula sa Manila hanggang sa San Bartolome, pero lagi parin syang binibisita ni Aldrine at oras na kailangan nya ito, agad- agad itong dumating. Kaya, masasabi nyang mas naging mas close pa ito sa kanya kaysa mga kapatid nya. Close din naman sya kahit papaano sa kuya at sa kambal nya, pero iba ang closeness at samahan na binuo nila ni Aldrine. Puno ito ng pangako na kahit kailan, walang iwanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD