FMY 7

1088 Words
Napabalikwas ng bangon si Alexa ng tumunog ang alarm clock na nasa side table. 7:00 am na pala. Wala ng Adrian sa kanyang tabi. Totoo ba ang nangyari kagabi? Magkatabi silang natulog nito. Hindi ba sya nanaginip lang. Araw ngayon ng linggo, kaya gusot- gusot pa ang buhok nya ng napagpasyahan nya na lumabas na mula sa kwarto nya. Nagugutom na kasi sya. Sanay na kasi sya na maagang- maaga talagang kumakain ng breakfast. Napanganga sya nang si Adrian ang naabutan nya sa dining. Paalas- kwatro pa itong nakaupo sa isang upuan. Tila kasalukuyan itong kumakain ng agahan. “Good morning!” nakangiti pang bati nito sa kanya. Lumapit sya dito. Saka sya umupo sa isang upuan na nasa harapan bahagi nito. “Nandito ka na naman.” Mahinang sabi nya dito. “Hindi naman talaga ako umuuwi.” Mahina lang din ang boses nito. “Ano?” kinakabahan yata sya. “Wala naman siguro---“ “Don’t worry, akala lang ng mga tao dito na maaga akong bumisita ngayon.” tila bulong na pagkakasabi nito. “Don’t worry babe—hindi ko ipagsasabi ang sekreto mo.” napansin nya ang lihim na pangiti nito. Napatulala sya dahil sa dalawang rason. Ano raw? Babe? “Anong sekreto?” kunot- noo sya. “Na humihilik ka at naglalaway pag natutulog.” Nakangiting sabi nito. “Ano?!” inis ang tingin nya dito. Tumawa ito ng mahina. Nasa ugali na talaga nito ang biro- biruin sya. Kumuha sya ng sandwich at kinain iyon. Pangiti- ngiti ito na nakatingin sa kanya. Akala mo ikaw lang ang marunog magbiro ha! ngitngit ng isip nya. “Talaga bang hindi kapa nakauwi?” “Oo. Bakit?” Lihim syang napangiti. “So, ibig sabihin, hindi kapa nakapagligo—siguro ang baho mo ngayon.” mahina syang napahagikhik. Pilyong tingin ang iniukol nito sa kanya. Napakagat- labi pa ito. “Bakit ikaw, nakapagligo ka na ba?!” balik nito sa biro nya. “Duh—mabango ako kahit hindi naliligo.” Hindi nya alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob sa pinagsasabi. Sumilay ang kakaibang kapilyuhan sa mga mata nito. “Really?” nag-aakit ang tingin nito sa kanya. Saka ito tumayo. Lumapit sa kanya at bahagya syang pinasadahan. “Paamoy nga!” Inilapit nito ang mukha sa leeg nya. Nakadama sya ng kilabot sa ginawa nito. “Adrian—“mahinang saway nya dito. Baka may makakita pa sa kanila. Buti nalang nagpasaway ito. Umupo ito pero sa tabi nya. Ipinatung pa nito ang kamay sa ibabaw ng backrest ng inupuan nya. Para na tuloy syang inakbayan nito. Mas ipinukos nya ang sarili sa pagkain. Mas mabuti pang wag muna itong pansinin. “Bakit kaya hindi tayo sabay maligo.” Tila bulong na pagkakasabi nito. Nag- init ang pakiramdam nya sa sinabi nito. Laking mata na napalingon sya dito. Pangiti- ngiti lang ito. “Ang pikon mo talaga babe—I love you!” kinalatan nito ng halik ang kanyang labi. Palinga- linga sya. Buti nalang, walang nakakita sa ginawa nito. “Don’t do that again!” saway nya dito. “At bakit?” kunot- noo ito. “Baka may makakita sa atin.” Napangiti ito. “Mas mabuti—para hindi na tayo mahirapan ipaalam sa lahat ang namagitan sa ating dalawa.” Kinakabahan sya sa sinabi nito. “No. Dapat natin itago ang relasyong natin Adrian.” Pigil nya sa plano nito. Sandali itong napanganga sa sinabi nya. “Bakit?” “I’m not ready yet!” sa totoo lang, hindi nya alam kung saan sya hindi handa. Mahal nya si Adrian, pero may kung ano parin ibang damdamin na nakatago sa kaloob- looban nya. Matagal na nyang pangarap na maging ganap na Del Fuengo. At kunting panahon nalang ang hihintayin nya para matupad ito. “Ok.” sabi nito. Tila sa ilong itong napangiti. Hindi kasi nakatakas sa paningin nya ang frustration sa mga mata nito. Naglalakad na sila ngayon ni Adrian patungo sa labas ng gate. Napapitlag sya ng hinawakan ni Adrian ang kanyang kamay. "Adrian." saway nya dito sabay dilat ng kanyang mga mata. "Bakit?" tanong nito na halata ang kaguluhan sa mukha. "Baka may makakita sa atin." Nilakihan nya ang distansya nilang dalawa. "Babe, ang layo mo naman sa akin." reklamo nito. "Adrian, you know naman. Baka may makahalata pa sa ating dalawa." "Hanggang kailan ba tayo ganito?" Napaisip sya. Hindi din nya alam kung hanggang kailan sila ganito ni Adrian. Dahil hindi din naman nya alam kung ano ang mas matimbang. Pag- ibig o ang pinangarap nyang pamilya? Pag magiging legal na ampon na kasi sya ng mag- asawang Kyle at Alissa, magiging legal na pinsan na sila ni Adrian. At ipinagbawal na pwedeng maging silang dalawa ng kanilang angkan. Kadugo kaman o hindi, basta isa kanang Del Fuengo, legal kana na bahagi ng angkan na 'to. Patuloy lang sila sa paglalakad ni Adrian hanggang sa tuluyan na nya itong naihatid sa gate. Halata ang pagka- shock sa mukha ng guard nang nakita silang magkasama. Sino naman ang hindi ma- shock kung ang aso't pusa ang turingan nung, ngayon magkasama na hindi nag- aaway? "Wag ka kasing lumapit sa akin. Nakatingin sa atin si Manong guard." tila bulong ni Alexa na pagkakasabi kay Adrian. "May sasabihin kasi ako sayo. Gusto mo bang may makarinig sa ating dalawa?" Patuloy lang sila sa paglalakad at parang nagbulong- bulungan lang ang kanilang boses. "Ano ba kasi ang sasabihin mo?" "Magkita tayo mamaya." aniya. "Pag- isipan ko muna kasi marami akong gagawin ngayon." "Please Alexa. Tinatago mo na nga ang relasyon natin tapos ayaw mo pa na magkita tayo." Ani nito sa nagtatampong boses. "Fine. Text mo nalang ako kung saan tayo magkikita." "Thank you babe." Muntikan na syang napasigaw nang bigla syang hinila ni Adrian at dinala sya sa likuran ng mga malalagong halaman. "Ano ba Adrian, baka may makakita sa atin." "Don't worry, siniguro ko na walang nakakita sa atin. Pati si Manong Guard, hindi nakita ang paghila ko sayo." "Ano ba kasi ang ginagawa natin dito? Imbes na sagutin sya nito, agad na hinapit nito ang kanyang batok at siniil ng halik ang kanyang labi. Na tinugunan naman nya agad. Pareho silang napaungol sa sobrang intense ng halikan nila. Nakayakap sya sa batok nito habang nakayakap naman ito sa kanyang baywang. Ramdam na ramdam nya ang init ng katawan nito. "I love you Alexa. Lagi mong pagkatandaan yan. Ikaw lang at wala ng iba babe." Ani nito na naghatid ng iba't- ibang emosyon para kay Alexa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD