Nagiging masaya naman sina Alexa at Adrian sa kanilang relasyon kahit pa sekreto lang ang kanilang relasyon.
At dahil patago lang ang kanilang pagkikita kaya nilubos- lubos nila ang mga panahon na magkasama sila. Naging masaya naman sila sa mga nakaw nilang sandali.
Naramdaman nya ang pagsandal ni Adrian sa kanya sa backrest ng sofa habang hindi naghihiwalay ang mga labi nilang dalawa. Nasa loob sila ng condo unit nito. Nawawala na naman sila pareho sa halikan nila.
Parehong napakaalab ng halik nila sa isa’t- isa. Ibinaba nito ang halik nito sa leeg nya. Habang ang isang kamay naman nito ay nagsimulang humaplos sa legs nya. Napasinghap sya ng nagawang ipasok nito ang kamay sa loob ng ilalim ng palda nya. Agad naman sinalo ng mga labi nito ang pagpipigil sana nya dito.
Malayang humaplos ang kamay nito sa bahagi na nasa gitna ng legs nya. Hindi pa nakuntento ang nalikot nitong kamay. Humantong pa ito sa waistband ng underwear nya. Akmang ipapasok na nito ang kamay nito doon pero biglang sumilay ang kunting katinuan sa isip nya.
Kaya, mabilis nya itong naitulak. Napatigil naman ito sa ginagawa nito. At nagtatanong ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
“A-Adrian—No!” may panginginig ang boses nya. “I- I’m not ready!”
Binawi nya ang paningin mula dito. Hiyang- hiya sya sa nangyari. Muntikan na naman nyang naibigay ang sarili dito.
Umalis naman ito mula sa pagkakapasada sa kanya. Saka ito umayos ng upo sa sofa.
Umayos din sya sa kanyang pagkakaupo. Biglang- bigla sya sa nangyari. Parang gusto na yata nyang umiyak.
“Ok. I’m sorry!” ani nito. Saka ito napatingin sa kanya. “Please, don’t get mad. Malapit na ang debut mo, ayaw kong galit ka sa akin sa araw na yan!”
Ani nito. Ikinulong ng dalawang palad nito ang maamo nyang mukha. “I’m sorry! I love you!”
Nanatili syang nakatitig dito.
-------
Author's Note:
Sorry for short update. Nag- update lang ako para sa author's Note..Pwede magtanong? May nagbabasa ba nito? Kung meron, isang bagsakan ko ang lahat ng episode nitong "Forbidden, You and Me", this coming Nov. 21, 2022 ....Salamat sa readers! Again, hindi po masyadong mahaba ang mga story dito at direct to the point lang na kayang basahin kahit isang oras mahigit lang. May twist pero hindi masyadong complicated. Para lang ito sa may gusto.
Pag matapos ko na ang lahat ng story dito. Ipopost ko ang when it comes to love volume 2. Composed din sya ng mga story na tulad nito. Galing din sa Del Fuengo Clan ko.
Para lang ito sa may gusto. Love lots!