Hindi lubos akalain ni Alexa na maging tunay syang princessa sa araw na ‘to. Ito ang kanyang 18th birthday, at sadyang ginastusan masyado ng mga adopted parents nya ang debut nya.
Kung ano man karangyaan meron ang mga Del Fuengo, ipinapakita lang ito sa debut nya. Kaya lang, iba ang naging prinsepe nya ngayon gabi, hindi ang pinangarap nyang maging.
Anak kasi ng kaibigan ng daddy Kyle nya ang naging escort nya. At ito din ang kanyang last dance. Actually, kaibigan din pala ito ni Adrian. Yong kasabwat ni Adrian sa panloloko sa kanya noon.
“Ang ganda- ganda mo Alexa—hindi ko lubos akalain na ikaw yon batang niloloko namin dati ni Adrian.” Nakangiting bulaslas nito habang nagsasayaw sila. Halatang- halata nga sa mga titig nito ang malaking paghanga sa kanya.
Ngiti lang ang isinagot nya sa sinabi nito. Hindi kasi dito nakatuon ang pansin nya. Lihim na hinahanap ng mga mata nya si Adrian. At hindi talaga nya ito nakita. Alam nyang selos na selos ito dahil si Kevin ang kasama at kasayaw nya.
Hindi kasi kabilang si Adrian sa 18th roses nya. Si Aaron kasi ang nabilang, kasi ang alam naman ng lahat na si Aaron ang close nya. Tagong- tago kasi ang relasyong nila ni Adrian. Hindi kasi sila nagpapansinan nito sa harapan ng halos lahat at yon ay dahil sa kahilingan nya dito. Iilang lang naman sa mga pinsan nito ang naging 18th roses nya. Sina Tristan, Ethan, Hayden at Caleb lang. Hindi nga din kasali ang kuya Kiefer nya sa 18th roses nya dahil bising- bisi ito. Ang 1st dance naman nya ay ang daddy Kyle nya.
Laking pasalamat nya dahil natakasan nya si Kevin. Kanina pa hinahanap ng mga mata nya si Adrian.
Saan naman kaya ito nagsusuok? Mabuti nalang at walang nakapansin sa pagtakas nya sa party. Papunta sya sa gilid na bahagi ng bahay. Baka nandun na naman si Adrian sa ilalim ng malaking puno na madalas nitong tambayan.
Ngunit bago pa sya nakarating doon. May pabiglang humila sa kanya.
“Adrian—“mahinang sambit nya sa pangalan nito.
Madilim na madilim ang anyo nito.
“Akala ko, hindi na kayo maghihiwalay ni Kevin.” May tampo ang boses nito.
“Akala ko nga hindi ko na sya matakasan.” Nilambingan nya ang boses para mawala ang paninibugho nito.
“Really?” agad naman sumilay ang ngiti nito.
Kunting lambing lang nya dito ay mawawala din ang tampo nito sa kanya.
Nakangiti syang tumango.
Saka sya hinila na naman nito. Papunta nga sila sa ilalim ng malaking puno na madalas nitong tambayan.
Nang nakarating na sila nito sa ilalim. Agad na iniyakap nito ang braso sa baywang nya.
“You know what, kanina pa kita gustong isayaw. At ito na ang pagkakataon ko.” ani nito
Mabini syang napatawa. Pero hindi nya napigilan iyakap ang braso sa leeg nito.
“Pwede mo naman akong isayaw doon—bakit kasi hindi mo ako niyaya?” malambing ang nagtatampo nyang boses.
“Gusto ko dito—“ inilapit nito ang mukha sa mukha nya. “—dahil solong- solo kita.”
. “At talagang plano mo akong isayaw na walang music.”
“Don’t worry, kakanta nalang ako.” nakangiting sabi nito.
Tumikhim muna ito, saka nagsimulang kumanta pero—
“Oh! Stop that Adrian—“saway nya dito. “—gusto mo bang maging bangungot sa akin ang araw na ‘to?”
Kung gaano kasi nakakainlove ang mukha nito, kabaliktaran naman ang boses nito.
Lalaking- lalaki itong napatawa sa sinabi nya. Saka sumeryoso ang mukha nito. Wala man musika habang nagsasayaw sila nito, pero ito na ang pinaka-romantic para sa kanya. She is dancing under the stars with the man that she loves.
Sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t- isa, habang nagkatama ang mga paningin nila.
“You are so beautiful Alexa—“ madamdamin na pagkakasabi nito. “You are the air that I breathe, you are the stars in my night sky and you are the every beat of my heart. I will always love you!”
Parang gusto na yata nyang maiyak sa sinabi nito. Mamahalin din nya ito habang buhay.
“By the way may dalawang regalo nga pala ako sayo.” ani nito saka bumitaw sa kanya.
Hindi na yata nya napigilan ang pagtulo ng luha ng isinuot nito sa leeg nya ang isang kwentas na may pendant na magkadikit na dalawang puso.
“Ito ang puso natin dalawa—kahit kailan, hindi mapaghihiwalay.” Sa mga mata nya ito nakatingin.
Pinunasan ng mga daliri nito ang ilang butil ng luha nya.
“Gusto mong malaman kung ano ang isa ko pang regalo sayo.”
Nakangiti syang napatango.
“My sweet kiss---“saka tuluyang tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila. Agad na siniil nito ng halik ang labi nya. At tulad ng nagdaan halikan nila, literal na naman syang dinadala nito sa langit. Para na naman syang isinayaw ng mga anghel. Agad syang nakipagpalitan ng halik dito. Tinumbasan nya ang maalab na halik nito.
The night is so perfect, it is so magical and romantic. She is wearing a princess like dress, habang parang prinsepe naman si Adrian sa suot nito. The night sky has full of stars. And they kissing under the moonlight and the starlight.
Halos habol nila ang hininga pareho ng naghiwalay ang mga labi nila.
“Pwede na natin ipaalam sa lahat ang tungkol sa atin, Adrian.” Hindi nya mapigilan sambitin.
Gusto na nyang panindigan ang pagmamahal nya dito.
“Really?” sumilay ang sobrang kasiyahan sa mga mata nito.
“Oo.”
“Oh, babe—“ani nito saka sya ikinulong sa mga bisig nito. “If you only know kung gaano mo ako pinasaya sa sinabi mo.”
Sobrang saya din nya. Nagkatinginan na naman sila nito. Unting- unti na naman inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Ngunit bago pa tuluyan malapat ang labi nito sa labi nya. Napabitaw sila bigla ng may tumikhim. At putlang- putla syang ng nakita kung sino ang tumikhim na yon.