“Hindi na ako manunumbat o magtatanong pa sa kung ano ang nakita ko.” ani ng kuya Kiefer nya. Palipat- lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Adrian. “Dahil, kahit hindi nyo sabihin sa akin—halatang- halata ko kanina, sa kung ano ang tunay na namagitan sa inyong dalawa. Ang tanong ko lang—bakit nagawa nyo itong ilihim sa lahat? At kailan pa ito nagsimula?” sunod- sunod na tanong ng kuya Kiefer nya.
“Kuya—“ tanging nasambit nya.
Matalim ang tingin nito sa kanila ni Adrian.
“Bro—wag kang magalit kay Alexa.” Ani ni Adrian, hinawakan nito ang kamay nya. “Kasalanan ko ang lahat, wala syang kasalanan. At kung ang tanong mo kung kailan nagsimula ang lahat? Matagal na namin mahal ang isa’t- isa pero pinigilan lang namin pareho, hanggang isang araw, hindi na pala namin kayang pigilin.” Buo ang boses ni Adrian.
Mukhang handang- handa ito na panindigan sya.
“Bakit si Alexa pa Bro? Bakit ang minahal at itinuring ko pang tunay na kapatid ang ginusto mo?” tila may pagdaramdam ang boses ng kuya nya. Halata ang panunumbat nito.
Agad nangingilid ang kanyang mga luha.
“Bakit Bro—nabigyan mo ba ng rason kung bakit hanggang ngayon mahal na mahal mo parin ang babaeng nanakit sayo?” makahulugang na balik tanong ni Adrian dito.
Nahilamos ng kuya nya ang dalawang kamay nito. Hindi maitago ang frustration nito. Saka ito palipat- lipat na naman ng tingin sa kanila.
“Kailan nyo ba planong ipaalam ito sa lahat?” sinubukan na nitong maging mahinahon.
“Kung pwede ngayon—gagawin na namin.” Ani ni Adrian, saka tumingin sa kanya.
Napaisip sya. Kaya na ba talaga nyang panindigan si Adrian? Lalo pa ngayon at tila kinakabahan sya ng sobra.
“Here, she is!” agad na bulalas ng host ng party nang nakabalik na sila sa venue. Kasama nya ang kuya Kiefer nya at si Adrian. “May I ask Alexa, na umakyat muna dito sa stage.”
Nakangiting nakatingin sa kanya ang halos lahat. Lumapit pa sa kanya si Kevin at plano nitong hawakan ang kamay nya. Para siguro akayin sya papunta sa stage.
“Can I claim my date now, Bro?” nakangiti tanong nito kay Adrian. Dumilim na naman ang anyo ni Adrian at parang gusto na naman nito ang manuntok. Pero, tinapik ng kuya nya ang balikat nito para ipaala siguro kung nasaan sila ngayon. Ipinakita nya rin sa mga titig nya kay Adrian na hayaan lang muna sila ni Kevin.
Hawak- kamay nga sila ni Kevin na umakyat sa stage.
At magkatabi silang naupo nito sa princess and prince chair na nasa itaas ng stage. Pero ang mga mata nya ay nakasunod lang kay Adrian. Kaya madalas ang pagkatama ng mga paningin nila.
“Baby girl—“ simula ng daddy Kyle nya. “May surprise kami ng mommy mo sayo. Ito talaga ang pinakamahalagang regalo namin sayo ng mommy mo.”
Naagaw ng daddy at mommy nya ang pokus nya.
Nagkangitian pa ang mag-asawa na sina Kyle at Alissa.
“We are happily to announce that Alexa is now our legal daughter.” Masayang- masaya bulalas ni Alissa. “We are already legally adopted her.”
Napanganga sya sa sinabi nito. Samu’t- saring emosyon ang namayani sa kanya. Agad na nagpalakpakan ang mga tao sa narinig. Masayang- masaya ang mg ito.
Agad syang napatingin sa bungad ni Adrian, at hindi nya maipaliwanag ang rumihistro sa mukha nito. Nagkatama ang mga paningin nila. Maya’t- maya lang, tumalikod ito. Hindi nakatakas sa kanya ang kalungkutan sa mga mata nito. Gusto sana nya itong sundan pero hindi sya makakilos.
Alam nyang bawal na silang dalawa ni Adrian kahit hindi man sila tunay na magkadugo. Bahagi na sya ng angkan Del Fuengo. Kadugo man sya o hindi, bahagi na sya sa angkan Del Fuengo, at ipinagbabawal na kung anong meron sa kanila ni Adrian. Sya na ngayon si Alexa Cecilia Del Fuengo.
Napatingin sya sa kuya Kiefer nya. Hindi din nya maipaliwanag ang emosyon meron dito. Meron saya at lungkot na nandun. Akmang tatalikod din sana ito para sundan si Adrian. Pero tinawag ito na umakyat sa stage. Kinunan sila ng official family picture. This is a proof na Del Fuengo na nga sya. At pinsan na nya si Adrian, kapatid na nya ang kanyang kuya Kiefer, mga magulang na nya sina Kyle at Alissa.
Pagkatapos ng nangyari sa debut nya, ilang beses pa syang sinubukan na kausapin ni Adrian. Pero, tuluyan na nya itong nilayuan. Ayaw nyang mas lalong maging complicated ang lahat para sa kanila. Mahal nya si Adrian, pero matagal narin nyang pangarap na maging tunay na magulang sina Kyle at Alissa. Mula ng nakilala nya ang mga ito, pinangarap na nyang maging tunay na bahagi ng pamilya ng mga ito. Oo. Pinsan nyang buo si Kiefer. Pero, iba ang pakiramdam na totoo na nya itong kuya.
Malinaw pa sa alaala nya ang huling sinabi ni Adrian sa kanya.
“Hindi mo man lang ako kayang panindigan Alexa. You never love me the same way as I do to you. Sa araw na ‘to, pinapatay mo na ako.”
Hanggang ngayon, iniiyakan parin nya ang panunumbat nito.
Nabalitaan nalang nya na napagpasyahan nito na pumunta sa ibang bansa. Kakagradwet lang nito sa kolehiyo at napagpasyahan nito na mag-aral uli doon dito.
Hindi man lamang sila nakapag-usap nito bago ito umalis.
Sometimes there’s time when you must say goodbye
Though it hurts you must learn to try
I know I’ve got to let you go
But I know anywhere you go
You’ll never be far
‘coz like the light of a bright star
You’ll keep shinning in my life
You’re gonna be right
Here in my heart
That’s where you’ll be
You’ll be with me
Here in my heart
No distance can keep us apart
Long as you’re here in my heart
Won’t be any tears falling from those eyes
Cause when true love never dies
It says alive forever
Time can’t take away what we have
I will remember our time together
You may think our time is through
But I’ll still have you
Here in my heart
--------
Para hindi bitin balikan nyo nalang ito sa Nov. 21--- isa- isa ko lang pinublish ang chapters.