FMY 11 Present Time

1597 Words
Sabay silang dumating ni Kevin sa pinagdarausan ng 28th wedding anniversary ng mag-asawang Zalmeda na sina Clouie at Aldrine. Kararating lang ni Kevin kahapon, dahil isa itong seaman. Sa katunayan nga, sa isang video call lang ito nagpo-proposed sa kanya ng kasal na tinanggap naman nya agad. Karamihan sa mga bisita ay kilala nya. May mga kapamilya at may mga kasosyo sa trabaho. Magkahawak kamay sila ni Kevin na lumalapit sa kuya Kiefer nya at sa asawa nito na si Yvanna, pareho pang karga ng mga ito ang kambal na anak ng mga ito na puro lalaki. Kasalukuyan nyang nilaro- laro ang kambal na anak ng kuya nya nang lumapit sa bungad nila si Gavin, kargang- karga nito ang anak na babae nito. Habang nakasunod naman dito ang magandang asawa nito. Anim na membro na ng 3rd generation Del Fuengo Clan ang mayroon anak. At malapit ng maging pito, kitang- kita nya ang pagdating ng malaking tiyan na si Arielle nakakapit ito sa asawa nito. Sunod din dumating dito si Erin, kasama ang fiancée nito na abogado. Magkatabi silang naupo ni Kevin, kasama nila sa isang mesa ang mommy Alissa at daddy Kyle nya. Nagkawayan sila ni Abby, katabi nito ang kuya- kuyahan nito na tinatawag nya narin kuya Xavier. Si Abby ang pinaka- close nya sa magpipinsan Del Fuengo, dahil siguro sa cool lang itong tao at hindi nakaka- stress kasama. Kasama din ni Abby sa mesa ang buong pamilya nito. Napatingin din sya sa tinatawag na heartbreaker boys ng kanilang angkan, mga kaedad lang nya ang mga ito. Katabi ni Tristan ang bestfriend nito na si Zaylee, na same as usual alam ko na naman na nagbangayan. Kasama naman ni Steven si Louisse, hanggang ngayon, malaking palaisipan parin sa kanila ang status ng dalawa. Half sister ni Alaina si Louisse, ex naman ni Haven si Alaina, ngayon mag- isa lang si Haven na nakaupo. Ang kakambal naman ni Haven na si Hayden ay nasa sulok, takot yata sa mga tao. Si Caleb naman ay same as usual, nakipaglandian na naman sa mga babaeng bisita. Habang nakatingin sya sa mga ito, naitanong nya tuloy kung kumusta na si Ethan. Nasa ibang bansa ito at wala kaming ideya kung kumusta na ito doon. Nang nagising ito sa pagka- coma, ipinadala ito ng mga magulang nito sa ibang bansa. “Ladies and gentlemen!” ani ng host sa party" Agad na nabaling ang tingin ng halos lahat dito. “28 years ago, some of us here witnessing of how these two individuals make their vows at San Bartolome Parish Church. For 28 years of being together, their love for each other became stronger and stronger. They even blessed with 3 children.” Ngumiti ito. “Please help me congratulate again Mr. Aldrine Zalmeda and Mrs. Clouie Denise Del Fuengo- Zalmeda with their children, Adrian, Aaron and Aaliyah Zalmeda.” Nagpalakpakan ang halos lahat ng lumabas ang buong pamilya. At nakangiting umakyat ang mga ito sa stage. “Ang sarap sigurong aabot sa 28th wedding anniversary. I can’t wait na aabot din tayo sa ganyan.” Bulong na pagkakasabi ni Kevin sa kanya. Pilit syang ngumiti dito. Wala naman talaga dito ang pokus. Para kasing nae-paste ang paningin nya kay Adrian. Ang guapo nito sa suot nito. Sa paglipas ng mga panahon, mas lalo naging nakakainlove ang mukha nito. Lihim syang napailing ng ulo. Ano ba itong naiisip nya. “He’s my cousin. Cousin.” Ulit na ulit nya sa isip. Halos rinig na rinig nya ang hindi maipaliwanag na pagwawala ng kanyang puso habang papalapit silang dalawa ni Kevin sa isang lalaki. Agad na napako ang paningin ng lalaki sa kamay nya na hawak- hawak ni Kevin. Pero binawi din agad nito ang paningin doon, saka matamis na ngiti ang pinakawalan nito sa kanila ni Kevin. “Adrian pare—long time, no see.” Ani ni Kevin dito. “Ikaw din---“ saka bumaling ang paningin nito sa kanya. “Hi Alexa!” “Hi!” maikling nyang bati dito. Parang naidikit na naman ang kanyang dila. “Wow, kayo na pala." bahaw na ngumiti si Adrian. “Oo. Isang taon na ang nakakalipas.” Nakangiti si Kevin. “I see.” Patango- tango si Adrian. “Hindi pa pala masyadong matagal.” “Oo. But finance ko na si Alexa. Tinanggap na kasi nya ang alok kong kasal.” Napatingin na naman sa kanya si Adrian. “Diba, 23 ka palang? Ang aga mo naman yatang mag-asawa.” tunog sarkastik ito. “Akala ko ba, 25 ang marrying age para sayo.” Sunod na sunod ang paglunok nya dahil sa sinabi nito. Kasalukuyan pa nyang kinalma ang nagwawalang puso ng may idinagdag na naman ito. “Oh, don’t tell me, buntis kana.” napansin nya ang paghagod ng tingin nito sa kanya. Nag- init ang pisngi nya sa sinabi nito. Parang ipinaalala ng mga titig nito sa kanya kung ano ang mga ginagawa nila noon. Hindi lang iisa kundi sa marami pang pagkakataon na muntikang nyang naibigay ang kanyang sarili dito. Napatawa si Kevin sa sinabi nito. “Adrian Bro—hindi pa buntis ang babe ko.” bahagya syang napapitlag ng umakbay si Kevin sa kanya. Paano naman kasi halos lumilipad na ang isip nya. “Paano naman mangyari yon. Diba babe?” kumidhat si Kevin sa kanya. “H-ha. Ah, oo.” Pinilit nyang ngumiti. “Babe? Ang sweet naman ng endearment mo kay Alexa.” Mapait na napangiti si Adrian. “I remember someone, ganyan din ang tawag nya sa isang babae. Kevin pare—“ bumaling ito kay Kevin. “—alam mo ba, marami sa magcouple na babe ang tawagan, hindi nagkakatuluyan. Lalo na yon hindi masarap pakinggan.” Napatawa na naman si Kevin sa sinabi nito. "That is impossible pare.” Nakangiting bumaling sa kanya si Kevin. “Aabot din kami ni Alexa sa 28th wedding anniversary namin.” Hindi nakatakas sa paningin nya ang lihim na pag-ismid ni Adrian bago ito ngumiti. “Wow, I can’t wait!” saka tumingin na naman sa kanya si Adrian. “Yan kung walang bumalik na bahagi ng nakaraan." Makahulugan na sabi nito. Napaawang ang kanyang labi sa sinabi nito. Nginisihan sya nito. “I’m just joking Alexa—wag mo naman seryusuhin. Alam mo naman madalas kitang biruin. Pero, I bet, mas magaling kang magbiro sa ating dalawa.” Parang may nais ipahiwatig ang mga titig nito. Sunod- sunod ang pagpapakalma nya sa sarili. Para syang nasasakal habang kaharap si Adrian ngayon. “Pare, wag mo nang biruin si Alexa—“ ani naman ni Kevin. “Hindi na sya ang batang niloloko natin noon.” Dahil inis na inis sya kay Adrian, kaya naisip syang maging extra sweet kay Kevin. Kumapit sya sa bisig ni Kevin. “Gaganti ako sayo sa honeymoon natin.” Malambing na pagkakasabi nya kay Kevin. Pilyo napangiti si Kevin sa kanya. “I can’t wait, babe!” Saka sandali kinintilan ng halik ni Kevin ang labi nya. Lihim syang napatingin kay Adrian. At inis na inis sya ng wala man lamang syang nakikita na paninibugho mula dito. Maya’t- maya lang— “Adrian, baby!” masayang bati ng isang magandang babae na lumapit sa kanilang tatlo. “Yvette. “open arms pa si Adrian habang sinalubong ang babae. Hindi lang nagkayakap ang mga ito sa harapan nila ni Kevin, naghalikan pa ang mga ito. Ouch! Bakit parang tinusok naman yata ng libo- libong aspirin ang kanyang puso. Pero, hindi dapat mahalata ni Adrian ang pagseselos nya. Nilaparan nya ang pilit na pangiti nang humarap ang mga ito sa kanila ni Kevin. “Yvette baby—this is Kevin, my childhood bestfriend and this is Alexa, my COUSIN.” Parang idiniin pa nito ang salitang cousin. “Kev and Alexa, this is Yvette, my special friend.” Matamis na ngumiti ang babae sa kanila ni Kevin. Ngumiti din sya kahit naging bitter bigla ang kanyang pakiramdam. Kauupo lang nila ni Kevin, galing sila kanina sa pagsasayaw. Lihim nyang sinusundan na tingin sina Adrian at si Yvette habang nagsasayaw. Halos magkayakap na ang mga ito. Mas nauna pang nagsayaw ang mga ito sa kanilang dalawa ni Kevin. At mukhang hindi parin napapagod ang mga ito. Ano ba itong nangyari sa kanya? Bakit ang bitter naman yata ng pakiramdam nya? Sinabi na nga kanina ni Adrian na magpinsan sila. Mukhang naka move on na ito at tanggap na sya nito bilang pinsan. Pero, bakit parang hindi naman sya masaya? “Are you ok?” puna sa kanya ni Kevin. “Ah. Oo.” Saka lang nabaling dito ang pokus nya. “I guess I’m just tired.” “You want me to take you home.” May lambing ang boses nito. “Or gusto mo doon nalang tayo sa condo ko uuwi.” Pinanlakihan nya ito ng mga mata. Tumawa ito. “I’m just kidding, babe!” hinawakan nito ang kamay nya. “Alam ko naman bawal hangga’t hindi pa tayo ikinasal.” Napakalma sya sa sarili. Sa totoo lang, hindi pa nga umabot hanggang sa leeg nya ang halik nito. Hindi kasi nakakawala sa katinuan nya ang halik nito. Kaya, alam nyang safe na safe sya dito. Samantalang kay Adrian, titig palang nito ay parang nagwawala na ang katinuan nya. Kaya nga, ilang beses nyang muntikan naibigay ang sarili dito noon. “C’mon I'm just taking you home!” tumayo ito sabay inilahad nito ang kamay sa kanya. Nakangiti syang tinanggap yon. Mas mabuti na nga umuwi sya. Hindi na kasi nya matagalan ang kakaibang nadarama nya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD