"Patawarin mo ako, Alissa. Patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko sayo."puno ng hinagpis na sambit ng kanyang antie Milagros, sabay luhod nito sa kanyang harapan.
Napatayo sya at napailing. Sunod- sunod na rumagasa ang luha nya sa kanyang mukha. Sobrang naninikip ang kanyang dibdib ngayon na nakatingin sya sa kanyang antie Milagros. Alam nyang galit ito sa kanya, alam nyang hindi isang pamangkin ang turing nito sa kanya, pero binabalewala nya ang mga bagay na yon dahil mahal nya ito. Mahal na mahal nya ito. Ito at si Savanah nalang ang itinuturing nyang na kamag-anak.
Napakasakit para sa kanya na kahit isipin man lamang na ang tanging natitira nyang kamag- anak, ang tanging inaasahan nyang dadamay sa kanya ang syang sumira sa kanyang buhay.
Hindi isang simpleng bagay lang ang nawala sa kanya. Sinira nito at ni Savanah ang kanyang buhay. Sinayang ng mga ito ang ilang taon na masaya sana silang magkasama ni Kyle. At higit sa lahat, dalawang anak ang nawala sa kanya dahil sa kagagawan ng mga ito. Ngayon na alam na nya ang buong estorya sa nangyari noon, may puwang paba sa puso nya ang magpatawad sa mga taong nanakit at sumira sa kanyang buhay?
"Alissa, please, patawarin mo ako. Please, patawad." tulong luha na sambit ng kanyang antie Milagros. Nanatili parin itong nakaluhod sa kanyang harapan.
Ang bigat na bigat dito sa kanyang loob.
"Tumayo ka dyan, antie Milagros ,dahil hindi ako d'yos na kailangan mo luhuran. At dahil hindi ako d'yos, hindi ko din alam kung kaya paba kitang patawarin. Alam mo ba lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa mga nakalipas na taon? Maliban sa pinilit kong mabuhay na malayo sa mga taong mahalaga sa akin, kailanman, hindi na ako nagiging masaya. May kulang sa akin, may kulang sa aking pagkatao. At ang kulang na yon ay syang sumasaksak sa aking puso ng paulit- ulit. Buhay ng mga anak ko ang nawala. Ayaw kong sisihin kayong dalawa ni Savanah sa pagkawala ng aking mga anak pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na isisi ko sa inyo lahat. Hindi ba kayo naawa sa akin? Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ba kayo nakokonsensya? At hanggang ngayon ba, hindi kayo inuusig ng iyon konsensya?" puno ng paghihinagpis ang iyak ng kanyang antie Milagros. "Paano nyo nagawang tumingin sa aking mga mata na parang walang nangyari? Paano nyo nagawang makisama sa akin na parang isang simpleng kasalanan lamang ang nagawa nyo sa akin. Paano antie? Paano?"
Yumakap ito sa kanyang binti. Puno ng luha ang mga mata nito habang nakatingala sa kanya.
"Maniwala ka Alissa, pinagsisihan ko lahat. Kung alam mo lang, araw- araw kong pinagsisihan ang lahat. Hindi ko naman lubos akalain na isang napakalaking kasalanan pala ang maging kapalit sa nagawa namin ni Savanah. Dala ng inggit at galit, kaya hindi ko naisip ang pwedeng mangyari. Ang nasa isip ko lang nung, ay ang masaktan ka."
Para akong kinakapos ng hininga dahil sa kaiiyak ko. Lumanghap ako ng hangin, at kinalma ko ang aking sarili. Pinunasan ko ang aking luha saka ako kumawala mula sa kanya. Napahandusay sya nang tuluyan na akong nakawala.
"At nagawa nyo naman antie, kaya congratulation sa inyo, dahil nasaktan nga ako. Sobra akong nasaktan. At hanggang ngayon, sobra parin akong nasaktan. At habang buhay na akong masasaktan. Alam mo ba kung bakit? Dahil hindi ko na makakasama ang lalaking mahal ko. Dahil hindi ko na maibigay sa kanya ang pamilyang inaasam- asam nya, dahil malaki ang posibilidad na hindi ko na sya mabigyan ng anak." bumalot ang kalituhan sa kanyang mga mata. " Hindi lang mga anak ko ang nawala sa akin. Nagkaroon ng damaged ang isa sa mga tube ko at halos 60% nalang ang chance ko para mabuntis. At ayaw kong umasa sa 60% na yon dahil napakasakit ang umasa. Tulad nalang ngayon. Umaasa ako na kahit 50% , pinahalagaan nyo ako pero nagkamali ako dahil kahit isang porsyiento, hindi ako naging mahalaga sayo."
Huli kong sinabi saka ako tumalikod, at humakbang para tuluyan syang iwanan. Hindi ko pinansin ang paulit- ulit nyang pagtawag sa aking pangalan. Hindi ko naman napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
----
Naabutan ni Kyle ang antie ni Alissa na nag- iiyak na nakahandusay sa sahig. Tinulungan nya ito para makatayo at wala parin itong tigil sa kaiiyak kahit maayos na itong nakaupo.
"Anong nangyari?"
"Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nasabi ko kay Alissa lahat. Lahat- lahat. Galit na galit sya sa akin at ewan ko kung kaya paba akong patawarin ng aking pamangkin. Anong nagawa ko? Ang laki ng kasalanan ko. Kaya hindi ko masisisi si Alissa kung kinamumuhian na nya ako ngayon." mangiyak- ngiyak na sambit nito. Nanatili lang syang nakatitig dito. Sya man din ay galit dito. At aaminin nya, yon galit sa kanyang puso ay hindi parin nawawala hanggang ngayon pero dahil alam nyang mahalaga para kay Alissa ang antie nito, kaya, kinimkim nalang nya ang kanyang galit. At hinayaan nya ang antie Milagros ni Alissa na mamuhay ng normal.
Hindi sya pumayag nung plano ng kanyang mga magulang ang gumawa ng aksyon laban dito. Hindi iyon dahil sa naawa sya dito, iyon ay dahil ayaw nyang manakit ng mga taong mahalaga para kay Alissa. At ngayon na nakatingin sya dito, naisip nya na deserve nito ang nangyayari dito ngayon. Darating talaga ang araw na mismong ang tadhana na ang magpatikim sayo sa karma.
-----
(Back to Alissa........)
Nasa may baybayin sya ngayon. Mula pa noon, pumupunta na sya dito pag may dinaramdam sya. Tahimik kasi ang ganitong lugar, at nare- relaks ang kanyang isip. Wala parin tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha. Sobrang napakabigat para sa kanya ang mga nalaman nya ngayon. She wanted to lessen the weight of her chest but she don't know how.
Paano ba ang makalimot?
Paano ba tuluyan hilumin ang sugat?
At paano ba ang magpatawad?
Darating paba ang araw na ang lahat ay iisipin nalang nya na bahagi ng kanyang masakit na nakaraan?
May pag- asa paba na makamtan parin nya ang tunay na kaligayahan?
"Sabi ko na nga, dito kita matatagpuan."
Napalingon ako nang narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Kyle, anong ginagawa mo dito? Iwan muna ako dito. Umalis ka." pagpapalayas ko agad sa kanya. Pinahid nya ang kanyang luha.
Ayaw ko muna syang makita dahil mas lalo lang akong masasaktan.
"Your antie Milagros told me everything."
Humakbang sya palapit sa akin. Huminto sya nang ilang dangkal nalang ang agwat naming dalawa. Ayaw kong salubungin ang kanyang mga titig pero nilakasan ko ang aking loob para makipagtitigan sa kanya.
"Umalis kana Kyle. Iwan mo ako dito. Gusto kong mapag- isa."
"Wag mo naman akong ipagtabuyan Alissa. Bakit ayaw mo akong kausapin? Bakit ayaw mong pag- usapan ang dahilan kung bakit ayaw mo akong papasukin muli sayong buhay? Alam mo naman na mahal na mahal kita, Alissa at asawa parin naman kita hanggang ngayon."
"Mas mainam na wag na natin pag- usapan Kyle? Umalis kana, nakikiusap ako sayo."
Naramdaman ko na naman nag pamamasa ng aking mga mata. Kakaiyak ko lang kanina, ngayon, iiyak na naman ako.
"Higit sa kahit ano dito sa mundo, ikaw lang ang pinakamahalaga para sa akin, Alissa. Mula ng nawala ka, halos gumuho ang aking mundo at kailanman, hindi na ako nagiging masaya. Walang araw sa buhay ko, na hindi kita naalala. Araw- araw akong umaasa sayong pagbabalik, at ng makasama na kita. At walang kahit ano ang makapagbabago sa kagustuhan ko na makasama ka habang buhay, Alissa. Sapagkat sayo lamang umiikot ang aking mundo."
--
--
Nabusy bigla kanina kaya Gabi na nakapag- update...Try ko e- update bukas ang last two chapters...Salamat.