TPLY 24

1559 Words
Read First: Hello guys....My Suddenly Married to my Kuya story, available na muli dito sa Dreame. Actually, isa sya sa malakas na story ko noon dito at unang story ko na nagpataas sa reads ko sa isang araw. Pero, dinilete ko sya at inilipat ko sa ibang platform. Ngayon, ibinalik ko muli dito. (Romcom/ Nakakakilig/ SPG/ May halong drama kalaunan.) Galing din sa Del Fuengo Clan, 3rd generation. Sa gustong basahin: Doon nyo sya mababasa sa "My Irresistible Seductor" book ko. Unting- unti kong ibabalik ang chapters daily (2- 4 chapters..) Sypnosis: - "I'm not your brother, Abby. I am your husband. And I need you as the husband needs his wife." - Nang umalis ang kuya Xander ni Abby para mag- aral sa ibang bansa, pumalit sa papel nito bilang kuya nya ang bestfriend nito na si Xavier. Kaya lumaki sya na kuya ang turing kay Xavier. Hindi naman nya lubos akalain na magbabago ang lahat dahil sa isang gabi ng pagkakamali at hindi pagkaunawaan. So, her kuya Xavier, turns to be her husband. Dahil sa guilt at kasalanan naman nya, kaya binigyan nya ito ng karapatan para makasama parin nito ang babaeng mahal nito, sabay pangako dito na papayag sya ng annulment kung saka- sakali. Pero, isang araw bigla nalang syang nagising na ayaw na nyang e- share sa iba ang kuya Xavier nya. Pero ano nga ba ang magagawa nya kung iba ang nagmamay- ari ng puso nito? Hahayaan nalang ba nya ito na makasama ang babaeng mahal nito o ipaglaban nya ang karapatan nya bilang asawa nito? - - - (Back to the story:) “May problema kaba?” tanong sa kanya ng antie Milagros nya. Magkaharap silang nakaupo nito. Pareho silang umiinom ng kape nito. Umiling sya. Kahit pa nagkaayos na sila nito, hindi parin sya dapat magkwento dito ng kahit ano’t- ano. “Alam kong may problema ka, Alissa. Alam kong wala akong karapatan para magtanong sayo. Malaki ang kasalanan ko sayo, at alam kong kahit buong buhay ko pa ay hindi kayang bayaran lahat ng iyon.” Malungkot ang boses nito. Pinilit nyang nginitian ang antie nya. “Wala naman po kayong malaking kasalanan sa akin, antie.” Pagpapalakas ng loob nya dito. “Kung sana, nakinig lang ako sa inyo noon, hindi sana ako magkakaganito ngayon.” Napakunot- noo sya. Namumula kasi ang mga mata nito. “Nagkakamali ka Alissa—may malaki akong kasalanan sayo. Mula pa ng isinilang ka, may malaki na akong kasalanan sayo.” hindi na nito napigilan ang pagtulo ng mga luha. Maang syang napatingin dito. “Bata palang kami ng mama mo, may lihim na akong galit sa kanya. Kasi sa tingin ko mas minahal sya ng mga taong mahal ko. Kahit pa sabihin na sa aming dalawa, ako naman ang nagsikap at sya nakuntento lang sa buhay meron sya. Pumunta ako sa ibang bansa, iniwan ko dito ang kasintahan ko, si Nilo, ang papa mo. Tinustusan ko ang pag-aaral ni Nilo, hanggang sa natapos nya ang pag-aaral nya ng engineering, sabay ng pangako namin sa isa’t- isa na babalik din ako dito pag magkaroon na sya ng magandang trabaho. Ngunit bago pa ako tuluyan nakauwi dito, ginahasa ako ng anak ng amo ko, kaya nabuo si Savanah. Ayaw maniwala sa akin ni Nilo, galit na galit sya sa akin. Umuwi ako dito na malaki ang tiyan dala ng malaking pera na ibinigay sa akin ng daddy ni Savanah. Tinulungan ako ng mama mo sa pag-aalaga sa bata. Unting- unti nawala ang galit ko sa kanya. Pero isang araw, bigla nalang syang nabuntis, at mas lalo akong nasaktan sa nalaman na si Nila ang ama ng batang dinadala nya. May maganda nang trabaho si Nilo, isa na syang engineer. Hindi ko matatanggap na ang mama mo ang makikinabang sa pinaghihirapan ko. Akala ko pareho lang silang nakalimot, pero hindi pala dahil inamin sa akin ni Nilo na mahal nya si Selda. Galit na galit ako Alissa, kaya nung isinilang ka, ninakaw kita, plano kitang ibenta. I hate you dahil ikaw ang sinisisi ko kaya tuluyan nawala sa akin si Nilo. Nang sinasagip kana ng mga pulis, sumama si Nilo at natamaan sya ng bala kaya sya namatay. Ako ang dahilan kaya wala kang ama na namulatan.” Mangiyak- ngiyak na kwento nito sa kanya. Hinawakan nya ang mga kamay nito na nasa ibabaw ng mesa. Kahit nasaktan sya sa narinig pero matagal nang panahon ang nangyari. Pinapatawad na ng mama nya ang antie nya kaya dapat na din syang magpatawad. “Antie—matagal na po yan nangyari. Ang mahalaga po nagsisisi kana ngayon. Let’s start again antie. Ikaw nalang ang natitirang kilala kong kamag-anak, ikaw nalang ang pamilya ko.” hindi narin nya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Pero mas lalo yata itong naiyak sa sinabi nya. “Hindi naman yang ang napakalaking kasalanan na nagawa ko sayo.” Napatitig sya dito. Ano ba ang kasalanan tinutukoy nito. “Alissa---“ bumugtong- hininga ito. “Hindi lang ako ang pamilyang natitira mo. Nandyan pa si Kyle na asawa mo at ang buong pamilya nya.” Nasaktan sya sa sinabi nito. Yon ang akala nya noon, nung hindi pa nya nalaman na peke naman ang kasal nila ni Kyle. “Antie, alam mo naman na peke----“ “Hindi peke ang kasal ninyo, may pagkakamali lang.” putol nito sa sasabihin nya. Napakunot- noo sya. “Isa kang legal na asawa ni Kyle." “A-Ano pong ibig yong sabihin? “Sana mapatawad mo pa ako sa lahat ng ipagtatapat ko ngayon sayo Alissa.” Nakatitig sya dito saka ito nagsimulang magkwento. “Hindi ako makapaniwala na isang araw pinuntahan ako ni Kyle kasama ang mga magulang nya. Sinabi nya sa akin na hihingin daw nya ang pahintulot ko na pakakasalan ka, sinabi nya sa akin na buntis ka sa magiging mga anak ninyo. Nagalit ako sa nalaman, kasi naisip ko na ikaw ang gumawa sa plano ko sana dapat kay Savanah. Nagalit ako sa isipin na inagaw mo ang buhay na para sana kay Savanah, tulad ng ginawa ng mama mo sa akin. Kaya hindi ako pumayag, sabi ko sa kanya, hindi ako papayag na pakakasalan lang nya ang mahal kong pamangkin dahil sa buntis ito. Pero nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Hindi lang daw ang mga bata ang dahilan kaya ka nya pakakasalan kundi dahil mahal ka nya. Mahal na mahal ka nya. Mas lalo akong nagalit dahil naalala ko si Nilo habang sinabi nya sa akin ang mga salitang yon. Kahit pa ikinasal na si Savanah sa Germany, pakiramdam ko parin inagawan ang anak ko. Lalo pa’t sa isipin na hindi naging maganda ang buhay ng anak ko sa piling ng kanyang asawa. You’re just 18 at the time Alissa, kailangan nila ang pahintulot ko bilang guardian mo. Pero, hindi ako pumerma sa marriage contract ninyo. Ilang beses na nakikiusap sa akin si Kyle. Nakipag- sundo ako sa kanya na peperma ako pagkatapos mong manganak. Pero, desperada ako. Ayaw kong maging masaya ka habang hindi naging maganda ang buhay ni Savanah.Kaya tinawagan ko si Savanah, pinauuwi ko sya. Naisip ko kasi na pag makita ni Kyle si Savanah, baka marealize nito na ito talaga ang mahal nya. Kasi, hindi ako naniniwala na kay dali lang nya itong makalimutan gayun halos sambahin na nya ito. At baka, ipagpasalamat pa nya sa akin kung bakit hindi ako pumerma, dahil malaya pa syang ipagpatuloy ang pagmamahal nya sa anak ko. Pumayag naman agad si Savanah, gusto na din nya kasing iwan ang kanyang asawa. Nakipagkita si Savanah kay Kyle, nakipagbalikan sya dito, sinabi nya kay Kyle na pwede pa silang dalawa dahil maituturing naman invalid ang kasal ninyo. Sobrang confident ni Savanah na mahal parin sya ni Kyle, kaya inutusan nya ako na papuntahin ka sa shop, dahil gusto nyang makita ang maging reaksyon mo pag inamin na ni Kyle sayo na peke ang kasal ninyo at sya lang talaga ang mahal nito. Pero iba ang nangyari at halos isumpa na ni Kyle si Savana. Pareho kayong dinala ni Kyle nung sa hospital dahil may problema pala sya. Nasugatan sya at hinimatay sya dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya." naalala nya ang kondisyon ni Kyle, hindi nya napigilan at napaiyak narin sya habang nakikinig sa kanyang antie."At kahit, wala kana, umalis kana, itinama parin ng pamilyang Del Fuengo ang lahat, hanggang sa naging tama ang kasal ninyo. Mahal ka ni Kyle, Alissa. Nung umalis ka, halos isang taon na kung saan- saan ka hinanap ni Kyle, napabayaan nya ang pag-aaral nya. Halos nalugmok sya sa kalungkutan. Dahil sa pagmamahal nya sayo, hindi nya ako nagawang gantihan dahil antie mo ako. Nung bumalik ka naman dito, pinigilan nya ako na sabihin sayo ang totoo, dahil kakaayos palang natin, at ayaw nyang masaktan ka muli. Sya nalang daw ang maghahanap ng paraan para magkaayos kayo.” Parang sinasaksak ang kanyang puso ng paulit- ulit dahil sa narinig. Hindi nya alam kung paano ilabas ang nadaramang sakit. Kailangan pa ba nyang manumbat? Dahil sa ginawa nito at ni Savanah, nasira ang kanyang buhay, nawala pareho ang unang supling sana nila ni Kyle, tapos hindi na sya sigurado kung mabibigyan pa ba nya ng anak si Kyle. At lahat ng iyon ay dahil sa kagagawan ng kanyang antie at ni Savanah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD