TPLY 23

1344 Words
(Kyle's side 2) Hindi pwedeng ire-histro ang kasal nila ni Alissa dahil invalid ito. May kulang kasi. Ang perma ng tita Milagros ni Alissa. Alissa is just 18 years old at that time. At kailangan ang perma ng antie nito para maikasal sila. Ang antie Milagros kasi nito ang nagsisilbing guardian nito. Pero, kahit anong pilit nila ng kanyang parents para makuha ang perma ng antie nito, ayaw talaga nitong pumerma. Naikasal lang naman sila ni Alissa dahil kilala ng kanyang parents ang judge na nagkasal sa kanila ni Alissa. Pero, hindi talaga pwedeng irehistro ang kasal nila ni Alissa. Pinagplanuhan na nga ng kanyang mga magulang na alukin ng malaking halaga ang antie ni Alissa para pumerma lang ito pero hindi sya pumayag. Ayaw nyang isipin ng antie nito na binili nya si Alissa mula dito. Hindi lang iisang beses na nagmamakaawa sya kay antie Milagros para sa perma nito. Pero, lagi syang bigo. "Mahal ko ang pamangkin ko, Kyle. Alam kong ginawa mo lang syang panakip- butas dahil sa paghihiwalay ninyong dalawa ni Savanah. Ayaw kong matali sya sayo dahil hindi mo naman sya mahal." ani nito. Ito ang rason nito kaya ayaw nitong pumerma. "Mahal ko si Alissa. Bago paman kami ikinasal ni Alissa ay mahal ko na sya. Ipinapangako ko po sayo na sasaya ang pamangkin nyo sa piling ko. Hindi ko sya sasaktan." pag- amin nya dito. Tumitig sya sa mga mata nito para ipakita na totoo kanyang binitawan na mga salita. "Peperma din ako pero kailangan ko munang masiguro na masaya ang pamangkin ko sayo at hindi mo lang sya ginamit para makalimutan ang aking anak." Ang pangako ng antie ni Alissa sa kanya ay pepermahan din nito ang marriage contract nila ni Alissa pagkatapos manganak ni Alissa kaya hindi na sya nangungulit pa dito. Kailangan lang talaga ang perma nito dahil ito nalang ang naiwan guardian ni Alissa bilang nag- iisang kamag- anak na kilala ng kanyang asawa. Mas pinili nyang ilihim kay Alissa ang pagmamatigas ng antie nito. Ayaw nyang madagdagan pa ang inalala ng kanyang asawa. Lumipas ang mga araw, palaki at palaki naman ang tiyan ng kanyang asawa. Pareho silang excited nito sa paglabas ng kanilang unang maging supling. Parehong lalaki ang ipinagbubuntis ng kanyang asawa. Isang araw may natanggap syang text message mula sa antie ni Alissa. Punta ka dito sa shop, peperma na ako. Ito ang mensahe nito. Wala syang sinayang na oras at pumunta sya sa shop nito. Pero, hindi ang antie ni Alissa ang naabutan nya kundi si Savanah. "Bakit ayaw mong aminin sa akin, Kyle, na mahal mo parin ako, kaya hinayaan mo nalang na hindi pumerma si mama at manatiling invalid ang kasal ninyo ni Alissa." Ani ni Savanah sa kanya. Lumapit ito sa kanya. Hindi nya magawang ilayo ang kanyang sarili dahil medyo napiit sya sa dingding, at ang bawat gilid nya ay medyo delikado at may mga matutulis na bagay. Under construction kasi ang ilang bahagi ng shop ng ina ni Savanah na syang antie ni Alissa. Bawal sa kanya ang masugatan. "Nagkakamali ka Savanah. Nung nagpaalam ka sa akin at hinihiwalayan mo ako. Hindi na kita mahal nung. Mahal ko ang pinsan mo at mas matindi ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sayo." Tinapat nya ito. Ayaw nyang isipin nito na ginamit lang nya ang kanyang asawa para makalimutan ito. "Really? Mas masarap ba sya kaysa sa akin?" tanong nito na nagpababa ng tingin nya sa pagk*babae nito. Hindi nya ito sinagot. Napailing sya dala ng pagkadismayado nya dito. Napatingin ito sa cellphone nito nang tumunog iyon. Ngumiti ito sa kanya, saka pabiglang itinapat nito ang labi nito sa kanyang labi. Nagulat sya sa ginawa nito at mas lalo syang nagulat nang biglang bumukas ang pinto ng shop ng ina nito at iniluwa doon si Alissa. Mabilis syang napalayo kay Savanah, hindi na nya pinansin ang mga matutulis na pako na nakikita nya kanina. “Alissa---“tulalang sambit nya sa pangalan ng asawa. “Hi cousin, mabuti naman at nandito ka.” Nakangiting sambit ni Savanah sa kay Alissa. “Alissa, honey—let me ex---“ “Kyle, darling—ako na ang magpapaliwanag sa pinsan ko.” “Savanah—stay away!” bulyaw nya kay Savanah. Suklam na suklam sya dito. Sa tingin nya plinano nito ang lahat. Awang- awa syang nakatingin kay Alissa. Ramdam na ramdam nya ang sakit na nadarama nito dahil sa nakita nito. Akmang lalapit na sana nya si Alissa nang--- “C’mon Kyle--- bakit mo pa pahihirapan ang pinsan ko? Bakit ba hindi mo nalang sya palayain? Hindi mo naman sya mahal.” Ani ni Savanah, pinigilan pa nito ang kanyang braso, saka humarap ito sa kanya. “Pinagsisihan ko ang nagawa ko sayo. I realize na mahal na mahal parin kita. Salamat at hanggang ngayon mahal mo parin ako. Salamat at hanggang ngayon hinihintay mo parin ako. Siguro, panahon na para aminin natin kay Alissa ang totoo. Hindi kaba naawa sa pinsan ko? Dahil ako, awang- awa ako sa kanya." “Savanah—ano bang pina----“ “Why don’t you tell her Kyle? Why don’t you tell her na ako lang ang tanging babae na kaya mong mahalin? Gusto nyang ipagsigawan na hindi totoo ang mga pinagsasabi ni Savanah, pero hindi nya mahagilap ang kanyang mga salita sapagkat mas nanaig ang pagkaalala nya kay Alissa. “By the way cousin---“ humarap ito kay Alissa. “—may ipagtata-----“ “Savanah, stop that!” ---bulyaw nya dito “ Alissa, honey—are you okay?” Hindi ito sumagot. Napahawak ito sa pinto. Parang nanghihina ito. “Why should I stop Kyle! Ayaw kong gawin mong panakip butas ang aking pinsan.” Galit na sambit ni Savanah at hinarangan sya nito sa akmang paglapit nya kay Alissa. “Bakit ayaw mong aminin sa kanya ang totoo? Na hindi naman talaga kayo mag-asawa. Na peke lang ang kasal ninyo. Na niloko mo lang sya at ng buo mong pamilya. Na wala -----“ Ang kasinunggalingan na ito ni Savanah ay ang dahilan kaya parehong nalagay sa panganib ang buhay nila ni Alissa. At ang dahilan kaya parehong nawala ang mga anak nila ni Alissa. Dahil sa kanyang pagmamadali na lapitan si Alissa kaya hindi na nya napansin ang napatulis na nakatayo na mga pako, nasugatan sya at halos nawalan ng malay. Parehong silang dinala ni Alissa sa hospital. Hindi na nya alam ang nangyayari kay Alissa dahil nasa medyo kritikal din sya na kondisyon nung, maraming dugo ang nawala sa kanya. Maliban pa dun ay marami din syang natamong sugat. Nang medyo maayos- ayos na sya, nalaman nya mula sa kanyang mga magulang na parehong namatay ang ipinagbubuntis ni Alissa. Sobrang masakit sa kanya ang balitang nalaman. Akala nya wala nang mas sasakit sa balitang nawalan sya ng anak pero meron pa pala, dahil ang malaman na iniwan sya ni Alissa ay ang pinakamasakit. Hindi naman nya masisisi si Clouie kung bakit tinulungan nito si Alissa na makatakas. Buong akala kasi nito na niloko nya ang kaibigan nito. Masyado kasi itong nakapokus kay Alissa at hindi na namalayan nito na nasa hospital din sya ng mga panahon na yon. Sa totoo lang, walang masyadong nakakaalam sa kanyang mga kapamilya ang tungkol sa nangyari sa kanya dahil mabilisan ang mga pangyayari. When Alissa is gone, his life is not normal anymore. Loneliness is always his companion ever since. Hinahanap nya si Alissa sa kung saan pero hindi nya matagpuan ito. Tama nga siguro ang kasabihan na mahirap hanapin ang mga taong ayaw magpahanap. Umaasa nalang sya na balang araw babalik ito, dahil asawa naman nya ito. - - - (Sorry kung bumagal ang update. Dahil sa pagkakasakit ng mga anak ko sa mga nakalipas na araw, kaya may mga gawain akong hindi ko nagawa, at naging busy ako ngayon. Mas binigyan ko ng priority ang signed story ko, dahil binabayaran iyon mga readers. Pasensya na. Susubukan kong makapag- double update bukas pero hindi ako makapangako kasi unpredictable naman ang mangyayari sa ating sa araw- araw. Thanks!)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD