TPLY 22

1336 Words
(Kyle's Side 1) I am gambling with my heart because she is worth the risk. She could be my ruin or my jackpot. This is what Kyle want to do right now. He wanted to win back the love that once his, and now he lost it. Ni minsan, hindi nya lubos akalain na mamahalin nya si Alissa na higit sa kahit ano paman. Akala nya na pagkakaibigan lamang ang kaya nyang ibigay sa babae. He met her when she was 10, he was 13 at that time. Anak ito ng pinakamamahal nyang yaya, at mula nung sa kanila na ito nakatira, since wala nang mapagbilinan nito. He knew ever since na may crush ito sa kanya, at naiinis sya sa bagay na ito. It creeps him to see her secretly watching him in everything that he do. Pati ang laging pagdadala ng juice nito sa kanya pag naliligo sya sa swimming pool ay ikinainis nya lagi, pero, hinayaan nya lang na gawin nito ang ganitong bagay. Iniiwasan nya si Alissa at ni minsan, hindi nya ito tinapunan ng kahit pahapyaw na tingin. And then, he met Savanah, una kita palang nya dito ay agad na syang magkagusto sa babae. She is physical perfect sa babaeng gugustuhin nya. She is almost perfect kung sa physical na aspeto ang pag- uusapan. Napaka- attractive din nito dahil isa itong mestisa at matangkad. Ito ay dahil isang Half- German ang babae. Nang nalaman nya na pinsan ni Alissa si Savanah, agad nyang kinaibigan si Alissa para mapalapit sya kay Savanah. Si Alissa nga ang nagsisilbing tulay sa kanilang dalawa ni Savanah. Niligawan nya si Savannah at sobrang saya nya nung sinagot sya nito. Maganda naman ang relasyon nila ni Savanah sa simula pero kalaunan, nagbago ang babae. Unting- unti nyang naramdaman ang panlalamig nito sa kanya. Naisip nya na baka dahil nagtampo ito sa kanya kaya naging ganito ito. Medyo nabawasan kasi ang oras nya dito dahil sa Manila na syang nag- aaral kaya pag umuuwi sya sa San Bartolome, halos iginugol nya lahat ng oras nya para kay Savanah. Lahat ng magustuhan nito ay ibinigay nya. Alam na nya noon paman na sadyang high maintenance girlfriend si Savanah. Tanggap nya ang kaugalian na ito ng babae, kaya naman nyang ibigay dito lahat ng luho nito. Ngunit may problema kay Savanah at ito talaga ang madalas nilang pinag- aawayan ng babae. Imbes na suportahan sya nito sa kanyang mga pangarap, lagi sya nitong ni- looked down at madalas din syang ikumpara nito sa kanyang mga pinsan. Bata palang sya, ang pagiging chef na ang pangarap nya. He followed his heart's desire kahit pa ayaw ng kanyang mga magulang sa pangarap na nya to, dahil natatakot ang mga ito sa kanyang sitwasyon. Meron syang hemophilia. Kahit gaano pa ka liit na isang sugat ay makakasama ito sa kanya, dahil hindi normal ang pag- clot ng kanyang dugo. Isa itong sekretong kondisyon na tanging pamilya nya lang ang nakakaalam. Sa totoo lang, ikinakahiya nya ang kanyang kondisyon. Para sa kanya, may problema sa kanya at hindi sya normal, kaya wala syang pinagsasabihan sa kondisyon nyang ito. Kung si Savanah naman ay kontra sa kanyang kurso, iba naman si Alissa, ito ang kanyang number one taga- suporta. Mali ba kung hindi nya mapigilan ang hilingin na sana katulad nalang ni Alissa si Savanah. Aaminin nya, ang init ng pagmamahal nya nung kay Savanah ay biglang lumamig. "Aalis na ako, Kyle. Salamat sa lahat pero kailangan na natin tapusin 'to. Aaminin ko na sayo, may boyfriend ako online. Sya talaga ang rason kung bakit gusto kong pumunta doon sa Germany. Hindi naman ako ganun kawalang kwenta para lukuhin pa kita." Gabi at nasa dalampasigan sila ngayon ni Savanah. Sa mga susunod na mga araw ay aalis na ito papunta sa Germany. Hindi sya nagsasalita at nanatili lang syang nakatitig dito. Alam naman nyang hindi ganun kalalim ang nadarama ni Savanah para sa kanya. He gave him almost everything, but ganun talaga. Akala nya masasaktan sya pag marinig dito na nakikipaghiwalay ito sa kanya, pero parang isang simpleng damdamin nalang ang kanyang nadarama ngayon. Sa huling pagkakataon ay nagyakapan sila ni Savanah. Pagkatapos ng pag- uusap nila ni Savanah, agad silang bumalik kung saan nakaparada ang kanyang kotse, kung saan naghihintay si Alissa sa kanila ni Savanah. Nagkatama agad ang mga mata nila ni Alissa, para may lumatay na kung anong damdamin sa loob ng kanyang puso sa tagpong ito. Ibinaba ni Alissa ang paningin nito sa magkahugpong na mga kamay nila ni Savanah. Matipid na ngumiti si Alissa sa kanilang dalawa ni Savanah. Sa mga lumilipas na araw mula nang umalis si Savanah, inaamin nya na medyo nakadama sya ng hindi maipaliwanag na kalungkutan, pero hindi naman nya masabi kung nasasaktan sya sa ginawang pakikipaghiwalay nito, para pa nga syang nabunutan ng tinik nang hinihiwalayan sya nito. Hindi lang nya maintindihan kung bakit parang may kulang. Nang umalis si Savanah, mas lalo nyang napagtuunan ng pansin si Alissa. She is so amazing and beautiful. Hindi nga siguro kasing ganda kay Savanah, pero yon hitsura nito ay hindi nakakasawang pagmasdan. Na habang tumatagal, mas lalo itong gumaganda. The first time he kissed Alissa is so heavenly. Hindi nga sya pinatulog ng unang halik na yon. Then, that's when he realized that he is falling inlove with him. Pilit nyang iniwasan pero hindi nya mapigilan ang kanyang sarili. Alissa is young and innocent, he just waiting for the right time para aminin nya dito ang kanyang nadarama. Ayaw din nyang isipin nito na ginawa nya itong rebound lalo pa't buong akala nito ay mahal parin nya ang pinsan nitong si Savanah. Matagal na syang naka- move on mula kay Savanah, kaya lihim syang naiinis pag laging Savanah nalang ang ikinu- kwento ni Alisa sa kanya. Pero, hinayaan nya ito. Gusto lang kasi nya itong makausap, kaya hinayaan nya ito sa gustong topic nito. Buong akala nya, wala na syang maging karibal kay Alissa pero nalaman nya na nililigawan pala ng pinsan nyang si Zaith si Alissa. Laging sinasabi ni Alissa sa kanya na walang namagitan sa kanilang dalawa ng kanyang pinsan, pero bigla nalang nyang nakita na naghahalikan ang mga ito sa loob ng kotse ng kanyang pinsan sa mismong tapat ng gate sa bahay ng kanyang pamilya. He was hurt and dissapointed. Naglasing sya. Pinuntahan sya ni Alissa sa loob ng kanyang kwarto. Hindi nya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin at nangyari ang hindi dapat mangyari. Iyon ay dahil sa pinaghalong pagnanasa, kalasingan at frustration dahil nagsisinunggaling si Alissa sa kanya. Hindi tungkol kay Savanah ang tinutukoy nyang kasinunggalingan ng dalaga kundi ang pagtatago nito sa tunay na namagitan nito at ng kanyang pinsan. Nabuntis si Alissa at ikinasal silang dalawa. Nagi- guilty sya sa nangyari dahil parang sinira nya ang kinabukasan ni Alissa. Mas lalo syang na- guilty nang naramdaman nya ang lungkot ni Alissa sa katotohanan na ikinasal na ito sa kanya, lalo na ng nakita nyang kayakap nito si Zaith at sobrang lungkot ng mga mata nito. Siguro, mahal talaga ni Alissa si Zaith. Hindi nya kayang makita na malungkot si Alissa kaya miminsan nalang sya umuuwi sa San Bartolome, at kung uuwi man sya, malamig ang pakikitungo nya dito dahil natatakot sya na baka sumbatan sya nito. Lihim na umuwi si Savanah, nakipagkita ito sa kanya, nagkausap sila ng maayos at nagkaayos sila, pero hindi na nya ito pwedeng balikan, naintindihan naman sya nito dahil ikinasal na nga sya sa pinsan nito. Na- realize nya na wala na talaga syang naramdaman pag- ibig para kay Savanah. Sabay sa araw na yon ay nagkaliwanagan din sila ng kanyang pinsan na si Zaith at saka palang sya naliwanagan sa katotohanan. Sinimulan nyang ayusin ang pagsasama nila ni Alissa, bumabawi sya dito. Masaya na silang dalawa. Pareho silang excited sa pagdating ng kanilang kambal. Pinaplano na nya ang masayang buhay nya kasama ang babaeng mahal nya at ang kanilang mga anak. Pero, may problema sa kasal nilang dalawa ni Alissa.....To be Continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD