FMY 16

1874 Words
Litong- lito na napabalikwas ng bangon si Alexa. Isang estrangherong lugar kasi ang kanyang namulatan. Ipinalinga- linga nya ang kanyang mga mata sa buong kwarto. Napakunot- noo sya. Wala syang maalala sa nangyari. Maliban sa bahagyang pagkahilo na nadarama wala naman masakit sa kanya. Agad na napako ang paningin nya sa pinto ng kwarto nang napansin nya ang paggalaw ng seradura. May nagbukas nga ng pinto at mula doon, iniluwa ang isang guapong lalaki. “Mabuti naman at gising kana.” nakangiting sabi sa kanya ni Adrian. Kunot- noo syang nakatingin dito. Naalala nya, ito nga pala ang huling kasama nya. Pero, bakit nasa isang lugar sya na hindi pamilyar sa kanya? "A-Anong nangyari?” puno ng kalituhan ang kanyang tinig. “Well—pinainom lang kita ng tubig na may pampatulog para madala kita dito.” diretsong pagkakasabi nito. Bahagya nyang ipiniling ang ulo. Tama ba ang narinig nya? “A-Anong sabi mo?” Parang bulong lang sa hangin na tanong nya. “Sabi ko, KINIDNAP kita.” Idiiniin nito ang bawat salita para mas lalo nyang maintindihan. Sandali syang napanganga sa sinabi nito. Pero, nang nakabawi na sya, agad syang nabuhayan ng galit dito. “What is this all about, Adrian?”agaran nyang sambit sa galit na tono. "Babe naman, late reaction talaga." bahagya itong napatawa. Nanliit ang kanyang mga mata na nakatingin dito. Sa tingin nya, pinaglalaruan lang syang nito. "Hindi ako nakipagbiruan sayo Adrian. Bakit mo ako dinala dito?" “Obvious ba? Pinipigilan ko ang makasal ka kay Kevin.” nakangising sabi nito, pero agad din sumeryoso ang mukha. Humakbang ito palapit sa kama, saka umupo ito sa gilid na bahagi paharap sa kanya. “Alam mo bang galit na galit ako sayo, Alexa. Kasi hindi mo ako magawang panindigan at ipaglaban." Nasaktan sya sa narinig. Pero, mas itinuon nya ang sarili sa galit nya dito. “So, gumaganti ka ngayon sa akin, Adrian.” Hinagod sya ng tingin nito. Nag- iinit yata ang pakiramdam nya sa klasi ng titig nito sa kanya. “Nope.” Ngumisi ito. “I do this because of two reasons.” He paused—“ 1st, because I still love you.” Napanganga sya sa sinabi nito, pero mas lalo syang napanganga sa idinagdag nito. “2nd, because you still love me too.” Lihim nyang kinalma ang sarili mula sa pagkakahuli nito sa katotohanan. “No. You’re wrong! I don’t love you Adrian.” Tanggi nya sa totoo. Mahal pa talaga nya ito. Pero, hindi sila pwede nito dahil legal na silang magpinsan at bawal sa angkan na pareho na nilang pinagmulan ngayon ang kanilang relasyon. “Really Alexa?” tumayo ito saka nagpalakad- lakad ito sandali. “It’s not what I see and feel.” Ani nito sabay harap sa kanya. “If only you’re not responding my kiss then you will be save from my plan. But since, you still kiss me the same way as before. So, I just did the right thing.” Saka naman ito ngumisi. Mukhang niloloko lang sya nito. Wala sa sinabi nito ang pokus nya kundi nasa galit nya dito. “I hate you Adrian!” galit na bulyaw nya dito. “How dare you of doing this to me?! Ibalik mo na ako. Ibalik mo ako kay Kevin.” Dumilim ang mukha nito sa kanyang sinabi. Umigting ang panga nito. “Yah! How dare me?” mapait itong napangiti, saka naningkit ang mga mata na nakatingin sa kanya. “At bakit naman kita ibabalik kay Kevin? Gayun, alam ko na akin ka.” May kabuuhan ang boses nito. “I'm not yours, Adrian. Si Kevin ang fiancée ko. Sya ang nagmamay-ari sa akin.” Tumawa ito ng malakas. Nagtaas baba ang kanyang dibdib sa sobrang galit. “Really Alexa? Bakit sya parin ba hanggang ngayon ang fiancée mo?” Makahulugang itong napatingin sa daliri nya. Nasundan nya ng tingin ang tinitignan nito. At nanlaki ang mga mata nya. Ibang singsing na kasi ang nasa daliri nya. Hindi na ito ang engagement ring na ibinigay ni Kevin sa kanya. Tumawa na naman ito ng malakas. Agad syang napatingin dito. Sa tingin nya, pulang- pula na sya sa sobrang galit. “Bakit mo hinubad sa daliri ko ang engagement ring namin ni Kevin? Ibalik mo yon sa akin.” “I’m sorry babe, inihagis ko na kasi yon sa dagat. Hindi kasi bagay sa daliri mo. Pinalitan ko lang ng mas babagay sayo." “Ayaw ko sa singsing na’to, Adrian. Kunin mo ‘to.” Akmang huhubarin nya ang singsing mula sa daliri nang— “Don’t you dare taking that away from your finger. Dahil, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.” pagbabanta nito. “I’m not afraid of you Adrian. Huhubarin ko ang singsing na ‘to sa ayaw at sa gusto mo.” buo ang boses nya. “At hindi ako natatakot sayo.” Sinalubong nya ang mapanganib na titig nito. Saka nya itinuon uli ang pokus sa paghuhubad sa suot nyang singsing. “Sige, hubarin mo yan! Dahil pag gagawin mo yan, uunahin ko na ang honeymoon natin.” Lihim syang napalunok sa sinabi nito. Pero, sobra narin nagpupuyos ang kalooban nya sa sobrang galit nya dito. “Bakit mo ba ito ginagawa, Adrian? Nakalimutan mo na ba? Ikakasal kana sa susunod na buwan.” Paalala nya dito na meron itong fiancée. Hoping na sana mahabag ang kalooban nito. “Oo. Ikakasal na ako sa susunod na buwan. Ikakasal na tayo!” Napanganga sya sa sinabi nito. Kinalama nya ang sarili. “You’re my cousin, Adrian!” paalala nya sa estado nilang dalawa. Tumawa na naman ito. Para itong baliw sa paningin nya ngayon. “I didn't saw you as my cousin. I see you as the one for me. We both love with each other. There’s no reason for us of not to get married.” At sarap sanang isipin na mahal sya nito. Pero, mas galit sya sa isipin na ang hirap buksan ng tamang pag-iisip nito. “I don’t want to marry you, Adrian! If you really love me, dapat mas inisip mo ang kaligayahan ko. Ibalik mo na ako kay Kevin.” Umupo uli ito sa kama, saka itinaas nito ang kamay nito at hinaplos nito ang isang bahagi ng pisngi nya. Napatulala na naman sya sa ginawa nito. “Kaya ko nga ito ginawa, para pareho tayong maging masayang dalawa.” Madamdamin na pagkakasabi nito na sa mga mata nya nakatingin. “Tayo dapat ang ikakasal, Alexa. Akin ka at sayo ako.” Gusto na nyang maiyak sa sinabi nito. Pero, hindi sya dapat magpadala dito. Hindi din naman sila matatahimik kung alam nyang mali ang kung anong meron sa kanila ni Adrian ngayon. “Doing the right thing is what makes me happy, Adrian.” Buo ang boses nya. Saka nya tinampal ang kamay nito na nasa pisngi nya. Binalikwas naman nito ang kamay nito. Galit itong nakatingin sa kanya. Parang napupuyos ang kalooban nito at agad na napatayo. At iba’t- ibang emosyon ang nababasa nya mula sa mga mata nito nang napatingin ito sa kanya. May galit at sakit na nandun. “Sabihin mo nga sa akin, Alexa. Anong mali sa ginagawa ko ngayon? Kung gusto ko lang maging masaya? Kung gusto ko lang makasama ang babaeng mahal na mahal ko?” puno ng panunumbat ang boses nito. “Alam mo ba kung anong hirap ang pinagdaanan ko sa mahabang panahon? Kahit nandun ako sa state, ikaw lang ang nasa isip ko. Pinilit kong kalimutan ka, pero hindi ko magawa.” Parang hirap na hirap ang kalooban nito. Gusto nya itong lapitan, yakapin at sabihin na mahal din nya ito. Na kailan man, hindi nya ito nakakalimutan. Pero, nilakasan nya ang loob. Hindi sya dapat magpadala sa bugso ng damdamin. Isang malaking pagkakamali ang nadarama nila ni Adrian sa isa’t- isa. Kung pagbibigyan nya ito, pareho lang silang magdusa sa bandang huli. “Ibalik mo na ako sa San Bartolome, Adrian.” Buo ang boses nya. Sinalubong nya ang titig nito. “Ayaw kong magpakasal sayo. Naintindihan mo ba? Kay Kevin ako magpapakasal, sya lang ang gusto kong pakasalan.” Mariin na pagkakasabi nya dito. Kung magalit ito sa kanya, mas mabuti. Mas mabuti pang kamuhian sya nito kaysa mahalin sya nito. “How could you so cruel, Alexa? I hate you for ignoring my feelings for you. Kahit kailan, hindi mo kayang panindigan at ipaglaban ang pag-ibig natin.” Matalim ang titig nito sa kanya. Kanina pa nya gustong maiyak pero pinigilan nya ang tuluyan pagbagsakan ng kanyang mga luha. Maya’t- maya lang, napangisi ito. “Uuwi tayo sa San Bartolome pagkatapos ng kasal natin. And you will going to marry me, whether you like it or not.” Buo ang boses nito. “Dahil pag ayaw mong magpakasal sa akin, hindi din tayo aalis dito. I don’t care it dito na tayo mananatili habang buhay.” Huling sinabi nito saka padabog syang tinalikuran. At pabalibag pa nitong isinara ang pinto. Putlang- putla sya sa inasal nito. Iba pa naman ito kung magalit. Kaya nga, lagi itong nasasangkot sa gulo noon. Halos isang oras na mula ng lumabas si Adrian sa kwarto. Napatingin sya sa wall clock na nandun. It’s already 4:00 pm. Maya’t- maya lang, napagpasyahan nyang lumabas nalang mula sa loob ng kwarto. Kailangan nyang magmasid- masid sa paligid. Kailangan nyang takasan si Adrian. Nakahinga sya ng maluwag ng walang Adrian syang nakita, hanggang sa nakarating sya sa pintuan ng bahay. Sana naman natutulog si Adrian para tuluyang na nya itong matakasan. Ngunit nanlaki ang mga mata nya ng dagat ang tumambad sa paningin nya. Bumaba sya mula sa apat na baitang na hagdanan. Nasa may bakuran na sya na bahagi. Pinalinga- linga pa nya ang mga mata. Pinalilibutan talaga sila ng karagatan. “Tatakasan mo ba ako?” Napapitlag sya ng may nagsasalita sa likuran nya. Napalingon sya kay Adrian. Larawan ng matinding inis ang kanyang mukha. “Ano ito, Adrian? Saan tayo?” “Nasa isang isla tayo na kabibili ko lang para sa ating dalawa. There’s no means of other transportation except sea transport.” Mapait itong ngumiti. “ Don’t worry babe, meron naman tayong speed boat. And I know that you know how to ride that one, kasi tinuruan nga kita noon, diba!” Saka ito ngumisi. “But the problem is, the key will always be with me. Kung gusto mo akong takasan, kailangan mo itong makuha mula sa akin.” Itinaas nito ang susi para makita nya, saka nito ipinasok iyon sa bulsa ng suot nitong summer short. “C’mon, get it babe! But, I dare you, baka may iba kapang mahawakan.” Kumidhat pa ito sa kanya. Naniningkit ang mga mata nya na nakatingin dito. Sobrang- sobra na itong ginagawa nito sa kanya. Sino ito para kidnapin sya at ikulong sa Islang ito? Kahit pa sinabi nito na binili nito ang isla para sa kanilang dalawa. Galit na galit parin sya. Talagang nahihibang na ito sa plano nito. “I hate you, Adrian!” Ngumiti ito pero parang pilit. “It’s ok babe, talagang bagay tayong dalawa. Mutual ang nadarama natin sa isa’t- isa. We both love and hate with each other.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD