FMY 15

1073 Words
"When is the wedding?” tanong nito sa kanya, nasa pagmamaneho ang pokus nito. “2 months from now.” Kaswal na sagot nya. “Ikaw, kailan ang kasal mo?” Lihim nyang dinarasal na sana hindi nahalata nito ang pait sa boses nya. “1 month from now.” Nakangiting sagot nito. May kasiyahan sa mga mata nito. Mahal nya si Adrian. Kaya natural lang naman siguro na nakaramdam sya ng paninibugho ngayon. Wala sa loob na napatitig sya dito. Mas mauna pa pala itong ikasal kaysa sa kanya. Sandali itong napalingon sa kanya, kaya nahuli nito ang pagtitig nya dito. Kinakabahan tuloy sya. “Do you love him?” tanong nito. Tila may bumara sa kanyang lalamunan dahil sa tanong nito. Lihim nyang inalis ang bara at pinilit na naman nyang maging kaswal. “What kind of question is that, Adrian?” hindi nya alam kung bakit instead na sagutin ito sa tanong nito. Ito ang lumabas sa labi nya. “Of course. I’m sorry.” Mahina itong napatawa. “ Wala ka naman sigurong ibang rason kung bakit tinanggap mo ang proposal ni Kevin, maliban sa kung mahal mo sya.” parang tunog pag- uyam ang pagkakabigkas nito. Hindi parin nya maialis ang paningin dito. Napansin nya ang bahagyang pangiti nito. “Para kasi sa akin—dapat magpakasal lang yon dalawang tao kung mahal nila ang isa’t- isa.” Sandali na naman itong napatingin sa kanya. “Yong fiancée ko, mahal na mahal namin ang isa’t- isa. Kaya nga, gagawin ko ang lahat para kami ang makasal sa bandang huli.” Gusto na yata nyang umiiyak sa narinig. Ang sakit naman isipin na may mahal itong iba. But at the same time, naramdaman din nya ang mumunting kasiyahan sa isipin masaya ito. Mas mahalaga naman para sa kanya ang kasiyahan nito. Binawi nya ang paningin mula dito. “Congratulation sa inyong dalawa ni Kevin. Hangad ko ang kaligayahan nyong dalawa.” He paused. “Alam mo naman na isa sa hangad ko sa buhay ay ang kasiyahan mo. Kayang- kaya ko gawin lahat para sayo, masiguro ko lang na masaya ka." Napatitig sya uli dito. Hindi nya alam kung bakit nakangisi ito at may nais itong ipakahulugan. Ipiniling nya ang ulo. Kung ano't ano na naman ang naiisip nya. Pati ang pangisi ni Adrian, binigyan pa talaga nya ang kahulugan. Inihinto nito ang kotse dahil sa bahagyang traffic. Kaya napalingon ito sa kanya. Nakikipagtitigan ito sa kanya. Saka napatawa ito. “Ganyan talaga ako sa mga pinsan ko Alexa—gagawin ko lahat para mapasaya sila.” Bawi nito sa bumabagabag sa isipan nya. “Lalo na sa pinakaspecial kong pinsan.” Binawi nya ang paningin mula dito. Hindi kasi nya matagalan ang mapanudyong mga titig nito. Angelic ang mga mata ni Adrian, hindi ito nag-aakit, para itong nagsusumamo lagi. At kahinaan pa naman nya ang mga titig nito. “Hanggang ngayon ba, hindi ka parin kumportableng kasama ako Alexa?” Napaawang ang labi nya sandali. Hindi nya napaghandaan ang tanong nito. Pinilit nyang wag mapalingon dito. “Bakit mo naman nasabi nyang Adrian?” lakas- loob nyang tanong. “Hindi mo pa parin kasi kayang makipagtitigan sa akin.” “Tama ka Adrian, hindi parin ako kumportableng kasama ka.” Mas pinili nyang sabihin dito ang totoo. “Pero, walang malalim na dahilan yon.” “Ok. Hindi naman ako nag-isip ng may malalim na dahilan.” tila bahaw itong napatawa. “Paano ko naman maisip yan, diba?!” May kung ano sa boses nito. Mukhang may panunumbat doon. Pero, baka guni- guni lang nya yon. Siguro, nakalimutan na nito ang lahat ng tungkol sa kanila noon. Hindi sya sumagot dito. Pinaandar na nito muli ang kotse. Namayani na sa kanila ang katahimikan. Parang gusto na nyang hilain ang oras para makarating na sila ng tuluyan sa San Bartolome. Parang pinagsisihan nya tuloy kung bakit sumasama- sama pa sya dito. Napatingin sya dito ng biglang inihinto nito ang kotse. Wala naman traffic, sa totoo nga, malapit na silang nakapasok sa bungad ng San Lazaro. “Alexa—can I have a last request?” tanong nito na nagpakunot- noo nya. “H-Ha? Kinakabahan yata sya. “A-Ano ang last request mo?” Imbes na sagutin sya nito. Napalunok sya kasi unti- unting inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Mas lumakas ang nerbiyos nya ng napako ang paningin nito sa labi nya. Hindi sya makakilos, para syang naestatuwa. Lalo pa at bahagya na syang pinasadahan nito habang nakatunghay ito sa kanya. Nostalgia she felt, the position and the feelings, ganito lang lahat noon. Bago pa sya naka-react sa ginawa nito, agad na tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila. Gusto sana nyang itulak ito at pahintuin ito sa ginagawa nito. Pero, natalo sya sa pananabik nya dito dulot sa muling paglalapat ng kanilang mga labi. Hindi nya tuloy napigilan ipikit ang mga mata at namnamin ang tamis ng labi nito. Agad din syang nakipagpalitan ng halik dito. Dahilan para mas lalong naging mapusok at mapang-angkin ang mga labi nito. Bakit ba hindi kayang tumbasan ng halik ni Kevin ang sarap ng halik ni Adrian? Si Adrian lang ang may kakayahan para mawala sya sa tamang katinuan dahil sa halik nito. Humihingal sila pareho ng naghiwalay ang mga labi nila. Parang gusto na nyang maglaho. Hiyang- hiya sya sa nangyari. She responded his kisses. At sa malas, isinuko nya ang buong puso nya sa halik nito. Sumilay ang kakaibang damdamin ng nakatingin ito sa kanya. Nag- iinit ang pisngi nya kaya binawi nya ang paningin nya mula dito. “Thank you for that kiss, babe!” sambit nito dahilan para mapatingin na naman sya dito. Ano raw? Babe? “Now, I know the right thing to do.” Makahulugang sabi nito. Nakangiti itong inilayo ang sarili sa kanya. Tulala syang nasundan ito ng tingin. Pinaandar na nito ang kotse. Maya’t- maya lang. “Uminom ka muna.” Sabay abot sa nito sa kanyang ng isang bottle water. Inabot naman nya ito. Nauuhaw na din kasi sya. Nauuhaw sya sa halik ni Adrian. Kinastigo nya ang sarili. Sa tingin nya ang laking taksil nya. Pinagtaksilan nya si Kevin. Agad nyang ininom ang ibinigay na tubig ni Adrian. Tahimik lang sila pareho. Kaya, nakaramdam tuloy sya ng antok. At hindi nya napigilan ang sarili na lamunin ng antok. Ang huling naalala nya ang nakangising mukha ni Adrian na nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD