“Bakit nag-iimpaki ka Bro?” tanong sa kanya ni Kiefer. Hindi nya lubos akalain na pupuntahan sya nito ngayon sa bahay at ngayon nakasandal ito sa habla ng pinto ng kanyang kwarto.
“Magbabakasyon ako pari kasama ang fiancée ko.” nakangiting sabi nya dito.
“Totoo pala ang sinabi sa akin ni Aaron, magpapakasal ka narin.” Napansin nya ang paglanghap nito ng hangin. “I guess, hindi ko na kailangan sabihin pa ang gusto kong sabihin sayo.”
Umayos ito pagkakatayo nito at ngayon nakatayo na ito sa bungad.
“Bakit? Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa akin?”
“Tungkol sana kay Alexa—“
Napatigil sya ng narinig ang pangalan ng dalaga. At nagtatanong ang mga mata nya dito.
“Gusto ko sanang hilingin sayo na layuan mo si Alexa. Pero, mukhang pareho na kayong nakamove on sa isa’t- isa. Kaya hindi na dapat.” Seryosong pagkakasabi nito. “Pasensya kana Bro—alam mo naman na kaligayahan ng kapatid ko ang iniisip ko.”
Ngumiti sya.
“Don’t worry Bro—dahil pareho lang tayo ng gusto. What I think most is Alexa's happiness.” bahaw syang ngumiti. “Kaya nga magbabakasyon kami ng fiancee ko—para pareho na kaming magiging maligaya ni Alexa.“ makahulugang dagdag nya.
----------
----------
Kararating lang ni Alexa sa parking area ng branch nila na “Deliciously”, na nasa Angeles. Pumunta sya dito kasi may bago syang recipe na itinuro sa chef at sa mga cook nila dito.
Nanlumo sya ng nakita na flat ang dalawang gulong ng kotse nya.
Kainis, kailangan pa naman nyang umuwi agad- agad. Marami pa syang gagawin sa San Bartolome at bukas narin ang engagement party nilang dalawa ni Kevin.
Naalala pa nya nung isang araw, madamdamin silang nag-usap ng nobyo. Sinigurado nito sa kanya kung handang na ba talaga sya na pakasalan ito. Binigyan sya nito ng huling pagkakataon para umatras.
Gusto sana nyang sabihin dito na hindi pa sya handa dahil sa dalawang rason. Una, dahil 23 pa naman talaga sya. Pangalawa, hindi pa gaanong kalalim ang nadarama nya para dito.
Pero, naalala nya bigla na engage na si Adrian, kaya kailangan din nyang ituloy ang pagpapakasal nya kay Kevin.
Oo. Parang ginamit na nya si Kevin. Pero, wala naman syang plano na lukuhin ito. Magiging mabuti naman syang asawa dito. Hindi man nya kayang ibigay dito ang buong puso nya pero ibibigay naman nya dito ang buong pagkatao nya.
Mukhang kailangan pa nyang magpatawag ng hihila sa kotse nya.
Nasa ganun syang pag-iisip ng may huminto na kotse sa tapat nya at nagsimula na naman ang nerbiyos nya ng napatanto nya kung sino ang nagmamaneho nung.
Mula nang bumalik si Adrian sa Pilipinas bigla nalang syang naging nerbiyosa. At ang puso nya, lagi nalang nagwawala.
Kinalma- kalma nya ang sarili nang lumabas si Adrian mula sa kotse.
Pinigilan ang napatulala sa kaguapuhan nito. Gustong- gusto talaga nya si Adrian. Mula ulo hanggang paa, gustong- gusto nya ito. Kahit pa ito ang pinaka- badboy sa ikatlong henerasyon ng Del Fuengo, pero gustong- gusto nya talaga ito. Kaya hindi nya napigilan ang makadama ng panghihinayang pero tapos na ang lahat. Pinili nya sina Alissa at Kyle kaysa kay Adrian. Dapat hindi nya pagsisihan ang naging desisyon nya noon.
“May problema?” tanong ni Adrian sa kanya agad.
Mas pinili nyang maging kaswal dito at sabihin ang totoo.
“Oo. Flat kasi ang gulong ng kotse ko.” sagot nya. Nagkunwari syang sinurvey ang gulong ng kotse nya. Ayaw kasi nyang tumingin dito. Baka mabasa lang nito ang nilalaman ng kanyang puso.
Sinurvey din nito ang kotse nya.
“Oo nga. Gusto mo ng tulong?”
Napatingin sya dito.
“Kaya mong magpalit ng gulong ng kotse?”
May car shop pala ang daddy nito. Baka may kunti nga itong alam. Kahit pa sa hacienda naman ng pamilya ito nakapokus at si Aaron talaga ang nakapokus sa negosyo ng ama.
“Nope.” Ani nito na tumingin sa kanya. Kaya bahagyang nagkatama ang mga paningin nila.
“Anong klasing tulong naman ang--“
“Diba, bukas na ang engagement party ninyo ni Kevin? Baka marami pa kayong gagawin ngayon. Pwede kitang isabay pauwi sa San Bartolome.”
“H-Ha!”napakalma sya sa sarili, I mean sa nagwawala na naman nyang puso. “Salamat Adrian, I guess tatawag nalang ako ng tulong.”
Malangkit ang titig nito sa kanya na nagdulot ng paggapang ng tila ilang libong bultahe ng kuryente sa loob ng kanyang katawan.
“Pagbibigyan mo ba ako pag gagamitin ko sayo ang salitang “Please”?” may pagsusumamo ang mga titig nito. “This is the last time Alexa. I just want to talk with you again inside the car.”
Matamang syang nakatitig kay Adrian. Naalala pa nya noon, madalas silang pumupunta- punta nito sa kung saan. Para makapagsolo silang dalawa. At sobrang saya nila habang nagku- kwentuhan sila sa loob ng kotse. Ito pa nga ang nagturo sa kanya kung paano magmaneho.
“Please, Alexa!”
Nagsusumamo ang mga tingin nito sa kanya.
“Ah—“ pilit nyang iniwaglit sa isip ang ilang bahagi ng nakaraan. “Ok.”
Hindi nya alam kung bakit hindi nya mahindian ang nagsusumamo na si Adrian. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.