Lapung- lapo nyang naihiga ang sarili sa kama. Sa dami ng pinagkakaabalahan nila ni Kevin ngayon, talagang pagod na pagod na sya.
Engagement party pa nga lang ang inihanda nila pero napagod na sya.
Paano nalang kaya kung kasal na nila ang ihahanda nila?
Marahang nyang ipinikit ang mga mata, pero naibuka nya agad yon.
Paano naman kasi, mukha pa naman ni Adrian ang rumihistro sa balintataw nya. Hindi nya alam kung bakit hindi mawala- wala sa isip nya si Adrian mula ng bumalik ito.
Well—kahit kailan, hindi naman talaga ito nawala sa kanyang isip. Adrian crossed his mine with every single day in her life since he left. Walang araw sa buhay nya na hindi nya naitanong kung kumusta na ito, pero sa kagustuhan nya na makalimutan ito ng tuluyan, tiniis nya ang sarili at hindi sya nagtatanong ng mga kung ano't ano tungkol dito.
Lihim pa nga nyang naitanong noon, kung ano kaya ang ginagawa nito sa ibang bansa, kung may girlfriend na ba ito? O kung naalala ba sya nito paminsan- minsan?
Napabalikwas sya ng bangon at napailing sya ng ulo.
Bakit ba si Adrian ang naalala nya? Dapat kay Kevin ang inalala nya dahil malapit na syang ikakasal nito. Para tuloy pinagtataksilan nya ang lalaki.
Maya’t- maya lang, nakarinig sya ng mahinang katok sa pinto ng kwarto nya. Agad nyang tinungo ang pinto at binuksan yon.
“Lola Milagros—“ nakangiting sambit nya.
“Alam kong pagod ka. So, dinala ko nalang dito ang gatas mo.”
May dala nga itong isang baso ng gatas.
“Lola—bakit nag-abala kapa? Pwede mo naman iutos yan sa mga katulong.” May lambing ang boses nya.
Mataman itong nakatitig sa kanya. Tila may gusto itong sabihin.
“Hindi naman ito ang ipinunta ko dito. Gusto lang sana kitang makausap.”
Nasa may beranda sila ng kwarto nya. Mas pinili nito na dito sila mag-usap. Namayani ang katahimikan dito. Nakatingin lang ito sa kanya.
“Lola—may gusto kabang sabihin?”
Nakatayo sila paharap sa reilings.
“Alam mo ba nung una kitang nakita—dalawang babae ang naalala ko sayo. Naalala ko sayo si Savanah, ang babaeng minahal ko ng sobra pero binaliwala ako. At si Alissa, ang babaeng minahal ako ng sobra pero binabaliwala ko. Aaminin ko, ang hitsura mo ay pinaghalo nilang dalawa.” Saka lumanghap ito ng halik. “Kaya, hindi maitatanggi ang kagandahan taglay mo. Pero, hindi ka tulad kay Savanah. Napakainosente mo, mahinhin at tila kay sarap alagaan. Kaya habang nakikita kita, hindi si Savanah ang naalala ko, kundi si Alissa. Mahal na mahal kita Alexa, dahil ikaw nalang ang huling naiwan sa akin mula kay Savanah.”
“Mahal din naman kita, lola.” Iniyakap nya ang braso sa baywang nito.
“Masaya kaba kay Kevin?”
Napanganga sya sandali sa tanong nito
“Desidido ka na ba talaga sa pagpapakasal mo sa kanya.” sunod na naman na tanong nito.
Itinago nya ang pagbugtong hininga. Saka pinilit nyang ngumiti.
“Pakakasalanan ko po si Kevin Lola, dahil mahal nya ako.
“Do you love him?”
“H-Ha?!” tanong na tumagos sa kanyang puso. “Confident po akong kasama sya lola at kaya naman nya akong-----“
“Alam ko, ang tanong ko kung mahal mo ba talaga si Kevin.”
Hindi nya alam kung bakit hindi nya masagot ito sa tanong nito. Siguro, dahil sa isipin, ayaw nyang magsinunggaling dito.
“Don’t worry Lola, masaya naman ako kay Kevin. ---“
--hindi nga lang siguro kasing saya pag si Adrian ang kasama ko. Loving Adrian means magical happiness but unmeasured pain. Our affair is secret, our love is forbidden.”sambit ng isip nya.
“I will be fine Lola.” Mas pinili nyang idagdag.
Kinabukasan, bising- bisi sya sa pagbe-bake ng cake na inorder ni Adrian. Hindi nya alam kung bakit inasam- asam nya na makita muli ang binata.
Pero, hiniling din nya na sana may uutusan nalang ito na iba para kunin ang inorder nito. Na mukhang dininig ng panginoon. Dahil, hindi nga si Adrian ang kumuha ng cake na inorder nito, kundi ang kakambal nito na si Aaron.
“Talagang si Adrian—ako talaga ang inutusan. Paano naman kasi, bising- bisi yata sa paghahanap ng engagement ring at sa pagpa-praktis kung paano magproposed.” Mahabang sabi sa kanya ni Aaron.
Maang syang napatingin dito. May kung anong tumusok sa dibdib nya dahil sa narinig.
“Mukhang seryosong- seryoso na kay Yvette. Akalain mo yon, ang maluko kong kakambal—natamaan din pala ito ng isang babae.” Nakatawa pa ito. “Akala ko puson lang ang titibok nung, pati pala puso.” Tawang- tawa ito.
Lagi syang natatawa dito, pero ngayon, hindi nya magawang tumawa sa mga pinagsasabi nito.
Ouch! Ikakasal na si Adrian. Ang sakit naman pala! Ang sakit naman palang isipin na ibang babae ang makakasama nito habang buhay.
Pero, sino sya, para magdamdam ng sobra? Dapat maging masaya sya para dito. At magpasalamat dahil tuluyan na syang nakalimutan nito. At pareho na silang magmove forward sa buhay na iba na ang makakasama.