Hindi mapigilan ng 14 years old na si Alexa ang pagtulo ng mga luha habang inilagay nya ang isang maliit na flower basket sa isang puntod. May nakasulat pa na “Adrian” ang puntod.
Actually, puntod talaga ito ng kamamatay lang nya na aso. Adrian ang ipinangalan nya sa aso dahil si Adrian Zalmeda na yata ang pinaka-worst na nilalang na nakilala nya.
Pagkatapos ng torture na ginawa nito sa kanya noon, hindi na talaga sya naglakas loob na sumama dito. At mula nung, talagang hindi na sya nagkakamaling pansinin ng mabuti ang binata. Inis na inis sya dito. Hindi man lamang ito nag-sorry sa kanya dahil sa ginawa nito.
Oo. Binibiro lang pala sya nito noon. Hindi talaga kaaway nito ang lalaki, kaibigan pala nito ang lalaki. Kevin ang pangalan ng lalaki. Magbestfriend daw ang mga ito nung elementary days at madalas ipatawag sa disciplinary committee ang mga ito. Sa probinsya na ng magulang nag-aaral si Kevin. At mabuti pa si Kevin dahil nagawa pang magsorry sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan nya sa isang Adrian Zalmeda?
Ang narinig nya na tila nag-aaway at nagpuputukan, record lang pala ng cellphone. Mula nung, lihim na nyang hiniling na sana lamunin na ng lupa si Adrian.
Nakakamatay na tingin ang iniukol nya kay Adrian habang nakipag- usap ito sa mga pinsan nito na kabarkada narin nito.
May family outing kasi ngayon ang buong angkan ng Del Fuengo. Isang beses sa isang taon, ginagawa ito ng pamilya.
Kaya nga, sarado ngayon araw na ‘to ang Hidden Pearl Resort, dahil exclusive ito ngayon sa buong Del Fuengo.
Actually hanggang ngayon—hindi parin sya naging legal na ampon. Hindi pa kasi nahanap ang antie nya. Kailangan kasi ang perma nito dahil ito ang legal guardian nya. Hindi nya alam ang buong estorya kung bakit hindi pwedeng legal guardian nya ang kanyang Lola Milagros. Ina naman ito ng kanyang ina.
Ok lang naman sa kanya, pero pinangarap nya parin na maging isang legal na anak nina Kyle at Alissa.
“Hey, obvious na obvious na 'yang nakakamatay mong titig sa pinsan natin.” Puna sa kanya ni Abby. Ito ang pinaka-close nya sa lahat ng magpipinsang Del Fuengo.
Magkaharap silang naupo nito sa payong- payong na cottage. Habang si Adrian naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan nito na sina Chace, Liam, Gavin at sa kuya Kiefer nya.
At bakit inis na inis sya?
Madalas kasi ang pagsulyap nito sa kanya, kaya madalas din ang pagkatama ng kanilang mga paningin. Inis na inis sya sa isipin na kikidhatan sya nito, tapos ngingisi pa ang kinkoy.
Mabuti nalang at hindi na nya laging nakakasalamuha si Adrian, nasa Manila na kasi ito nag-aaral at nasa 2nd year college na ito.
“Sorry, talagang naiinis lang ako sa kanya.” totoong sabi nya dito.
Napatawa ito. Ito lang kasi ang nakwentuhan nya sa ginawa ni Adrian sa kanya noon, na naging dahilan kaya mas lalo syang nagalit sa binata.
“Maluko talaga 'yang pinsan ko! Hindi ka parin ba nasanay? Diba, magkapitbahay naman kayo. So, madalas kayong nagkikita?” ani nito.
Madalas nga silang magkita nito pag nasa San Bartolome ito. Kasi madalas syang dinalhan ng pasalubong nito bawat uwi nito. Mukhang manhid na manhid ang lalaki. Halata na nga ang pagka-disgusto nya sa mga dala nito, pero hambog parin ito at talagang feel na feel nito na gusto nya ang mga ibinigay nito.
“Nandito pala ang bestfriend ko!” sabay sila na napalingon ni Abby sa nagsasalita na 'yon. At sumalubong sa paningin nila ang naka-trunks lang na si Aaron.
“Ano ang kailangan mo?” tanong nya dito. Isa pa itong maluko, parang si Adrian lang. Pero, mas gusto nya itong kasama kaysa kay Adrian.
At tulad kay Adrian, may lagi din itong may pasalubong sa kanya. Sa Manila din kasi ito nag-aaral. Kaya tumigil na ang kuya Kiefer nya sa pagdadala sa kanya ng kung ano’t- ano, dahil sa mga nakakainis na Zalmeda.
“Samahan mo akong mag-swimming, kasi ikaw lang ang chicks na nakikita ko. Puro pinsan ko kasi ang nandito.”
Hindi na sya nanibago dito. Sadyang playboy ito at madalas syang guluhin nito. Hindi pinsan ang tingin nito sa kanya kundi chicks na pwedeng landiin nito. Hindi naman sya na-offend. Parang kuya na kasi ang tingin nya dito.
“Aaron, malapit ng maging pinsan natin si Alexa.” Ani pa ni Abby, saka tumingin sa kanya.
“Hayaan mo na 'yan. Nasanay na ako.” saka sya mahinang napatawa. “Buti nalang, hindi 'yang guapo!” sadyang ipinarinig nya kay Aaron ang sinabi.
Sa totoo lang, guapong- guapo talaga ito. Kaya nga, madali lang nito ang makauto ng babae, dahil sa taglay nitong karisma.
Kambal sina Aaron at Adrian, magkamukha pero madali naman mapupuna ang pagkakaiba. Maputi kasi si Aaron na kakulay sa kanilang mommy, habang darker version naman si Adrian, na kakulay naman ng ama.
“Anong sabi mo!” humakbang ito palapit sa kanya. “Lagot ka sa akin, ilulunod kita sa dagat.”
Bago pa tuluyan makalapit sa kanya si Aaron. Tumayo na sya. Kailangan na nyang tumakbo.
“Abby, mag-usap tayo uli mamaya.” Huling sinabi nya kay Abby, saka sya kumaripas ng takbo.
At sinundan talaga sya ni Aaron. Palingon- lingon sya dito, pinandilatan nya ito ng mga mata.
Kaya hindi nya napansin ang isang lalaki na papasalubong sa kanya. At sa malas, nagkabanggaan pa nya ito.
“Aray ko!” muntikan na syang matumba kung hindi lang maagap ang lalaki na sumalo sa katawan nya.
Halos magkayakap na sila nito. Agad syang nag-angat ng mukha. Kumawala sya agad mula sa lalaki nang nakilala nya ito. Mas lalong na-ngitngit ang loob nya ng hinagod pa sya ng tingin nito. Naka-two piece lang kasi sya, at ito pa ang unang beses na two-piece ang suot nya.
Napalingon sya kay Aaron, kausap na nito ang pinsan nito na sina Arielle at Stefie.
“Bastos!” hindi nya napigilan bulyaw kay Adrian. Paglingon kasi nya uli dito, nakangisi ito.
“Hindi ako bastos Alexa, humahanga lang ako.” pagtatanggol nito sa sarili nito. Saka sya hinagod uli ng tingin nito. Nagpupuyos na sya sa sobrang inis. Naniningkit ang mga mata nya na nakatingin dito.
“Hinuhubaran mo ba ako sa isip mo, Adrian?” diretsong tanong nya dito.
Tumingin ito sa mga mata nya. May nababasa nga syang paghanga sa mga titig nito.
“Paano mo nalaman?” ngumisi na naman ito. Talagang, hindi itinanggi nito ang kabastusan nito. “Hindi mo naman siguro ako masisisi, mahilig kasi ako sa mga babaeng maputi, makinis, long legs at seksi--” Napapitlag sya ng inilapit nito ang mukha sa mukha nya. “—lalo na kung kasing ganda mo.” tila bulong na dagdag nito.
Saka ito tawang- tawa na inilayo ang mukha sa mukha nya. Sa tingin nya, pulang- pula ang mukha nya. Tila nag-iinit ang pakiramdam nya.
Kaya inis na inis sya kay Adrian, kasi para syang laging inaakit nito, at laging nag- init ang ulo at katawan nya dito.Hindi sya komportable dito.
Kinalma nya ang sarili. Napalanghap sya ng maraming hangin.
At nang nakabawi na sya, agad nya itong hinarap. Malangkit na naman na mga titig ang iniukol nito sa kanya.
Inis na inis pa naman sya sa klasi ng titig na ‘to sa kanya. Para kasi syang napapaso, pero masarap sa pakiramdam.
Kaya bago ba tuluyan magiba ang depensa nya, kailangan na nya itong layasan.
“p*****t!” inis nyang sabi saka tinalikuran ito.
Rinig na rinig pa nya ang pagtawa nito habang papalayo sya. At kahit hindi sya nakatingin dito. Alam na alam nya sinusundan sya ng tingin nito.
Ramdam na ramdam kasi nya ang mga titig nito. Kaya, mainit na mainit ang likod nya ngayon. At tila tumatayo ang mga balahibo nya.
****
****
Hindi makatulog si Alexa, kaya napagpasyahan nya na lumabas muna sa cottage room nya. Mas pinili nya na magpalakad- lakad muna sa tabing dagat. Medyo tahimik na, siguro mas pinili na ng halos lahat ang magpahinga.
----
-----
Isa na naman bugtong- hininga ang pinakawalan ni Adrian. Isinandal nya ang katawan sa punong niyog, nakaharap sya sa dagat.
Kahit medyo kalahating gabi na, hindi parin nya magawang pumasok sa loob ng kanyang cottage room. Hindi talaga sya dinadalaw ng antok. May isang babae kasi na hindi mawala- wala sa isip nya. Napabugtong- hininga na naman sya, mula ng nakita nya ang babaeng iyon ay lagi na itong pabalik- balik sa isip nya.
Maya’t- maya lang, napaayos sya pagtayo na nakita si Alexa na nagpalakad- lakad sa tabing dagat. Lihim na sinusundan nya ng tingin ang napakagandang dalaga. Habang lumalaki ito at naging ganap na dalaga, mas lalo itong gumaganda. At tulalang- tulala talaga sya sa kagandahan nito.
Saan na naman kaya magsusuok ang babaeng ito? Hindi ba nya naisip na mapanganib ang gabi. Kailangan ko syang sundan at bantayan, baka pag-interesan pa ng iba.