FMY 3

1212 Words
Dahil nagsasawa na si Alexa sa paglakad- lakad sa dalampasigan, kaya napagpasyahan nya na pumunta sa pool na bahagi ng resort. Maliwanag naman doon. Siguro magpapahangin lang sya sandali doon habang nakahiga sa sun lounger na nandun. Tinahak nya ang daan papunta sa pool. Mas nilakihan nya ang paghakbang, para kasing may nakasunod sa kanya. Nanginginig kasi ang buong kalamnan nya at nag-iinit ang pakiramdam nya. Hindi naman estranghero sa kanya ang takot na nadarama ngayon. Naramdaman kasi nya ang takot na ito sa mga taong may pagnanasa sa kanya. Kahit nakarating na sya sa pool na bahagi. Pakiramdam parin nya na may nakamasid sa kanya. Buti nalang, malapit lang sya sa ilang establishment ng resort na bukas parin hanggang ngayon. Kinalma nya ang sarili, saka sya umupo sa isang lounger. Maya’t- maya lang, napagpasyahan nyang tuluyan nang humiga. Marahang nyang ipinikit ang mga mata. Ngunit bago paman sya tuluyan lamunin ng antok, naibuka nya agad ang mga mata nya ng may nagsasalita. “Dito kaba matutulog?” boses ng isang lalaki. Agad syang napatingin dito. Nasira yata ang mood nya. Sumalubong kasi sa paningin nya ang nakangising si Adrian. Nakaupo ito sa isang lounger na katabi sa hinihigaan nya. At nakaupo ito paharap sa kanya. Inis na inis sya sa isipin na baka kanina pa ito. At siguro hinagod na naman sya ng tingin nito, kaya kanina pa nag-iinit ang pakiramdam nya. Agad syang napabalikwas ng bangon. “What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?” sunod- sunod nyang tanong dito. Mahina itong napatawa sa sinabi nya. “What makes you think na sinusundan kita? Hindi mo naman siguro pag-aari ang lugar na ‘to.” Inirapan nya ito. “Pwede doon ka sa ibang lounger umupo, wag dito sa tabi ko.” “Paano kung ayaw ko?” kumidhat pa ito sa kanya. Nag-init ang pisngi nya sa ginawa nito. Kinalma nya nagwawalang pakiramdam. Hindi talaga sya mapakali pag malapit sa kanya si Adrian. Kaysa sagutin ito. Mas pinili nyang tumayo at sya na ang kusang lumipat ng pwesto. Ngunit ang nakakainis na binata, mukhang nasa mood talaga nito ang inisin sya. Lumipat din kasi ito sa lounger na katabi ng inupuan nya. Nakangisi lang ito na nakatingin sa kanya. Padabog na naman syang tumayo, sinundan na naman sya nito. Nakaupo na naman ito sa lounger na katabi sa inupuan nya. Nakakamatay na tingin ang iniukol nya dito. Pero, nakangisi lang talaga ito. “Nananadya kaba Adrian?” hindi na nya napigilan ang galit sa boses. “Hindi mo naman pag-aari ang mga ito. Gusto ko kasing lumipat din.” Lihim nyang kinalma ang naiirita na sarili. Kung makabuga sya ng apoy sa mga oras na ‘to. Susunugin talaga nya ang binata. Padabog syang tumayo na naman. Kaysa mahimatay pa sya sa sobrang inis dito, dapat na siguro layasan na nya ito. “Where are you going? Nagawang pang magtanong nito. Napatayo din ito. “Wala kang paki-----“ Hindi na nya naituloy ang ibang sasabihin ng naapakan nya ang madulas na bahagi ng gilid ng pool. Maagap naman syang nahawakan nito pero sa malas nahila nya ito kaya katawan tuloy nilang dalawa ang bumagsak sa tubig ng pool. Pareho silang nabigla sa pagyayari, lalo pa at magkayakap silang bumagsak nito. Nagkatinginan sila sa mga mata ng isa’t- isa. Sandali yatang tumigil ang oras para sa kanilang dalawa. Nakayakap ang braso nito sa baywang nya na nasa ilalim ng tubig habang nakakapit naman ang kamay nya sa balikat nito. Mas lalo syang nakaramdam ng kakaibang panginginig ngayon magkalapat ang mga balat nilang dalawa ng binata. “Alexa---“ tila bulong na sambit nito sa pangalan nya. Sumilay na naman ang napakalangkit na titig nito sa kanya. Nakatanga lang sya dito. Tila na-estatuwa sya dito. Napalunok sya ng lihim nang unti-unting inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Sobrang panlalaki ang mga mata nya ng tuluyan siniil nito ang halik ang labi nya. Agad- agad syang nakaramdam ng tulayan ng libo- libong bultahe ng kuryente sa loob ng kanyang katawan. Pero , bago pa tuluyan mawala ang kunting katinuan ng isip nya. Gamit ang buong lakas, naitulak nya ito bigla. Napabitaw ito sa kanya. Mukhang frustrated ang mukha nito. Galit na galit syang nakatingin dito. Saka sya nagsimulang lumangoy palayo dito. “Alexa---“ Sumunod ito sa kanya. Hindi nya itong pinansin. Nang tuluyang na syang nakaahon mula sa pool. Mabilis ang ginawa nyang paghakbang pabalik sa cottage room nya. Pero, sinundan sya nito. “Alexa—“sambit nito sa pangalan nya. “—let me explain! Mag-usap muna tayo!” Pero, hindi nya ito pinansin. Galit sya dito dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Galit din sya sa sarili nya dahil nakaramdam sya kakaibang sarap sa halik nito. “Alexa, mag-usap muna tayo sandali.” Nahawakan nito ang pulsuhan nya. Galit ang mukha nya na napalingon sya dito. “Don’t touch me! Let me go!” pinilit nyang kumawala mula sa pagkakahawak nito sa kanya. Pero, mukhang desidido talaga ito na makausap sya. “I won’t let you go hangga’t hindi tayo nakapag-usap.” Buo ang boses nito. Seryoso ang mukha nito. Ngayon lang nya itong nakita na seryoso. Madalas kasi itong nakangisi, minsan parang poker face lang. “Ano naman ang pag-uusapan natin Adrian?” sinubukan nya na maging mahinahon ang boses. “That kiss-----“ “You don’t mean that! Kalimutan na natin 'yon pa----“ “I mean it.” Nanlaki na naman ang mga mata nya sa sinabi nito. Tuluyan itong humarap sa kanya. Saka hinawakan nito ang magkabilang balikat nya. Hindi na naman sya makakilos. Naestatuwa na naman sya dito. Nanghihina sya sa malalangkit na titig nito sa kanya. “Tell me Alexa, what did you do to me? How did you make me feel this way?” saka ikinulong sya ng mga bisig nito. Hindi sya makakilos, tila naipako sya sa kinatatayuan. “I think, I love you Alexa.” Sa sinabi nito, agad sya nabalik sa tamang pag-iisip. Agad nya itong itinulak. Nabigla ito sa ginawa nya. Sinamantala nya ang pagkakataon, agad nya itong tinalikuran. Bakit ba kailangang sabihin nito ang mga katagan iyon? “Alexa—“ nakasunod na naman ito sa kanya. Mas tumindi ang galit nya dito. Hindi parin nya ito pinansin. “Alexa—I said I love you! At hindi ako nagbibiro.” Sinambit na naman nito ang katagan na ayaw nyang marinig lalo na kung mula dito. Nang malapit na sya sa cottage room nya. Sandali nya itong nilingon. “You’re my cousin, Adrian!” mariin na sabi nya dito. Paraan nya ito para ipaalala dito na malapit na silang maging ganap na magpinsan. Napahinto naman ito sinabi nya. Napanganga ito. Tinalikuran nya ito agad. Saka sya mabilis na humakbang papunta sa cottage room nya. Mabuti naman at hindi na ito sumunod sa kanya. Nang nakapasok na sya ng tuluyang sa loob ng cottage. Wala sa loob na naisandal nya ang likod sa pintuan ng cottage. Ang bilis ng mga pangyayari. Bakit kailangan marinig nya ang mga katagan na 'yon? At bakit kailangan galing pa kay Adrian? Hindi nya alam kung ano ang dahilan at bahagyang napatulo ang mga luha nya. At hindi talaga nya mapigilan ang sunod- sunod na pagtulo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD