FMY 4

1634 Words
“What do you think? Do you like this school?” nakangiting tanong sa kanya ng kuya Kiefer nya. Manghang- mangha ang 17 years old na si Alexa sa iba’t- ibang facilities ng school. Kasalukuyan syang sinamahan nito sa isang sikat na Culinary School sa Manila. Ilang buwan nalang kasi ang gra-gradwet na sya sa Senior High. At pangarap talaga nya ang maging chef. Habang ang kuya Kiefer naman nya ay isang taon na ang nakakalipas mula ng grumadwet ito sa Business Course nito. Tumutulong na ito sa daddy nila sa pamamahala sa restaurant business nila. Pero, ilang buwan mula ngayon, pupunta din ito sa Los Angeles para mag-aral ng culinary doon. At dalawang taon itong mananatili doon. “I like it kuya!” nakangiting sabi nya dito. “I’m glad you are. So, nakapagdecide kana?” huminto muna sila sandali sa isang pasilyo. Humarap ito sa kanya. “Pwede ka naman sumama sa akin doon sa LA, kung wala kang mapili na school dito.” Nginitian nya ito. “Kung sasama ako sayo, dalawa na tayong mamimiss nina Mommy at Daddy. At saka, gusto ko dito lang sa Pilipinas mag-aral. Hindi ko talaga pinangarap na mag-aral sa ibang bansa.” Mahabang paliwanag nya dito. Malapad lang na ngiti ang isinagot nito sa sinabi nya. Saka na sila nagpapatuloy sa paglakad. Malayo pa ang byahe nila dahil iuuwi pa sya nito sa San Bartolome. Nasa parking lot na sila ng school, kapapasok lang nila sa loob ng kotse nang may tawag na natanggap ang kanyang kuya Kiefer. Lumabas muna ito sandali sa kotse nito. Parang hindi ito mapakali at tila seryosong- seryoso ito sa kausap nito. Agad naman itong bumalik sa loob ng kotse ng tinapos na nito ang tawag. May pagkaalala ang mukha nito na napatingin sa kanya. “Kuya, may problema ba?” hindi nya mapigilan magtanong dito. “May disgrasya kasing nangyari sa Makati Branch ng “Deliciously.”bumugtong- hininga ito. “Pwede bang ipasabay nalang kita kay Aaron? Kailangan ko kasing pumunta doon agad.” Ayaw na nyang makaabala dito, kaya agad syang napatango. Wala naman problema kung si Aaron ang kasama nya. Confident na confident kaya sya dito. Para na din nya kasi itong kuya, kaya lang minsan, binibiro parin sya nito. ****** ****** Wala silang imikan ng lalaking kasama nya sa loob ng kotse. Nasa pagmamaneho ang pokus nito, habang itinuon naman nya sa ibang direksyon ang pokus nya. Sobra kasing nakakailang ang sitwasyon nila ng lalaking kasama. At sino ba ang lalaking tinutukoy nya? Si Adrian lang naman. Hindi naman si Aaron ang pumunta para sunduin sya, kundi ito naman. At dahil ayaw nyang makadistorbo sa kuya Kiefer nya, kaya no choice sya kundi ang sumama dito. Wala naman alam ang kuya Kiefer nya sa nangyari sa kanilang dalawa nung 15 years old palang sya. Ang pagkakaalam ng lahat ay hindi nila gusto ang isa’t- isa kaya hindi sila nagpapansinan nito. Walang kaalam- alam ang mga ito na sadyang pareho nilang iniiwasan ang isa’t- isa. Mula kasi nung nangyari sa HPR, 2 years ago, iniiwasan na nya ito. Ilang beses pa syang sinubukan nito na kausapin, pero isinara nya ang puso nya para dito. Hanggang sa sumuko natin ito. Aaminin nya may nararamdaman din syang kakaiba dito, pero hindi nya pinansin ang damdamin na 'yon. Para sa kanya, hindi nya kailangan pagtuunan ng pansin ang damdamin nya kay Adrian. Magiging komplikado lang sa kanila ang mga bagay balang araw. Hindi man nya ito tunay na kadugo pero ang katotohanan na maging bahagi narin sya ng angkan nito, ay iyon ang pumipigil sa kanya. Kadugo man o hindi, ampon ka man, basta bahagi ka na ng Del Fuengo, isa ka ng kapamilya. Mabuti nalang at kusa narin itong umiwas sa kanya, halos umabot nga ng isang taon na hindi ito umuuwi sa San Bartolome. Nung umuwi naman ito, may kasama itong babae na girlfriend daw nito. Dapat panatag na ang loob nya dahil naka move-on na ito sa kanya, pero hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya ng pagseselos. At binaliwala din nya ang damdamin na 'yon. Nasa huling tao na ito sa Business and Management course nito. Pinilit nyang wag mapasulyap dito. Naramdaman nya ang paghinto nito sa kotse nito dahil sa bahagyang traffic. "Uminom ka muna!” napapitlag sya ng bigla itong nagsalita. Napalingon sya dito. Pinilit nyang wag mapatingin sa mukha nito. Kahit pa gustong- gusto nyang pagmasdan uli sa malapitan ang napakaguapong pagmumukha nito. Mas lalo pa naman itong naging guapo habang nagmature lalo ang pagkalalak. Kanina nga, muntik na syang napatulala ng nakita ito. Buti nalang, napigilan pa nya ang sarili. “Salamat!” hindi na sya nagpakipot pa. Agad nyang tinanggap ang bottle water na iniabot nito sa kanya. Nauuhaw din kasi sya. Ibinalik nya ang paningin sa kung saan sya nakatingin kanina. Sunod- sunod ang kabang nadarama nya. Para kasing sa kanya ito nakatingin. Oh Lord! Lilingunin ko ba sya? Bakit ba nerbiyos na nerbiyos ako ngayon? “Alexa—“ sambit nito sa pangalan nya, dahilan na napalingon sya dito agad. At saktong nagkatama ang mga paningin nilang dalawa. “A-Anong gagawin mo?” kinakabahan nyang tanong. Dumukwang kasi ito biglang- bigla sa kanya. Naghahabulan ang mga daga sa dibdib nya. "Aayusin ko lang ang pagkakaseatbelt sayo.” ani nito. At ginawa nga nito ang sinabi nito. Sunod- sunod ang paglunok nya. Para kasi idinikit ang likod nya sa backrest ng upuan. Hindi sya makakilos. Nang natapos na ito sa ginagawa, napatingin ito sa mukha nya. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha nya. Rinig na rinig nya ang hindi normal na pagtibok ng kanyang puso. “Naiilang kaba sa akin Alexa?” “H-Ha?” Oh noh! She can’t find her words. “Hindi mo naman kailangan mailang sa akin. Sabi mo nga, magpinsan tayo.” Tila wala sa loob na pagkakasabi nito. Saka nito inilayo ang sarili sa kanya. Pinaandar nito uli ang kotse. Hindi na naman sila nag-imikan nito. “Kumusta kana Alexa?” basag nito maya’t- maya lang sa katahimikan. Kinalma nya ang sarili bago magsalita. Hindi dapat mahalata nito na nagwawala ang puso nya dito. “Ok lang—“ pinilit nyang maging kaswal ang boses. “Ikaw?” Nagtanong narin sya. Gusto rin kasi nyang malaman kung ano ang nangyari dito for the past years. “Not fine.” Matipid na sagot nito. “At dalawang taon na akong hindi okay.” sandali itong napasulyap sa kanya. Kaya sandali din nagkatama ang mga paningin nila. At nakakita nga sya ng kalungkutan sa mga mata nito. Mukhang may dinaramdam ito. Ano kaya ang problema nito? Gusto sana nyang magtanong pero mas pinili nyang tumahimik nalang. Hindi naman siguro ang tungkol sa kanila ang dinaramdam nito. May girlfriend na ito kaya sigurado sya na naka move on na 'to sa kanya. Namayani na naman ang katahimikan sa kanila. Wala naman syang maiisip na sasabihin dito. Maya’t- maya lang, nakapasok na sila sa bungad ng San Bartolome. Mabuti naman at malapit na silang tuluyan makauwi nito. She is buying time. Hindi na nya matagalan na kasama si Adrian. Tahimik lang talaga silang dalawa hanggang sa nakarating sila sa malaking bahay ng pamilya nya. Hindi na sya nagpahatid nito sa loob. Inihinto lang nito ang kotse nito sa bungad ng malaking gate. “Salamat!” tanging nasabi nya. Akmang bubuksan na nya ang pinto ng kotse sa bungad nya, pero napatigil sya ng hinawakan nito bigla ang isang braso nya. “Alexa----“mahinang sambit nito sa pangalan nya. Napalingon sya ng wala sa oras dito. Kinakabahan sya kasi nakatunghay pala ito sa kanya. Sobrang lapit pa nito sa kanya. Kaya paglingon nya dito, muntikan na tuloy nalapat ang labi nya sa labi nito. Parang sandali na nahinto ang oras sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sila nito. “M-May gusto ka bang sabihin sa akin?” lakas loob na tanong nya. Kahit ang totoo, hinang- hina na sya. “Yah!” bumugtong hininga ito. “Yong seatbelt mo kasi, hindi mo pa natanggal.” Ani nito saka binawi ang paningin mula sa kanya. Oo nga pala! Bakit ba nya nakalimutan na nakaseatbelt pa sya? Lumilipad kasi ang isip nya. Kasama na nga nya ang binata, pero ito parin ang umakupa sa isip nya. Ito na ang kusang nagtanggal ng seatbelt mula sa kanya. Nang natapos na ito sa ginagawa nito. Hindi parin ito umalis mula sa pagkakatunghay sa kanya. Nagkatama na naman ang mga paningin nila. Halos isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha nila. “Alexa---“ tila bulong na sambit nito sa pangalan nya. May kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi nya maipaliwanag. “Adrian—“ tila bulong din na pagkasambit nya. Nanghihina na sya ng sobra dahil sa posisyon nilang dalawa. Napabugtong- hininga na naman ito. “No matter what I do, I just can’t get you out of my mind Alexa.” Madamdamin na pagkakasabi nito saka tuluyang tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila. Sandaling nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito. Dahil kalaunan, hindi na nya napigilan ang sarili na namnamin ang masarap na halik nito. Naipikit pa nya ang mga mata nya. Bakit ba napakasarap humalik ni Adrian? 'Yong literal syang dinadala sa langit. Tutugunan na sana nya ang maalab na halik nito ng may kunting katinuan ang namayani sa isip nya. Agad nyang naibuka ang mga mata. Nanginginig ang mga kamay nya na itinulak ito. Napatigil ito sa ginagawa nito at maang itong nakatingin sa kanya. "Adrian, please!” nanginginig na sabi nya. Saka nya tuluyan binuksan ang pinto ng kotse nito na gamit ang natitirang lakas at katinuan nya, agad syang lumabas mula sa kotse. Walang lingon- lingon at pumasok sya malaking gate. Pinigilan nya ang tuluyan paglaglagan ng kanyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD