Alas otso pa naman ng gabi kaya napagpasyahan muna ni Alexa ang magbasa- basa ng english pocket book bago matulog. Napalong-sitting sya sa kama, habang isinandal nya ang likod sa sandalan ng kama nya.
Nasa kalagitnaan sya ng binabasa nya ng natigil sya bigla. May naririnig kasi sya na kaluskos sa berandang bahagi ng kwarto nya. Nasa 2nd floor ang kwarto nya.
Ano kaya yon? Wala naman kaming pusa dito.
Hindi na sana nya ito papansin, kung hindi lang may kumaluskos uli.
Hindi naman sya matakutin at sigurado naman sya na walang masamang tao ang makakapasok sa bahay nila.
Tuluyan syang umalis mula sa kama nya. Saka sya humakbang palapit sa pintuan na papunta sa beranda. Agad nyang binuksan ang pinto. Lumabas sya at pinalinga nya ang kanyang mga mata sa buong paligid. Napatingin sya sa ibaba. Wala naman syang nakita kaya napagpasyahan nalang nya ang bumalik sa loob.
Ngunit, bago pa nya tuluyan nagawa yong, nang mula sa likuran nya ay may isang tao na tumakid sa bibig nya. Nagpupumiglas sya pero sadyang malakas ito. Nakaramdam na sya ng takot.
“Alexa—“ bulong na pagkakasabi nito. Pamilyar sa kanya ang boses nito. “—si Adrian ito. Wag kang magpumiglas. Wala naman akong gagawin masama sayo.”
Hindi nya alam kung mas lalong magwala o huminahon sa narinig. Pero, isa lang ang alam nya, nagwawala na naman ang puso nya ngayon.
Binalikwas naman nito ang mga kamay na nakatakip sa bibig nya. Saka inis syang napaharap dito. Pero, napalis din agad iyon ng napagmasdan nya ng tuluyan ang mukha nito. May maliit kasi itong galos sa mukha.
“Anong nangyari sa mukha mo?” pagkaalala nyang tanong.
Sumilay ang kakaibang ngiti nito ng napatanto nitong nag-alala sya dito.
“Nakipag-away ako sa mga sanga ng malaking punong na nasa tapat ng kwarto mo.” Makulugang na sabi nito.
Umakyat pala ito sa puno kaya nakaakyat ito sa beranda ng kwarto nya.
Ano na naman kaya ang pakay nito sa kanya? At talagang isinugal nito ang buhay nito.
*****
*****
“Ouch! Wag mo naman masyadong idiin.” Reklamo nito ng ipinahid na nya ang gapas na may alcohol sa galos nito.
Nakaupo ito sa sofa na nasa loob ng kwarto nya. Habang bahagya syang nakayuko dito habang nakatingin dito.
Ginagamot kasi nya ang galos nito. At sinadya talaga nyang idiin ng sobra dahil inis na inis sya dito.
Hindi kasi ito nag-isip ng matino. Paano nalang kung nahulog ito?
“Kasalanan mo yan!” may halong inis ang boses nya. “Hindi ka talaga matino kung mag-isip. Membro kana ba ngayon ng akyat- bahay gang?”
Mahina itong napatawa dahil sa sinabi nya.
“May nanakawin nga ako ngayon.”
Nakatingin ito sa kanya, todo ang iwas nya para hindi magkatama ang mga paningin nila. Baka, mas lalo lang syang mailang.
“Ano naman ang nanakawin mo Adrian?” mas pinili nyang magtanong para maibsan ang nerbiyos.
“Ang puso mo!” diretsong sabi nito.
Maang syang napatingin dito. Sandaling nagkatama ang mga paningin nila. Dahil agad syang umayos ng tayo at iniwas na naman nya ang paningin mula dito.
Inilagay nya ang gapas na hawak- hawak sa center table.
Kahit hindi sya nakatingin dito. Alam nyang sa kanya ito nakatingin. Ramdam na ramdam kasi nya ang bigat ng mga titig nito.
“Adrian please! Wag na tayong magb----“
Natigil sya sa ibang sasabihin ng tumayo ito. Saka pabigla syang ikinulong sa mga bisig nito. Agad na agad syang nakaramdam ng panghihina.
Napaangat sya ng mukha dito. Nagkatama ang mga paningin nila. Nakayuko naman kasi ito sa kanya.
“Hindi ko alam kung anong ipinakausap mo sa akin, Alexa. Hindi ka pa naman legally adopted ng tito at tita ko. So, hindi parin tayo magpinsan.” Mahabang sabi nito.
Hindi nya alam kung dapat ba syang magalit sa sinabi nito. Nanghihina na kasi sya sa mga malalangkit na titig nito. Hindi nga din nya magawang magpumiglas. Hindi kasi sya makakilos dahil sa samu’t saring emosyon na nadarama nya ngayon.
“Let me go, Adrian!” kulang sa lakas na pagkakasabi nya. Mukhang galing lang sa ilong dahil gustong- gusto nya talaga ang mga yakap nito.
Hindi nya magawang bawiin mula dito ang paningin. Gustong- gusto nyang pagmasdan ang magagandang angelic na mga mata nito.
“Bakit mo ba pinipigilan ang nadarama mo sa akin, Alexa? Gayun, pareho lang naman ang nararamdaman natin dalawa.”
Mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya.
“Ano ba yang pinagsasabi mo Adrian? Wala akong nadarama para sayo.” tanggi nya sa totoo. Dahil mahal na talaga nya ito kahit noon pa.
Sa kabila kasi ng katotohanan na lagi lang syang niloloko nito, hindi talaga nya mapigilan ang sarili na humanga ng sobra dito. Hanggang sa narealize nya, malalim pala talaga ang naramdaman nya para dito.
Sinubukan nyang kumawala mula sa mga matitipunong bisig nito pero disidido ito na hindi sya pakawalan.
“Really Alexa? “may paniniguro ang mga boses nito. “Why don’t we let our lips to decide?!”
“H-Ha?”
Bago sya makapag-react at makapag-isip ng tama. Tuluyang nang tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila.
Gusto nyang magpumiglas pero agad nyang naramdaman ang pagdaloy ng libo- ibong bultahe ng kuryente sa loob ng katawan nya.
Ipinikit nya ang mga mata. Nagwawala na ang puso’t isip nya. Tuluyang syang nagpapalunod sa masarap na halik nito. Kalaunan, tumugon narin sya sa halik nito na kasing alab ng ginawa nito. Kaya naging mas mapusok at mapang-angkin ang mga labi nito.
Napaungol ito ng sinalubong ng dila nya ang dila nito na nakapasok na sa bibig nya. Parehong ayaw nilang pakawalan ang labi ng isa’t- isa.
Habol nila pareho ang hininga ng naghiwalay ang mga labi nila. Dreamy eyes parin sya na nakatingin dito.
Mukhang hindi na nya maitago ang tunay na damdamin nya para sa binata.
“Adrian---“ tanging nasambit nya.
“I Love you Alexa. Don’t turn your back on me this time. Ilang taon akong nagtitiis at sinubukan kalimutan ka, pero hindi ko magawang ibaling sa iba ang nadarama ko sayo.” madamdamin na pagkakasabi nito. “Gustong- gusto na kita mula pa nung una kitang nakita.”
“Adrian, ano—“she can’t find her words.
She loved him pero hindi tama ang nadarama nilang dalawa. Dahil oras na maging legal adopted na sya, bahagi na sya ng angkan nito. Ang relasyon nila ay bawal sa angkan Del Fuengo, kahit pa hindi sila tunay na magkadugo.
“Pagbigyan naman natin ang sarili nating dalawa this time. Please Alexa---" nagsusumamo ang mga mata nito. “Kung tatanggihan mo parin ang pag-ibig ko ngayon—tatalon ako sa beranda ng kwarto mo. “
“Ano.” Lumanghap sya ng hangin. Nainis yata sya sa sinabi nito. Mukha pa naman itong seryoso. “Adrian, ano ba yang pinagsasabi mo?” pinilit nyang kumawala mula dito. “Bitawan mo nga ako!”
Ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
“Hindi ako nagbibiro Alexa. Gusto mo bang tatalon na ako ngayon?”
“Adrian—“ she exhaled. “Fine.”
Galit- galitan na sabi nya pero bakit parang nakangiti ang puso nya.
Paano nya magawang iwasan si Adrian kung ganito ito kakulit sa kanya? At isa pa, hindi na nya kayang pigilin ang mahabang panahon na pagtatago nya sa damdamin nya dito. Gusto nya itong makasama.
Sumilay ang ngiti sa labi nito.
“Anong fine?”
“I love you too, Adrian.” Hindi nya mapigilan sambitin. Dahilan para lumapad ang ngiti nito.
“So, tinatanggap muna ang pag-ibig ko?”
Tumango sya. Naging bulag na ang puso nya. Tuluyang nyang kinalimutan lahat ng pwedeng maging consequences sa pagsuko nya dito ngayon.
Pabigla na naman siniil nito ng halik ang labi nya. Halik na nagpawala na naman sa katinuan nya. Kaya agad nyang tinugunan ang maalab na halik nito, dahilan para mas lalong mapusok ito sa paghalik sa kanya.
Unti- unti nilang tinungo ang kama nya ng hindi naghiwalay ang mga labi nila. Maramdaman nya ang paglapat ng likod nya sa malambot na kutson, naihiga na pala sya nito habang nasa ibabaw nya ito.
Wala na silang pakialam sa nangyari. Naging mapusok narin ang mga kamay nito. Pumasok ito sa ilalim ng nightie nya.
Hindi nya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. She is electrified with his kiss and touch.
Ibinaba nito ang halik nito sa leeg nya. Then he showering kisses sa nakalangtad nyang balikat. She is mindless, wala na nga syang pakialam sa kung saan- saan na humantong ang mga kamay nito.
Mabuti nalang, bago pa sila tuluyang makagawa ng isang bagay, katok sa pinto ng kwarto nya ang nagpabalik sa katinuan nilang dalawa. Agad silang napabitaw sa isa’t- isa. Pareho silang humihingal na nagkatinginan nito.