LTB 8

705 Words
"Akala ko, hindi mo na ako yayain dito?” may halong pagdaramdam ang boses nya. Dinala na naman kasi sya muli ni Elijah sa pinagdalhan nito sa kanya noon. Yon kitang- kita nila halos ang buong San Bartolome. Magkatabi silang nakaupo nito. May tampo pa naman sya dito. Sa mga nagdaan araw kasi, parang iniiwasan sya nito. Kaya ang madalas nyang kausap ay ang mga kaibigan nito. At syempre ang madalas na pinag-uusapan nila ng mga kaibigan nito ay ang mga words of God, hindi nya lubos akalain na maging interesado ang mga ito lalo na si Baltazar. “I have something to tell you, Aaliyah!” seryosong pagkakasabi nito. Sa kanya ito nakatingin. Sinalubong nya ang mga tingin nito. Kinakabahan sya. Ano kaya ang sasabihin nito? “Aaliyah----“ bumugtong- hininga ito. Tila hindi alam kung paano magsimula. Nakaramdam na sya ng pagkailang dahil sa klasi ng pagtitig nito. Nag-iinit tuloy ang pakiramdam nya. “May gusto din akong sabihin sayo, Elijah!” hindi nya napigilan sambitin. May gusto nga syang sabihin dito. At kailangan na nyang masabi yon sa binata. “Ano yon?” Tanong nito na malangkit ang titig sa kanyang. She take all her senses, at nilakasan nya masyado ang loob. It’s now or never! “Gusto kitang Elijah!” madiin na pagkakasabi nya dito. Nilakasan nya ang loob at sa mga mata ng binata sya nakatingin. Napanganga ito sa sinabi nya. Kinakabahan sya masyado. Baka iba pa ang isipin nito sa pagtatapat nya ngayon. “G-Gusto mo ako?” ulit nito sa sinabi nya sabay turo ng isang daliri nito sa sarili nito. Lakas loob syang napatango. May katotohanan sa mga titig nya dito. Nakipagtitigan sya dito. Halos mabingi na sya sa sobrang pagkabog ng puso nya habang hinihintay ang maging katugon nito. “Aaliyah, ano----“bumugtong- hininga na naman ito. Mukhang nenerbiyos din ito sa sitwasyon at hindi alam kung paano mag react. “Ayaw mo ba sa akin?” tanong nya sa mababang tono. Tulong luha syang napayuko. “H-Hindi sa ganun. Hindi ko alam, Aaliyah! Hindi mo ako dapat magustuhan. Ibaling mo sa iba ang pagkagusto mo sa akin.” Mas lalong napatulo ang luha nya sa sinabi nito. Tulong luha sya na muling nag- angat ng mukha dito. “Pero, ikaw ang gusto ko Elijah! Ngayon lang tumibok ang puso ko ng ganito. Mahal nga kita!” Hindi ito mapakali. Tila hindi alam nito kung paano sya aluin. Baka naman, masyado syang umaasa dito. Wala talagang malalim na kahulugan ang sweetness nito sa kanya. “A-Ano ba ang nagustuhan mo sa akin, Aaliyah?” tanong nito saka lumanghap ng hangin. “Basanggulero ako, hindi ako nag-aaral mabuti, isa akong tambay, wala akong pangarap, marami akong babae at madalas akong naglalasing, higit sa lahat, walang direksyon ang buhay ko.” Napatitig sya dito. Ano nga ba ang nagustuhan nya kay Elijah? Alam naman nya lahat ng bagay na yon, pero hindi parin nya mapigilan ang sarili na ilapit dito masyado. Iba ang kasiyahan na dulot ni Elijah sa kanya. “Iwan ko. Basta ang alam ko pinatitibok mo ng sobra ang puso ko. Makita kalang, masaya na ako. Gusto kita laging kasama Elijah.” Binawi nito ang paningin mula sa kanya. Saka para itong napatingin sa kawalan. “Anak ako ng taksil at kriminal, Aaliyah.” Mahinang pagkakasabi nito. Tila dumaan lang sa hangin. Matamang syang napatitig dito. Basang- basa nya ang kalungkutan at paghihirap sa mga mata nito. “Pinatay ng daddy ko ang mommy ko nang nalaman nyang aalis ito kasama ng kabit nito.” Saka ito tumingin uli sa kanya. “Now, tell me Aaliyah, gusto mo parin ba ako?” Nakatitig sya dito. She can’t find her words because of too much emotion that she saw from his eyes. Gusto nyang aluin ito at iparamdam dito na lagi syang nandito para dito. “See, hindi ka makasagot!” ani nito. “Elijah—“ tanging nasambit nya. Hindi nya alam kung bakit hindi nya magawang sambitin na gusto nya parin ito. Nabigla lang sya pero alam naman nyang walang nagbabago sa nadarama nya para dito. Tumayo ito. “Tayo na, uuwi na tayo!” ani nito at inilahad ang kamay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD