"This is all my fault!” ani ni Elijah sa mga kaibigan. Saka sya tumunga uli ng alak. Nasa apartment sila ng kanyang mga kabarkada up. “Sana ginawa ko nalang ang sinabi ni Aaron at hindi nagpadala sa kahinaan ko, hindi sana aabot sa ganito. “ paninisi nya sa sarili nya.
Hindi nya alam kung bakit huli na saka nya naisip na tama si Aaron. Hindi sila pwede ni Aaliyah. Maliban sa isa itong Zalmeda, ibang buhay ang nararapat para dito. Hindi ang klasi ng buhay na kaya nyang ibigay para dito. At saka, napakabata pa nito, napaka-inosente pa nito para patulan ng isang katulad nya.
Hinagod ni Peter ang likod nya.
“Pare, I’m sorry, may kasalanan din kami. Imbes tulungan ka namin na layuan si Aaliyah, kami pa ang gumawa ng paraan para mapalapit sya sayo.” Ani ni Peter.
“We seldom see you happy. At masaya ka pag nandyan sya. Ibang Elijah ang nakita namin. Kaya hindi mo kami masisisi. We just want to see you happy.” Ani naman ni Simon.
Totoo naman ito. He was different with Aaliyah. Makita lang ito ay sobrang saya na nya. Kaya, hindi sya agad nakapag-isip ng tama, dahil ang nasa isip nya ang kasiyahan dulot nito sa buhay nya.
“Kailangan kong layuan si Aaliyah, pare. Dahil natatakot din ako sa sarili ko.” Hindi nya mapigilan sambitin. “My father is obsessed with my mother kaya hindi naging masaya kahit kailan ang mommy ko dito. Natakot ako na baka maging katulad ako ng daddy ko, at baka may magawa akong masama kay Aaliyah.”
At tumunga sya uli ng alak. At hindi na nya napigilan ang sarili sa sobrang paglalasing.
--------
“Aaliyah, bakit ka nandito?” tanong agad ni Elijah sa kanya nang sya ang napagbuksan ng pad nito.
Mukhang nanghihina nga ito tignan. Mula nang inamin nya dito ang nadarama nya dito, hindi na ito nagpakita sa kanya at iniiwasan na sya nito.
“H-Hindi naman ako manggugulo. Gusto lang kita alagaan ngayon. Narinig ko kasi na may sakit ka.”
Nilakasan nya ang loob. Sana naman hindi sya tanggihan nito. Gusto talaga nya itong alagaan. Nag cutting classes nga sya ngayon para puntahan ito.
“Okay lang ako.” Napahawak ito sa sentido. Parang masakit ang ulo nito.
“Hindi ka okay, Elijah. Please, gusto kitang alagaan ngayon.”
Hinaluan nya ng pagmamakaawa ang boses.
----------
“Salamat!” ani ni Elijah sa kanya. Pagkatapos nyang iabot dito ang isang gamut at isang baso ng tubig.
Umupo muna ito mula sa pagkahiga sa kama nito. Umupo sya sa silya na nasa gilid ng kama nito.
Pagkatapos nitong uminom ng gamot. Inilagay nito sa side table ang baso. Saka ito sumandal sa sandalan ng kama nito.
“Ano bang nangyari sayo?”
Napatanong narin sya. Sobrang nag-alala sya dito.
“Hang over lang ito, Aaliyah. Pwede kanang umalis.”
Pagpapalayas nito agad sa kanya.
“Aalis din naman ako mamaya. Dito lang muna ako sandali.”
“Aaliyah----“
Mukhang gusto na talaga sya palayasin nito. Pero, ayaw pa talaga nyang umalis.
“Hindi naman kita guguluhin. Pwede ka naman matulog.”
Bumugtong- hininga ito. Saka humiga uli ito sa kama. Hindi na ito nagsasalita. Maya’t- maya lang, napansin nya ang pagpikit ng mga mata nito. Kaya malaya tuloy nyang napagmasdan ang guapong pagmumukha nito. Kahit anong isaksak nya sa isip para madiscourage sya sa binata, pero ang puso nya, hindi nya mapigilan ang pagtibok nito na para lang kay Elijah. Masisisi ba sya kung parang desperada na sya ngayon?
“Aaliyah---“
Napakunot- noo sya. Sinambit nito ang pangalan nya habang natutulog.
---------
Napakunot- noo si Elijah nang nakasimangot na si Aaliyah ang namulatan nya. Agad syang bumango at umupo sa kama. Medyo magaan na ang pakiramdam nya. Salamat sa kanyang magandang tagabantay.
“Bakit ka ganyan makatingin sa akin?”
“May kilala kabang ibang Aaliyah?”
Mas lalong kumunot ang noo nya. Bakit ba napatanong ng ganito ang dalaga?
“Wala.” Sinabayan nya ng tango.
Rumihisto ang galit sa mukha nito. Ano kayang nangyari dito?
“Sinunggaling ka talaga! Sabi mo, kapatid lang ang tingin mo sa akin. Dahil kapatid ako nina kuya Aaron at Adrian. Bakit ka nag “I love you” sa akin habang tulog?”
Napaawang ang labi nya sa sinabi nito. Paano nya ito matakasan ngayon. Nahuli na sya nito.
“I love you Elijah, wala naman akong pakialam sa pinanggalingan mo. Kaya kitang tanggapin ng buong- buo.”
Sa mga mata nya ito nakatingin. Hindi nya alam kung paano mag-react sa sinabi nito. Si Aaliyah ang dahilan kaya sya naglasing ng sobra. At kaya sya nagkasakit. Mahal nya ito. Inaamin nya yon. Pero, hindi sya ang nakakabuti para dito.
Napaupo ito sa gilid ng kama, paharap sa kanya.
“Aaliyah, hindi mo ka-----“
Natigil sya sa ibang sasabihin nang pabiglang hinapit nito ang batok nya at inilapit nito ang labi sa labi nya. Sobrang lakas ng t***k ng puso nya at ngayon lang sya nakadama ng ganito.
Halata na wala itong alam kung paano humalik, sadyang itinapat lang nito ang labi sa labi nya. Wala naman itong ginagawa. Pero, ito parin ang pinakamatamis na labi sa lahat.
Agad naman itong bumitaw sa kanya. At pula- pula ito habang napayuko.
-------
Hindi namana alam ni Aaliyah kung saan sya humugot ng lakas na loob sa ginawa kanina. Hindi tuloy sya makatingin dito.
“Aaliyah---“ sambit nito sa pangalan nya. Hindi parin sya nag-angat ng mukha dito.
Napapitlag sya ng biglang itinaas nito ang isang kamay, pahaplos sa isang bahagi ng pisngi nya. Kaya napilitan syang napatingin sa mukha nito.
“Mahalaga ka sa akin, Aaliyah.” sa mga mata nya ito nakatingin. “Pero, hindi ----“
“Mahal kita, Elijah!” tumulo na ang mga luha nya. “Ikaw lang ang gusto ko. Hindi ako magkakagusto sa iba, ikaw lang.”
“Hindi mo ako pwedeng gustuhin dahil----“
Hindi natapos nito ang ibang sasabihin.
“Dahil tungkol sa mga magulang mo? Ano ngayon? Ikaw lang ang gusto ko.”
Nilakasan nya masyado ang sarili. Mahal talaga nya si Elijah. At alam nyang ito lang ang mamahalin nya habang buhay. Hindi na titibok ang puso nya para sa iba.
Nakatitig lang ito sa kanya. Maya’t- maya lang, unti- unting inilapit nito ang labi sa labi nya. At parang may dumaloy ng libo- libong bultahe ng kuryente sa loob ng kanyang katawan nang tuluyan siniil ng halik nito ang labi nya.
Malumanay at hindi nya alam kung paano tumugon. Wala syang alam sa mga ganito. Pero, isa lang ang alam nya, ang sarap ng labi ni Elijah. Ito na yata ang pinakamasarap sa lahat. Kaya siguro, marami ang nagkagusto dito dahil masarap itong humalik.
Sandali lang ang halik nito at dreamy eyes sya na nakatingin dito pagkatapos. Saka sya ikinulong sa mga bisig nito. Parang nasa kanya na yata lahat ng kasiyahan sa mundo ngayon nakakulong sya sa mga bisig ni Elijah.
---------
Gulong- gulo sya sa sarili nya. Buo na ang isip nya na iwasan si Aaliyah. Pero, oras na nasa harapan nya ang babae, hindi nya mapigilan ang sarili na hindi magpadala sa damdamin nya dito. Hindi naman siguro sya masisisi, kay Aaliyah lang nya naramdaman ang kasiyahan na hinahanap nya.
Kanina, aaminin na sana nya dito na hindi naman talaga nya kaibigan ang mga kapatid nito, kundi kaaway. Pero, biglang sumagi sa isip nya ang sinabi ni Aaron, at natatakot sya na kamuhian sya nito.
Hindi nya alam ang gagawin nya. Sya at si Aaliyah lang ang nasa isip nya ngayon. Lahat ng agam- agam ng isip nya, tuluyan nyang kinalimutan. At gusto nyang pagbigyan ang sarili nya. Ayaw na nyang maglasing dahil namimiss nya ito. Gusto nya itong makasama. Isa- isa nyang bigyan ng solusyon ang hadlang nilang dalawa.
-------
'What is this?” nakangiting tanong ni Aaliyah kay Elijah nang may isinuot ito sa leeg nya. Isa itong necklace. May heart shape pendant ito.
“Ito ang huling alaala ko sa mommy ko. Gusto ko itong ibigay sayo Aaliyah.”
Napahawak sya sa pendant nito. Hindi nya mapigilan ang pangingilid ng kanyang mga luha.
“Salamat, Elijah!”
“Hey, bakit ka umiiyak?" Iniharap sya nito. Ikinulong sya sa mga bisig nito, saka hinalikan nito ang noo nya.
Hindi naman nya masabi kung boyfriend nya ang binata. Parang ang mga puso nila ang kusang nagkaintindihan. Hindi man ito nanligaw sa kanya. Pero, ramdam na ramdam nya na mahal din sya nito. Action speaks louder than words, ika nga!
Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang una silang nagkahalikan nito sa loob ng pad nito. At mula nung, inaari na nila ang isa’t- isa. At ibang kasiyahan ang nadarama nya sa bawat araw na kasama nya si Elijah. Matikman ng matamis na labi nito at maikulong sa mga bisig nito ay langit na para sa kanya.
Lumaki sya na masaya, pero nung dumating sa buhay nya si Elijah, may mas ikakasaya pa pala ang buhay nya. Alam nyang bata pa sya, pero hindi na bata ang puso nya, alam na kasi nito kung sino ang mamahalin nito habang buhay. At si Elijah lang ang mamahalin nito. Binuo kasi nito ang buong pagkatao nya. Pinunu nito ang kulang sa puso nya.
Puro masayang alaala ang pinagsaluhan nila lagi ng binatang mahal. Para syang nakalakad lagi sa ulap pag kasama ito. Para nasa kamay nya lahat ng kasiyahan sa mundo pag nasa tabi nya ito.
“By the way, nagsisipag na ako sa pag-aaral ngayon. Masaya naman pala ang pag-aaral kung may inspirasyon ka.”
Napaangat ang mukha nya dito.
“That’s good! I’m so proud of you.” Totoong sabi nya dito.
“Babaguhin ko ang buhay ko para sayo Aaliyah. Gusto kong maging karapat- dapat para sayo.”
Madamdamin pagkakasabi nito, bago tuluyan tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila. Halik na tinugunan din naman nya agad. At bawat halikan nila ay isinuko din nya ang puso nya dito.