Aaliyah,
When you read this letter now, it’s only meant one thing, I’m gone. Just forget me! I lied to you. I didn’t love you. Vengeance is what I want to. And you’re a perfect victim of it.
Hindi ko talaga kaibigan ang mga kuya mo, lalo na ang kuya Adrian mo. Mortal na kaaway ko ang kuya Adrian mo, muntikan ko na syang napatay noon, katulad lang naman kami. Pero, ako lang ang nakulong sa aming dalawa. Kaya galit na galit ako sa lahat ng Zalmeda.
Hanggang pananakot lang naman ang kuya Aaron mo. Takot kasi sya na masaktan kita. Kaya ngayon, sinunud ko na sya, nilayuan na kita. Kuntento na kasi ako sa naging resulta.
Elijah
Napunit nya ang sulat na iniwan sa kanya ni Elijah noon, dahil sa muling pagkabuhay ng sobrang galit nya dito. Hindi nya alam kung bakit itinago pa nya ang sulat na ito. Sana noon palang nya ito pinunit at itinapon.
Isang malaking sugat ang iniwan ni Elijah sa puso nya. Sugat na hanggang ngayon hindi parin naghilom. Kaya, bakit kailangan muli pa silang magkita nito?
Galit na galit nyang itinapon sa basurahan ang napunit na sulat saka sya dumapa sa kanyang kama. Ibinuhos nya lahat ng luha nya sa unan.
Sinaktan at ginamit lang sya nito noon. Pinaglalaruan lang nito ang batang puso nya. Iniwan wasak na wasak. Halos ilang buwan syang pabalik- balik sa pag-iyak dahil dito.
Ang tanga- tanga lang nya, minahal nya kasi ito ng sobra. Pero, ginawa lang syang uto- uto nito.
---------
“Bakit nasa gym nyo ni kuya si Elijah?” agad nyang tanong sa kuya Aaron nya, pinuntahan nya ito sa opisina nito.
Nakaupo ito sa swivel chair nito habang nakaupo naman sya sa isang upuan na nasa harapan ng mesa nito.
“Part- time trainor sya ng gym sa taekwondo. Hindi ko alam kung paano sila muling nagkita ni Adrian at kung paano naging sobrang close na sila ngayon.” Sagot nito. Tumigil muna ito sa ginagawa nito.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na trainor pala sa taekwondo si Elijah sa gym nyo ni kuya? Ikaw pa ang nag-advice sa akin na subukan ang taekwondo.”may paninisi ang boses nya.
Napalanghap ito ng hangin.
“I’m sorry, hindi ko naman alam kung paano sabihin sayo na bumalik na sya si Elijah. Hindi ko naman lubos akalain na susundin mo pala ang advice ko. Binibiro lang naman kita nung.” Pinilit nitong ngumiti.
Sya na naman ang mapalanghap ng hangin.
“Wala naman kaalam- alam si Adrian sa nangyari sa inyo noon. Age and maturity change them, kaya siguro nung nagkita sila muli, pinagtatawanan nalang nila ang nangyari sa kanila before.”
Wala syang pakialam kung nagkapatawaran na ang dalawa. Kailan man, hindi nya mapapatawad si Elijah. Well, kung close na ang kuya Adrian nya at si Elijah, sila na ngayon ni Elijah ang magkaaway. Talagang, hindi magiging kasundo nito ang lahat ng Zalmeda, dahil kakamuhian nya ito habang buhay.
“C’mon baby, relaks!” ani nito na ikinainis nya. Paano sya makapagrelaks kung alam nyang in any moment, baka makita na naman nya muli si Elijah. “Hindi mo naman sya makikita kung hindi ka pupunta sa gym. Wag ka nang mag taekwondo, madungisan lang nyang mukha mo.”
Tama, hindi sya pupunta sa gym ng mga kuya nya kahit kailan. Ayaw na ayaw nyang magka-krus muli ang mga landas nila ni Elijah.
--------
“Salamat at sinamahan mo ako ngayon sa mga pamimili ng mga baby stuff.” Ani ni Zabrina sa kanya.
Pumasok muna sila sa isang restaurant para kumain ng lunch. Magkaharap silang naupo nito. Sinamahan nya ito sa pamimili ng mga gamit para sa kambal na lalaki na ipinagbubuntis nito.
“No problem. Ako muna ang substitute ngayon ng pinsan ko while nandun pa sya sa isang project nya sa Cebu.”
Nilukot nito ang mukha.
“Dalawang araw na doon si Hayden at namimis ko na sya. At kailangan ko pang magtiis ng dalawang araw.”
Napatawa sya sa ginawi nito.
“Grabe ‘to. Parang ilang taon wala sa tabi nya ang asawa.” Biniro nya ang boses.
“Taon na nga?” laking mata na pagkakasabi nito. “Alam mo ba ang isang araw ay katumbas ng taon sa akin. Kaya parang apat na taon syang nandun sa Cebu.”
“Well, nakakabaliw nga naman ang pag-ibig.” Sinigla nya ang boses. “Don’t worry, kakayanin mo yang apat na taong yan, nakaya mo nga ang 11 years. Buntis ka ng umalis ang pinsan papunta Cebu, buntis ka pa din pagbalik nya.” Natatawa nyang sabi dito, na sinabayan naman nito kalaunan.
Natigil muna sila sa pagku- kwentuhan nang lumapit sa kanila ang isang waiter, dala na nito ang inorder nila.
“Pupunta ako sa hospital mamaya. Plano mo ba akong samahan?” ani nito nang nakaalis na ang waiter. Sinimulan na nila ang pagkain.
“Bakit? Anong gagawin mo doon?”
“Well, maliban sa kailangan kong bumisita ngayon sa OB Gyne ko. Bibisitahin ko doon si Alaina."
“Nasa hospital si Alaina? Bakit, anong nangyari?"
Si Alaina ay ang asawa ng pinsan nyang si Haven. Praternal twin sina Hayden at Haven.
"Dinugo daw. Hindi ko pa alam kung ano ang nangyari."
"Ganun ba? Okay, sasama ako sayo."
Wala naman syang gagawin. Being a novelist, hindi na nya kailangan pumasok sa opisina. She can write wherever she go. Kaya lang, itong mga nagdaan araw, walang mga kwento na pumapasok sa utak nya. Masyadong ukupado ni Elijah ang utak nya sa mga nakalipas na mga araw dahil sa pagkikita nilang dalawa.
Gusto sana nyang umuwi ng San Bartolome, pero pinigilan nya ang sarili, baka magkita pa sila doon. Pati ang lugar na kinagisnan nya ay para nang naging impyerno dahil sa pagbabalik ni Elijah.
“By the way—“sumeryoso ito. “Kumusta kana after nang—alam mo na—“ tila nahirapan itong tapusin ang tanong, pero naintindihan nya ang nais itanong nito.
Natigil sya sa pagsubo.
“I’m fine!” nilaparan nya ang ngiti. Ayaw nyang ipahalata sa kaibigan na halos nagulantang ang buong sistema nya dahil sa pagkikita nila muli ni Elijah. “Wala nang epekto sa akin si Elijah, kahit rumampa pa sya na naka- topless sa harapan ko.”
Hindi nya alam kung bakit ito pa ang lumabas sa bibig nya. Pero may panindigan parin ang mga titig nya kay Zabrina.
“Really?” paniniguro nito. “Then, bakit agad kang nagback- out nung sa gym? Pati ako iniwan mo."
“Nabigla lang ako, ok?” binuo nya ang boses.
Oo. Nabigla lang sya. Wala na talagang epekto sa kanya ang presence ni Elijah. Kaya lang naman na ayaw nyang muli itong makita, hindi naman para sa kanya, kundi para naman yon sa binata. Baka kasi tuluyan magdilim ang paningin nya at maging expert sya sa taekwondo ng wala sa oras, at mapalipad pa nya ito, pabalik sa impyernong pinanggalingan nito.
“Ok. Sana naman hindi ka magback-out ngayon.” Ani nito na may tinitignan.
Nasundan nya ang tinitignan nito. At ang nakangiting si Elijah ang nakita nya. At, mukhang palapit ito sa kanila ni Zabrina. Kinalma nya ang umaapoy sa galit na isip.
“Hi!” bati nito sa kanila ni Zabrina nang nakalapit na ito. Alam nyang sa kanya ito nakatingin, pero nagkukunwari sya na abala sa pagkain. “Sabi ko na nga ba, kayo yan!”
Kainis ang lalaking 'to. Ang lakas ng loob na lapitan sila ni Zabrina. At bakit ini-invade na naman nito ang Manila? Hindi nga sya umuwi sa San Bartolome dahil parang napakasikip ng lugar na 'yon sa kanilang dalawa. Tapos nandito din ito sa Manila.
“Hi Elijah!” bati ni Zabrina dito. “Aaliyah, mag-‘hi’ ka.” Puna ni Zabrina sa kanya. Nagkunwari sya na hindi rin narinig ang kaibigan. Lihim nya pinandilatan ng mga mata ang kaibigan.
“Pasensya kana. Naka- headseat kasi si Aaliyah. Ganyan sya lagi para makapag-isip sya ng magandang love story na maisusulat, love less pa naman sya always. Masyado syang nag-enjoy ngayon sa love song. Kahit siguro may bomba pang puputok ngayon sa harapan nya, wala parin yang pakialam.” Mahabang paliwanag nito na hindi nya alam kung dapat ba nyang ipasalamat dito.
“Ganun ba? Ok lang. Sige, balik na ako sa mesa ko.” Paalam ni Elijah na hindi parin nya ito pinansin.
Kahit hindi sya nakatingin dito pero alam nyang sinulyapan muna sya nito bago ito umalis.
“Hindi apektado! Hindi pa nga naka-topless, pero para ng si ano sa sobrang apektado.” May panunukso nito.
“Excuse me, I’m not affected of him.”tanggi nya sa itinukso nito.
“Then, bakit hindi ka makatingin kay Elijah?"
“Takot ako sa multo, okay? Para kasi sa akin patay na si Elijah, kaya yon lumapit sa ating kanina, isa yong multo. Kaya pala, tayong- tayo ang mga balahibo ko.” Hinihimas pa nya ang braso.
Mukha ngang tumatayo ang mga balahibo nya. Para kasing may nakatitig sa kanya kaya kinilabutan sya masyado. At kahit wala syang ibedensya, alam nyang multo ang nakatitig sa kanya.
“Grabeh, writer ka nga!”
“At nakita mo naman na hindi ako nagback-out. Pinakisamahan ko parin sya ng mabuti.”
“Anong hindi nagback-out? Nagback-out ang manners mo biglang bigla kaya pati pagkain ko, kinain mo narin. “
Oh my God! Ngayon lang nya napansin ang sinabi nito. Nakita kaya ni Elijah ang ginawa nya? Nakakahiya! Ipiniling nya ang ulo. Ano ngayon kung nakita ng lalaki?
“At saka ang ganda ng pakisama mo. Tuwang- tuwa nga si Elijah.” Saka ito napatitig sa kanya. “Alam mo ba may epekto pag nakiki-share ka ng pagkain sa buntis.”
“Really?” na curious sya. “Ano naman?”
“Ikaw ang susunod na mabubuntis.” Nakatawang sabi nito.
Napatawa sya. Paano sya mabuntis, if she vow to stay virgin forever? Hindi na kasi magkamaling titibok ang puso nya. At ayaw nyang makipag s*x sa lalaking hindi nya mahal.