"Buti naman pinagbigyan mo kami ngayon, at sumama ka narin sa amin na pumunta dito sa bar.” Ani ni Chara sa kanya.
Kasama nya ngayon ang tatlong college friend na si Chara, Dina at Tiara. Niyaya sya ng mga ito na pumunta sa isang bar. At napagpasyahan nyang sumama. Kailangan nya na may pagkaabalahan. Masyadong inakupa ni Elijah ang kanyang buong utak kaya hindi tuloy sya makapag-isip ng tama.
Ewan nya kung bakit kahit saan sya magpunta, lagi nagka-krus ang mga landas nila ng lalaki. Nung isang araw, pumunta sya sa HardRock Architectural Firm, may kailangan sya sa tito Bret nya, hindi nya lubos akalain na makikita nya doon ang binata, hindi naman nya alam kung ano ang ginagawa nito doon.
Kahapon, nag-gro-grocery sya para sa mga kakailanganin nya sa loob ng isang linggo, pero nagkasalubong na naman sila ni Elijah, nag-gro-grocery din ito. At ang nakakainis na binata, sumunod pa sa pagkakapila nya sa cashier at ang lakas talaga ng loob nito na kausapin sya, at syempre hindi nya ito pinapansin, nagbingi- bingian sya dito.
At kanina, habang kasalukuyan syang nagkakape sa isang coffee shop, nagkikita na naman sila ng binata, nagkakape din kasi ito. Sa laki ng buong Manila, parang pinaglalaruan sya ng kapalaran at talagang laging nagkakrus ang landas nila ng binatang ayaw na nyang makita.
Mukhang tama nga ang sinabi ng isang psychologist na hindi na nya maalala ang pangalan “Pag lagi mong naiisip ang isang tao, lagi rin magsingabot ang mga landas ninyo”. At alam nya kung bakit laging nasa isip nya si Elijah, galit kasi sya dito.
“I just want to relax!” nakangiting sabi nya sa kaibigan.
Maya’t- maya lang, napagpasyahan nilang magkakaibigan ang pumunta sa dance floor para sumayaw. Sumasayaw din sya at nakipagsabayan din sya sa mga kasayaw, kahit na sa mga lalaki.
“Girl, may hot guy na kanina pa nakatingin sayo.” Tila bulong na pagkakasabi ni Dina sa kanya. Sumasayaw- sayaw ito na may hawak- hawak na alak. Medyo wild kasi ito. Itinaas pa nito ang alak.
Bahagya syang bumagal sa pag-indak at pasimpleng bumulong sa kaibigan.
“Where?”
Pasimple itong ngumuso. Pasimple din syang tumingin sa kung sino ang ininguso nito. At bigla syang napatigil sa pagsayaw.
Si Elijah kasi ang nakita nya, at matalim ang titig nito sa kanya. Nakaupo ito sa counter na bahagi at hawak- hawak ng isang kamay ang isang basong alak. Nagkatama ang mga paningin nila. Inis nyang binawi ang paningin mula dito. Kainis, pati ba naman dito sa bar nandito din ito.
“Hey, miss beautiful, ayaw mo na bang sumayaw?” hinarangan sya ng lalaking kanina na sunod- sunod sa kanya.
“I’m tired!” padabog na pagkakasabi nya dito.
“You’re tired? Wanna go with me in other private place.” Nakangising tanong nito.
Nainis sya. Anong akala nito sa kanya? Pariwalang babae? Ang hambog, hindi naman kaguapuhan.
“No. I don’t want to go in any place with you. All I want is to go home.”
Akmang tatalikuran nya ito pero mabilis din syang muling hinarangan nito.
“Ano ba?”asik nya dito.
“Pa-hard to get kapa. Ok lang mahilig nam----“
“Let her go!”
Natigil ito sa ibang sasabihin nang may biglang tumapik sa balikat nito at galit na nagsalita.
Napatingin sya sa kung sino ang kanyang tagapagligtas.
-------
“Wag mo nga akong sundan?” hinaluan nya ng galit ang boses.
Nasa parking lot area sya ng bar, plano na nyang umuwi.
“Hindi kita sinundan. Pauwi narin ako.” Ani ni Elijah sa kanya.
Hinarap nya dito.
“Magkaliwanagan nga tayo. Hindi ibig sabihin na iniligtas mo ako sa lalaking maniac na yon kanina, close na tayo! At may utang na loob na ako sayo. I can handle that man. I don’t need your help.”
Saka padabog nya itong tinalikuran.
“Ok. Hindi ko naman yang inisip.” Ani nito habang nakasunod parin sa kanya. Inis na inis sya, saan kaya nakapark ang kotse nito at nakasunod parin ito sa kanya. Nang nakarating na sya sa kotse nya. Inis nyang hinarap uli ito.
“I said don’t follow me! Sinusundan mo yata ako.”pinamaywangan nya ito.
“I didn’t follow you.”
“At talagang ikinaila mo pa. At bakit pati hanggang dito nakasunod ka parin sa akin?”
“Nandito din ang kotse ko.” Nakangiti pa ito. Pinigilan nya ang mapatulala, mas lalo kasi itong naging guapo. Saka lumapit ito sa kotse na katabi ng kotse nya.
Ouch! Napahiya sya ng slight. Tinaasan nya ito ng kilay, bago nya napagpasyahan na sumakay na sa kotse nya. Tila cool lang itong nakatingin sa kanya.
Kainis, kailangan pa nyang ipa carwash agad ang kanyang kotse. Ayaw na ayaw nya ang isipin na naging magkatabi ang mga kotse nilang dalawa ni Elijah.