Papagiba na sana ang depensa nya kung hindi lang may nabalitaan na naman sya na bagong babae na umiiyak dahil kay Kiefer. Kaya ilang araw na nya itong iniiwasan.
“Yvanna—wait!” pigil ni Kiefer sa kanya.
Inis na mukha na napalingon sya dito.
“Ano ba?”
“Napapansin ko lang—iniiwasan mo na naman ako.” punto nito sa totoo.
Nasa school gym sila. May dinaanan kasi sya dito. Sa malas, nandito pa si Kiefer, kasama pa ang tatlong pinsan nito na sina Gavin, Aaron at Adrian.
Bago pa sya nakalayo—nakita na sya ni Aaron at napansin nyang napanguso ito. Kaya napalingon sa kanya si Kiefer, ngayon nga—nahawakan na nito ang kanyang pulsuhan.
“Were not friends Kiefer—ano naman ngayon kung iniiwasan kita?” sarkastik na pagkakasabi nya dito.
“Mag-usap muna tayo. Ano na naman ang nagawa ko?” may pakikiusap ang boses ko.
“Bahala ka dyan!” tinampal nya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang pulsuhan.
Binitawan nga sya nito. Akmang lalayasan na nya ito nang-------
“Yvanna—I like you! I really really like you!” sigaw nito na nakaagaw na ng pansin sa lahat. Nasa gitna pa ito ng gym nakatayo.
Inis syang napalingon dito. Pinagtitinginan tuloy silang dalawa ng lahat ng tao dito sa loob ng gym. Agad syang lumapit dito.
“Tumigil ka nga!” mahinang saway nya dito. “Nakakahiya ka talaga.”
“Kausapin mo muna ako—titigil ako.” buo ang boses nito.
“Fine.” May halong pagsuko ang boses.
Mas mabuti pang kausapin nya ito. Baka mas lalo pa silang pagpyestahan ng tsismis. Patawa- tawa pang tatlong pinsan nito habang palapit sa kanila.
“Pasensya kana Yvanna kung nakakahiya itong isang pinsan namin.” Nakatawang sabi ni Aaron.
“Ano nalang ang masasabi nina Liam at Chace pag malaman itong ginagawa ng maloko natin pinsan.” Segunda naman ni Adrian na nakatawa. “Mukha pa naman itong seryoso.”
“I think hindi sapat kung kay Liam at Chace lang natin ito sabihin—mas mabuti sa buong pamilya natin sa darating na family gathering natin.” Ani naman ni Gavin, na hindi nya alam kung nagbibiro ba. Seryoso kasi ang mukha nito.
“Oo nga. Ano nalang kaya ang sasabihin nina tito Kyle at tita Alissa sa nakakahiyang ginawa ng anak nila.” si Aaron na naman.
“Tigilan nyo ako!” reklamo ni Kiefer sa mga ito.
Nagtawanan na naman ang tatlo. Hiyang- hiya tuloy sya. Inis na inis ang mukha nyang nakatingin kay Kiefer.
-------
Pagkatapos ng ginawa ni Kiefer sa loob ng school gym nila. Mas pinili nalang nya na pakisamahan ng mabuti ang binata. At ewan nya kung bakit sa bawat araw na kasama nya ito, mukhang nakaramdam yata sya ng kakaibang kilig. At ang nakakainis, hindi nya matago- tago ang kilig na yon, kasi halatang- halata sa pagningning ng kanyang mga mata.
Kasalukuyan syang nakaupo sa isang bench na nasa school park nila. Bising- bisi sya sa binabasa nya nang napatigil sya bigla. Bigla kasing may isang red roses na tumambad sa kanyang harapan. Hindi yata nya napigilan ang lihim na mapangiti.
“Beautiful rose, beautiful as you!” ani ng boses lalaki na nasa kanyang likuran. Hinawakan ng isang lalaki ang rose.
At kahit hindi sya lumingon, kilalang- kilala nya ang boses ng nagsasalita. Kinalma nya ang nagwawalang puso. Ano ba itong nangyari sa kanya?
“Kiefer, I know it’s you.” Kinaswal nya ang boses.
Saka naman itong palundag na sumampa sa kinauupuan nya. Saka ang lapad ng ngiti nito habang umupo sa kanyang tabi. Inilahad nito muli ang rose na dala nito. Kahit itinago nya ang kilig na nadarama, pero, alam nyang parang bituin ang mga mata nya ngayon.
“Salamat!” agad nyang tinanggap ang rose na bigay nito.
“Hindi na yang matinik baby—kasi tinanggalan ko na yan ng tinik para hindi ka masaktan."
Gusto man nyang pigilan ang napangiti pero hindi nya mapigilan ito. Sino naman ang hindi napangiti sa kilig kung ganito ka- sweet si Kiefer.
Paalas-kwatro ito naupo. Nakasandal ang likod nito sa backrest ng bench, habang itinaas ang magkabilang braso sa ibabaw ng sandalan.
“So ano na?” may kapilyuhan ang tingin na iniukol nito sa kanya.
“Anong ano na?”
Ibinalik nya muli ang pokus sa binabasa.
“Kumusta na ang panliligaw ko sayo? Sasagutin mo na ba ako?” may excitement ang boses nito. Confident talaga ito na sasagutin nya ito.
Ibinalik nya ang librong binabasa sa bag nya. Saka sya tumayo. Maang itong napatingin sa kanya.
“Pag-iisipan ko muna.” Sabi nya pilit na hindi mapangiti.
Nawala bigla-bigla ang inis nya dito at ngayon, napalitan iyong ng kakaibang kilig.
“Aalis na ako. See you around!” ani nya saka humakbang na sya palayo dito.
“Yvanna naman—“may pagrereklamo na sambit nito. At sinundan pa talaga sya.
“Don’t follow me.” Reklamo nya dito na hindi magawang sumulyap. Baka mapansin nito ang kinikilig na ngiti nya. Sa totoo lang, parang gusto nyang sumirko sa sobrang kilig na nadarama ngayon.
“Sagutin mo na kasi ako. Girlfriend naba kita?” pangungulit nito sa kanya.
At sinabayan pa nito ang mga malalaking hakbang nya. At dahil sa sadyang matangkad ito kaya ang dali lang nito na maabutan sya. Hindi pa naman sya katangkaran. Well—hindi naman sya masyadong kaliitan din.
Hindi nya ito sinagot. Nagkukunwari sya na hindi napansin ang sinabi nito.
“So ano na? Girlfriend na ba kita?” nagpasiuna ito sa kanya. Pinupungay- pungay nito ang mga mata nito. Pinigilan nya ang mapatulala kasi ang guapo nito sa ginagawa nito.
Oh my God! Para hindi ko na kayang e-resist ang kaguapuhan nya. Ang galing talagang magpacute ng lalaking ito.
“Fine.” Alam nyang kumurba ang ngiti sa kanyang labi.
“Anong fine?” he teased, pero may paniniguro ang boses nito.
Hindi nya ito sinagot, saka tinalikuran na naman nya ito. Pero, mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa na naman nitong pagharang sa kanya.
“Baby—anong fine ang sinasabi mo?” kulit nito sa kanya.
Lumanghap muna sya ng hangin. Ano ba talaga itong nangyari sa kanya? Bakit bigla- bigla nalang nawala sa isipan nya ang reputasyon nito na heartbreaker ito? At kung ano pa ang ibang rason nya kaya ayaw nyang makipaglapit sa kahit sinong lalaki?
Okay fine. Aaminin nya. Medyo nagka-crush na sya dito. Sa totoo lang, mukhang crush na crush na nga nya ito. Sige, pagbibigyan lang muna nya ang sarili nya. She is just 15, hindi naman siguro lalalim ang nadarama nya para dito.
Iniangat nya ang mukha nya. Mukhang hinihintay nito ang maging kasagutan nya.
“Fine. Boyfriend na kita.” Nakangiting sabi nya dito.
Kumurba ang kakaibang ngiti sa mga labi nito. Lumiwanag pa kaysa sa sikat ng araw ang mga mata nito.
“Really? Tila masayang bulalas nito.
Nakangiting napatango sya. Lumapad na ang ngiti nito. Na tila para itong nanalo sa lotto.
Hindi nya napaghandaan ang susunod na gagawin nito. Biglang umangat ang paa nya mula sa lupa. Pabiglang iniyakap nito ang mga braso nito sa legs na bahagi nya saka iniangat sya ng bahagya sa lupa.
“Kiefer---“ saway nya dito. Marami kasing mga estudyante ang nakatingin sa kanila.
“Thank you baby—hindi mo talaga ito pagsisihan.” Basang- basa nya ang kasiyahan sa mga mata nito. At hindi nya maintindihan kung bakit sobrang saya din nya.
Mabuti nalang at binitawan din sya nito. Ngayon naman nagkatinginan sila nito. Nakaangat ang mukha nya dito, habang nakayuko naman ito sa kanya. Napalunok yata sya ng unting-unti inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Mukha kasing hahalikan sya nito. Hindi sya makakilos, walang iba ang nasa kanyang isip nsa mga sandaling ito kundi sila lang dalawa ni Kiefer.
“Bro—nasa loob pa kayo ng campus.”
Natigil si Kiefer bigla ng narinig ang nagsasalita na yon. Isang dangkal na sana ang pagitan ng mga mukha nilang dalawa.
Sabay silang napatingin sa kung saan ang nagsasalita na yon. Sumalubong sa paningin nilang dalawa, si Gavin kasama nito ang kambal na Zalmeda na sina Aaron at Adrian, at ang dalawang pinsan nito na gradwet na, sa pagkakaalam nya Chace at Liam ang pangalan ng mga ito. Lukong- luko pang nakatawa ang mga ito.
“Kahit kailan talaga—distorbo kayo.” Inis-inisan na sabi ni Kiefer sa mga ito. “Maghanap nga kayo ng inyo. Hindi yong dinidistorbo nyo ako.”
Itinago nya ang hiyang nadarama. Bakit ba hindi nya naisip na nasa paaralan pa pala sila. Hinawakan ni Kiefer ang kamay nya.
“Correction Bro- nahanap ko na ang akin.” Ani ni Chace. “Baka gusto mong magpaturo kung paano maging seryoso.”
Nagtawanan na naman ang mga pinsan nito.
“Seriously, Yvanna—alam mo bang ikaw lang ang madalas bukang bibig ni Kiefer. Ipinagmalaki ka nga nya sa halos lahat.” Ani naman ni Liam.
Namumula yata ang mukha nyang napatingin kay Kiefer.
“Kay Liam ka maniwala—kasi hindi nyang marunong magsinunggaling. Ipinanganak nyang noble.” May pakidhat- kidhat pa sa kanya si Kiefer. “Noble nga, torpe naman. Hindi naman magawang manligaw sa letter A nya.” Nakatawang dagdag nito.
“Ah ganun!” bumaling si Liam sa kanya. “Yvanna—marunong talaga akong magsinunggaling paminsan- minsan.”
Sobrang lakas na naman ang tawanan ng mga pinsan nito.
“Tayo na baby—hayaan na natin ang mga baliw na yan. Inggit lang ang mga yan.” Nakangiting sabi nito sa kanya sabay hila sa kanya.
Narinig pa nya ang nakakalukong tawanan ang mga pinsan nito.
---
---
Hello guys, lahat talaga ng story ng Del Fuengo Clan ko ay nagsisimula sa high school years ng mga bida. Dedicated ko kasi ang mga kwento dito sa mga estudyante noon.
High School Life is always the best for me, hehehe....