MAE 6

987 Words
Halos mag-iisang buwan na mula ng official na naging sila ni Kiefer. At aaminin nya, naging masaya naman sya sa isang buwan na magkasama sila nito. Mas lalo pa ngang lumalim ang nadarama nya para dito. Hindi nya napaghandaan ang isang damdamin na basta nalang tumubo sa kanyang puso para sa binata. It must be love! Pero, ayaw nyang aminin iyon sa kanyang puso. Baka masaktan lang sya nito. Oo. Laging sinasabi ng binata sa kanya na gustong- gusto sya nito. Pero, hindi naman sinabi nito na mahal sya nito.Kaya, wala parin kasiguraduhan ang lahat. Nag-eenjoy lang sya na kasama ito. Kung darating ang panahon na magkakahiwalay din sila. So be it! Hindi naman siguro sya masyadong masaktan. ------ "Hey! Are you okay?” puna sa kanya ni Kiefer. Kasalukuyan silang nakaupo sa hood ng kotse nito habang pinagmamasdan nila ang magandang papalubog na araw. Nakaharap sila sa dalampasigan. These past days, pinilit nyang maging sweet parin dito, sa kabila ng natuklasan nya mga isang linggo na ang nakakalipas. Sobrang sakit para sa kanya ang kanyang natuklasan dahil nagkaroon na ng malaking puwang si Kiefer sa kanyang puso. Kung bakit naman kasi ito pa? Kung bakit naman kasi pinaglalaruan pa sya ng tadhana? Pero, kailangan nyang kalimutan ang damdamin nya dito. Kailangan nyang gawin kung ano ang nararapat. Baka mas lalo pang malulong ang puso nya dito. At baka hindi na nya sya makakaahon pa. “I’m fine!” pinilit nyang ngumiti. “Ang tahimik mo kasi..” may pagkaalala sa boses nito. “Hindi kasi ako sanay. Kasi madalas ka naman madaldal.” “Kiefer—I am just enjoying the view.” Itinago nya ang tunay na nadarama. Tinamisan nya ang kanyang ngiti. Saka nya binawi ang kanyang paningin dito. Baka mahalata pa nito ang pagkukunwari nya. Hindi na ito nagsasalita. Kaya namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hindi nya alam kung ano ang ginagawa nito. Hindi kasi sya makatingin dito. “Yvanna—“basag nito sa katahimikan. Kinakabahan sya, may kung ano kasi sa boses nito. Baka hihiwalayan na sya nito, tulad ng ginawa nito sa ibang babae nito. Hindi parin syang nag-abalang tumingin dito. Alam nyang sa kanya ito nakatingin kasi ramdam na ramdam nya ang mainit na mga titig nito. “—you’re more beautiful than the sunset.” Napalingon sya dito bigla sa sinabi nito. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig. Nagkatama pa ang kanilang mga paningin. Napalunok sya ng lihim. May kakaiba kasi syang nababasa sa mga titig nito. Hindi sya makakilos, naestatuwa sya sa mga titig nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang ikinulong bigla ng mga palad nito ang maamo nyang mukha. “You’re the most beautiful girl that I have seen, Yvanna. You’re beauty is like the sunset. No matter how many times I see it, I just can’t get over with it.” She can’t find her words sa mga pinagsasabi nito. Mukha pa naman itong seryoso. At ayaw na ayaw nya sa kaseryusuhan nito. Baka naman kasi makalimutan nya ang matagal na nyang dapat ginawa. Pero ngayon, nakaramdam sya ng panghihina. Unti- unti kasi inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. At kung mahalikan sya nito ngayon, ito pa ang unang beses na mahalikan sya nito. Oo. Ilan beses nang sinubukan nito na halikan sya. Pero, lagi nya itong napigilan. Ngunit ngayon, mukhang hindi na nya kayang pahintuin ito sa plano nito. Nanghihina kasi sya at hindi nya alam kung paano makareact ng tama. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyang sinakop ng labi nito ang kanyang labi. Malumanay lang ang halik nito, tila linamnam ang tamis ng kanyang labi. Para syang idinuduyan sa alipaap dahil sa masarap na halik nito. Tuluyan na nyang nakalimutan lahat ng agam- agam sa kanyang isip At nagpadala sya sa bugso ng kanyang damdamin. Naipikit pa nya ang mata nya. Hindi nya alam kung paano tuluyan naipasok nito ang dila nito sa bibig nya. Dahilan kaya hindi na nya napigilan ang kanyang sarili, napasunod ang labi nya sa galaw ng labi nito. This is her 1st kiss and she don’t know, kung paano sya napasunod sa galaw nito. Napaungol yata ito sa ginawa nyang pagtugon sa halik nito. Niyakap sya nito ng buong higpit. Mas lumalim pa ang halikan nilang dalawa. Naramdam nalang nya ang paglapat ng kanyang likod sa front cover ng kotse nito. Naisandal na pala sya nito dito. Habang bahagyang pinasadahan sya nito. Nagkatinginan sila nito matapos ang matagal nilang halikan. Bigla- bigla sya sa nangyari at hindi nya alam kung paano mag- react sa nangyari. Hindi parin nagbago ang kanilang posisyon. “I love you Yvanna” mariin na pagkakasabi nito. “Do you love me too?” Napatulala sya sa sinabi nito. Kinalma nya ang sarili. Nang tuluyan na nyang naikalma ang sarili, saka nya ito naitulak. Bahagya naman itong napalayo sa kanya. Saka sya bumangon. Lumanghap sya ng maraming hangin. Kailangan hindi sya magpatalo sa kanyang damdamin. Kailangan kung ano ang tama at nararapat lang ang gawin nya. “I don’t love you Kiefer.” Buo ang boses nya. Ipinakita nya ang katotohanan sa kanyang binitawan na mga salita. Todo pagpigil nya sa mga nagbabanta nyang luha. Nilakasan nya masyado ang kanyang loob. Ito na naman ang napatulala sa kanyang sinabi. Sinamantala naman nya ang pagkatulala nito, mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa nyang pagtalikod dito. Hindi nya pinansin ang ilang beses na pagtawag nito sa kanyang pangalan. Hindi nya ito nilingon dahil ayaw nyang makita nito ang namumula nyang mga mata. Mabuti naman at bakasyon na. Hindi na sila magkikita nito. --- --- --- Direct to the point ang mga story dito guys at para lang sa may gusto.Kung hindi nyo gusto ang mga ganitong story na parang nagbabasa lang kayo ng novel, na hindi gaanong kahaba at complicated, iwan nyo ng matiwasay ang book na to dahil katuwaan ko lang ang book na to.Again, para lang ito sa may gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD