MAE 7 Present Time

1689 Words
(This is what happened after the Prolugue. Ang Prolugue ko sa Del Fuengo Clan ay in between sa Past and the Present. Salamat.) ---- Halos isang linggo na ang nakakalipas sa pagsama- sama nya kay Kiefer. Aaminin nya sa loob ng isang linggo na yon, unting- unti naman nyang nakikita ang mga good qualities nito. Pormal naman syang pinakisamahan nito. Well—ganun din naman sya. Para lang silang magbusiness partner nito. Lulan sila ng sasakyan nito. Tinahak nila ang daan papunta sa San Bartolome. Halos apat na taon na ang nakakalipas mula ng huling punta nya dito. Nang grumadwet kasi sya sa kolehiyo, napagpasyahan na ng mga magulang nya na mag- migrate sa Canada. At doon na nga nakatira ang mga ito. Habang sya naman ay hindi sumunod sa mga ito. Somehow, mas gusto parin nyang tumira sa sariling bansa. At bakit nga ba sila nandito sa San Bartolome ngayon? Papunta kasi sila ni Kiefer sa malaking bahay ng mga ito na nasa San Bartolome, kung saan dito din ito lumaki. Binigyan sya nito ng pagkakataon para mapasok nya ang personal na buhay nito. Halos namangha yata sya ng tuluyan na silang nakapasok sa isang malaking gate. Napakalaki naman kasi ng bahay ng pamilya nito. May malaking hardin pa sa gilid na bahagi. Maaliwalas tignan ang simple ngunit halata ang karangyaan ng bahay. Kung sya ang tatanungin. She could live this house forever. Marahang ipinarada ni Kiefer ang kotse sa parking lot na bahagi. “Were here!” nakangiting sabi nito. "Maganda ang bahay ng pamilya mo!” hindi nya mapigilan ibulalas. “Do you like it?” “Of course. If only I can afford, maybe I will design my house the same.” “My tita Loraine is the designer. She is Gavin’s mother.” Bahagya itong napatingin sa kanya. “You still remember Gavin, right? ”he paused for a while. “—of course, how could you forget him?!” may kung ano sa boses nito pero hindi nya pinansin. Tumango lang sya. The truth is, she wondered how handsome Gavin now. Aaminin nya, mas una talagang nakapukaw sa kuryusidad nya si Gavin. Guapong- guapo naman kasi ito, plus factor pa ang natural na salubong na kilay nito at ang suplado na awra nito. Agad na silang lumabas mula sa kotse nito. Tinahak na nila ang daan papasok sa bungad ng bahay. May isang matandang babae ang sumalubong sa kanila ni Kiefer. Ang lapad ng ngiti nito. Halata ang kasiyahan nito nang nakita si Kiefer. “Granny—you’re still as beautiful as ever.” Nakangiting sabi ni Kiefer dito. Sabay na nagyakapan ang dalawa. “Kiefer—I miss you apo.” Ani naman nito. Saka naman nagbitawan ang mga ito. Nakangiting napabaling sa kanya ang matanda. “At sino naman itong napakagandang babae na kasama mo?” “Granny—by the way, this is Yvanna. Kaibigan ko.” pakilala ni Kiefer dito. “Yvanna—this is my lola Milagros, aunt sya ng mommy ko at sya narin ang naging yaya ko at the same time.” Nakipagkamayan sya dito. Nakangiti naman ang granny nito habang tinanggap ang pakikipagkamay nya. “Hi po!” nakangiting bati nya dito. “Kiefer—hindi ko alam na torpe ka na pala ngayon.” may panunukso ang boses nito. “At paano naman naging kaibigan mo lang ang isang magandang babae na katulad ni Yvanna.” Hindi nya mapigilan ang mag- init ng pisngi sa narinig. Itinago nya ang hiya na napatingin kay Kiefer. Nakatingin pa naman ito sa kanya. “She is soon to be married, granny.” Kaswal na sagot ni Kiefer. Lihim syang napalunok sa sinabi nito. Hindi naman kasi totoo iyon. Nagsinunggaling lang sya. At ewan nya kung bakit parang gusto na nyang bawiin ang kasinunggalingan ginawa nya. Napatingin ang matanda sa kanya. “Ganun? Sayang naman.” Pumasok na sila sa malaking bahay. Inakbayan pa ni Kiefer ang granny nito. Maya’t- maya lang, nagpaalam na ang granny nito. Tutulong daw ito sa paghahanda ng meryenda nila. “Mom and Dad!” open arms si Kiefer habang bumati sa parents nito. Nasa malaking library sila ng bahay. “Son—buti naman at bumisita ka. At sino itong magandang kasama mo?” ani ng daddy nito ng lumapit sa anak. Nakangiting nakasunod dito ang magandang asawa nito. “Sa wakas may ipinakilala ka narin sa aming babae. Is this means na mag-aasawa kana?” may panunukso ang tingin na iniukol ng mommy nito. Mas lalong nag- init ang kanyang pisngi. “Mom..” hiyang- hiya si Kiefer na napatingin sa kanya. Nagkatama ang kanilang mga paningin. Napansin nya ang paglanghap ng hangin ni Kiefer saka ito nakabawi. “Mom, Dad—this is Yvanna, at maling- mali ang iniisip ninyo. We’re just doing business here. Malapit na po syang ikasal.” Ani ni Kiefer. “Yvanna—my parents.” Kinalma nya ang sarili. Saka sya ngumiti sa mga magulang ni Kiefer. “Hello po Maam and Sir!” Ang lapad ng ngiti ng daddy nito sa kanya. Habang nakipag- beso beso naman ang mommy nito sa kanya. “Don’t call me Maam ija, just call me tita..” nakangiting sabi ng mommy nito. “Sayang naman- akala ko pa naman mag-aasawa na ang anak ko. Selos na selos lang talaga ako sa pinsan nito na may anak na.” ani nito na mukhang pinariringgan si Kiefer. Napangiti lang ang daddy nito. “Mom—nandyan na naman kayo.” Ani ni Kiefer na nagpasiuna ng naupo sa sofa na naroon. Sumunod naman ang daddy nito. Habang sya naman ay inakay pa ng mommy nito. “You can’t blame me—you’re already 27 years old and yet, wala ka parin ipinakilala sa amin ng daddy mo na girlfriend mo, samantalang, hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang pagiging playboy mo.” mahabang sabi ng mommy nito. Saka sila sabay na umupo ng mommy nito. Magkatabi sila ng mommy nito. Habang magkatabi naman sina Kiefer at ang daddy nito. “I’m still young mom—“ reklamo ni Kiefer.”Wala pa sa plano ko ang mag-aasawa, hindi ko pa nahanap ang babaeng dadalhin ko sa altar.” Hindi nya alam kung bakit may kung anong tumusok sa kanyang puso sa sinabi nito. Nakatingin pa naman ito sa kanya. Hinawakan ng mommy nito ang kanyang kamay. Saka ito bumaling sa kanya. Nabawi ng mommy nito ang kanyang paningin. “Yvanna ija—sayang naman at ikakasal kana. He must be a very lucky man.” Nakangiting sabi nito sa kanya. Ngiti lang ang isinagot nya dito. “A very lucky man.” Ani ni Kiefer dahilan para mabawi na naman nito ang kanyang paningin. At hindi nya alam kung anong damdamin ang nababasa nya mula sa mga mata nito. Marami pa silang napag- usapan ng mga magulang nito. Madali lang silang nakapalagayan ng loob ng mommy nito. Malapad naman ang ngiti ng daddy nito sa kanya. Pero, tahimik lang ito. “Pasensya kana sa mommy ko. Matagal na kasi nya akong kinukulit tungkol sa pag-aasawa.” Tila nahihiyang sabi pa sa kanya ni Kiefer nang sila nalang dalawa. Kasalukuyan silang naglalakad nito sa malaking hardin ng pamilya. May ipapakita daw ito sa kanya. “It’s okay. I understand.” Kaswal na sabi nya dito. Kanina, muntikan ng nyang nasabi sa mommy nito na hindi talaga sya ikakasal. At mula ng naghiwalay sila ng anak nito, kailanman hindi na sya nagkaroon ng boyfriend. Pero, wala naman itong alam sa naging past nilang dalawa ni Kiefer. Huminto sila sa isang parang himlayan, meron kasing isang maliit na marble urb. Napapalibutan ito ng mga white roses. “In the loving memory of Dean Lester Del Fuengo and Dimn Lester Del Fuengo.” I never got to hear you cry I never saw your beautiful eyes I never touched your soft skin I never saw your feet kick But you are my angel and you will forever be missed. “Ano ito?” may pagtatakang tanong nya. Pagkatapos nyang basahin ang nakasulat. “Nang nagkabalikan ang parents ko, inilipat nila dito ang himlayan ng dalawang kuya ko.” sagot nito na hindi nakatingin sa kanya. Hindi nya alam kung paano magreact. Mukhang mahal na mahal nito ang dalawang kapatid nito na hindi man lamang nakilala nito. “What happened to them?” hindi nya mapigilan mapatanong. “Long story--- ang mas mahalaga, lahat ng taong naging involve ay nagkapatawaran na at nagsimula muli. Hindi kasi madali ang pinagdaanan ng parents ko noon. Dalawang beses nga silang ikinasal. The 1st one, 18 years old ang mommy ko, then nagkahiwalay sila ng daddy ko. After 6 years, nagkita sila muli, nagkapatawaran, din sila nga ang nagkatuluyan. “Mahabang paliwanag nito. “Medyo nagkaroon kasi ng kumplikasyon si mama nung ipinanganak nya ang mga kuya ko. Kaya para narin masasabing miracle baby ako. Kaya hindi na ako nagkaroon ng kapatid.” Napansin nya ang paglanghap ng hangin nito. Hindi nya alam kung anong damdamin ang bumalot sa kanyang puso. Hindi pa naman sya masyadong madrama pagdating sa pamilya. Oo nga’t, ampon lang sya pero naging maganda naman ang buhay nya kasama ang adopted parents nya. “Nabago ang buhay ko when Alexa came to my life—she is anyway my adopted sister.” Nakangiti itong napatingin sa kanya. “Anak sya ng anak ni granny Milagros ko. Dahil sa kanya nasubukan kong maging kuya. Yon may pinuprotektahan ka---by the way, si Alexa talaga ang chef sa amin dalawa at ako lang naman ang nagmamanage sa business. It is so nice to have a sibling na maging katulong mo sa lahos lahat.” Marami pa silang napag-usapan nito tungkol sa pamilya nito. Talagang binuksan nito sa kanya ang personal life nito. Hindi ito sumasagot sa mga gusto nyang itanong dito. Bagkus binigyan sa nito ng pagkakataon na magsulat ayon sa mga nalalaman nya tungkol dito. Somehow, nang nalalaman nya ang ilan sa personal life nito. Ibang Kiefer ang nakikita, hindi yon Kiefer na may reputasyng bilang heart breaker kundi yon Kiefer na mapagmahal sa halos lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD