MAE 8

1609 Words
Hi, hindi pa na-reveal ang totoong dahilan kung bakit hinihiwalayan ni Yvanna si Kiefer, later pa....Anyway, 16 stories na ang ma- update sa book na ito, hindi na 15. Salamat sa mga readers dito. - - "Akala ko ba hindi ka chef—pero bakit ka magluluto ngayon?” nakangiting tanong ni Yvanna kay Kiefer. Kasalukuyan itong naghahanda ng mga gagamitin nito para sa pagluluto. Nasa loob sila ng condo unit nito. Hindi nya alam kung bakit sumama pa sya dito. Nakasuot pa ito ng efron. At ang guapo nito tignan sa suot nito. Pinigilan nya ang sarili na tuluyan maakit sa alindog nito. Halos tatlong linggo na nya itong kasa-kasama. At aaminin nya, sa loob ng tatlong linggo na yon ay ang hindi nya mapigilan kasiyahan. Isang kasiyahan na kailanman hindi nya nararanasan. Pero, pamilyar naman sa kanya ang kasiyahan nadarama. Naranasan na kasi nya ito sa maikling panahon na nakasama nya si Kiefer noon. “Nag-aaral din ako sa pagluluto para naman may knowledge din ako sa negosyo namin.” Kaswal na pagkakasabi nito habang bising- bisi ito sa ginagawang paghihiwa ng mga kakailanganin nito. “At may talent din ako sa pagluluto. Pareho kasing magaling magluto ang magulang ko.” Napatingin lang sya sa paghihiwa nito. Napakabilis ng kamay nito at sya ang natatakot para dito. “H-Hindi kaba natatakot na masugatan?” hindi nya napigilan sambitin. “Hindi naman.” Sagot nito sabay bukas nito sa stove. “Sanay na ako.” sandali itong napalingon sa kanya. “How about you Yvanna? Do you know how to cook?” Napalunok sya sa tanong nito. Nahihiya kasi syang sumagot. “Kiefer—nakakahiya man, pero hindi talaga ako marunong magluto.” Totoong sagot nya dito. Ni minsan sa buhay nya, hindi nya naisip na magluluto sya. Mahina itong napatawa sa kanyang sinabi. “In that case—dapat mag-aasawa ka ng magaling sa kusina.” Lihim syang napatitig dito dahil sa sinabi nito. Buti nalang busy ito sa ginagawa nito kaya hindi nito nahuli ang ginawa nyang pagtitig. “Ah oo.” Tanging nasabi nya. “So, you mean to say na yong fiancée mo ay magaling magluto?” napatanong ito. “Yah! He is also a chef.” dagdag sa kasinunggalingan nya. Nakangiti itong napasulyap sa kanya ng sandali lang. “Mabuti naman—so saan sya ngayon nagta-trabaho? Mabuti naman at hindi sya nagseselos habang magkasama tayo.” Sinimulan na nito ang pagluluto nito. “Nasa ibang bansa sya. Sa korea.” Hindi nya alam kung paano nya nagawa ang gumawa ng kwento. Siguro dahil writer sya. “At saka, alam naman nyang trabaho ko ang ginagawa ko.” Itinodo na nya ang kasinunggalingan nya. Tutal, nasimulan na nya. Lubos- lubusin na nya. Papatapos na ang isang buwan at hindi na naman sila magkikita nito. Natakam sya ng naamoy nya ang iniluto nito. Napakabango kasi nito. “That’s good!” ani nito habang nagpapatuloy ito sa ginagawa nito. “Ang bango ng niluto mo ha!” hindi nya napigilan bulalas. “Thank you! Hindi lang ito mabango, masarap lang ito. Pag matikman mo ito baka makalimutan mo ang boyfriend mo.” makahulugan na sabi nito. Napanganga sya sa sinabi nito. Sandali itong napalingon sa kanya. Nahuli tuloy sya nito. Napansin nya ang pangiti- ngiti nito. Kinalma nya ang sarili. Bakit ba affected sya sa sinabi nito? “I’m just kidding!” natatawang sabi nito. “Alam ko naman na mahal mo ang boyfriend mo, hindi mo naman siguro sya makakalimutan dahil sa luto ko.” Parang may sarcasm sa tono ng boses nito pero hindi na nya binigyan pansin, baka guni- guni lang nya. “Oo naman. “pinilit nyang tumawa para hindi nito mahuli ang hindi nya maintindihan damdamin ngayon. “I guess mahilig ka sa mga maanghang.” Ani nito na nagpakunot- noo sa kanya. “Siguro—ang madalas na lutuin ng boyfriend mo ay ang mga maanghang kasi sa korea nga sya na chef.” Napalunok na naman sya. Muntikan na syang nakalimot. “Oo. Mahilig nga ako sa mga maanghang.” Pagsisinunggaling nya kasi kahinaan talaga nya ang mga pagkain na maanghang. “That’s good—dahil ang susunod kong lulutuin ay spicy tuna with crubs.” Napalunok nalang sya sa kana sa sinambit nito. Inilagay nito sa isang lagayan ang katatapos lang nitong iniluto na tila vegetable ang mga main ingredients. Saka nagsimula na naman ito sa susunod nitong lulutuin. Naghihiwa na naman ito ng mga kakailanganin. Sunod na sunod ang pagkalma nya sa sarili. Gusto nyang pahintuin ito sa ginagawa nito at aminin dito na hindi talaga sya mahilig sa mga maanghang na pagkain. Pero, parang naipit ang dila nya at walang lumalabas na salita mula sa kanyang bibig. “Pag matitikmam mo itong spicy tuna with crubs ko—makakalimutan mo ang pangalan ng boyfriend mo.” may halong pagmamalaki ang boses nito. “Ha?”tanging nasambit nya. Sandali itong napalingon sa kanya. “What is his name?” tanong nito, habang busy sa ginagawa. “What name?” nagwawala na talaga ang kanyang isip. Bakit ba sya nakaramdam ng ganito ngayon. Hindi naman sya inaakit no Kiefer na tulad noon. “Your boyfriend’s name.” matipid na sagot nito. “Ano---“ Oh God! Natameme na yata ako. Ano ba ang pwedeng ipangalan ko sa imaginary boyfriend ko. Yong parang sosyal naman na pangalan. Kasalukuyan pa syang nag-iisip kung ano ang pwedeng ipangalan nya sa imaginary boyfriend nya nang nagsalita na naman ito. “Hindi mo pa nga natikman itong luto ko—nakalimutan mo na ang pangalan ng boyfriend mo. Paano nalang kaya kung natikman mo na ito.” kumurba ang kakaibang ngiti sa labi nito. Gosh! Kailangan nyang panindigan ang kasinunggalingan nya. “Lorenzo- Lorenzo ang pangalan ng FIANCEE ko.” idiniin nya ang salitang fiancée, para maalala nito na malapit na syang ikasal. “Nice name—bagay sa pangalan mo.” huling sinabi nito at hindi na ito nagsasalita. Nasa ginagawa na nito ang pokus nito. ------ Halos gusto na yata nyang maiyak sa kinakain. Pero, pinigilan nya ang sarili. Bakit ba naman kasi nasabi nya kay Kiefer na mahilig sya sa mga spicy na mga pagkain. Kaya ngayon, hindi nya na-enjoy ang mga niluluto nito. Kahit pa sabihin, masarap naman talaga itong magluto. Tatlong putahe ang iniluto nito at dalawa doon ay spicy. Magkaharap silang naupo nito. “ What can you say? Diba—masarap?!” nakangiting tanong pa nito. “O-Oo.” Parang hindi na nya kayang magsalita. Para kasing nasusunog na ang dila nya sa sobrang anghang ng kinakain nya. “You change a bit Yvanna. I remembered before—ayaw mo sa mga pagkain maanghang.” Kaswal lang ang boses nito pero nakatitig sa kanya. Pinigilan nya ang mabilaukan sa sinabi nito. Oo nga naman pala. Alam pala nito ang bagay na ito. Bakit pa sya nagsinunggaling kanina? Pwede naman nyang sabihin dito na hindi sya ipinagluluto ng mga spicy na pagkain ng boyfriend nya. Pero kailangan na nyang panindigan lahat ng kasinunggalingan nya, hindi lang mahalata nito na gumagawa lang sya ng kwento. Pasimple syang uminom ng natural orange juice para maibsan ang anghang na nadarama nya. “It’s because of Lorenzo—nakahiligan ko na kasi ang mga hilig nya.” pinilit nyang ngumiti. Sandali itong napatitig sa kanya. “You must love him very much—ang sarap mo palang magmahal.” Mukhang galing lang sa ilong na pagkakasabi nito. Sandali yata nyang nakalimutan ang anghang sa mga kinakain, dahil napanganga na naman sya sa sinabi nito. Binawi agad nito ang paningin mula sa kanya. Bakit pa parang nakaramdam sya ng kakaiba dito? “Of course—I love him.” Nagawa nyang sambitin. Hindi na ito nagsalita pa..... Maya’t- maya lang… “Are you okay?” mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pagbibigay nito sa kanya ng tubig. Bigla kasi syang napaubo dahil may nakain yata sya na isang napakaanghang na hindi nya alam. Agad naman nyang tinanggap ang ibinigay nito. Tumayo ito saka lumapit sa kanya. Napapitlag sya ng hinagod nito ang likod nya. Nakaramdam kasi sya ng kakaiba sa pagdantay ng kamay nito sa kanyang likod. Ang init ng kamay nito ay tila nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanya. “I’m fine.” Tanging naisambit nya. Kahit sa totoo lang, hindi talaga sya okay. Ang anghang na nga ng pakiramdam nya, nagwawala pa ang kanyang puso, pati yata utak nya ay hindi na matino mag- isip. Pagkatapos nilang kumain ay agad nilang iniligpit ang pinagkainan nila. Nagpresenta syang tumulong. Hindi naman sya pinigilan nito. “Are you okay?” tanong na naman nito sa kanya. Hindi kasi nya napaghandaan ang mangyayari. Nabitawan nya bigla ang isang baso at saktong nabasag iyon sa sahig. Sa totoo lang, nagsimula ng sumama ang kanyang pakiramdam. Kahinaan talaga nya ng mga pagkain maanghang. Para kasi syang lalagnatin pag makakain sya ng mga ganito. “I’m fine.” Sagot nya. “I’m sorry.” Saka sya napa- head sitting dahil plano nyang iligpit ang mga nabasag nya. “Don’t touch that one.” Pigil ni Kiefer sa kanya. Huli na dahil ngayon, nasugatan na ang isang daliri nya.Medyo naging blurred na kasi ang kanyang paningin. Nag-alala ang mukha ni Kiefer habang lumalapit sa kanya. At pumantay ito sa kanyang pagkakaupo. “Sinabing----- Yvanna, are you okay?” hinawakan nito ang magkabilang braso nya. Parang nanghihina na sya, idagdag pa ang dugong lumalabas mula sa kanyang daliri. Medyo may phobia pa naman sya sa dugo. Kaya hindi na nya napigilan ang sarili. Ang huling naalala nya ay ang pagbagsak nya sa matitipunong bisig ni Kiefer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD