Iginiya ni Yvanna ang mga mata sa buong paligid. Ang namulatan nya kasing lugar ay hindi pamilyar sa kanya. Akmang babangon na sya mula sa kamang hinihingaan nya nang biglang bumukas ang pinto. At iniluwa mula doon si Kiefer.
“I’m glad you’re awake.” Nakangiting sabi nito.
Napakunot- noo sya. Pilit nyang inalala ang nangyari.
“Bigla ka nalang nawalan ng malay.” Ani nito saka sya tinulungan nito para tuluyan makabangon. Ngayon nakasandal sya sa backrest ng kama. “Buti nalang, isang doctor ang may-ari ng katabing unit ko. Hindi sya sure—kasi isa naman syang pedia. Mas mabuti daw na magpatingin ka sa isang obgyne, baka buntis ka raw.” Kaswal na pagkasabi nito, na ngayon nakaupo sa gilid ng kama na paharap sa kanya. Napanganga sya sa sinabi nito.
Anong buntis- buntis ang sinasabi nito?
OMG! Paano ako mabubuntis? Wala naman akong asawa o kahit boyfriend man lamang. Virgin pa kaya ako.
Sunod-sunod ang kanyang paglunok.
“Buntis?”
Tumango ito. Seryosong- seryoso ang mukha nito.
“Congratulation sa inyong dalawa ni Lorenzo kung buntis ka nga."
Pinilit parin nya ngumiti kahit malayo naman sa katotohanan ang sinabi nito.
“Salamat nga pala.” Mas mabuti pang sabihin nya dito. “I guess—kailangan ko ng umuwi.”
Akmang tatayo na sya pero pinigilan muna sya nito.
“Are you sure na kaya mo na?” nag- alalang tanong nito.
“I’m fine Kiefer!” nilaparan nya ang ngiti. “So paano—aalis na talaga ako.” tatayo na sana sya.
“Let me help you.” Ani nito at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pag-alalay nito sa kanya. Ikinawit nito ang isang braso nito sa kanyang baywang, habang nakahawak naman sa kamay nya na isang kamay nito.
Tila sya nakukuryente sa simpleng pagdantay ng balat nito sa kanyang balat.Nakaramdam sya ng panghihina sa posisyon nila. Kaya sunod- sunod tuloy ang pagkalma nya sa sarili. Wala sa loob na napaangat sya na mukha nito. Nagkatama tuloy ang kanilang paningin. Sa kanya naman kasi ito nakatingin.
Napansin nya ang paglanghap nito ng hangin.
“Yvanna—alam mo ba kung ano sana ang gusto kong gawin ngayon?”
“A-Ano Kiefer?” hindi nya mapigilan itanong.
Bumugtong- hininga ito. Lumatay ang tila panghihinayang sa mga mata nito.
“I wanted to kiss you.” Sagot nito na bahagyang nagpalaki ng kanyang mga mata. “Kaya lang hindi na pwede kasi malapit kanang ikasal. Nirespeto kita o kahit sino paman mga babae."
Agad naman syang binitawan nito nang tuluyan na syang nakatayo. Binawi nito ang paningin mula sa kanya. Kaya hindi napansin nito ang mapait na pagtitig nya dito.
Hindi nya alam kung bakit may sumilay na panghihinayang sa puso nya at hindi sya hinalikan nito. Lihim syang napailing sa ulo. Hindi pwede itong nadarama nya.
She won’t fall inlove with him again. Hindi dapat. Hinding- hindi talaga dapat.
“Thank you!” tanging nasabi nya kay Kiefer nang tuluyan na syang naihatid nito sa apartment na tinutuluyan nya.
Ayaw sana nyang pumayag na ihatid nito kaya lang nagpumilit ito sa kanya kanina. At dahil sa nakulitan na sya dito, kaya napapayag sya nito.
“No problem. Basta ikaw!”
Kumurba ang ngiti sa labi nito. Kaya sinuklian din nya ang ngiti nito.
“So paano—aalis na ako.” paalam nya dito at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse na nasa bungad nya ng---
“Wait!” pigil nito sa kanya.
Napalingon sya dito. Muntikan na tuloy nalapat ang labi nya sa labi nito. Kasi ang lapit naman pala ng mukha nito sa kanya.
Nagkatinginan na naman sila nito. Naramdaman nya ang paglanghap ng hangin nito. Habang sya naman ay lihim na napalunok. Hindi na yata tama ang pagtibok ng kanyang puso.
Kinalma nya ang sarili. Saka nya bahagyang inilayo ang mukha mula dito.
“Ano?” tanong nya. Sobrang pagtatago nya sa nerbiyos na nadarama.
“Ihahatid na kita sa loob. Please—don’t think anything, I just want to make sure that you already safe. Baka mapaano ka na naman."
Lumanghap muna sya ng hangin saka nya napagpasyahan na pagbigyan nalang ito. Alam naman nyang pipilitin din naman sya nito.
“Hindi na ako magtatagal—“ nakangiting paalam nito ng tuluyang na syang nakapasok sa loob ng kanyang apartment.
Bahagya muna nya itong nilingon.
“Okay. Salamat.” Ngumiti muna sya pero nawala din naman iyon. Bigla na naman kasing nagblurred ang kanyang paningin.
Ano ba itong nangyari sa kanya? Hindi naman sya ganito.
“Hey!” maagap na nahawakan nito ang magkabilang braso nya. “Are you okay?” may pagkaalala ang boses nito.
Pinilit nyang hindi manghina. Pero, hindi talaga maganda ang pakiramdam nya.
“I-I’m just fine.Pwede mo na akong iwan."
“C’mon Yvanna—I know your not!” he paused. “Please, let me help you!” may pagsusumamo sa boses nito.
“O-Okay.”
Hindi na sya nagreklamo. Mukhang kailangang- kailangan talaga nya ang tulong nito ngayon. Para kasing wala na syang lakas, at kahit anong sandali, baka tuluyan na syang matumba.
“T-Tulungan mo nalang akong makapasok sa loob ng aking kwarto.”
Hindi nya napaghandaan ang susunod na ginawa nito. Pabigla syang pinangko nito. Pero, hindi na nya pinansin ang kahit anong damdamin meron sya. Dahil ang pokus na ay nasa hindi nya maintindihan na nangyayari sa kanya. Hindi talaga maganda ang pakiramdam nya.
Marahang syang ibinaba nito sa kama nya. Saka tinulungan sya nito para maiayos ang kanyang sarili sa pagkakahiga. Mabuti nalang bahagyang nawala na ang pagkahilo nya. At untinh- unti na nyang nabawi ang lakas.
“Salamat Kiefer—you can go now. Okay na ako.”
“Are you sure?”
Paniniguro na naman nito.
Tumango sya. Saka nginitian ito, para maipakita dito na okay lang talaga sya.
“I think I just need a rest.”
“Okay.” ngumiti din ito. “But if you need my help—I am just a ring away.”
“Okay.”
Mas pinili nyang sabihin dito. Pero, wala naman syang plano na disturbuhin ito pag may mangyari na naman sa kanya. She knew that she can handle herself very well.
Akmang lalabas na ito pero napatigil ito ng may napako ito ng tingin.
Kunot- noo syang nasundan kung ano ang tinitignan nito. Sa tingin nya, namutla sya ngayon.
Nakatingin kasi ito sa magkatabing dalawang malaki na teddybear. Kulay pink at blue. Ang teddybear kasing ito ay bigay nito noon. Yvanna at Kiefer nga ang ipinangalan nito.
Sunod- sunod ang paglanghap nya ng hangin. Pinilit nyang maging kaswal ang mukha na napatingin dito.
“I better leave!” sabi nito, saka nito binawi ang paningin sa tinitignan nito.
Hindi nya maintindihan ang emosyon na nasa mga mata nito.
Tumango lang sya.
Nang tuluyan na itong nakalabas mula sa kwarto nya. Hindi nya alam kung bakit hindi nya napigilan ang paglaglagan ng kanyang luha. Minahal naman talaga nya si Kiefer noon. At baka ngayon, may nadarama parin sya dito. Pero, hindi pwede, kailangang nyang iwasan ito. Hindi sila pwede nito.
Marahang nyang naipikit ang mga mata. May bumalik tuloy na ilang bahagi sa kanyang nakaraan.